PAGKABALIK NILA SA resort ay nauna ng mag-shower si Carly. Tila may ginawa pa muna si Calvin at sakto ng matapos si Carly ay siya naman din naligo.
Matapos nun ay inaya ni Calvin si Carly na mag-dinner na sila at kaagad rin silang lumabas ng kanilang kwarto.
Nangunguna pa sana si Carly sa paglalakad patungong restaurant ng resort ng hatakin at pigilan siya ni Calvin.
"Oh? Akala ko ba --"
"Hindi diyan ang table natin." saad naman ni Calvin.
Inakbayan niya si Carly at hinaya sa may beach front ng resort. Doon nasilayan si Carly ang isang naka-set up na table for two sa harap mismo ng beach.
Tila namangha at nabigla siya dito dahil mukhang pinaghandaang mabuti. Maayos at napaka-romantic ng table setup nila with sulo at candle lights.
"Oh my.." tila natutulala naman siya ng makita ito.
"Let's go?" paghaya pa ni Calvin ng kamay niya at may pa flower path pa sa buhanginan na dinadaanan nila patungo sa table nila. Inalalayan naman siyang makaulo muna ni Calvin bago ito naupo sa tapat niya.
"How did you --"
"Hmm.. We'll, I've been offered earlier about their dinner by the beach, so I also think -- you might like it." tila nahihiyang sagot naman ni Calvin sa kanya
"I might like it? I love it! I never expected any of this." natutuwang saad naman ni Carly habang minamasdan ang paligid nila.
"You don't actually have to do this but -- thank you." dagdag pa ni Carly.
"I -- I just wanted this make it more special."
"It is so special. I've never been into a date like this." sabay ngiti pa niya rito.
"A date?"
"Ahm, I mean --"
"Yes, of course. It is a date. Me too, I've never done this before."
"Really?" tila natutuwang hindi makapaniwala naman si Carly rito.
Hindi niya rin akalain na may soft and sweet side rin pala si Calvin. Ibang-ibang Calvin na ngayon ang pagkakakilala niya rito kumpara sa una nilang pagkikita.
Parang ito yung Calvin na hindi mahirap tanggapin at mahalin.
"Good evening ma'am, sir. This is your 1990 Hardy's Sauvignon Blanc from Spain. Would you like to have some glass?" magiliw na paglapit naman ng lalaking waiter sa kanila na nakahaya ang wine.
"Ahm, yes please." sagot naman ni Carly.
Naglagay ito sa parehas na wine glass nila.
Inabot naman ni Carly ang glass at pinaikot-ikot ang wine saka inamoy.
"How did you know this is my favorite varital grape of wine?" tanong naman ni Carly.
Nagkibit balikat naman si Calvin at nangingiti na lang din.
"I don't know, it is just a guess."
Nangiti naman si Carly at hinaya ang wine glass kay Calvin upang sila ay mag-toast
"Let's toast for our escape?" saad pa ni Carly.
"Our accidental escape." biro pa ni Calvin at nag-toast nga sila ng kanilang mga baso at tikim na rin ng wine.
"Sana sinabi mo man lang na may pa-dinner by the beach ka pala, eh di sana yung isang maxi dress ko ang sinuot ko. Mabuti na lang talaga naisipan ko lang magsuot ng ganito." pagmamaktol pa nito dahil naka-maxi dress lang siya ng tube at lampas tuhod ang haba.
"You still look nice on whatever you are wearing." komento pa ni Calvin.
"Weh?" pagaalangan naman ni Carly kaya natawa sa kanya ito.
"Walang halong biro."
"Pero may halong bola, ganun?"
At nagtawanan naman silang dalawa na tila sila lamang ang naroon. Ramdam nila ang privacy dahil sila nga lang naman ang naroon sa beach front at nagdi-date.
Lumalapit-lapit lamang ang kanilang waiter kapag nagtataas sila ng kamay dahil tapos na sila at ready na sa susunod na course meal.
"I'll get your desserts ma'am, sir. Just a moment." saad ng waiter pagkakuha ng pinagkainan nila at linis ng mesa nila.
"Thank you." sagot naman ni Calvin doon.
Uminom naman si Carly ng wine niya napansin niyang tila lumakas ang kanina nilang music.
Tila napalitan ito ng kanta naman kaya medyo natigilan si Carly dito.
"Why?" takang tanong naman ni Calvin.
"Yung music kasi, oldies but goldies." sabi naman ni Carly.
"Oh? Yeah.. Much better though."
Maya-maya pa umihip ang malakas na hangin at biglang nilipad ang ulo ng malaking payong na nasa tabi nila.
"Ay! Yung payong!" sigaw pa ni Carly ng nilipad ito ng hangin.
Napatayo pa si Calvin at hinabol sana yun ngunit nilipad na ito sa malayo. Natawa na lang silang dalawa dahil ngayon ay open na open na sila.
"Hahaha! Huwag mo ng habulin!" pagtayo na rin ni Carly dahil nanakbo ng bahagya si Calvin para habulin sana ito.
Natawa na lang din siya at naglakad pabalik sa mesa nila.
"Okay na sana eh, epic lang yung payong na yun." natatawang saad naman ni Calvin ng makabalik sa mesa nila.
"Haha.. Hayaan mo na."
Parehas pa silang nakatayo at tinatanaw ang nilipad na uluhan parte ng payong.
"Ahm, Calvin.." napalingon naman ito sa kanya. "May I -- have this dance?" tanong naman ni Carly rito sabay haya ng kamay niya kay Calvin.
Napatingin si Calvin sa kanya na parang hindi makapaniwala.
"Ngangawit na ko." pasaring pa ni Carly at natawa naman si Calvin. Inabot na ni Calvin ang kamay niya at hinawakan ito.
Nagtungo sila sa gawing mas malapit sa dagat at doon naglapit. Kinapit ni Carly sa leeg ni Calvin ang kanang kamay at yung isa ay magkahawak sila ng kamay ni Calvin. Nakakapit naman ang kaliwang kamay ni Calvin sa bewan ni Carly.
Sumabay naman sila sa slow movement ng music, slow dancing at closer look.
"This is so perfect." saad naman ni Carly habang nakatingin sa bahagi kung nasaan ang dagat.
"You are perfect." mahinang saad naman ni Calvin kaya hindi naintindihan ni Carly dahil na rin sa malalakas na hampas ng alon at music sa paligid nila.
"Ano?"
Umiling-iling naman si Calvin at nangiti kaunti. Inilagay pa niya sa balikat niya ang hawak na kamay ni Carly at kinapit rin ang isa pang kamay sa bewang nito. Lalo tuloy silang nagkalapit at tila natutuod naman si Carly rito.
Nakatingin lang si Calvin sa kanya at tila gayun lang din ang nagagawa niya.
"When -- when we get back to Manila, can we still do this?" seryosong tanong naman ni Calvin kay Carly na nakapagpakaba bigla sa dalaga.
Nakaramdam na naman siya ng parang kinukurtente ang katawan niya. Napapatulala siya kay Calvin at hindi malaman ang isasagot.
"Of -- of course." sagot na naman niya rito.
Napansin bigla ni Carly papalapit ang mukha ni Calvin sa kanya, pumikit rin ito kaya napapikit na rin siya. Mukhang matutuloy na yata ang kaninang inaakala niya.
"Excuse me po ma'am, sir. Here's your desserts."
Napabalikwas naman ang dalawa sa gulat at naglayo kaagad. Parehas silang tila nailang na at nahiya dahil may nakakita sa kanila na ganun ang eksena.
"Ah, okay." pagpatay malisya ni Carly at sabay balik sa mesa nila. Gayun na lang din ang ginawa ni Calvin.
Habang kumakain sila ng dessert nila ay medyo naging tahimik ang mga ito. Hanggang sa natapos ang kanilang dinner date ay nagkakailangan naman silang dalawa.
Naglalakad sila pabalik sa kwarto nila na nauuna si Carly sa paglalakad. Binibilisan talaga nito ang paglalakad para hindi abutan ni Calvin. Halata kasi ang tense at ilangan sa pagitan nila matapos ang naudlot na halikan nila kanina. Hindi na makatingin si Carly ng diretso kay Calvin.
Nakapasok na sila sa kwarto at dumiretso rin si Carly sa pinaka kwarto niya at nagsara ng pinto.
Hindi naman na siya hinabol ni Calvin dahil ramdam din nito ang ilangan sa pagitan nila.
Pagkasara palang ng pinto ni Carly ay napasandal na siya roon.
"Ugh! Grabe! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dun ah?" saad nito sa sarili at hawak pa sa may dibdib niya.
"Pambihira? Akala ko talaga yun na? Tapos -- aarrgh! Ano bang nangyayari sa akin?!" tila naloloka naman niyang mga tanong sa sarili niya. "Ay ewan!" sinampal-sampal naman nito ang sarili niya. "Aray! Gising Carly! Hindi ka pwedeng ma-in love sa lalaking yun?!" saad niya sa sarili pero napaisip din siya rito. "Teka? Bakit nga naman bawal? Eh magpapakasal rin naman talaga kami, di ba? Hindi ba dapat -- dapat ba yun?" tanong pa rin niya sa sarili niya.
"Ay ewan! Bahala na!" sigaw na lang nito at sabay gulo ng buhok niya.
Habang si Calvin naman ay napadungaw muna sa veranda. Tila naguguluhan na rin siya sa sarili niya kung bakit nagagawa niya ang ganitong bagay sa isang tao lamang.
Hindi niya malaman kung bakit simula ng makasama niya si Carly ay mas nagiging totoo na siya sa sarili niya. Mas totoo ang mga bagay na ginagawa niya. At mas lumalabas ang natural sa kanya. Komportable kaagad siyang kasama ito sa anumang bagay at sa tingin niya ay nagkakasundo naman sila ng dalaga. Hindi nga kaya tama ang kanyang mga magulang sa pagpilit sa kanya sa pagpapakasal sa babaeng ito? O nadadala lang siya dahil alam niyang kinakailangan niya itong gawin?
Gusto niyang malaman at makasigurado rin sa nararamdaman niya. Gusto niya ang ideya na nagugustuhan na niya si Carly hindi bilang dahil kailangan niyang pakasalan ito, kung hindi dahil sa katauhan nito.
At gusto niya rin sanang makasigurado kung ganito na rin ba ang nararamdaman nito para sa kanya, o ganito rin kaya ang mararamdaman nito para sa kanya.
Nangangamba siyang baka hindi pa rin talaga nito gusto siyang pakasalan. Pero siya, sigurado na sa sarili niyang desisyon.
KINABUKASAN…
Day 8 of 'Escape getaway'
Maagang nagising si Carly at nasilip niya ang kwarto ni Calvin dahil hindi nakasarang mabuti ang pinto nito. Natutulog pa ito na nakapahigang pwesto.
Pagkabukas ni Carly ng pintuan nila ay nagunat-unat muna siya sa may veranda, at dahil beachfront ito, tanaw na tanaw niya ang ganda ng puting buhangin at asul na tubig.
Tila may napagtanto at naisip naman si Carly. Dahil sa maaga pa naman at kakasikat lang ng araw, nagpasya siyang lumabas muna at maglakad-lakad patungong ward ng Sitio.
Naalala niya ang daan dito dahil dito rin sila nagtungo kahapon ni Calvin papuntang dispatching area.
Nakita niya na mukhang busy pa rin ang lugar, nagkalat ang mga turista at gayun din ang mga lokal na may kanya-kanyang kabuhayan doon. Napadpad siya sa tila talipapa at natuwa sa iba't ibang klase ng lamang dagat na naroon.
"Wow ang daming hipon!"
Kaagad siya namili ng mga sangkap dahil balak niyang paglutuan si Calvin bilang pasasalamat rito sa mga nagawa nito para sa kanya.
Kahit hindi masyado marunong ay namalengke siya at kaagad ring naglakad pabalik ng resort.
Nang makabalik siya ay tulog pa rin si Calvin. Mukhang napagod o napuyat yata ito? Kaya nagsimula na rin siyang mag-saing at maghanda ng lulutuin. Mabuti na lamang talaga ay nasubukan niyang gawin ito habang nasa Davao pa siya noong kasama si Aki.
"Hmm.. Grabe amoy palang nakakagutom na." pagamoy pa niya sa ginigisa at nagpatuloy naman siya sa pagluluto.
Ilang sandali pa, unti-unting namulat si Calvin dahil na rin sa mabangong amoy na nanunuot sa ilong niya. Napabangon siya mula sa pagkakadapa ng higa. Nagtataka siya kung bakit siya nakakaamoy ng parang ginigisa kaya kaagad siyang bumangon. Pagkalabas niya ng kwarto ay nakita niya si Carly na nakatalikod at mukhang nagluluto nga.
Napasandal siya sa gilid ng pinto ng kwarto niya at minasdan niya pa ito ng ilang sandali. Hindi siya makapaniwala na ginagawa ni Carly ito ngayon, alam niya kasing medyo laki din sa layaw ito at wala masyadong alam na gawaing bahay. Kaya tila nasurpresa niya na nagluluto pala ito.
Tila napagmuni-muni niya ring ang nakakatuwang pangyayaring ito. Kung sakali man maikasal na sila nito, ipagluluto pa rin kaya siya nito? Tila nasasalamin niya rito ang isang mabuting asawa.
"What are you cooking?" bungad na niya rito.
Napalingon naman sa kanya saglit si Carly.
"Ah, gising ka na pala. Malapit na ko matapos." saad naman nito.
At dahil si Carly ang nagluluto, siya naman ang naghanda ng mesa na kakainan nila.
Nagsalang din siya ng mainit na tubig upang makapagkape sila. Saktong nakagawa si Calvin ng kape nila ay siyang tapos na ng niluluto ni Carly.
"I present to you, my Nilasing na Buttered Shrimp!" paghaya pa ni Carly ng niluto niya at amoy na amoy ang bango nito. Nilapag na rin niya ito sa mesa at kinuha pa ang kanin at ginawa niyang ensalada.
"Wow? I'm impressed." saad naman ni Calvin.
"Talaga? Try it!"
Naglagay nga si Calvin ng kanin at ilang hipon sa plato niya. Nabalatan na ito ni Carly kaya nanunuot na rito ang lasa.
Tinikman ito ni Calvin at tila nananahik siya. Minasdan naman siya ni Carly na tila nagiintay ng komento niya.
"Ano? Masarap ba?"
Umiiling ng bahagya si Calvin habang ngumunguya. Nababakas naman na kay Carly ang pagkalungkot.
"Hindi eh.." sagot naman ni Calvin kaya bumagsak balikat na si Carly. Tila napahiya ito sa kanya. "Hindi masarap kasi -- sobrang sarap! This is so good." sabay ngiti niya rito kaya nabuhayan naman si Carly.
"Sige, kain ka pa marami. Para sayo talaga yan." saad pa nito kay Calvin.
"Para sa akin?"
"Ahmm, oo. Kasi -- kasi saying thank you wasn't that enough. I wanna do something for you too." pagngiti niya rito at tila nahihiya naman siya.
"Well, thanks. I appreciate it. I appreciate this." pagngiti rin ni Calvin sa kanya.
"Cheers?" paghaya pa ni Carly ng mug niya ng kape kay Calvin. At gayun rin ang ginawa nito.
"Cheers!"
Kumain na sila ng breakfast at mukhang nasarapan nga doon si Calvin dahil halos maubos nito ang lahat ng niluto ni Carly.
"Mag-ready ka na, may pupuntahan pa tayo." sabi naman ni Calvin rito ng matapos silang kumain.
"Huh? Saan naman? Akala ko maglilibot na lang tayo sa beach dito?"
"Oo nga, kaya mag-ready ka na." pagngiti pa niya kay Carly at walang protesta naman na itong naghanda para sa sunod nilang gagawin.
Walang ideya man si Carly sa gagawin nila, tiwala naman siya kay Calvin na alam nito ang gagawin.
"OH ma'am, sir! Good morning po!" magiliw namang bati mulinsa kanila ng bangkero na nasakyan nila kahapon.
"Good morning din po kuya. Nice to see you again." bati naman ni Carly.
"Ako rin po ma'am. Ah eh, ready na po ba kayo?"
Nagtaka naman si Carly at napatingin kay Calvin.
"Oo, ready na kami." sagot naman nito at sumakay na sila sa bangka.
"Pst? Saan tayo pupunta? Sa Underground River ulit?" tanong naman ni Carly.
"Hindi." nangingiti naman si Calvin dahil tila isang surpresa na naman ito. "You'll find out soon."
Natahimik na si Carly at minasdan na lang muli ang malawak at magandang tanawin ng dagat.
Ilang minuto ng binaybay nila sa dagat at may natatanaw ng maliit na isla si Carly. Mukhang doon nga sila pupunta.
"Alright! Welcome to Isla Rita!" saad naman ng bangkero nito. At bumaba na rin sila sa bangka.
Namamangha naman si Carly dahil kahit maliit ang islang ito ay tila buhay na buhay rito. May iilang turista ring narito ngunit marami ring mga lokal na may kanya-kanyang stall ng bilihin.
"Come here." pag-aya pa ni Calvin kay Carly at sumunod naman ito sa kanya.
Nagtungo sila sa isang scuba and snorkeling gear rental and training area.
Nag-inquire sila doon at nagrenta na rin sila ng mga pang scuba gears.
"Atin ito? Magsu-scuba tayo?" nabibigla namang tanong ni Carly.
"Yeap! We can't leave Palawan without doing this so -- we will!"
"Ahh! Oh my!" natuwa naman sa excitement si Carly at kaagad na nagsuot ng scuba gear.
Nag-demo at instruct na muna sa kanila ang ilang scuba instructor bago sila sumabak sa pagsisid. Tinuro sa kanila ang mga equipment at kung para saan ito. Nasabi rin ng mga ito kung ano ang maaari nilang makita sa ilalim ng dagat at kung ano ang dapat iwasan.
Matapos nun ay sumakay na sila sa designated na bangka nila kasama ang ilang guides. Binaybay na nila ang gitna ng dagat at nagsimula na ang iba magsuot ng kani-kanilang oxygen tank.
Tinutulungan naman si Carly magkabit ng isang guide na nag-a assist sa kanila at gayun rin kay Calvin. Nagsuot na rin sila ng goggles at ang oxygen nila.
Sabay pa silang naupo na sa kanto ng bangka upang makapag-dive pabaligtad sa tubig.
Sabay nila itong ginawa at sabay rin silang lumubog sa tubig.
Nagkasenyasan naman sila kung saan pupunta kaya lumangoy na sila patungo roon.
Nasasaksihan nila naggagandahang mga isda at iba't ibang kulay ng mga corals sa ilalim ng dagat. First time ito ni Carly kaya sobra siyang namamangha.
Nakasabit naman ang GoPro niya sa leeg niya kaya mabilis niya itong nakukuha kapag gusto niyang kuhaan ang mga isda o kung ano pa mang lamang dagat.
Patuloy sila sa pag-scuba diving at tila nag-e explore sa ilalim. Hiningi ni Calvin ang GoPro cam niya at ito naman ang kumuha sa kanya ng mga litrato at video.
Habang kinukuhaan ni Calvin si Carly, nakita nito ang isang Olive Ridley turtle na lumalangoy sa likuran banda ni Carly kaya tinuturo niya ito rito. Napansin naman ni Carly ang pagturo niya kaya lumingon ito sa likuran niya.
Nakita nga ni Carly ang pawikan kaya lumangoy siya papalapit rito, sumunod naman din ng paglangoy si Calvin.
Nakilangoy si Carly malapit sa pawikan na tila prenteng lumalangoy-langoy lang. Tila natutuwa siya rito kaya kinukuhanan naman siya ni Calvin ng litrato at videos.
Nang makalayo ng tuluyan ang pawikan ay bumalik sila sa paglilibot. Nakakita rin sila ng isang ship wreck at napansin nilang naroon rin ang ilang turistang kasabayan nila. Mukhang nililibot rin ito.
Bumaba sila roon at namangha naman sila rito. Napakalaki ng barko sa ilalim at nakakatuwang libutin. Marami na ring mga lamang dagat ang naninirahan doon kung kaya't nagiingat sila sa paggambala sa mga ito.
Panay kuha si Carly sa kabuuan ng barko at kung saan sila masuot ni Calvin. Sa paglangoy nila ay napansin nilang nadaanan na nila ang malaking hall sa loob ng barko. Dahil sa mga butas rito ay natatagusan na ang kaunting liwanag ito muna sa araw sa itaas ng dagat.
Pumasok sila roon at nakita ang lumang chandelier na nakasabit pa rin doon. Tila nasa gitna sila ng hall.