Part 14

3009 Words
NANG MAKASAKAY NA silang muli sa bangka pabalik ng dispatching area, naging tahimik na lang si Carly at nakapatalikod na upo habang nakatanaw sa dagat. Si Calvin naman ay nasa unahang parte ulit ng bangka at minamasdan naman din si Carly. "Maraming salamat po kuya." pagpapaalam naman ni Carly sa bangkero. "Salamat rin po dito, ma'am, sir! Sa uulitin po!" "Salamat din kuya." Pagpapaalaman naman nilang dalawa at naglakad na sila palabas ng dispatching area. Nasa may ward na sila at napansin ni Carly ang mga nakahilerang stall ng mga fruit shakes. "Tara, let's refresh ourselves!" pag-aya naman ni Carly kay Calvin at lapit sila sa isang fruit shake stall. Nag-order na sila at inintay ito doon. "Saan mo balak pang pumunta? Mahaba pa ang oras natin ngayon." tanong naman ni Calvin. "Hmm sa Mangrove Paddleboat tayo?" "Saan naman yun banda?" "Somewhere lang din daw yun dito eh." "Sa dulo po yun ma'am, sir. Pwede kayong umarkila ng tricycle o habal pahatid dun at pabalik." sabat naman ng tindera ng fruit shake at abot sa kanila ng mga orders nila. "Ah, salamat po ate." "Walang anuman." magiliw rin nitong sagot. Nagtanong-tanong naman na sila kung saan at papaano makapunta sa sunod na destinasyon. "Sigurado ka bang kaya tayo nyan?" pagdududa pa rin ni Calvin. "Kayang-kaya sir!" panigurado naman sa kanya nito. Isang single na motor lang kasi ang gagamitin upang ihatid silang dalawa sa pupuntahan. Bale tatlo silang sasakay rito. Alanganin man si Calvin dahil hindi pa siya nakakasakay ng motor na siya ang angkas. Pero si Carly ay tila na-excite dahil dito. "Dapat pala nagkotse na lang tayo!" pasigaw na saad ni Calvin habang tumatakbo na ang motor. "Okay lang toh, Calvs! Enjoy nga eh!" pagpapakampante naman nito kay Calvin. Nasa likod ng driver si Carly at nasa likod naman niya si Calvin. Nakikita ni Calvin na kumakapit-kapit si Carly sa driver at tila hindi niya ito nagugustuhan. Humawak siya sa balikat ng driver at napansin naman ito ni Carly. "Sa akin ka kumapit." saad pa ni Calvin rito. "Huh?!" "Sa kamay ko ikaw kumapit. Para hindi ka mahulog!" "Oo na!" pasimpleng ngiti naman si Carly at bumitaw na rin sa oagkakahawak sa balikat ng driver. Humawak na lamang siya sa mga braso ni Calvin at naramdaman niyang halos nakapayakap naman na si Calvin sa kanya. Tila nakaramdam siya ng pagkapanatag. "Agh!" "Pasensya na po, hindi ko napansin." saad ng driver ng may madaanan silang lubak. Nabigla roon si Carly ngunit ang mas kinabigla niya ay ang biglang kapit ni Calvin sa bewang niya. Tila nanginig siya at kinilabutan pero hindi naman na siya nakapalag. Doon na nakahawak si Calvin hanggang sa makarating sila sa destinasyon. Tinulungan naman siyang makababa nito sa motor. "Dito ko na lamang po kayo iintayin, ma'am, sir. Enjoy po!" pagpapaalam pa nito sa kanila at nagtungo na silang dalawa sa registration area. Matapos nilang mag-fillup, may kasabayan ulit silang isang grupo ng mga excursionist na mga Chinese. May edad na ang mga ito at tanging sila lang ang medyo nakakabata sa mga ito at mga bangkero at guide nila. "Good afternoon ladies and gentlemen! Welcome to our Paddleboat Mangrove tour, please stay put and enjoy our ride!" panimula ng guide nila. Nasa unahan muli sila Carly at Calvin naupo at nasa likuran nila ang mga nasa sampung foreigner na kasabay. Tinuturo-turo naman ng guide ang iba't ibang klase ng bakawan sa paligid nitong river. Mahaba ito at maaliwalas. May nakikita rin silang maliliit na isdang naroon at ganun din ang ilang unggoy pang nasa itaas ng matataas na puno. Tila nag-e enjoy naman silang parehas at panay kuha rin ni Carly ng mga litrato ng lugar. "To make this trip a little more fun, I've noticed that most of you here couples, right?" magiliw namang tanong ng guide na nasa harapan nila at nagkantyawan naman ang mga turista. "I would like to give you some little facts about this arc shape mangroves we will going through. They say, if some couples will be going through it will kissing, they will last forever. For some couples that we're just dating, or just boyfriend and girlfriend only, they will surely gonna get married." paliwanag naman nito kaya tila natuwa ang mga turistang kasama nila. Natatawa-tawa rin naman sina Carly at Calvin sa sinabi ng guide. "So, who among you are already married couples? Raise your hands!" At nagtaasan naman ang kamay ng lahat ng foreigner na nasa likod nila. Napatingin naman dun sina Carly at Calvin na natatawa naman at tila parehas kinikilig sa mga ito. Mukhang mga magaasawa nga ang pares na kasabayan nila. "Oh? How about the two beautiful couples in front of me? Aren't you guys married yet?" tanong pa nung guide. Nagkatinginan pa muna sina Carly at Calvin na tila nagiintayan kung sinong sasagot sa kanila at nakakaramdam na rin ng hiya dahil parang kinakanyawan na sila ng mga turistang kasama nila. "Not yet." Tila nagkagulatan pa sila dahil sabay nila itong naisagot. Halos manlaki ang mga mata ni Carly ng mapatingin kay Calvin at kahit hindi ipahalata nito ay nabigla rin siya sa sagot ni Carly na iyon. "Aba! Ayiiee!" "Ayiiee!" Tila lalong lumakas ang kantyawan ng mga ito sa kanila at mukhang hindi na maitago ni Carly ang pagka-blush niya kaya yumuko siya ng bahagya. Napansin naman ito ni Calvin at hindi niya rin mapigilan ang pagngiti dahil rito. "Oh guys, we're almost going through on the love arc, get ready for kissing!" pagpapaalala naman ng guide sa kanila. Napasulyap pa sila sa mga turistang magaasawa sa likuran nila na mukhang magkakaharap na. Nanlalaki naman ang mga mata ni Carly dahil mukhang alam na niya ang mangyayari. Nako po naman? Kailangan ba naming mag -- mag-kiss? "Okay, get ready! And kiss!" sigaw pa ng guide at sabay-sabay namang naghalikan ang mga couples na nasa likuran nila. Sabay pa silang napatingin sa mga yun at pareho ngayon nakakaramdam ng pagka-ilang at hiya. Nagkasalubungan naman sila ng tingin at parehong kinabugan ng dibdib. Kaagad rin sila nagkaiwasan ng tingin. Sabay pa silang napatingin sa mga yun at pareho ngayon nakakaramdam ng pagka-ilang at hiya. Nagkasalubungan naman sila ng tingin at parehong kinabugan ng dibdib. Kaagad rin sila nagkaiwasan ng tingin. "Oh? We are here. Arc. You, and you! You kiss!" hirap man mag-English ay pinilit na saad naman ng turistang foreigner na nasa likuran nila at tila nagaabang rin ang iba sa kanila. "Come on ma'am and sir, have a kiss under the love arc." pagsulsol pa ng guide. "Ahm.." tila hindi naman mairi si Carly dahil mukhang naiipit sila ni Calvin sa ganitong sitwasyon. Biglang hinawakan ni Calvin si Carly sa magkabilang balikat nito at hinarap sa kanya. Laking gulat ito ni Carly ngunit natuod na lamang siya. Nanlalaki ang mga mata siya sa pagtitig kay Calvin. Seryoso lang ang reaksyon nito sa kanya at tila nakatitig sa kanya. "Ho -- hoy? Anong -- balak mo?" nauutal na tanong nito na tila kinakabahan. Dahan-dahan namang lumalapit si Calvin kay Carly at hindi naman malaman ng dalaga ang gagawin kaya napapikit na lang siyang mabuti. Maya-maya pa ay nakaramdam siya ng dampi sa may noo niya kaya dahan-dahan niyang minulat ang mga mata niya. Ay sa noo? Ay loka ka Carly? Bakit gusto mo ba talaga sa ano? Magkahalong kaba at dismaya ang naramdaman ni Carly dahil hinalikan siya ni Calvin sa noo. "Aww! He must really respect you." komento pa ng guide ng makita ang ginawa nila. Tila nabunutan naman ng tinik si Carly ngunit sa ibang parte ng isip niya, bakit kaya hindi pa siya sa lips hinalikan ni Calvin? So, gusto mo talagang halikan ka ni Calvin pa sa lips ganun? Hindi niya alam pero nakakaramdam siya ng inis. Hindi niya ito kinikibo hanggang sa makasakay muli sila ng motor pabalik ng resort nila. Pagkabalik ng resort ay dumiretso sila sa restaurant nito upang makakain naman na. "Ahm, would you like to try our wines, sir?" tila malambing na tanong pa ng waitress kay Calvin. Napansin ni Carly ang tono nito kaya hindi niya naiwasang tingnan ito. Nakita niyang malagkit ang tingin nito kay Calvin at mukhang nagpapa-cute. Napatingin naman siya kay Calvin na nakatingin sa menu. Nilapitan pa itong mabuti ng waitress na halos isubsob na ang sarili kay Calvin. Hindi niya malaman kung bakit tila lalo siyang nakakaramdam ng inis. Feeling niya, gustong-gusto ni Calvin ang paglapit mabuti sa kanya ng magandang waitress. Masama na ang tingin ni Carly sa dalawa at hindi pa iyon napapansin ni Calvin. "Ahm, would you like to try a white or a red wine sir?" tanong pa ng waitress. "Ahm.." sa wakas ay napatingin na si Calvin kay Carly na nakatingin naman na ulit sa menu. Mukhang naba-bad trip na ito. "How about you, Carly? Would you like to have some glass of wine?" "No, thanks." malamig na sagot nito at tila pinagtakahan ito ni Calvin. "Maybe later." sagot naman nito sa waitress. "Okay sir." Pagkakuha ng orders nila ay umalis din kaagad ang waitress. Nahalata ni Calvin ang pagsimangot na ni Carly. "What's wrong?" tanong na niya rito. Napatingin naman si Carly sa kanya ng matalim. "Nothing." malamig naman niyang tugon. Tila nasa hot seat si Calvin dahil hindi niya malaman kung bakit bigla yatang nagagalit si Carly sa kanya. Hindi kaya dahil sa paghalik nito sa noo niya? Maya-maya pa ay magiliw na naman lumapit ang waitress at buong ngiti kay Calvin. Naglagay ito ng tubig sa mga baso nila at hindi inaalis ang ngiti at sulyap kay Calvin. Nasundan naman ng masamang tingin ni Carly ito at tila nahalata naman na ito ni Carly. "She's not my type." pasaring ni Calvin sabay inom ng tubig. "So?" at paginom rin ni Carly sa tubig niya. Tila nagpipigil naman si Calvin ng ngiti kaya pasimple niyang tinakpan ang bibig niya. Nang dumating na ang ilang pagkain nila ay kumain na rin sila kaagad ng tahimik. Patuloy pa rin ang pagpapa-cute kay Calvin ng waitress at sinusubukan namang hindi ito pansinin ni Calvin. "Harot naman neto." bulong naman ni Carly sa sarili habang masama ang tingin sa waitress na umalis. Hindi naman na maitago ni Calvin ang pagngiti niya dahil palagay niya ay nagseselos si Carly doon. Hindi niya malaman kung bakit tila natutuwa siya sa bagay na ito. Sakto namang napalingon sa kanya si Carly na masama rin ang tingin at bigla siyang sumeryoso ng reaksyon at balik sa pagkain muli. "Okay, thank you so much." "Thank you too sir." Pagalis na ni Calvin matapos kausapin ang receptionist. Nagiintay naman si Carly sa may bungad ng resort at nakatanaw sa malaking fish pond rito. "Let's go?" paglapit naman ni Calvin sa kanya. "Where are we going?" "Hmm, basta. Tara na." pagngiti pa ni Calvin rito. Binaybay nila ng lakad ang white beach sand sa lugar. Naglakad sila hanggang sa makarating sa dulong batuhan ng lugar. "Huy Calvin, nasaan na ba tayo? Dulo na ito ah." takang tanong pa ni Carly. "Basta. Let's get up in here!" paghaya pa nito ng kamay niya para makasampa si Carly sa malalaking bato. "Okay lang! Makakaakyat ako dyan!" pagtataray pa nito at magisa ngang sumampa sa batuhan. Tumawid-tawid sila sa itaas ng mga bato na tila paikot. "Aah!" nadulas na bahagya si Carly ngunit hindi naman siya nawalan ng balanse. Nakita ito ni Calvin at nagalala naman siya rito. "Sabi na kasing humawak ka na lang sa akin." sabay pilit nitong hinawakan ang kamay ni Carly at wala naman ng nagawa ang dalaga sa kanya. Ilang saglit pa ay natanaw na nila ang isang beach na tila tago dahil sa malaking batuhan na tinawiran nila. "Oh my! How did you --" "I asked the receptionist where could be a beautiful spot here to have some, you know more peaceful place. She told me about this. And, I think she was right." "Oh my gosh! This is the most beautiful beach I've ever seen! In person!" tila na-excite naman si Carly ng matanaw ito. Kulay asul at malinaw ang tubig, puti rin ang mga buhangin at tila walang ibang taong naroon sa gawi ng beach na ito kung kaya't parang solo nila ito. Kaagad na bumaba sila sa batuhan at sa gilid ng beach ay halos magtampisaw na si Carly. Hinaya niya ang dalawang kamay at huminga ng malalim, dinadama niya ang bawat hampas ng alon sa paahan niya at ang hangin na dumadampi sa kanya. "Ang ganda dito grabe! Ayoko ng umuwi!" sigaw naman ni Carly sa may beach at natatawa naman si Calvin sa kanya. "There's one more thing we could do before we swim." saad naman nito sa dalaga kaya napaharap ito sa kanya. "Ano?" Tumuro si Calvin sa itaas na parte ng parang kagubatan sa likod ng beach. Napatingin doon si Carly at nakitang parang may maliit na tree house na naroon. Naglakad silang muli sa beach at pumasok sa kagubatan. Nakita ni Carly na may mga path way at trails kaya sinundan na lamang nila ito. Tila paakyat ito kung kaya't nakaramdam siya ng kaunting hingal. "Malayo pa ba? Ang taas naman pala ng tree house na yun." saad pa ni Carly. "We're almost there." Patuloy pa rin sila sa paglalakad hanggang sa makita na nila ang pakay. Hindi pala ito isang tree house kung hindi dispatching area ng mga gustong mag-zipline pababa sa maliit na islang bato sa gitna ng beach kaninang nakita nila. "Oh, thank goodness! Zipline pababa!" natutuwa namang komento ni Carly. "She also told me about this, I think you might like it so -- here we are!" Kaagad rin sila nagtungo sa kung saan ang Zipline. Sinuutan na sila ng hard hat at harness at pinapanik pa sa mas mataas na parte ng lugar. "Solo lang po ba o sabay na po kayo?" tanong naman ng nag-a assist sa kanila. Nagkatinginan naman silang dalawa at tila nagiintayan rin kung sino ang sasagot. "Ahm, mauna na siya." "Hindi. Sabay na kami!" pagkontra naman ni Carly sa sagot ni Calvin at napatingin lang ito sa kanya. "Okay po, akyat na po kayo dito para maikabit na natin." Gayun nga ang ginawa nila at magkaharap silang nakatali na sa wire. Inilabas ni Carly ang GoPro niya upang makuhanan sila ng video habang binabaybay ang kabuuan ng beach na dadaanan nila sa pag-zipline. "Ready?" tanong naman ni Calvin sa kanya. "Ready!" "Go!" at tinulak naman na sila ng nag-a assist. "Wooooaah!" halos sabay nilang sigaw dahil nasa itaas pa sila. Tanaw na tanaw nila ang malawak na dagat at beach area. Kitang-kita rin sa itaas ang ganda at linaw ng tubig. Halos mahulog man sa takot ang puso ni Carly pero napapawi yun kapag nakikitang kasama niya ngayon si Calvin. Pakiramdam niya ay lagi siyang safe kapag kasama ito. Tila tumitigil ang mundo ni Calvin sa tuwing nakikita si Carly na masaya dahil sa ginagawa nila. Nung una ay nagaalangan pa siya ngunit tila siya pa ang nag-e enjoy ngayon sa escape na pinasok niya. Masaya siya kapag alam niyang nasiyahan ang dalaga lalo kung siya ang dahilan. Nang makarating sila sa baba, tila hindi pa rin nawawala ang adrenaline rush ni Carly. Gusto pa sana niyang ulitin pero biro na lamang niya ito. "Sobrang ganda sa taas! Parang ayoko ng bumaba dun sa zipline!!" natatawang saad nito ng naglalakad na sila pabalik sa beach na pinaglabasan nila kanina. "Pero halata pa ring natatakot ka." "Syempre noh, ang taas ka dun. Pero promise, sobrang saya!" Pareho naman silang nangingiti sa enjoyment. "Hmm Calvs, thank you ah?" saad naman ni Carly rito kaya napatingin sa kanya si Calvin. "Thank you mga ginagawa mo para sa akin. Alam ko hindi madali kasi biglaan, pero ginagawa mo pa rin." Nangiti naman si Calvin at tila nakaramdam ng hiya. Halatang nagpipigil siya ng ngiti rito kaya bumalik siya ng tingin sa daan. "Saka ka na magpasalamat kapag okay na ang lahat. Kapag ligtas na kitang naiuwi sa inyo. Nangako kasi ako kay Thomas na iingatan kita." "Nangako ka?" "I mean, nangako akong hahanapin kita at iuuwi ng ligtas bago pa man ang nakatakdang kasal." Hindi na lamang iyong pinansin ni Carly. At kahit pa alam niyang ginagawa ito ni Calvin sa kanya dahil sa kasal nila, alam niyang hindi madali ang pagtakas nilang ito. Nang makarating sila sa tila secret beach ay kaagad na naghubad si Calvin ng sando at naka-shorts na lamang ito. Naghubad rin si Carly sando niya at shorts. Lumabas ngayon ang magandang hubog ng katawan niya na hindi akalain ni Calvin kaya tila napatulala siya rito. Nanakbo na kaagad si Carly palangoy sa dagat at nakabalik naman na sa wisyo niya si Calvin at sinundan ito doon. "Tara Calvs, salubungin natin yung mga alon!" pagaaya pa ni Carly rito at sabay naman nilang nilangoy ang malalim. Na parte ng dagat. Tila nagpapaunahan sila sa paglangoy pabalik ng pangpang ngunit mas mabilis pa rin si Calvin sa kanya. "Ang daya! Natatangay ako ng malakas na alon!" protesta pa ni Carly na humahangos na nakapaupo sa buhanginan. "Kasalanan ko bang natatanggay ka?" natatawa naman ding saad pa ni Calvin na nakaupo rin katapat ito. Umaabot sa paanan nila ang tubig sa tuwing hahampas ang alon, sabay nilang minasdan muli ang paglubog ng araw sa gawing yun. "Sana mas maraming araw pa ang mayroon tayo noh? Mas marami pa sigurong ganito kagagandang lugar ang makikita at mapupuntahan natin." saad naman ni Carly habang nakatanaw sa dagat. Napatingin na namang muli si Calvin sa kanya at minamasdan siyang mabuti. "Matunaw ako ah." pangaasar naman ni Carly sabay ngiti rito. "Hindi ka pa naman tunaw, so pwede pa." ganting pasaring din ni Calvin sa kanya na nakangiti rin ng bahagya. "Tara na nga! Magdidilim na sa dadaanan natin." pagtayo na ni Carly at punta sa kung saan nila iniwan ang kanilang mga gamit. Nagsuot na muli ito ng damit at gayun din ang ginawa ni Calvin. "Oh? Hindi mo ba ako -- hahawakan?" panimula naman ni Carly. Hinawakan naman kaagad ni Calvin ang kamay niya at inalalayan siyang muli upang makatawid sa batuhan.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD