Part 20

3057 Words
HINDI NA MAIPINTA ang lungkot sa mukha ni Carly at bagsak balikat na lamang siyang naglakad pabalik ng kwarto niya. Dumiretso na siyang shower upang mahimasmasan. Ngunit habang dinadaluyan lang siya ng tubig sa buong katawan niya ay lutang naman ang isip niya. Wala siyang ibang naiisip kung hindi si Calvin at si Shanon. Palagay niya'y nagkabalikan na nga ang mga ito. Na baka kaya naging mabait lang si Calvin sa kanya dahil sa sapilitang kasal ngunit ng makita njya ulit ang first love niya ay hindi niya rin ito natiis kaya binalikan rin ulit. Inaakala rin niyang ikakasal na rin si Shanon ngunit tila nagpasya siguro sila na magsamang muli at baka hindi na nito ituloy ang kasal nila. Hindi ba yun naman ang gusto mo nung una Carly? Ngayon, mukhang magkakatotoo na. Hindi ba dapat mas matuwa ka pa? Matapos niyang mag-shower ay napahinto siya at tingin sa stuff toy na bigay ni Calvin na nasa kama. Natutulala siya rito at nababakas ang lungkot sa mukha niya. Napapabuntong hininga na lamang din siya dahil sobra siya ngayon nadidismaya sa sarili. Mukhang nabiktima na naman siya ng lalaking pa-fall. "Bwisit kayong mga pa-fall!" saad nito sa stuff toy na nakatapat naman sa kanya.     Day 9 of 'Escape getaway' *Tok tok! "Carls? Carly?" *Tok tok! Limang minuto ng kinakatok ni Calvin sa kwarto si Carly ngunit tila walang responde ito. Ilang minuto pa rin niya itong ginagawa at nilalakasan pa niya dahil baka tulog pa ito o di kaya'y naliligo pa. Ilang minuto pa rin ang lumipas ngunit hindi pa rin siya nito pinagbubuksan ng pinto. Bumaba na si Calvin sa receptionist upang tawagan sana ang linya sa kwarto ni Carly. "Sa room 802 po?" "Oo." "Sir -- sir wala na pong tao sa 802. Ahm... Nag-check out na po kaninang 4am." Tila nabigla si Calvin sa nalaman. Ala sais pasado na at ganitong oras sana ang usapan nila ni Carly na magbabyahe patungong El Nido, at mula roon ay sasakay ulit sila ng barko papuntang Batangas. "Are you sure? Because --" halos hindi pa rin ito makapaniwala. Tumingin ulit sa monitor ng computer niya ang receptionist. "Yes po sir. Nag-checkout na po siya. Hindi ba po't magkasama kayong nag-check in?" Hindi naman na nakasagot si Calvin at napapaisip na. Hindi niya maintindihan kung bakit umalis bigla si Carly ng hindi man lang nagsabi o nagpapaalam sa kanya? Anong dahilan nito? Pagka-checkout niya ay naglibot muna siya sa city at baka makita niya pa ito sa kung saan. Nagpunta at ikot siya sa mall pati na rin mga kinainan nila noong mga nakaraang araw. Bumalik rin siya sa Sitio kung saan una silang nag-stay. Hindi naman malaman ni Calvin kung kanino pa magtatanong dahil hindi niya maaaring sabihin ang totoo na naiwala na nga niya si Carly. Hindi na niya rin ma-contact ang number nito. "Where are you?" tila bulong niya sa sarili na labis na rin siyang nagaalala. Makalipas ng ilang oras ng paghahanap ni Calvin, tumunog naman ang phone niya at nakita niyang ina niya ito. Sinusulyapan lang niya ito habang nagda-drive tila nanlulumo siya dahil baka kapag nagtanong ito sa kanya, totoo ngang hindi niya mahanap si Carly pa. Napahinto na si Calvin sa may malapit sa seaside bay habang nakatayo malapit sa kotse. Napapatulala siya dahil nagiisip siya kung saan pa nagtungo si Carly. Hanggang sa nag-gabi na ay walang bakas ni Carly siyang nakita. Sinubukan niyang i-email ito ngunit naging invalid ang pag-send niya rito. Inaalala niya na baka kung napano na ito at paano ito makakalayo kung wala na siyang pera. Alam niyang kailangan siya ni Carly ngunit bakit ngayo'y iniwan siya nito? Sumakay na muli si Calvin ng kotse upang maghanap ng tutuluyan ng tumunog muli ang phone niya. "Mom?" (Calvs, she's back!) halos tili nito sa tuwa. "Wh -- what?" (Carly's back! She went home earlier! I was trying to call you earlier too but you're not answering.)         Hindi malaman ni Calvin kung dapat na ba siyang mapanatag dahil nakauwi na pala si Carly sa kanila, o magtaka kung bakit bigla siyang iniwan nito ng walang paalam. Gulong-gulo ang nararamdaman niya ngayon. "That -- that's good to hear." tila walang gana niyang sagot sa ina. "Now that she's finally home, you gotta get back in here too. Tuloy na tuloy na ang kasal!" halos sumigaw naman sa tuwa ang ina niya. Hindi naman makapaniwala si Calvin sa ginawang ito ni Carly. Kung sakali man ay matutuloy nga ang kasal nila. Hindi naman niya alam ang aabutan niya roon. Kaagad na nagpa-book ng flight si Calvin at nakabyahe na rin siya pabalik ng Maynila ng gabi rin iyon. Napakapagpasundo na siya sa driver nila at nagpahatid na muna siya sa condo unit niya sa Makati. Sinusubukan niyang tawagan si Carly ngunit out of coverage pa rin ito kaya hindi pa rin siya napapanatag hangga't hindi niya ito nakakausap. "Why are you not talking to me?" pagbulong pa nito habang sinusubukan pang tawagan ito ngunit hindi pa rin ito ma-contact. Kinabukasan... "Ahh! I missed you, hijo. How are you?" paglapit at yakap pa ni Amara sa anak, niyakap at hinalikan naman siya nito sa ulo. "I'm good mom, I'm good." "Thank goodness, you are both back! Akala ko talaga mapo-por nada na ang kasal! Mabuti na lang at naisipan na nitong -- nitong ni Carly umuwi!" Tumatanaw-tanaw naman ito sa paligid ng boutique, ngayon kasi nila kukunin na ang mga susuotin nilang gowns at suits. "Let's get inside and wait for them." Tila nati-tense naman si Calvin habang iniintay ang pagdating daw ng mga Villadejos. Halos hindi siya makakibo habang nakikipagkwentuhan naman ang ina niya sa ilang stuff. "Calvin, hijo!" napalingon naman siya sa tumawag sa kanya. Nakita niya ang ama niya na kararating lang. "Diego? I thought you wouldn't made it." pagbati ni Amara sa asawa. "Tinapos ko na lang ang meeting sa office." napatingin pa ito sa paligid. "Wala pa ba sina Thomas? Sabi niya susunduin niya lang sila." "Wala pa nga eh." tila pagaalala nito ngunit ng malingon sa may entrance ay tila nasabik siya. "Oh? Here they are!" Halos may kirot na kabang naramdaman si Calvin dahil sa wakas ay narito na si Carly. "Oh wow? Look at you hija?" "Good morning po, tita Amara." paglapit nito at beso. "Balae!" at nakipagbesa rin si Helena. Tila natutuod si Calvin ng makita si Carly. Nagiba ang awra nito, nagiba rin ang pustura. Hindi kagaya noon na nerdy type at medyo classic style manamit. Ngayon ay nakaayos na ang buhok at medyo bumagay ang slightly curl, naka-skirt rin ito na medyo fitted kaya litaw ang hubog ng katawan, nakasapatos rin ito ng may kaunting takong at hindi na ito naka-eye glasses! Nangingiti siya ng makita niya ito at hindi malaman ang sasabihin. "Hi po, tita." pagbati naman ni Calvin kay Helena. At sa wakas ay tinabunan na siya ng tingin ni Carly. Hindi ito makangiti o halos iwas pa rin ng tingin. Hindi niya alam kung nagpapanggap lamang ito na kunwari ay hindi pa rin sila close kaya hinayaan na lamang muna niya. Pero hindi niya talaga maalis ang tingin niya rito. "Tara na po, madam sir? Ready na po ang gown and suits niyo sa loob." saad pa ng nag-a assist sa kanila at nag sipagpasukan naman na din sila. Hinawakan ni Calvin ang pinto at pinipigilan itong sumara, pinauna na niya ang mga magulang nila at nagkasalubong pa sila ni Thomas ng tingin ngunit hindi niya mabasa ang reaksyon nito. Inabangan niya talagang makasabay si Carly na naglalakad kasunod ng parents niya ngunit tila hindi na siya tinitingnan nito. Nang makadaan ito sa harap niya ay hinawakan niya ito sa braso at napatigil naman ito. Tiningnan naman nito ang kamay niya bago siya tiningala. Nagkatinginan naman sila na kung kanina ay napakaraming tanong ang tumatakbo sa isip ni Calvin, ngayon ni hindi siya makapagsalita. Nang wala ng masambit ito ay mariing binawi muli ni Carly ang braso niya at dumiretsong pasok na. Naiwan naman si Calvin doon ng tila natutulala. HABANG nasa loob sila at nagsusukat ng mga gowns at suit, tila sina Carly at Calvin ang hindi nagiimikan. Hindi ito bago sa mga magulang nila kaya hindi na lamang sila pinansin. "Hay sayang! Bawal kasi suotin ang Traje de boda kaya tayo na lang ang magsusukat muna." saad pa ni Amara. "It's okay tita, I've seen the gown. Unang tingin ko palang, alam ko ng kasya sa akin yun." pagngiti pa ng pilit ni Carly. "At bagay na bagay sayo! Nako! Napakaganda ng gown mo!" Lumabas na sa fitting room ang mga lalaki at gayun rin si Calvin. Napatingin doon si Carly at tila napako saglit ang paningin niya ng makita ang suit na gagamitin ni Calvin sa kasal nila. Tila kinabugan siya ng dibdib at nakadama ng lungkot. Nang naabutan siya ni Calvin na nakatingin ay kaagad niyang inilayo ang paningin niya rito. Napabagsak balikat na lamang si Calvin dahil halatang iniiwasan siya nitong bigla. "He -- hello? Mommy." (Carly, anak?!) "Yes, po mom. Kamusta na po --" (Hija, nasaan ka na ba? Umuwi ka na please?) "Ahm, o-- opo mom. Uuwi -- uuwi na po ako." tila naluluha niyang sagot. (Talaga ba? Nasaan ka? Susunduin na lang kita!) "No mom, ahm -- can you unblock my accounts para makapag-book na po ako ng flight ko pabalik ng Manila?" (I'll book you a flight. Umuwi ka na, Carly please.) Makalipas ng ilang oras na pagmumu-muni at pagmumukmok niya ay napagdesisyunan na ni Carly na umuwi na sa kanila. Matapos ang natuklasan niya kay Calvin at Shanon, tingin niya wala na siguro silang dapat pagusapan pa. Iniisip na lamang niya kung papaano sasabihin sa pamilya niya na hindi na nga dapat matuloy ang kasal pa dahil hindi naman siya kayang mahalin ni Calvin. Ayaw naman niyang maging hadlang sa pagiibigan ng dalawa. Nang makaalis na si Carly sa hotel ay dumiretsong airport na siya para makalipad pabalik ng Maynila. Na-unblock na rin ang accounts niya siya na lang ang nagbayad ng hotel room niya. Habang nagiintay sa boarding niya, napapatulala na lang siya dahil hindi pa rin niya lubos maisip na kung bakit nagawa ito ni Calvin. Buong akala niya na ayos na silang dalawa ngunit hindi pa pala talaga nito nakakalimutan ang dati niyang kasintahan. Napansin ni Carly ang isang couple ng foreigner na mukhang makakasabay niya rin sa flight, sweet na sweet ito sa isa't isa. Naisip niya, sana ganito na rin sila ni Calvin ngayon. Sana paguwi nila na matutuwa ang mga parents nila na bigla nilang gusto na talaga magpakasal. Napayakap naman si Carly sa stuff toy na bigay ni Calvin. Tiningnan niya ito sabay yakap muli. "Nakakabwisit yung nagbigay sayo nito, alam mo yun? Magsama sila ng Shanon na yun. Tss." bulong na lamang niya sa sarili niya. Nang nagsimula ng magpapasok mula sa boarding area ay sinandya na lamang niyang iwan ang stuff toy dahil sa tuwing nakikita niya ito ay isa lamang ang naaalala niya. Si Calvin. Pagkadating ni Carly sa Maynila ay nabigla siya na ang ama niya mismong si Thomas ang sumundo sa kanya. "Da -- dad?" "Carly, anak!" pagyakap nito sa kanya na halatang sabik na sabik kaya niyakap na lang din niya ito. Naghiwalay sila at nagkatinginan. "Where's Calvin?" tanong kaagad ng ama sa kanya. "Calvin? What do you mean, dad?" tila nabibigla ngunit nagtataka naman si Carly sa tanong ng ama. "Hindi ba't --" tila naguguluhan rin si Thomas. "Dad? You know that I'm with Calvin?" pagbabakasaling tanong rin ni Carly sa ama. Napalihis naman ng tingin ang ama niya na hindi malaman ang isasagot. "Dad, answer me? All this time alam mong kasama ko si Calvin, ganun ba?!" Hindi pa rin ito makasagot at napapahilamos na lamang ng mukha. "Ugh?" hindi naman makapaniwala si Carly. It makes all sense to her now. Na kaya pala napakabait sa kanya ni Calvin dahil tila pinakiusapan lang ito ng ama niya. "Kaya pala.." halos nagpipigil na lamang siya ng luha niya. "For the sake of your positions in the company, halos pinaglaruan niyo ako." "It's not like that, Carly." "Then what is it like, dad?" Napapabuntong hininga na lamang si Thomas. "I begged Calvin to find you, he felt guilty because your mom suffered for nervous breakdown, he became so worried so he admitted that he finally found you but he asked me do not tell anyone about it yet." paliwanag naman nito. Nagugulumihana naman si Carly sa nalalaman. "He said, he will try to convince you to go home, but in order for you to come back, you gotta do something you really wanted to do. He said, he will help you first to make it happen." Naisip ni Carly na kaya pala nakipag-deal sa kanya si Calvin tungkol sa bagay na iyon. "Oo anak, alam kong nagsinungaling kami ni Calvin dahil ayaw din niyang malaman pa ito ni Diego. Pero huli na rin." Napatingin si Carly sa ama niya. "Aksidenteng nalaman ni Diego ito dahil sa mga kaibigan niyang sina Dion at Oscar. May kumontak daw sa kanila at tinatanong ang tungkol sa kasal ni Calvin. Nasabi ito ng dalawa at nasabihan sila na nakita pala kayo ni Calvin nun sa Palawan. Pinakilala ka niya sa kanya. " Lalong naguluhan si Carly dahil doon. Isa lang naman ang naka-encounter nila sa Palawan na nakakakilala sa kanya, si Shanon. Hindi kaya si Shanon nga ang nakapagsumbong sa kanilang dalawa? "Nang malaman ni Diego yun ay nagpadala kaagad siya ng tauhan niya upang kumpirmahin at bantayan kayo." So tama nga rin ang hinala ni Calvin na may sumusunod at nagmamanman sa kanila. Habang nasa kotse pauwi ay natutulala pa rin si Carly. Tila nagmukha siyang tanga dahil wala siyang kaalam-alam na ang pagtakas na ginawa niya ay naging kontrolado pa ng kanyang ama at ni Calvin. Hindi niya malaman kung anong gusto niyang maging reaksyon sa mga nalaman. "I'm so sorry, anak. Nagawa lang siguro ni Calvin yun dahil ayaw niyang guluhin ka pa namin. Alam niya kung gaano mo kagustong makalaya muna kaya nais ka niyang tulungan pero -- hindi naman niya akalaing matutuklasan rin ito ng ama niya." Hindi naman din niya malamang ang isasagot. "Hindi alam ng mommy mo ang tungkol sa usapan namin ni Calvin, at mas hindi rin ito alam ng parents ni Calvin." "Enough na dad, tapos na. I'm already home." "But -- but where's Calvin?" "He's with -- he's with someone he really wanted to marry." walang buhay naman nitong sagot. "What do you mean?" "I don't know dad, maybe you can ask him instead." At hindi na muling kumibo si Carly. Nang makauwi siya ay halos naiyak pa sa tuwa ang ina niya. Ngunit dahil wala na siya sa mood, dumiretso na rin siya sa kwarto niya at maghapon hindi lumalabas. Sa kabilang banda... "Calvin, son." Napatingin naman si Calvin sa likuran niya habang nakatayo sa terrace ng bahay ng mga magulang niya at may hawak na baso ng alak. Lumapit si Diego sa anak at hindi naman umiimik pa si Calvin. "You shouldn't have followed us." panimula bigla ni Calvin. "Hmm. I did what I can do to make sure you are both safe." "She's safe with me." "I know, and I'm glad you made her home." "But it should be better if I made her also choose to do this marriage too!" tila giit nito. "What do you mean?" Napabuntong hininga na lamang si Calvin. "Tuloy pa rin naman ang kasal niyo." sabay tapik pa nito sa balikat ng anak niya. Sobrang naguguluhan na si Calvin ngayon, hindi niya maunawaan kung bakit iniwan siya ni Carly at iniiwasan na siya kung gusto rin pala nitong ituloy pa ang balak nilang pagpapakasal? Buong akala niya ay bago pa man sila ikasal ay magkakasundo na sila at mas magiging malapit, ngunit mas naging mailap ito sa kanya kaysa noong una nilang pagkikita. Sinubukan ni Calvin sadyain si Carly sa bahay nila ngunit umalis daw ito kasama ang kaibigan na si Aki. Ninais niya intayin ito ngunit kinakailangan na niyang bumalik sa kompanya dahil marami siyang trabaho na naiwan noon at kailangan ng habulin upang matapos. Nalaman ito ni Carly ngunit pinagsawalang bahala na lang. Habang nalalapit na ang araw ng kasal nila ay mas lalong nagiging mailap si Carly kay Calvin. Hindi naman niya ito makausap ng personal dahil kung wala ito sa bahay nila ay sobrang iniiwasan naman siya nito. Hanggang sa rehearsal dinner nila ay wala pa ring imik si Carly rito. Nagsasalita lamang ito kapag kinakausap siya ng mga taong kasama nito ngayon, ngunit kahit na kailan ay hindi na siya kinausap nito. Kaya nang makakita siya ng pagkakataon, sinundan niya ito sa restroom. "What the? What are you doing here?! Get out!" sigaw ni Carly dahil palabas na sana siya ngunit biglang pasok ni Calvin at lock ang pinto. "Not until you talk to me and tell me what happened!" giit pa ni Calvin. "We have nothing to talk about Calvin." Humarap ito sa kanya na tila takang-taka. "Ano? Ganun-ganun na lang yun? Matapos ng pinagsamahan natin ng ilang araw, iiwan mo ko sa ere ganun?!" halos hindi naman mapigilan ni Calvin ang emosyon. "What are you saying?" "Tell me, bakit mo ako iniwan doon sa hotel huh? Ni hindi ka nagpaalam or what?! I've been looking for you!" "Sinabi ko bang hanapin mo ko?!" "Can you please --" sinusubukan naman kumalma pa ni Calvin. "Okay, please. Tell me, what happened?" "I have nothing to tell you! Di ba eto naman yung usapan natin? Tutulungan mo ko sa escape ko, at uuwi ako. Ngayon, kung ayaw mo ng ituloy ang kasal, sabihin mo na ngayon palang para hindi na tayo mahirapan pa!" nagpipigil na rin ng luha si Carly. "What?! Kaya nga kita sinamahan all the way from Surigao because I want to convinced you to marry me!" "Why you have to? Dahil sa assurance ng posisyon mo sa kompanya? Fine! Can't you see? I'm still marrying you!" sigaw pa ni Carly at palabas na sana siya ng restroom ng higitin ulit ni Calvin ang braso niya. "What?!" tila inis nitong tugon at napapatingin na lamang si Calvin sa kanya. "Why -- why are you like this?" halos mabasag ang tinig ni Calvin. Hindi niya maintindihan kung bakit naging cold sa kanya si Carly.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD