Part 19

3032 Words
NAKAPAGTANONG-TANONG rin sila na mayroon seaside bay rin dito kung saan hile-hilera ang mga kainan. Nagpasya silang dumiretso na doon ng kumagat na ang dilim. Tumambad sa kanila ang iba't ibang kainan sa bungad pa lamang. May mga naghahain ng traditional Filipino style foods, different seafoods, at mayroon ding Thai foods at other Asian foods. Hindi naman sila makapili kung saan nila gustong kumain kung kaya't naupo na lamang sila sa parang food court ng lugar at bumili ng iba't ibang klase ng pagkain ng kanilang matipuhan. Naunang namili na si Carly at halos hindi na ito matapos. "Is that good for us?" "Of course not! Pang akin palang yan noh, hindi ko alam kung anong gusto mo kaya ikaw na lang bumili ng sayo." "Ang daya naman? Sana dinagdagan mo na orders mo." "May dagdag na yan! Don't worry, I'll share with you." sabay kindat pa nito at alis rin dahil inilapag lamang niya ang isang seafood platter. Makalipas ang ilang minuto, halos mapuno na ni Carly ang mesa nila ng pagkain. Namamangha naman doon si Calvin ngunit lingit sa kaalaman ni Carly, nauunang kumain ito sa kanya. "Ano ba?!" pagtapik pa ni Carly sa kamay ni Calvin na papasubo ang kani salad. "Bakit nauuna ka ng kumain ah?!" "Ang tagal mo eh! Nagugutom na ko sa dami ng pagkaing dinala mo. Balak mo bang mag-mukbang tayo?" "Tss.. Oh sya sige, ikaw namang magtingin pa ng gusto mong hindi ko pa nakuha dito." paghaya niya pa ng kamay sa mga pagkain nila. Tumayo nga si Calvin at naglibot, kumuha muna siya ng drinks dahil tingin niya ito ang pinakawala sa lahat ng nabili ni Carly. Pabalik sana muna siya sa mesa nila para ilagay ang drinks ng tila may napansin siyang lalaking nakatayo sa gilid ng isang food stall. Minasdan niya ito ngunit kaagad ring lumayo at tila umiiwas. Hindi niya sigurado kung nakita rin ba siya nito ngunit tila pamilyar sa kanya ang lalaking ito. "Eehem! Ehem!" tila nabubulunan naman na si Carly ng malapit na si Calvin kaya nagmadali na itong makalapit sa kanya. "Oh?" abot nito ng bottled water. Kinuha ito ni Carly at halos makalahati sa paginom. "Salamat." tila naginhawaan ito. "Katakawan kasi eh." "Oh? Akala ko ba bibili ka pa ng pagkain? Bakit tubig lang dala mo?" "May juice din oh? Masyado na kasing marami yan, tingin ko hindi mo kayang maubos." "Watch me!" Nagsimula nga silang kumain na tila walang pansinan. Ngayon na lamang ulit sila nakakain ng ganito karami at kahit pa halatang gutom sila ay nagkakatuwaan pa rin silang dalawa. Hindi magaling magbalat ng hipon si Calvin kaya tinuturuan siya ni Carly. Gayun rin sa pagkain ng alimango. Sinusubuan naman din ni Calvin si Carly ng gulay pampatanggal umay. "Grabe parang simula nung nag-adventure escape ako, ang lakas lakas ko ng kumain." saad pa ni Carly habang nakakamay ng kain ng isang buong pusit. "Bakit? Nagda-diet ka ba? Hindi ka naman mataba ah?" tanong pa ni Calvin na kinakain ang isang malaking galamay ng alimango. "Hmm hindi naman pero alam mo na, kailangan laging pines kang kumilos, kumain, pati magsalita. Alam mo naman si mommy di ba?" pagirap pa nito pero natatawa naman. Natawa naman din si Calvin sa kanya. "So paano yan pagbalik natin dun? Eh di -- balik ka na rin sa pagiging si Carly na nerdy type na medyo masungit kaya cute?" pangaasar pa niya kay Carly. "Hoy grabe ka! Pero -- siguro? Kasi I need to socialize na rin sa mga amiga ng mommies natin once we got married." "Aren't we married yet?" pasaring pa ni Calvin. "Kasal-kasalan lang yun noh! Ni wala ngang singsing!" pagpapakita pa ni Carly ng kaliwang kamay niya at tukoy sa ring finger niya. Natawa naman ulit si Calvin doon. "Oo na, soon." Nagpatuloy na lamang sila pagkain hanggang sa maubos na nga nila itong lahat. Habang umiinom sila ay napansin na naman ni Calvin ang lalaking nakita nkya kanina na tila may minamasid. Sinundan niya ng tingin ito at si Carly ang palagay niyang pakay nito. Napahinto siya at tingin kay Carly na mukhang walang napapansin. "Aahg! Grabe! Dami kong busog! *burp excuse me! Thank you, Lord." saad pa nito. Tila kinukutuban naman si Calvin tungkol sa lalaking nakamasid, lumihis ito at may kinausap sa phone kaya nakaisip siya ng paraan. "Carls, let's go." saad naman nito na hindi inaalis ang tingin sa lalaki. "Huh? Busog na busog pa ko! Mamaya na tayo tumayo." protesta naman nito. "I'll explain later, basta tara na dali!" pagmamadaling hatak pa nito kay Carly dahil baka makita pa sila ng lalaking hinihinala niyang sinusundan na sila. Halos manakbo sila habang binabaybay ang seaside walk, kahit marami pang tayo, mabilis nila itong iniiwasan upang makabalik sila sa kotse. Hawak namang mabuti ni Calvin ang kamay ni Carly kahit pa nagpoprotesta na ito. "Ano ba?! Maiimpatso ako sayo eh!" reklamo pa nito ng makarating na sila sa parking. "Get in the car, now!" "Eto na nga oh!" padabog namang pumasok rin si Carly sa kotse at mabilis itong minaneho ni Calvin paalis ng lugar na iyon. Ilang sandali pa ay tila nananakbo at humahangos ang lalaking napansin ni Calvin na nakamasid sa kanila. Halatang naiwala na nga niya sa paningin ang dalawa. "Ano bang problema mo? Kinakabahan ako sayo eh! Bakit ba tayo nagmamadaling umalis ha?!" pangungit pa ni Carly kay Calvin habang seryosong nagmamaneho ito sa tabi niya. "I'm not sure, but surely someone is following us. I just don't know who, and why." "Ano? Not sure tapos sure kang may sumusunod sa atin?" buong pagtataka pa ni Carly. Hindi naman makasagot kaagad si Calvin dahil hindi ito kampante, panay rin ang tingin niya sa rear mirror at side mirror kung sakali mang nahabol pa rin sila nito. Tila nagpaikot-ikot lamang sila sa kabuuan ng city at ng masigurado na niyang wala ngang nakakasunod sa kanila ay bumuwelta na ito pabalik sa hotel nila. "Uy wait! Drop by tayo dun!" pagturo pa ni Carly sa isang cafe shop na nadaanan nila. Kaagad rin lumiko naman doon si Calvin. "Ang tagal ko na ring hindi nagagawi sa coffee shop eh, sobrang miss ko lang. Hehe." pagpapa-cute pa nito at pinagbigyan rin naman siya ni Calvin dahil gusto rin nitong makapagkape. "Wooow! I've never been in this kind of place in Manila." bakas ang pagkamangha ni Carly sa nakita ng makapasok sa isang cafe shop. Inaakala niyang ordinaryong kapihan lang ito ngunit higit pa roon ang mayroon sa lugar na ito. Isa itong doll house style cafe. Maraming naka-display na old style dolls na naroon mula pa sa iba't ibang banda. Medyo creepy man ngunit nakakamangha pa rin ang iba't ibang klase ng ceramic dolls na naroon. Kaagad na kinuhanan ni Carly ng litrato ang mga sulok at paligid ng cafe, gayun rin ang mga display na dolls. "Welcome to Gypsy Cafe ma'am, sir!" "For two please." saad naman ni Calvin sa waitress. "This way please." pagturo pa nito sa loob pang parte ng cafe. "Grabe ang ganda pala rito! Hindi ko akalaing nakadiskobre tayo ng ganito kagandang kainan. Akala ko talaga ordinaryong kapihan lang ito. Gusto ko lang naman kasi mag-kape at desserts eh. Hehe" "I agree." paglibot pa ni Calvin sa paligid ng cafe. Ilang minuto lamang ay dumating na ang kanilang mga orders. Macchiato at isang sliced ng mango cheese cake kay Carly, cappuccino at chocolate mousse cake naman kay Calvin. "Mabalik nga pala tayo sa usapan natin kanina. Sino yung humahabol sa sa atin?" tanong pa nito habang kumakain ng cake niya. "Hmm.. Not that sure kung sino siya. Pero palagay ko, tayo talaga ang binabantayan niya." "Binabantayan? Bakit naman? Baka holduppers yun? Tinitiktikan lang tayo?" "I don't think so." Patuloy sila sa pagkain hanggang sa matapos sila. Nakakuha naman ng tyempo si Calvin ng medyo busy si Carly sa pagkuha ng litrato sa mga displays sa cafe. Lumabas siya at may tinawagan. "I thought what we talked about is clear? I need some more time alone with her to convinced her to come home. And I was almost making it!" Tila nakumpirma nga ni Calvin ang hinala niya. "What?! That can't be happening! How did he find out?" Nasapo naman ni Calvin ang noo niya sa narinig. Tila nagpipigil ito ng inis. Napansin naman niyang papalabas na si Carly ng cafe kaya tila umayos na siya ng tindig. "I have to go." yun lamang at pinatay na niya ang tawag. Sinalubong naman na niya ito. "Let's go?" "Hmm.." tumungo naman si Carly sa kanya at bahagyang ngiti bilang tugon. Nang makabalik na sila sa hotel nila, hinatid pa ni Calvin si Carly sa kwarto niya bago naglakad patungo naman sa kwarto niya. Bago pa man niya maisara ang pinto niya tila nabigla siya ng may pumigil rito. "Hey?" "Shanon? What are you --" "We checked in here too before we bound to Manila by tomorrow." paliwanag kaagad nito. "I just saw you walked Carly on her room, isn't it?" Hindi naman nakasagot pa si Calvin dahil nagtataka ito kung bakit narito si Shanon ngayon. Nakabukas pa rin ang pintuan ni Calvin dahil nasa tapat pa rin nun si Shanon. Tila ayaw pa nitong umalis kaagad kaya siya na naunang magpaalam sana. "Ahm, we had a long day. I'll see you aro--" "Wait lang, Calvin." pagpigil ulit ni Shanon sa pagsara nito ng pinto. "Hindi mo lang ba ako -- papapasukin?" pagbabakasali nito sabay dampi ng daliri sa dibdib ni Calvin. Sinuway naman kaagad ito ni Calvin. "You're drunk. Go back to your room." walang ganang utos na lang ni Calvin at isasarang muli nito ang pintuan niya ngunit malakas na itong itinulak ni Shanon kaya napaatras si Calvin at pareho na silang nakapasok sa kwarto niya. "Shanon! I need you to go!" seryosong utos pa nito. Sinara ni Shanon ang pintuan ni Calvin saka humarap rito. "I know your dirty little secret, baby." saad nito na tila nangaakit at nagbabanta. "What do you mean?" "It was just an accident actually. I asked Dion and Oscar about you and your fiancé Carly, and they told me that you were on an arrange marriage. I felt pity on you at first but I think -- I think I could help you out." "I'm not asking for any help." "Shh.. I can help you to escape on that bullshit arrange marriage, Calvs." paglapit pa niya kay Calvin at halos pumayakap na siya rito. "I said, I'm not trying to escape!" pagiwas pa nito kay Shanon at punta sana sa pintuan niya para paalisin ulit ito ngunit nanakbo si Shanon sa kanya at niyakap siya sa likod. "Calvin, wait!" Nagtaka naman si Calvin sa ginawa ni Shanon. "Please! I've missed you." tila naiiyak naman nitong saad. "After all these years, I thought I found someone better than you but I did not!" "Was is it still my problem?" sarcastic namang tanong pa nito. "As I remembered, you cheated on me to with who? Harry? Paolo? Or with your so-called best friend Nomer?" "I did not love them!" "And so, you are to me! You just played me, Shanon!" sabay alis pa ni Calvin ng mga braso ni Shanon sa pagkakayakap sa kanya. Hinarap niya ito at nakita ang pagiyak ng dalaga. "Why are you doing this? I thought you're getting married too?" "I don't want to marry Nomer, he's just a friend to me. Our family just wants me to marry him because of their wealth." "Isn't that the reason why you cheated on me with those guys? They can give you everything you wanted, right? And you think I can't?" "It's not like that, Calvin. I know we're both so young by that time when you asked me to marry you. "Enough, Shanon!" "I don't want to get marry yet by that time, I was so immature and selfish." nangingiyak namang saad nito. Napahilamos naman si Calvin ng mukha at nagpipigil ng inis. "But all these times, I've been watching you, waiting for you. That's why it took by surprised to find out that you are getting married with -- with that girl! You don't even love her!" "What I feel for her is none of your business!" "I still love you, Calvin. Only you!" Natitigilan naman si Calvin ng marinig ito. Tila ito ang mga katagang kay tagal niyang inintay marinig muli kay Shanon, ngunit bakit ngayon ay nasusuya na siya rito. "Please Calvin, let's escape this. Tumakas na tayo!" lumapit siya rito at kinuha ang isang kamay ni Calvin. "Magpakalayo-layo na tayo! Tayong dalawa lang. Magsimula tayong muli." mariing saad nito na tila nagsusumamo kay Calvin. Napatingin naman sa kanya si Calvin na tila naguguluhan. Tila naaawa siya kay Shanon dahil naipit rin pala ito sa sapilitang kasalan kagaya niya. Ngunit tingin niya ay hindi sila parehas ng sitwasyon. Dahil siya ngayon ay mas gusto ng pakasalan si Carly. "Balak mo rin di bang hiwalayan yung babaeng yun after mong masigurado ang posisyon mo sa kompanya niyo di ba?" "Who told you that?!" tila hindi naman makapaniwala si Calvin kung papaano ito nalaman ni Shanon. "Dion and Oscar mentioned that, but Calvin -- mahal na mahal pa rin kita. Please save me." pagiyak pa nito sabay yakap kay Calvin. "I -- I so sorry Shanon." saad naman nito. "Please Calvin, choose me! I'll never hurt you again! I don't care if you can give me everything or not, I just wanted to be with you!" pagpupumilit pa nito kay Calvin. Pilit namang tinutulak na ni Calvin si Shanon ngunit nagmamatigas ito. "Shanon, listen!" giit niya ng mailayo si Shanon at napahawak siya sa magkabilang balikat nito. "I'm sorry pero hindi kita mapagbibigyan." "Gugustuhin mo ba talagang makasama ang babaeng hindi mo mahal kaysa sa akin?! Alam kong galit ka lang sa akin, ako nga ang dahilan kung bakit nagsumikap ka ng ganyan di ba? Pero nandito na ko ulit. Magsimula tayong muli!" "I'd rather be with her, that to come back to you." seryosong sagot nito at natitigilan naman si Shanon na umiiyak pa rin. "Please, leave." Sa kabilang banda... "Good night?" nangingiti pang saad nito habang nakatayo pa sa tapat ng pinto niya. Naroon rin kasi si Calvin pa sa bandang labas at nakasandal ang kamay sa may kanto ng pinto. "Good night na talaga?" "Eh ano pa ba? Gabi na oh." "Alam ko.." "Yun pala eh, so --" Tila nagaasaran pa sina Carly at Calvin ng ihatid na siya nito sa kwarto niya. Nagaalangan kasi silang dalawa na maghiwalay na, sa ilang araw nilang magkasama palagi ay tila mas nasasanay at komportable na sila sa isa't isa. Halata mang ayaw pa sanang umalis ni Calvin, wala na rin itong nagawa dahil baka pagod na rin si Carly sa buong araw nilang paglilibot din. "I'll see you tomorrow." pagpipigil pa ng ngiti ni Carly. "Of course. Definitely." nakangiti ring sagot ni Calvin sa kanya at saka dahan-dahang umalis na ito. Pero sinusulyap-sulyapan pa rin siya nito at siya naman ay nakadungaw rin dito hanggang sa nagsara na siya ng pinto. Napasandal naman siya sa pinto at hindi na napigilang kiligin. Niyakap niyang mabuti at halos kagatin na ang stuff toy na bigay sa kanya ni Calvin. "Kalma ka lang Carly, okay? Woo!" paghawak pa nito sa dibdib niya. Pero kinikilig-kilig pa rin siya kapag naiisip ang mga samahan at ginagawa ni Calvin para sa kanya. Hinarap niya sa kanya ang stuff toy at minasdan ito. "Tingin mo? Crush ko na ba siya?" tila tanong niya dito na kinakausap. Nakangiti lang naman ito sa kanya. "Hay.. Dapat ko bang aminin yun? Eh paano kung siya -- hindi naman pala ganun ang nararamdaman para sa akin?" panghihinayang niya pa. "Pero... Haay.." Binato na ni Carly ang stuff toy sa kama niya at inalis ang body bag at camera niyang nakasabit sa kanya. Dumiretso siya sa mini ref at nakita ang canned beer na naroon na binili nila ni Calvin. Naalala niyang reserba nga pala nila ito kung sakaling gusto nilang uminom. Nangiti naman si Carly na tila nakaisip ng paraan upang puntahan si Calvin sa kwarto nito. Balak niyang makipaginuman muna sana dito hangga't hindi pa sila dinadalaw ng antok kaya kinuha niya ang apat na canned beer at lumabas na ng kwarto niya. Naglalakad naman siya sa hallway patungo sa kung saan ang kwarto ni Calvin ng may mapansin siyang nakatayong babae sa tapat ng pinto. Gumilid siya ngunit minasdan niya itong mabuti dahil parang pamilyar sa kanya ang babae at napagtanto niyang nasa tapat nga ito ng pinto ni Calvin. Nanlaki naman ang mga mata niya at tuluyang nagtago sa kanto ng hallway ng makitang bukas nga ang pinto at naroon si Calvin. Mukhang kausap ang babae. Tila kinakabugan naman siya ng dibdib kaya dumungaw ulit siya roon upang masilip ang ginagawa nila. "Shanon?" sa palagay nga niya. "Siya nga yun! Pero bakit -- bakit nandito rin siya?" pagtataka niya pa. "Hindi kaya -- ahh?" nabigla siya dahil biglang pumasok si Shanon ng kwarto ni Calvin at nakita niyang nagsara na ito. Halos matuod siya sa kinatatayuan at nahulog ang mga canned beer na hawak. Tila nagpa-palpitate na siya na dinadaganan ng isang tonelada ang bawat pagkabog ng dibdib niya. Hindi naman siya maiyak ngunit nakakaramdam siya ng labis na kalungkutan at pagkabigla. Naguguluhan siya kung anong nangyayari. Bakit narito si Shanon at pumasok pa sa hotel room ni Calvin. Napasulyap siyang muli doon ngunit mukhang hindi pa ito lumalabas kaagad. Hindi maaari? Hindi kaya -- hindi kaya nagkabalikan na sila? Pero paano na ang kasal? Paano na -- ako? Tila pakiramdam niya ay naiwan siya sa ere ngayon. Totoong hindi nga niya alam ang tunay na palagay o nararamdaman ni Calvin para sa kanya ngunit dama niya ang pagpapahalaga nito sa kanya. Ayaw na sana niyang mag-assume ulit at magkamali, ngunit hindi na niya ito naiwasan sa mga pinapakita at pinapadama sa kanya ng binata. Buo na sa loob niya na sa oras na makauwi sila ay pakakasalan na niya ito. Ngunit ngayon? Papaano kung nagkabalikan na pala sina Calvin at Shanon? Papakasal pa kaya siya nito? Ayaw naman din niyang mapilitan sa kanya si Calvin kung iba naman pala ang mahal talaga nito.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD