HINAYA NI CALVIN ang kamay kay Carly at nang abuting ito ni Carly ay hinatak niya ito kaagad papalapit sa kanya. Napakapit siya sa bewang nito at nakahawak naman si Carly sa may dibdib niya.
Tila nagsaliw sila roon habang nakalutang. Nagsasayaw sila sa gitna ng hall. Hinawakan muli ni Calvin ang kamay ni Carly at itinulak ito palayo ngunit magkahawak sila. Lumangoy papalapit si Carly sa kanya ng paikot hanggang sa mapasandal siya kay Calvin at naghawak muli ang isa pa nilang mga kamay.
Inulit nila ang pagsasayaw rito at pareho silang natutuwa sa ginagawa. Hindi man nila tuluyang naririnig o nakikita ang reaksyon ng bawat isa, alam nilang pareho ngayon silang gusto ito.
Nang makaahon na sila dahil paubos na rin ang kanilang oxygen, inalis na ni Carly ang goggles at oxygen niya at gayun rin ang ginawa ni Calvin. Nagtama naman ang mga tingin nila habang nakalutang pa rin sa tubig. Tinulungan naman din silang makaakyat muli sa bangka.
Nakabalik muli sila sa Isla Rita na tila nanghahapo dahil sa ginawa. Pumuwesto naman sila sa isang snack bar at isinaman na rin nila roon ang bangkero nila.
"Kamusta po ang scuba diving tour niyo po?" tanong naman ng bangkero.
"Napaka ganda sa ilalim kuya! Dapat sumama na lang po kayo samin!" saad naman ni Carly.
"Ay nako ma'am, ilang beses ko na po yang nagawa. Hehe."
"You're lucky you're living in this paradise." saad din ni Calvin.
"Ay totoo po sir. Kahit simpleng pamumuhay lang eh, masaya naman dito sa isla. Masaya akong naghahatid sa mga turista sa iba't ibang lugar dito isla at natutuwa ako kapag nagagandahan sila."
Habang kumakain sila ay patuloy lang din ang kwentuhan nila. Nagkakasulyapan naman sina Carly at Calvin, napapangiti na lamang din sila sa bawat isa.
Nang nagbangka ulit sila pabalik sa Sitio ay nagpaalam rin silang dalawang sa bangkero nila.
"Marami salamat po ma'am, sir. Sobra-sobra pa po itong bigay niyo sa akin." pagpapasalamat nito ng lubos.
"You deserve it kuya, you're amazing." saad pa ni Calvin rito.
"Ay sana makabalik kayong muli rito sa amin isla. Malugod ko po ulit kayo isasakay sa akin bangka."
"Oo naman po, kuya."
PABALIK na silang dalawa sa resort ng mapansin rin nila kahapon pa na nagpapagamit ng libre ang resort sa mga guests nila ng mga kayak, paddleboat, skim boards at surf boards kaya sasamantalahin naman nila itong dalawa.
Nagkuha sila sa tig isang paddle board at pareho nila kaagad binaybay ang buong beach front ng resort. Nagpabalik lang din sila habang minamasdan at kinukuhanan ng litrato ang magandang tanawin ng beach.
Nang makaramdam sila ng lakas na ng alon ay nagkaayaan naman na silang bumalik sa beach front ng resort. Binalik nila ang mga paddleboard at kumuha naman ng skim board si Calvin.
"Bakit ang liit niyan?" tanong naman ni Carly.
"It's a skim board." sagot naman ni Calvin rito na tila nagtataka pa rin si Carly. "I'll show you how to do it, get yours."
Gayun nga ang ginawa ni Carly at nagpunta na sila sa dalampasigan.
Nagabang si Calvin ng alon at bago pa man humupa ang tubig ay inihagis bahagya ni Calvin ang skim board na hawak at saka ito madaling sinakyan. Tila para siyang nag-surf sa basang buhangin.
Natuwa naman si Carly rito at tingin niya ay madali lamang gawin.
Ginaya at sinubukan niya ang ginawa ni Calvin ngunit nang talunin niya ang inihagis na skim board ay nagplakda lamang siya sa buhangin.
"Aray ko..." paghawak pa nito sa pwetan niya.
Natatawa naman si Calvin sa nangyari sa kanya.
"I'll teach you how to properly do it." tinuro naman ni Calvin ang tyepo sa alon at sa tamang lakas lang ng paghagis lang ng board. "Kapag ganyan lang, saka ka tumalon na kaunti then try to focus on your balance, just like surfing." pagtuturo niya pa rin din ng tamang posisyon.
Sinubukan muli ni Calvin at nagagawa niya pa rin ito ng tama. Sinubukan muli ni Carly itong gawin at mas nag-improve ito kaysa sa mga unang subok na nagawa niya. Nakakasakay na ng tama si Carly sa skim board at nakakabaybay ng surf sa buhanginang may tubig bago nahuhulog roon.
"You see that?! I almost made it!" tuwang saad nito ng mapabagsak siya sa buhanginan ngunit nagawa naman na niyang mag-skim boarding ng maayos.
Tumungo-tungo naman si Calvin at lumapit sa kanya.
"Yeap! You are so good!" paghaya niya ng kamay rito upang makatayo.
Nang makatayo si Carly ay napalingon naman siya sa dagat at tingin ulit kay Calvin.
"Tag!" pagtapik niya sa dibdib nito sabay takbo sa dagat.
Nabigla naman si Calvin at natulala pa ng ilang saglit habang nakasunod lang ng tingin kay Carly. Napalingon naman muli si Carly sa kanya at pinandilaan niya na tila nangaasar at muling nanakbo sa dagat. Kaagad naman ding na-gets na ito ni Calvin at nanakbo na rin siya patungo kung nasaan si Carly.
"I'm coming!" sigaw nito kay Carly kaya lalong nanakbo si Carly.
"Ahh! Don't!" pagmamadali pa nito pero bago pa man siya maka-dive sa malalim na parte ng tubig ay nahuli na siya ni Calvin at binuhat siya.
"Gotcha!"
"Ahh! Put me down!" sigaw nito sa binata at ibinaba rin naman siya.
Napuno naman ng tawanan nila ang ginagawang paghahabulan sa beach, kahit pa lumalakas na ang alon ay sinasabayan na lamang nila ito ng pagligo.
"Calvs, look!" pagturo pa ni Carly sa gawing likuran ni Calvin dahil doon ang paglubog ng araw.
Kahit kalahati ng katawan pa nila ang nakalubog sa tubig, sabay nilang minasdan ang paglubog ng araw.
Hindi naman inaasahan ni Carly ang sunod na ginawa ni Calvin. Nagtungo ito sa likuran niya at tila pumayakap ito sa kanya mula sa likod.
Nakapaikot ang mga braso nito sa balikat leeg ni Carly. Natuod naman si Carly sa ginawa ni Calvin ngunit ang mas pinagtatakahan niya ay tila gusto niya ito kung kaya't hindi na siya nagprotesta.
Napahawak na lamang din siya sa mga braso nito at sabay nilang minasdan ang takip silim.
PAGBALIK nila sa kwarto nila ay nagbanlaw na kaagad si Carly at matapos niya ay si Calvin naman. Nagkaayaan rin silang mag-dinner naman sa labas ng resort upang masubukan ang ibang restaurant sa paligid nito na kahapon pa nila nakikita.
Nagtungo sila sa kabilang resort na ang dining area ay beach front rin. Mas open area ito at mayroon pang live band. Nag-order na sila at habang kumakain ay nae-enjoy naman nila ang ambiance ng lugar.
"Grabe, in all places we've been to, I would really love to live in here." komento pa ni Carly ng masdan muli ang buong kapaligiran.
"Me too. It feels so -- home and adventure."
"I agree. And now, you're telling me you love to go on adventures huh?" pangaasar pa ni Carly rito.
"Come on?! We've been through some places here in the country, who wouldn't fell in love with those adventures? saad naman ni Calvin.
"Really?" natutuwa pang pasaring ni Carly rito kahit nahihiya kaya sumusulyap payuko sa kinakaing dessert.
"Yes. Really. I love being with --"
"Calvin?"
Halos mapabalikwas naman sila ng tingin sa kung saan ang tumawag na iyon.
"Oh my God, it's you Calvin! What are you doing here?!" tila natutuwang hindi naman makapaniwala ang babaeng papalapit ngayon sa table nila.
Laking gulat naman ni Calvin ng makita ito ngunit hindi naman siya makaimik kaagad. Magkahalong gulat at pagtataka naman ang nararamdaman ni Carly ng pagbalik-balikan niya ng tingin si Calvin at ang babaeng tumawag rito.
Hmm? Don't tell me, ex-girlfriend niya ito?
"Shanon." saad lang ni Calvin na tila walang buhay, napatayo naman din siya sa kinauupuan.
"How are you?! I never expected to see you here!" pagalapit ng babae ng tuluyan kay Calvin at biglang yumakap ito sa kanya. Kinabigla ito ni Calvin kaya napaganti na lang ito ng bahagyang payakap.
Hindi naman maitago ni Carly ang pagkayamot.
"Me too. What are you doing here?" tanong naman ni Calvin rito.
"Ahhm.. Just having a vacay with friends. We're actually checked in this resort." pagtukoy nito sa resort na pinuntahan nila.
"That's nice. We're actually on the other resort." sagot naman ni Calvin.
Napatingin naman si Calvin kay Carly na tila nananahimik.
"Ahm, Shanon, this is Carly." pagpapakilala na nito sa wakas kay Carly dahil pakiramdam nito ay hindi siya nakikita nito.
"Oh, hi Carly!"
"Hi." maiksing sagot lang ni Carly at pilit na ngiti na saglit.
"Come on! Tiana and Gil will be surprised!" pagabresyete naman kaagad nito kay Calvin at tila hinatakan ito. "Wait lang Carly ah, I'll borrow him!" pagmamadali naman nito.
Tila walang magawa naman si Calvin dahil iniwasan siya ng tingin ni Carly. Hindi niya sana gustong sumama rito ngunit ayaw wala na siyang magawa sa pagkalankad nito sa kanya. Nakaramdam naman ng inis si Carly kaya sumama ang tingin sa mga ito bago pa man makalayo.
Ilang sandali pa ay napagtanto ni Carly ang nangyari. Tila parang gusto rin ni Calvin sumama rito kaya nagpahatak rin. Tumayo si Carly at pabagsak inilagay ang table napkin sa mesa. Papaalis na sana siya ng table ng may humabol sa kanya.
"Ma'am, ma'am! Yung bill niyo po!" saad sa kanya ng waiter sabay pakita ng bill nila.
"Habulin mo yung lalaking sumama sa hitad! Siya magbabayad niyan! Wala akong cash!" pagtataray nito at sabay walkout. Napakamot na lamang ng ulo niya ang waiter.
Makalipas ng ilang sandali, nagmamadali ring bumalik si Calvin sa table nila ni Carly ngunit napansin niyang wala na ito roon.
Nagpalinga-linga pa siya sa paligid ngunit hindi niya ito matanaw.
"Ahm, excuse me? Have you seen the girl I'm with here?" tanong nito sa waiter na dumaan.
"Ah yes sir. Umalis na po siya."
"Umalis? Saan nagpunta?"
Nagkibit balikat naman ang waiter. "Sabi lang po niya kayo daw po ang magbabayad." sabay abot nito sa bill pocket kay Calvin.
Dinukot naman ni Calvin ang wallet niya at kuha ng card niya roon. "Put it in here."
"Wait a moment sir."
Matapos makapagbayad ni Calvin ay naglakad-lakad siya sa paligid ng resort at nagbabakasakaling naglibot roon si Carly. Nang hindi niya ito makita ay lumabas na rin siya ng resort at sinimulang maghanap-hanap sa mga restaurant at bar sa paligid. Nang hindi niya pa rin ito napansin, bumalik na siya sa resort kung saan sila naka-stay at pasok kaagad sa kwarto nila.
"Carly?! Carly, are you here?!" pagpasok pa nito sa kwarto ni Carly at sa restroom nila ngunit wala pa pala ito doon.
Balak niya sanang tawagan ito ngunit hindi nga pala niya ito makokontak. Lumabas siya ng kwarto at sinimulang maghanap sa kabuuan ng resort.
"Ahm, excuse me. Have you seen my -- my fiancé?" tanong nito sa receptionist na naroon.
Umiling naman ito. "No sir. I haven't her back since you two left." dagdag pa nito.
Nakaramdam naman ng pagaalala si Calvin. Baka mamaya ay tuluyang tumakas na sa kanya si Carly ngunit napansin niyang naroon pa ang lahat ng gamit nito at mga gadgets. Hindi naman siguro ito aalis na iiwan ang mga gamit niya.
Nagsimula muling maglibot si Calvin sa paligid ng resort at sa mga katabing establisyamento.
Ilang minuto pa ng paghahanap niya rito ay nakita na niya ito sa wakas! Nakita niyang nakaupo sa isang bar stool. Open bar ito kung kaya't may ilang turistang naroon din at umiinom.
Hinahapo man, tila napanatag naman na siya dahil hindi naman siya nito tuluyang iniwan. Dahan-dahan naman niya itong nilapitan at nang nakatayo na siya malapit sa likuran nito, bumuntonf hininga muna siya bago naupo sa tabing stool bar nito.
"I've been looking for you. Why did you leave?" pasimpleng tanong nito at sumenyas pa sa bartender.
"Sino bang unang umalis?" sarcastic namang tugon nito sabay inom pa sa baso niya. Mukhang hard ang iniinom kaagad nito.
Inabutan na rin si Calvin ng double shots ng whiskey at naginom rin siya nun.
"I'm sorry, I didn't mean to leave you there suddenly."
"It's nothing. Baka na-miss niyo ang isa't isa eh, so go on! Bonding lang kayo." pagtataboy niya pa rito sa pagsenyas ng kamay at sabay straight na inom sa alak niya. "One more please!" pag-order pa nito ng alak.
"She's nothing to me now."
Langyah! Ex-girlfriend nga!
"Sus!" pasaring pa ni Carly.
"Pinakita niya lang ako sa mga friends niya na naging friends ko na rin noon pero ngayon, matagal ko na silang hindi nakikita o nakakausap." paliwanag pa ni Calvin sabay inom ng alak.
"Kaya nga obvious na obvious na sabik na sabik kayo sa isa't isa eh. Sinamantala niyo na sana."
Hindi naman malaman ni Calvin kung papaano magpapaliwanag pa kay Carly dahil mukhang inis ito sa kanya.
"As I said, she's nothing to me now. It's been a long time."
"I'm not asking."
Sabay inom muli ni Carly sa alak niya. Napapabuntong hininga na lamang din si Calvin dahil mukhang kahit anong sabihin niya ay galit ito sa kanya.
ILANG minute na silang nagiinuman doon na dalawa ngunit walang nagkikibuan sa kanila. Kinuha na ni Calvin ang isang buong bote ng whiskey at siya na ang tumatagay kay Carly hanggang sa naubos na pala nila itong dalawa.
"Ang lakas mo rin pala talagang uminom ah." bati pa ni Calvin rito habang binubuksan ang panibagong bote ng alak nila.
"Tss! Inuman lang pala eh!" tila tipsy namang sagot ni Carly sa kanya.
Nagumpisa muli silang uminom na dalawa.
Biglang itinaas ni Carly ang baso niya at minasdan ito.
"Cheers para sa mga taong pa-fall!" sigaw nito na rinig ng ilang nasa bar area at ilang mga naka-table sa likuran nila.
"Cheers!" sigaw din ng mga taong naroon. At sumabay din sila ng paginom kay Carly.
Napatingin naman si Calvin sa kanya na hindi malaman ang gagawin na.
"Hindi ako pa-fall noh." pasaring naman nito.
"Sinabi ko bang ikaw? Si Rick yun wag kang assuming!" pangbabara pa nito.
"Tss.. Hindi mo rin talaga makalimutan eh noh?" tila inis namang sagot pa ni Calvin at kinapantig ng tainga ni Carly.
"Anong hindi ko makalimutan?! Duh?!" inis naman ding tugon ni Carly. "Ikaw nga halatang miss na miss yung ex mo nung nagkita kayo. Pakayakap-yakap pa! Hi Calvin, I did not expect to see you here! Pwe!" paggaya pa nito sa maarteng boses ni Shanon sabay pangookray dito.
Natawa naman si Calvin sa ginawa niya.
"Tawa-tawa ka dyan, sipain kita eh." pag-irap pa ni Carly sa kanya sabay inom ng alak.
"Hahaha! Nagseselos ka ba?"
"Huwat?! Me?! I'm jealous?! Are you drunk?!" mariing pagtanggi naman ni Carly roon.
Natatawa pa rin si Calvin at napapainom na lang ng alak niya.
"Bakit naman ako magseselos dun? Mukhang aso yun!"
At humagalpak na nga ng tawa si Calvin. Hindi lang dahil sa mga sinasabi ni Carly, kung hindi ang arte nitong nagseselos nga. Hindi niya malaman pero natutuwa siyang masaksihang nagseselos nga ito.
"Tumigil ka nga!" sabay hampas ni Carly sa braso ni Calvin.
"Okay, okay haha! You're so cute." saad pa nito sabay inom ng alak niya.
Napatingin naman ng masama pa si Carly sa kanya.
"You're so cute. Hehe." paggaya pa ni Carly sa sinabi ni Calvin na tila pa-sarcastic.
Hindi na naman ulit napigilan ni Calvin na matawa rito.
"Stop making fun of me!" sabay ambang susuntukin na ni Carly si Calvin ngunit pinigilan siya nito.
"Okay, okay! I'll stop! You're just so cute when you are jealous."
"I said, I'm not jealous!" halos pasigaw namang sagot nito.
"Fine!" tila pagsenyas pa ni Calvin ng pagsuko rito.
Nagpatuloy sila sa paginom na tila hindi pa rin nagkikibuan.
Tss.. Hindi naman talaga ako nagseselos dun! Ang kinakainis ko ay yung hindi niya pagsabi doon sa babaeng aso na yun na fiancé niya ako!
Tila mababaw lang ang dahilan ni Carly ngunit apektado pa rin siya rito. Tila nakaramdam siya ng kaunting insecurities rito dahil ex-girlfriend ito ni Calvin.
Nang maubos na naman nilang muli ang isang bote ng alak, tumayo na si Carly sa kinauupuan stool bar, tila susuray-suray na ito kaya pagkabayad ni Calvin ay sinundan naman niya ito sa paglalakad.
Lasing man din ay sinusubukan ni Calvin na alalayan si Carly ngunit tinataboy lang siya nito.
"Huwag mo kong hawakan! Du -- dun ka sa ex mo!" saad pa nito at nagpipigil naman ng tawa si Calvin.
"Come on! Baka madapa ka pa diyan." mahinahon pa ring paghawak ni Calvin sa kamay ni Carly ngunit tinatapik lang ito ng dalaga palayo.
"Tumigil ka nga! Asar toh!" pagtataray pa rin nito.
"Sige na, hindi ko na hahayaang magselos ka ulit. Nakakatakot ka eh." birong pasaring naman ni Calvin kaya napatingin ng masama sa kanya si Carly.
"Kulit mo rin eh noh? Pinagpipilitan mo pa?" seryosong tugon naman ni Carly sa kanya.
Kahit pasuray-suray sila sa paglalakad sa may beach front, hindi pa naman sila nawawalan ng balanse.
Nabigla naman si Calvin ng biglang manakbo si Carly ng may makitang puno.
"*Bwoook! "
At tama nga ang hinala ni Calvin na nagsuka na naman ito.
"You okay?" paghimas pa nito sa likuran ni Carly.
"Ay grabe? Dami ko bang nainom?" pagtataka pa nito ng mahimasmasan.
"Dahan-dahan lang kasi."
"Lampaki!" sabay walkout nito.
Naglakad muli sila sa beach front ngunit tila nakaramdam na ng pagod si Carly kaya noong may natanaw siyang tila isang tent sa beach front ng resort ay kaagad siyang lumapit roon. Sinundan naman siya ni Calvin.
Binuksan niya ang tent at nakitang may ilang gamit na unan at isang kumot na naroon sa loob.
"Ayos!" naghubad naman na ng tsinelas niya si Carly at pumasok roon.
Sinundan lang din naman siya ni Calvin.
"Oh? Anong ginagawa mo rito? Balik ka dun sa babae mo!"
"Hindi ko yun babae noh! Saka wala akong babae! Tss.." tila inis namang sagot nito.
"Whatever!" at inirapan naman siya ni Carly.
Malaki ang tent kung kaya't mataas pa rin ito kahit pa nakapaluhod sila parehas sa loob.
Kinuha ni Carly ang isang unan at dumapa sa may bukasan ng tent. Ganito rin ang ginawa ni Calvin.
Tumanaw-tanaw naman ito sa mga hampas ng alon, maliwanag ang buwan kaya mamamasdan ang beach. Napakaraming bituin rin sa kalangitan at masarap sa pakiramdam ang malamig na simoy ng hangin.