"SOBRANG GANDA TALAGA dito kahit sa gabi noh?" tila mahinahon ng saad nito. Napatingin lang naman din si Calvin sa kanya.
"Gaano kayo katagal?" biglang tanong naman ni Carly na hindi inaasahan ni Calvin.
Ilang sandali pa bago ito nakasagot ng tukuyan.
"Five years."
"Wow? Tagal ah? Anyare?"
Hindi naman sigurado si Calvin kung tama ba na ikwento pa niya ito ngunit wala rin naman siyang nakikitang masama rito. Kunb nais malaman ito ni Carly ay bukas naman siya ipaalam rito ang lahat.
"She left me for another guy."
"Ohh?" tila nag-lielow naman si Carly. "And then?"
Napatingin pang muli si Calvin sa kanya saglit at tingin ulit sa karagatan.
"And then ayun, naging subsob na lang ako sa pagtatrabaho sa kompanya. I've made to the position that I worked so hard. All my time, my energy, my everything, I dedicated to the company because I wanna prove to my father that I can do better, that I can do the best. " paliwanag naman niya.
"Kay tito Diego ba talaga? O kay Shanon?" tanong naman ni Carly at napabuntong hininga na lamang si Calvin.
"Well, maybe because I thought when I became successful having a position in our company, she will choose me again."
"She's lucky though." tila malungkot namang pasaring ni Carly habang nakatingin lang kay Calvin.
"You think so?" paglingon pa nito kay Carly, at tinunguan lang siya nito.
"Well, after a year or two I guess, I realized that I shouldn't chase someone who doesn't really appreciate me, who doesn't see my effort and sacrifices. She left me for another man who can give her needs, and now they are also marrying." saad pa nito.
"She's engaged too?"
"Yes, she is. Kaya nandito sila ng mga friends niya para sa bachelorette's party nila."
"Hmm.."
"I congratulate her and actually, I was happy to knkw that she left me for a guy that she deserves."
Napapatulala na lamang si Carly sa kanya.
"Because if she didn't leave me before, I wouldn't know you." patingin pa nito kay Carly kaya napaatras naman ng ulo ang dalaga na tila nabibigla sa narinig.
"Me? Why me?"
"I wouldn't have known you, I wouldn't have this such amazing trip, an escape! I wouldn't be here and staring at you." sincere namang saad pa nito.
Napapalunok naman si Carly sa mga sinasabi ni Calvin. Hindi niya makatingin rito kung kaya't nakadungaw na lamang siya sa dagat.
"Ahm.."
"Actually, she was so surprised that she finds out that you are my fiancé."
"Ahm, really? How did she know?" pagaalangan pa ni Carly.
"I told her."
Sandali silang natahimik sa isa't isa at tanging ingay ng hampas ng alon at kuliglig lamang ang naririnig nila.
Umayos na sila ng higa at nakapadungaw pa rin ang mga ulo nila sa labas ng tent upang makita naman ang mga nagliliwanagan at nagdadamihang bituin sa langit.
"Ayun oh! Cassiopeia!" turo pa ni Carly sa isang constellation.
"Eh yun?" turo naman ni Calvin.
"Ahm.. Ewan ko. Pero yun oh, parang ahm.. Ewan ko nakalimutan ko na. Hahaha!"
Tila nanumbalik sila sa pagkukulitan. Halata pa rin ang pagkalasing nilang dalawa ngunit kahit papaano ay nakakapagusap pa rin sila kahit pa wala na itong katuturan.
"Ikaw? Ano ba talagang pangarap mo sa buhay kung hindi ka sa kompanya niyo nagtatrabaho?"
"Ahm.. Pinangarap ko noon maging Seaman."
"Seaman?"
"Oo, maging kapitan ng barko."
"Oh? Yaman yaman niyo eh bakit hindi ka nag-seaman?"
"Kasi kinailangan na rin ako sa kompanya. Yung panahon mag-e enroll na sana ako para doon ay nagkaroon ng crisis sa ekonomiya, nadamay ang kompanya at ang investment sa stock exchange."
"Oh that! I remembered that time na halos tumira na si dad sa office. Kami na nga ang dumadalaw sa kanya doon. He was so stressed and always tired. Nakakaawa nga siya."
"I know. That was the time that Thomas really helped to get through that crisis. That's why he gave him the position of being the President of the company."
"Yeah, I think dad deserves that too."
"That's why my mom and dad pushed me to get a course that is related to our business because they are also wanted to assure that someone from their blood inherit our company."
"Yet -- they came to this stupid idea."
Napatahimik naman silang dalawa muli.
"Eh bakit hindi sa kuya mo o sa ate mo i-push ang responsibilidad ng kompanya? Bakit sayo pa?"
"Hindi interesado si kuya sa kompanya ni dad. Gusto niyang makapagtayo rin ng sarili niyang business na naaayon sa gusto niya."
"He owns a resort in Zambales, right?"
"Right."
"How about your sister?"
"Hmm let's just say that -- business is not her forte. Her husband owns a private hospital in U.S. Since they're both doctors, they became a good asset to it." paliwanag pa ni Calvin rito.
"Ahh, I see. I just hope agreeing to this arrange marriage will be the first and last in our family."
"What do you mean?"
"I just don't want my younger sister experience this too. I just want her to live her life the way she wants to."
"You're a role model to her though."
"I hope so."
At kahit pa lumipas na ang hating gabi ay naroon lamang sila sa loob ng tent at tila hindi nauubusan ng paguusapan. Mas lalo nila ngayon nakikilala ang isa't isa at masasabi nilang hindi naman pala mahirap kilalanin ito.
Nakatulog silang dalawa na malapit ng sumikat ang araw. Nasa ganoong pwesto pa rin sila ngunit nakahiga na si Carly sa dibdib ni Calvin at nakapayakap naman ito sa kanya.
Day 9 of 'Escape getaway'
Nang matirikan na ng araw ang kanilang mga mukha, bumangon na sila at kaagad na bumalik sa kanilang kwarto.
Parehas naman sila kaagad pumasok sa mga kwarto at pabagsak muling nahiga sa kani-kanila nilang kama.
Tanghali na ng sila'y magising muli. Naghanda naman na sila para makapag-checkout na sa resort at kailangan na nilang magbyahe pabalik ng city.
Habang nasa kalagitnaan ng byahe sila tila napansin ni Carly na bumabagal ang kanilang pagtakbo. Nakadungaw niyang muli sa may bintana ngunit napa lingon siya kay Calvin ng mapansing bumagal yata sila.
"What's wrong?"
"Ahm..." tila hindi naman malaman ni Calvin ang sasabihin hanggang sa tuluyang huminto ang kanilang sasakyan.
"Bakit tayo huminto?" pagtataka naman ni Carly.
"Nag-over heat yata."
"Over heat? Eh ngayon na lang ulit natin nagamit toh di ba?"
Bumaba na si Calvin ng sasakyan para i-check nag makina ng sasakyan. Mukhang wala namang problema rito ngunit mukha ngang nag-overheat. Dahil hindi naman niya gamay ang kotseng ito, ayaw naman niyang busisiin masyado at baka lalong masira.
Binuhusan na lamang niya ng tubig upang malamigan at nagintay na lang sila hanggang sa maaari na.
Sinubukan ulit ni Calvin i-start ang kotse ngunit ayaw na nitong mag-start muli kaya bumaba siyang muli para kalikutin na ito.
"Carls, paki-start nga!" sigaw niya kay Carly kaya lumipat naman ito ng upo sa driver's seat at sinumulang i-start ang kotse.
Umuubo-ubo lang ng start ang kotse ngunit namamatay rin.
Bumaba na rin si Carly dahil mainit na sa loob ng kotse. Naglibot sila ng tingin sa paligid ngunit nasa kalagitnaan sila ng kalsada na kagubatan lang ang tanaw. Malayo na noong huling kita nilang may balay, hindi rin sila sigurado kung may dadaan pa para makahingi ng tulong.
"Haay.."
Maya-maya pa ay may natatanaw si Carly na paparating kaya tila nabuhayan siya.
"Calvs, ayun oh! May paparating!" pagturo niya pa rito at tinanaw din ito ni Calvin.
Nang inintay nilang dumating ito, tila isa itong habal ngunit parang makina na pangararo kaya mabagal lamang.
Nang makalapit ito sa kanila ay sakto namang binati pa sila ng matandang sakay nito.
"May problema ba mga apo?" sigaw nito sa kanila.
"Ah, good afternoon po lolo. Natirikan po kami eh." sagot naman ni Carly.
Huminto ito sa gilid ng kalsada dahil papasalubong ito sa kanila. Bumaba ito at lumapit sa kanila, tumayo ito sa tapat ng makina ng sasakyan at minasdan naman ito. Nakatingin lang din silang dalawa rito.
Sinimulan nitong kalikutin ng kung ano at minamasdan naman siya ni Calvin na mabuti. Tinitingnan naman din ito ni Carly ngunit wala naman din siyang maintindihan sa mga ito.
"Sige apo, subukan mong start." utos naman nito kay Calvin kaya pumasok ulit ito ng kotse at sinimulang i-start ang kotse.
"Aba!"
"Ah! Sa wakas!"
Nag-start na ang kotse nila at pinanatili lang ni Calvin na bukas ang makina. Bumaba ulit siya ng kotse at lumapit sa matanda.
"Lo, salamat po ah? Hindi na namin alam gagawin po eh." saad pa ni Carly rito.
"Ay, wala iyon, hija. Ilang turista na rin ang naaabutan ko dito sa daan na nasisiraan."
"Lo, salamat po talaga. Eto po, konting tulong." inaabutan ito ni Calvin ng pera ngunit tumanggi ang matanda.
"Ay hindi na apo. Maliit na bagay lang ito. Magiingat na lamang kayo sa daan ah? Sana nag-enjoy kayo sa lugar namin. Hehe." magiliw namang saad ng matanda at bumalik na siya sa habal niya. Inintay naman siyang makaalis nila Calvin at Carly bago pumasok ng sasakyan nito at nagbyahe muli.
"Ang bait ni lolo noh, kahit matanda na eh malakas pa rin."
"Indeed. Thanks to him."
Makalipas ulit ng ilang minuto, mukhang nakaidlip na si Carly sa byahe nila. Panay sulyap lang sa kanya si Calvin at hinayaan na lamang itong matulog muli. Hindi niya alam bakit siya nangingiti na naman sa tuwing nakikita ito sa anumang itsura nito.
NANG magmamabilis si Calvin sa pagmaneho napansin niya ang signage na dapat na pupuntahan nila ngunit nalampasan niya ito. Kaagad siyang humanap ng daan para bumuwelta pabalik.
"Carls? Carls?" paggising pa niya rito kaya kaagad rin naalimpungatan ito.
"Hmm?"
"We're here." saad naman ni Calvin pa kaya napadungaw si Carly sa may bintana ng kotse.
Kaagad na pumasok roon at naghanap ng parking. Pagkababa nila, tumambad kaagad kay Carly ang malaking statwa ng buwaya sa harapan nila at nakaramdam siya ng gulat at takot rito.
"Grabe? Ganito ba talaga actual na kalaki si Lolong?" tila pagkamangha niya rito.
"Yeap."
Nagpunta kaagad sila sa may entrance at nag-inquire ng ticket. Ngunit dahil by batch ang pagpasok pala sa loob ng Crocodile Farm, kinakailangan pa nilang magintay ng ilang minuto.
Naglibot na muna sila sa farm at nakita ni Carly ang tila parang souvenir area. Lumapit siya dun at sinundan na lamang siya ni Calvin.
Nakita nila ang iba't iba laki ng bungo ng buwaya, naroon din ang shell ng itlog nila at ibang preserved na buwaya na naka-display. Kinukuhanan ito ni Carly ng litrato dahil labis siyang namamangha.
Napansin naman ni Carly rin na mukhang nananahik si Calvin sa kung saan kaya hinanap ito ng paningin niya. Nakita niya itong nasa mga stuff toy na display at may suot na ulo ng buwaya. Napatingin rin ito sa kanya at umarte na parang buwaya nga. Natawa naman si Carly rito kaya kinuhanan niya ng litrato.
Bumalik si Carly sa pagtingin sa mga display pero maya-maya pa ay lumapit rin si Calvin sa kanya at may inilagay sa likuran niya. Nabigla siya rito kaya hinarap niya kaagad ito. Napansin niya na isang malaking stuff toy ng buwaya ang dala ni Calvin at ibinibigay sa kanya.
Kinuha naman niya ito at niyakap, nagpipigil naman din siya ng ngiti.
"Thanks." sabay talikod niya dahil hindi na niya maikubli ang ngiti niya. Napapangiti na lang din si Calvin sa kanya habang nakangiti.
"Welcome to Crocodile Farm! In this tour, I will show you what kind of crocodiles that we have here in the country. So, follow me and I will show you around!" saad naman ng tour guide nila sa loob ng farm.
Pagpasok pa lamang sa bungad ng entrance ay naka-display na doon sa clear glass ang buto ng pinakamalaking buwaya na nahuli sa lalawigan, nakadikit naman din ang ang napatuyong balat nito sa itaas.
"Woah.." namangha naman doon si Carly at kinuhanan ito ng mga litrato.
May mga maliliit rin na fresh water crocodile na nasa aquarium doon sa paligid.
"The difference of salt water crocodile and the fresh water crocodile are their color. Salt water has darker skin and bigger spots. And the difference of crocodiles and alligators are their snout. Crocodiles has pointer snout, while alligators have wider." paliwanag pa ng tour guide at nakikinig na lamang sila doon." We will enter now the largest crocodiles we have here in farm. "
At tila pumasok na nga sila sa isang tulay ngunit sa ibaba noon ay ang mga kulungang naka-divider ng mga malalaking buwaya.
"Calvs, look! Pwede ko kayang sakyan yan?" pagturo pa ni Carly sa isang buwaya.
"Crocodiles are nocturnal. Does mean, they are awake at night to hunt a prey, and asleep by day." saad pa ng guide.
"Sige try mo sakyan likod niya.." biro rin ni Calvin rito.
Kinukuhanan naman ito ni Carly ng mga litrato. Habang hawak naman ni Calvin ang malaking stuff toy ng buwaya, nakamasid lang din ito sa mga buwayang nasa baba. Tila nangiti roon si Carly kaya kinuhanan niya ito ng litrato.
"Mama, gusto ko yung ganung laruan!" biglang turo ng batang napadaan sa gilid ni Calvin.
"Mahal yan anak, ibibili na lang kita mamaya ng iba." bulong naman ng nanay nito ngunit napansin ito ni Calvin. Narinig rin ito ni Carly ngunit hindi siya lumalapit masyado pa sa mga ito.
"Ihh! Gusto ko yung ganung mama!" at tuluyang naiyak ang bata habang nakaturo sa laruang dala ni Calvin. Hindi naman nito malaman ang gagawin.
"Wag ka ng umiyak anak, baka marinig ka ng mga buwaya oh! Magigising sila!"
"Waah! Gusto ko yung buwaya!" pagngawa pa rin ng bata.
Nagkatinginan naman sina Carly at Calvin. Nangingiti lang si Carly ngunit si Calvin ay parang naiipit sa sitwasyon. Napakamot ulo pa siya ng makita ang batang umiiyak.
"Tara na anak, doon na tayo."
"Wait!" pagpigil naman ni Calvin sa mag-ina kaya napatingin ito sa kanya.
Pumaluhod si Calvin sa bata at nginitian naman ito. Sinapo niya ang ulo nito at hinimas.
"Huwag ka na umiyak pogi. Eto oh." sabay abot nito sa stuff toy. "Gift ko sana yan kay ate ganda mo doon, pero alam ko mas gusto niyang ibigay ko sayo ito."
"Nako sir, nakakahiya naman po. Sa girlfriend niyo pa po pala yan. Hindi na po." pagtanggi pa ng ina.
"Hindi po, ate. Okay lang po na kay baby niyo na lang po yan." pagsingit pa ni Carly sabay ngiti rin sa bata. Tiningala naman siya ni Calvin.
"Talaga po, ate? Akin na lang po ito?" tila pagtahan naman ng bata dahil yakap na nito ang stuff toy.
"Oo naman. Ingatan mo yan ah? Gift namin sayo yan." saad pa ni Carly at napatingin rin siya kay Calvin.
"Thank you po!"
"Thank you miss ah, mister. Pasensya na kayo sa anak ko."
"No problem po."
Umalis na ang mag-ina at sinundan lamang nila ito ng tingin.
"Ang bait talaga." pagtapik pa ni Carly sa dibdib ni Calvin ng makatayo na ito ng maayos.
"Tss.." nangingiti naman din si Calvin rito.
Nagpatuloy sila sa tour nila hanggang sa makarating na sila sa nursery area kung saan doon bini-breed ang ilang salt water at fresh water crocodiles.
Nang matapos ang tour ay hinayaan naman silang maglibot pa sa loob pa ng sanctuary ng farm. Hindi lang kasi buwaya ang mga inaalagaan dito kung hindi iba't iba ring mga hayop na na-rescue sa lalawigan. Dito sila mga pinagagaling at pinaparami bago pakawalan ulit sa wild.
Nakakita rin sila ng mga sawa, iba't ibang klaseng ibon, baboy ramo at unggoy rin. May mga red panda rin, iba't ibang klase ng reptiles at amphibians.
Natuwa naman sila rito sa parang mini zoo sa loob din ng wildlife center.
Bago pa tuluyang makalabas ng farm ay nakita nilang may photo booth na maaaring humawak ng buwaya at sawa roon. Maaari rin silang kumuha ng litrato kasama ang mga ito.
"Come on, Calvs! Hawakan mo!" utos pa ni Carly rito.
"Bakit ako?"
"Sige na! Wag mo sabihing takot ka?"
"Hindi naman pero --"
"Pagkatapos mo, ako naman."
Nauna nga si Calvin na humawak ng sawa at kinuhanan naman siya ni Carly ng litrato roon. Matapos ay ang maliit na buwaya naman ang kinarga ni Calvin. Medyo pumasag ito kaya nagulat siya, natawa naman si Carly sa reaksyon niyang yun kaya natawa na lang din siya sa sarili niya. Nag-pose din siya kasama ang buwayang hawak.
Matapos ay si Carly naman ang magpo-pose kasama ang mga ito. Imbes na ipahawak kay Carly ang malaking sawa ay ipinatong ito sa balikat niya. Medyo kinagulat niya iyon at kinatakot rin, pinagtatawanan naman siya ni Calvin sa reaksyon niya.
"Hindi pala takot ah? Hahaha." pangaasar niya pa rito at sabay kuha ng litrato kay Carly. Pero katagalan ay nasanay na rin si Carly rito.
Sunod rin ang maliit na buwaya ang hinawakan at binitbit niya. Nag-pose pa ito na parang baby niya at parang hahalikan. Kinuhanan naman din siya ni Calvin.
Parehong nag-enjoy silang dalawa sa ginawang pagbisita rito sa Crocodile Farm, sabay pa nilang minamasdan ang mga kuha nila at pinagtatawanan habang naglalakad pabalik sa kotse nila sa parking.
"Yung mga kuha ko sayo, maganda eh. Pang i********:. Kapag sa akin pang deleted na dapat eh." reklamo pa ni Carly rito habang tinitingnan nila ang mga litrato.
"Hahaha.. Not my fault if I look better on cam."
"Tss.." tila inis pang sambit nito sabay irap kay Calvin.
"Ay wait, I'll be back." paalam kaagad ni Calvin pagkapasok pa lamang nila sa kotse. At si Carly naman ay bumalik sa pagtingin sa mga kuha niya sa camera.
Ilang minuto pa ay bumalik na rin nga si Calvin sa kotse pero hindi naman iyon pinansin ni Carly dahil tumitingin pa rin siya sa camera niya.
"Hi! I'm back!" saad ni Calvin na pinaliit niya ang boses niya kaya napatingin na sa kanya si Carly.
Nanlaki ang mga mata ni Carly ng makita kung anong hawak nito. Ang stuff toy na binigay sa kanya ni Calvin kanina.
"Aww.. How did you --"
"I'll get you another one."
Nangiti naman si Carly at kinuha rin ito at niyakap.
"Thank you." bakas naman ang matamis na ngiti ni Carly dahil ang buong akala niya ay wala na ang kauna-unahang bagay na ibinigay sa kanya ni Calvin.