"SO, tell me why you are acting like that."
"She's weird now, and I can bear to stay with her now. Do you want to know what she told me?"
Hindi niya pa rin maintindihan kung bakit ganoon ang in-akto ng kapatid. "What did she tell you?"
"Sinabi niya ang tungkol kay Mommy at Daddy, nabanggit niya rin si Uncle Gabriel at Jacinto, ikaw, na wala raw kapatid at irog—iw—mo raw si Stefania."
Jacinto immediately shook his head. Hindi na siya magugulat tungkol kay Jacinto at Stefania. Palagi rin naman binabanggit sa kaniya ng Lola Benilda ang dalawang 'yon.
"Bakit daw?"
Malayo ang tingin ni Tala sa kaniya. Kanina niya rin napapansin ang hindi pagiging komportable nito. He was also stunned earlier when she said the 'please' word in Tagalog. Matagal niya na rin na hindi naririnig ang salitang 'yon mula sa kaniya!
Inakala pa nga talaga ni Jacinto na wala iyon sa bokabularyo ng dalaga.
"Tsk. Basta she gave me that," saad niya't may tinuro sa dashboard ng sasakyan. Kanina niya pa rin naman napapansin ang maliit na kahon na 'yon. "It really creeps me out."
"Anong laman niyan?"
"Find it out by yourself. Geez. Sabi niya raw ikaw ang nagbigay niyan kay Stefania raw."
Binigay niya kay Stefania? What the heck?! He doesn't even know who Stefania is!
Ngayon lang talaga na matanda na talaga ang Lola niya't marami na siyang sinasabi. Natahimik na lang din silang dalawa hanggang sa makauwi sila. Nang iparada niya ang sasakyan ay padabog at nagmamadali pa siyang lumabas ng kotse. Ayon, sa kuwarto na naman, malamang at magkukulong. Napatingin na lang si Jacinto sa kahon na sinasabi ni Tala kanina. Kinuha niya na lang 'yon at dinala sa kaniyang silid.
ASTONISHMENT filled her eyes when Khrist suddenly called her. Ano na naman ngayon?
They should not even need to talk!
"What?"
"You already have an idea that I am courting Tala."
Kumunot ang noo ni Yella. Isa lang naman ang ibig nitong sabihin. Sinabi ni Allen na lumapit siya sa kaniya upang magtanong.
"Yeah. Because you love her. Good luck." Pinilit na lang ni Yella na ngumiti at saka niya siya tinalikuran. She missed his voices. She'll admit it.
"It's not true." Natigilan si Mariella nang sabihin ‘yon ng dating nobyo.
Nilingon niya siyang muli. Kilala ni Mariella si Khrist, at sa itsura nito ngayon ay parang may sekreto nga siyang tinatago. What is it?
Ang alin ang hindi totoo?
“What is not true that you are talking about, Khrist?”
“Yella, look, I don’t want you to tell this to anybody.”
Humakbang papalapit sa kaniya si Khrist, napaatras na lang ang dalaga. “You know, if that doesn’t have to do with me. You don’t have to tell me that, okay? Tandaan mo na hindi na tayo, hindi rin tayo magkaibigan, Khrist. Sana alam mo pa,” mahinahon lang na sagot ni Tala.
Ngunit malakas din ang impact sa kaniya no’n.
Ayaw niya lamang talagang bumigay kay Khrist. She’s now fine without him even though it’s really hard.
“I still love you, Mariella. Kahit na taon na rin–”
“Stop. Kung mahal mo ako hindi tayo aabot sa ganito, okay? Plus. I am not interested anymore so please, stop approaching me. I would never want to accept you in my life again,” sabi lang ni Yella at saka niya iniwan doon si Khrist.
She’s now moving on. Makakayanan niya talaga. She wanted to delete all of her memories with him. Pagdating niya sa klase niya’y nagulat pa siya nang makita niya si Jacinto na prenteng nakaupo sa puwesto ni Tala Maria. Na katabi niya. Nagbabasa ng kung anuman na libro.
“What the f**k…” bulong na lang ni Yella. Nanlaki pa nang bahagya ang mga mata niya pero hindi naman na niya pinahalata. Kunwari rin ay wala siyang pakialam. Wala pa ang professor nila ngunit naroon na rin ang ibang estudyante.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Yella kay Jacinto nang hindi ‘to tinatapunan ng tingin. Naupo na siya sa may tabi ng binata at doon niya lang napansin na fiction ‘yon at mukhang romance ang genre!
“I am waiting for Tala. Shut your mouth.”
Napatikom na lang ang kaniyang bibig. Bakit niya pa hinihintay si Tala? Hindi ba’t nasa iisang bahay lang naman sila?
Tumahimik na lang siya katulad ng sabi nito. Naglabas na lang din siya ng notes para mag-review ng mga pinag-aralan nila kahapon. Bigla na namang nagsalita si Jacinto pagkalipas lang ng ilang minuto, hindi pa nga niya nare-review ang dalawang pahina.
“This is a romance fiction book. Iyong mga karakter ay may intimate connection. Some of the reviews that I heard online is this book is nakakakilig. They keep giving this a five-star review. But for me, this is not nakakakilig. I won’t grin at this. Tsk.”
Dahan-dahang napatingin si Yella kay Jacinto. “What the?!”
He closed the book, and their eyes met. “You shut up,” walang emosyon lang na sabi nito.
“No,” Yella said. “Alam mo, may kaniya-kaniya naman tayong taste. At marami naman talagang napapatili sa kilig. Duh, I won’t shut my mouth, okay?”
“I bought this book, and I don’t like it. Nagsisisi ako.”
“Sino ba kasi sa iyo ang nagsabi na bumili ng libro?”
“Out of curiosity,” Jacinto said before shrugging. Natawa na lang si Mariella. Dahil ba ‘to sa sinabi niya noon sa library? Gosh! This idea is unbelievable. “What’s funny?”
“Nothing. If you don’t like the book, give it to me or sell it to me, whatever you want.” Nawala ang inis niya kay Jacinto at hindi na siya maiiyak kakaisip ng mga nangyari kanina dahil dito.
“I will just give this to you.”
Ipinatong ni Jacinto si desk ang libro tsaka tumayo. Napatango lang si Yella.
“Akala ko hihintayin mo si Tala?”
“Mamaya na lang,” sagot niya at iniwan na siya roon. Pasimple na lang din na napangiti si Yella. Kinuha niya ang iniwan na libro ni Jacinto at saka ‘yon sinura.
Ang book cover nito ay illustrated na girl and boy na naghahalikan, and the book's title is Dancing Under The Rain by A. Maria.
“This book is unfamiliar to me,” bulong niya na lang. International author yata ‘to.
Isinama niya na lang ‘yon sa mga gamit niya hanggang sa dumating si Tala. Hindi naman na siya nagtangka na mag-open up ng conversation sa kaniya.
Nagsimula na ang klase at ilang oras lang ang lumipas ay natapos na rin ‘to. Hindi na rin naman sila nagpansinan ni Tala.
Ngunit hindi niya lang talaga naiwasang isipin ang mga sinabi ni Khrist tungkol sa hindi totoo, ngunit sigurado naman talaga siyang hindi niya naman kailangang malaman ang mga iyon.
KHRIST just wanted to be alone. He got home early, he ditched class too. Naiinis siya. Ano ba ang dapat niyang gawin kay Yella? Wala na ba talagang pag-asa na magkabalikan sila? Kasi siya? Gustong-gusto niya!
Tulala lang siya sa kisame hanggang sa makarinig siya ng sunod-sunod na katok.
“KHRIST ANDREW! OPEN THE DOOR!”
Galit na boses ng kaniyang ama ang kaniyang narinig. He heaved a deep sigh. Parang alam niya na kung ano ang problema.
“What?" tanong niya nang buksan ang pinto. Makikita talaga ang galit sa mukha nito.
"Akala mo ba hindi ko alam kung ano ang ginawa mo? You steal one-hundred thousand pesos with my money. What is that behaviour, Khrist? You have your own money. Why to steal?" he hissed.
"Papalitan ko naman 'yon. Chill."
"Chill?! Ano ba ang nangyayari sa iyo? Ibalik mo iyon ngayon! Hindi ka namin tinuruan na magnakaw kaya bakit mo 'yan nagawa?!"
Damn.
“I just thought… I would win,” sabi na lang ni Khrist.
“But you don’t always win! Make this a lesson to you, Khrist. Your Mom is the one who will talk to you about this! Sumusobra ka na!”
Iniwan na siya ng ama niya roon. Napamura na lang siya nang paulit-ulit. Hindi nga siya ang palaging panalo! Hindi niya rin naman ‘yon matanggap.
Ngunit, hindi naman talaga siya nanalo sa lahat. Lalo na sa puso ni Mariella.
He can’t even win her back. He wished that he could.
And now, he was really screwed up about Tala.
Khrist took out his phone when it suddenly rang. To his surprise, he saw Tala’s name flashing on the screen. He was hesitant to answer it, but he still did.
“You dumbass, come to the coffee shop right now, or else I will change my mind.”
Hindi na siya hinintay na makasagot nito. Tala immediately hang up the phone. Siya naman ay naguluhan. Saang coffee shop? At bakit? Yeah, right. Hindi niya pa nasasabi na ayaw niya na.
Nasagot naman kaagad ang tanong niya nang i-text ni Tala kung saang lugar ang coffee shop na iyon. Sa tingin niya’y kailangan niya rin talagang sundin ‘to.
Ito na rin siguro ang kaniyang pagkakataon upang sabihin sa kaniya na hindi na siya interesado.
And he will stop.