Part 13

2999 Words
MATAPOS ANG MAHABANG gabi nila ay nagbalik na rin sila sa kabina nila. Kaagad na rin silang nahiga ngunit parehong hindi pa dinadalaw ng antok. Pareho silang nakatitig lamang sa itaas nila at hindi na gumagalaw. Hindi naman mapakali si Carly kung kaya't nagbakasali siya kung gising pa ang kasama. "Calvs? Gising ka pa?" pagbabakasakali nito. "Why?" sagot rin nito sa kanya kaya bahagya siyang nakampante na hindi pa niya ito naiistorbo. "Ahm, hindi ba tinatanong mo ko kanina kung -- kung ilang anak ba ang gusto ko?" tila nahihiya naman ito dahil wala na siyang ibang maisip na topic nila. Gusto lamang niyang makausap pa si Calvin. "Hmm?" "Ahm.. Ikaw ba? Ilan gusto mo?" tila bawat sambit ng salita niya ay pagaalangan niya. Kinakabahan sa mga sinasabi at mas kinakabahan siya kung ano ang magiging sagot ni Calvin sa kanya. "Ilan ba kaya mo?" tila napabalikwas naman si Carly sa narinig. "Ano?!" pagdungaw pa nito sa ibaba kung saan nasisilip niya si Calvin. Bukas rin ang isang wall light nila kaya kita pa nila ang isa't isa. Nangiti naman ito sa kanya. "Biro lang." tila pangasar nito kaya sinamangutan siya ni Carly at balik ito sa maayos na pagkakahiga sa kama niya. "Sira ulo ka!" saad naman ni Carly na tila nagiinit ang mukha ngayon. "Hmm maybe two to four? I don't know, it depends." sagot pa ni Calvin. "It depends on what?" "If how many you can." At hindi na talaga napigilan ni Carly ang kilabutan sa sobrang kaba at kilig na rin. Naiinit rin ang pagmumukha niya na mabuti na lamang ay hindi ito nakikita ni Calvin. "Sira ulo ka talaga! Good night na nga!" pagtataray na lamang niya rito dahil hindi niya malaman kung bakit siya apektado ngayon sa mga sinasabi ng binata. "Hahaha.. Good night, Carls.." Day 7 of 'Escape getaway' Kinabukasan, nakarating nga ng maaga ang barko sa pantalan ng Puerto Princesa. Kaagad rin silang bumaba at pagkadating sa bayan, nakakita si Calvin ng isang rentahan ng mga sasakyan kung kaya't nag-inquire siya kung papaano ito. Habang nagaasikaso si Calvin ng mga hinihinging documents para sa pagrenta ng sasakyan tila nagkaproblema siya dahil hindi siya kompleto ng ids. "Use mine." pagpresinta naman na ni Carly dahil mas kompleto pa naman siya ng ids kaysa rito. "Thank ma'am, sir. Enjoy your Palawan trip." "Wow! Sa wakas! May sarili na tayo ride!" masaya namang tugon ni Carly rito. "Now, let's our adventure started!" saad pa ni Calvin ng paandarin na ang kotseng nakuha nila. "But first, let's take a bit now. And maybe do some --" napalingon pa siya kay Carly ng taas baba. "Maybe we could do some shopping too." sabay kindat nito sa dalaga. Pinagsimangutan naman siya ni Carly ngunit tila ito na lamang ang defense mechanism ng dalaga upang maitago ang tunay na nararamdaman. Nagtungo sila sa isang mall at kumain ng almusal. Matapos ay dumiretso na rin sila sa department store upang makapamili ng ilang gamit at damit na gagamitin.   HABANG nasa swimwear section si Carly, nasa may underwear naman si Calvin. Nagtitingin ito ng magugustuhang swimsuit ngunit sa totoo lang ay nahihiya siyang pati ba naman ito ay iaasa niya kay Calvin pa. "Go ahead and get whatever you want." biglang sulpot naman ni Calvin sa likuran niya kaya medyo nagulat siya. "Ahm.." "It's okay, what's mine will be yours too, remember?" pasaring nito at saka siya iniwan doon. Hindi niya mapigilan na ang kilig sa tuwing masasabi ni Calvin ang mga tungkol sa bagay na related sa kanilang pagpapakasal. Tila unti-unti na rin niyang natatanggap ito sa sistema niya. Natatanggap na niya na si Calvin ang dapat mapangasawa niya. Nang makapamili na sila ay kaagad na rin sila naghanda upang makapagbyahe na. Halos dalawang oras din ang babyahiin nila para sa unang activity nila sa lalawigan. Maaga pa kaya marami pa silang magagawa at dapat na masulit ang mga natitirang araw nila para sa escape na ito.       Habang binabaybay nila ang kalsada patungong Sitio Sabang, medyo tahimik lang sila sa loob ng sasakyan kaya binuksan ni Carly ang radyo at nagpatugtog. Hindi naman umangal si Calvin at minasdan lang sila. Binuksan din nito ang bintana sa gawi niya kaya pinatay ni Calvin ang aircon na. Dumungaw doon si Carly at sinasalubong ang ang masarap na simoy ng hangin ng lugar. Maayos at maganda ang paligid ng kalsada dahil kagubatan ang nakapaligid rito. May nadaanan rin silang beach at kinuhanan ito ni Carly ng litrato. Matapos niya kumuha-kuha ng litrato ay lumingon siya kay Calvin at sinadyang kuhaan ito. Napansin naman ito ni Calvin kaya napapasulyap siya kay Carly. "Ang seryoso naman nito." komento pa ni Carly. "Gwapo naman." "Tss.. Balakajan!" Pagaasaran pa nilang dalawa pero pareho rin silang nangingiti. Bumalik si Carly sa pagkakadungaw sa paligid. Tila nae-enjoy niya ito dahil mukhang liblib ang lugar kahit pa may mga nadadaanan silang ilang bahay at kahit paaralan. "Ano kayang feeling ng tumira sa ganito noh? Yung malayo sa sibilisasyon pero malamit sa nature. Ang tahimik siguro." sambit naman niya. "Gusto mo ba sa ganito tumira?" "Hmm.. Oo, gusto kong subukan. Yung malayo sa malls, sa matrapik na kalsada at sa magugulong pamilya." parehas naman silang natawa sa pasaring ni Carly. "Ako rin." saad naman ni Calvin kaya napalingon naman sa kanya si Carly. "Minsan ko rin pinangarap tumira sa malayo. Sa bundok o isla. Yung walang manggugulong mga barkada at mangdidiktang pamilya. Yung simpleng pamumuhay lang. Ako lang." "Ikaw lang?" "Oo, ako lang. At yung -- yung taong mahal ko." pagsulyap pa nito saglit kay Carly kaya tila nailang ang dalaga sa kanya. Umiwas naman ng tingin si Carly sa kanya at balik sa pagkakadungaw sa bintana. Hindi naman din niya mapigilang hindi mangiti kahit pa nakatingin sa malayo. Napadungaw naman sa kanya si Calvin at nakita nito sa side mirror na nakangiti siya kaya napapangiti na rin ang binata. Nagpatuloy ang byahe nila at tirik na rin ang haring araw dahil malapit ng magtanghali. Pagkadating nila ng Sitio, kaagad silang nagtanong kung saan maaaring tumuloy. Puno na rin ang mga hotel/motel sa paligid kaya nag-ikot pa sila para makahanap ng tutuluyan. "Welcome to our resort!" bati ng receptionist ng makarating sila sa isang magarang resort. Mukhang dito na lang bakante dahil mukhang exclusive ito. "Calvs? Sure kang dito pa tayo? Ang sosyal masyado e, kwarto palang, pang tuition ko na noon." bulong naman ni Carly rito. Natawa naman ng bahagya si Calvin rito. "It's okay. Basta para sayo." pangaasar pa nito. Hindi naman malaman ni Carly kung bakit napapadalas na ang pagpapa-cute sa kanya ni Calvin. Hindi kaya crush na rin siya nito? Rin? Bakit Carly? Crush mo na rin siya? Habang inaasikaso ni Calvin ang pag-check in nila, narinig ni Carly na dalawang kwarto ang kukunin sana ni Calvin. "Kahit isang kwarto na lang." singit niya rito. "Sigurado ka?" tila nagulat naman si Calvin sa sinabi nito. Nahiya naman si Carly dahil baka isipin nga ni Calvin na gusto niyang magkasama na sila sa iisang kwarto. "Ahm, ano kasi.. Kasi ang mahal ng kwarto! Mag-extra bed na lang." tila kinakabahan pa niyang paliwanag at halos lamunin ng kahihiyan. Nangiti naman ng bahagya si Calvin at hindi na kumontra. "Sige miss, I'll get the --" "Ahm actually ma'am, sir we have a Junior Suite, which is a whole room with two separated rooms inside." magiliw namang sabat din ng receptionist. "Ano daw?" natigilan naman sina Carly at Calvin at naitanong na lang ni Carly yan. "Ahm, like a deluxe suite but this one has only a mini kitchenette and living room area then two rooms." "Ooh.." tila mas naliwanagan sila rito. "We'll get that!" sabay namang sagot ng dalawa. "Woow!" komento naman ni Carly ng makapasok na sila sa kwarto nila. Sabay pabagsak pa niyang upo sa sofa. Nang mapansin niya sa veranda ang beach, kaagad siyang nanakbo palabas at dumungaw doon. "Calvs! Ang ganda ng beach oh!" tila namamangha naman siya rito. "I agree." paglapit pa ni Calvin sa kanya at sandal na upo sa rails ng veranda. "Haay, bakit ba ngayon lang ako nakapunta rito? Kung hindi pa ako naglayas kuno, hindi ako makakagala ng ganito! Feeling ko talaga there's so much more outside my world! "I believe so." Nagkatinginan naman sila at nagngitian lang din. Nang makapag-settle na sila sa mga kwarto nila, nag-proceed kaagad sila sa dropping point kung saan magrerenta sila ng bangka para makapunta sa Underground River. "Ma'am, sir, dito na lang po kayo sa bangka ko, kahit maliit toh eh natakbo pa rin ng mabilis." biro pa ng isang bangkero na sumalubong sa kanila dahil napansin nitong mukhang naghahanap sila ng available na bangka. "Mag-register lang po kami kuya." saad naman ni Carly at siya na ang nag-fillup ng form. Si Calvin naman ang nag-check ng bangkang sasakyan nila. Matapos ni Carly mag-fillup ay nilapitan na niya sina Calvin at ang bangkero nila. Nakasampa na si Calvin sa bangka na tila may inaayos-ayos pa. "Okay na, Calvs." Nilingon siya nito at hinaya ang kamay. "Dahan-dahan ah." Inabot naman ni Carly ang kamay niya at dahan-dahang tumulay sa sangkalan patungo ng bangka. "Ay!" tila dumausdos naman siya kaya napahawak ng mabuti sa kanya si Calvin at sinalo siya nito. Naging magkalapit sila sa isa't isa at sandali pa ay natigilan sila ng magkatinginan. "Ahm ehem! Ma'am, sir, aalis na po ba tayo?" Mabilis naman silang naghiwalay at naupo si Carly sa gilid ng bangka na. Dumungaw naman si Calvin sa bangkero at lumapit roon. "Tara na po, kuya." Habang nasa kalagitnaan sila ng dagat, tinatanaw-tanaw naman ni Carly ang paligid na may nakikita siyang malalaking bato na nadadaanan. Kumukuha naman siya ng litrato sa mga ito. Hanggang sa nasilip niya sa lens ng camera niya si Calvin na nakaupo sa unahang bahagi ng bangka katabi ang bangkero. Nakatanaw lang din ito sa dagat. Kinuhanan niya ito ng litrato na tila parang candid shot. "Pogi ba?" sigaw ni Calvin sa kanya na nakatingin at ngiti na pala dahil napansin pala nito ang ginawa niya. Nag-make face naman siya rito at umirap. "Hindi ikaw ang kinukuhanan ko noh!" pag-irap niyang muli rito. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila sa pangpang kung saan doon sa loob ng isla ang Underground River. "Intayin ko na lang po kayo dito." saad naman ng bangkero at naupo na banda sa waiting area pagkaangat niya ng bangka niya sa pangpang. Kaagad naman din nakita nila ang signage patungo sa pupuntahan at sinundan na lamang ito. "Oh ma'am, sir, baka gusto niyo po bumili ng saging? Para may maiabot kayo sa mga unggoy pagpasok niyo po dyan." "May mga unggoy dito?" "Abay opo, napakarami! Pati mga bayawak. Nasa paligid-ligid lang." saad pa ng nagbebenta ng prutas. Kaagad na kumuha sina Carly at Calvin ng tig isang piging ng saging bago magpatuloy. Pinili kasi nilang mag-jungle trail muna papasok hanggang sa makarating sa Underground River. Tila isa itong trekking sa loob ng kagubatan. At kahit pa may mga signage sa dadaanan nila, kinakailangan pa rin nilang kumuha ng guide nila. "Welcome po sa Jungle Trail ng Underground River. Leave no trace po tayo pero pwede naman pong magpakain ng mga unggoy. Medyo iwasan lang din po natin sila kasi baka makagat o makalmot po nila tayo. At yung mga bayawak, iwasan na lang din po natin hawakan." paliwanag pa ng guide nila. Habang naglalakad ay nakakakita na si Carly ng iilang unggoy na nasa itaas ng puno at tinuturo niya kay Calvin iyon. "Carls!" Biglang pagpigil ni Calvin kay Carly habang naglalakad sila dahil hindi ito nakatingin sa dinadaanan nila. Napatingin naman si Carly rito kung bakit siya hinarang. "Oh bakit?" "Look." pagtukoy naman ni Calvin sa malaking bayawak na nakaharang sa daraanan nila. Tila nagpapaaraw at nagpapahinga ito doon. "Wow. Ang laki naman niyan." tila pagkamangha pa ni Carly at bahagyang lumapit doon. Sinusubukan niyang kuhanan ito ng ilang litrato dahil mukhang wala namang palag ngunit bigla itong gumalaw kaya nagulat at natakot siya. "Ayy bayawak ka!" halos napalundag paatras si Carly at padausdos siya paupo sa lupa. "Ayan! Sabi ng wag masyadong lumapit eh." paghaya naman ni Calvin ng kamay niya rito upang tulungang makatayo. Inabot naman din kaagad ito ni Carly at nakatayo na siya. Nagpagapag pa siya ng damit at shorts niya dahil nadumihan ng lupa at mga dahon. Nagpatuloy sila sa paglalakad at habang tumatawid sila sa isang hanging brigde, napahinto si Carly kaya napahinto rin si Calvin na nasa likuran niya. "Oh my! Ayun may unggoy sa dulo!" pagturo pa ni Carly kaya napalingon ang guide na nasa harapan nila. "Grabe naman po kayo sa akin, ma'am." tila pagbibiro nito. "Ay kuya sorry, hindi po kayo. Ayun po oh! Yung unggoy." Sabay naman napalingon sina Calvin at yung guide sa tinuturo ni Carly. "Ay oo nga po ma'am. Sige po subukan niyo pong abutan ng saging kung --" pero hindi pa natatapos ang sinasabi nito ay nanguna na si Carly sa paglapit rito dahil excited na siyang magpakain ng mga unggoy. Nang makalapit si Carly sa unggoy ay tila lumayo ito sa kanya kaya inilabas niya kaagad ang saging niya. Sinubukan niyang abutan ito ng isa at nang makita ito ng unggoy ay kaagad na lumapit sa kanya at kinuha ang saging. Tila kinatuwa ito ni Carly at patuloy na nagaabot ng mga saging. Napansin na rin niyang may iilang unggoy pang lumalapit na sa kanya dahil siguro alam ng mga ito ay nagbibigay siya ng pagkain. Ilang unggoy na rin ang nasa harapan ni Carly at tila tuwang-tuwa siya rito. "Calvs, tara! Akin na yang saging mo!" Napatingin naman yung guide kay Calvin at tila nahihiya naman si Calvin rito. Lumapit naman din siya kay Carly at inaabot rito ang saging niya upang ibigay naman ni Carly sa mga unggoy. "Ay wait -- pakikuhanan naman ako please?" pakiusap naman niya kay Calvin at sabay abot ng camera niya. Inabot rin naman ito ni Calvin at gayun nga ang ginawa. Kinukuhanan siya nito ng stolen at minsan ay nakatingin siya. "Ikaw naman magpakain. Try mo dali, abot mo!" pag-aya naman ni Carly kay Calvin. Sinubukan ngang abutan ni Calvin ang isang unggoy ngunit agresibo itong kinuha sa kanya kaya medyo nagulat siya rito. "Hahaha. Wag kang matakot, ganyan lang sa una. Abutan mo lang ulit sila." Patuloy sila sa ganung gawain at tila nae-enjoy na rin ito ni Calvin. Kinuha ni Carly ang camera niya kay Calvin at lumapit sa guide nila. "Kuya, pwede mo po ba kaming kunan?" pakiusap niya pa rito. "Sure ma'am. Paano po ba ito?" pagkuha nito ng camera. "Dito lang kuya, diinan niyo." At nagpatuloy sila sa pagpapakain ng saging sa mga unggoy at minsan ay nagpo-pose sila sa camera na parehas na nakatingin. Habang naglalakad muli sila ay minamasdan ni Carly ang mga litratong kuha sa kanila. "Buti na lang matangkad ka kung hindi magmumukha ka ring kamaganak nila." pangaasar pa ni Carly rito habang nakatingin sa camera niya. "Patingin nga.." paglapit pa ni Calvin sa likuran ni Carly at sinilip nito ang mga kuha sa kanila. "Ang gwapo ko nga oh? Kahit wala pang ligo." komento pa ni Calvin. "Hahaha.." natawa naman si Carly sa kanya. Hindi naman akalain nitong may ganitong side pala si Calvin. "Oo na. Baka sabihin mo eh hindi ako supportive sayo!" pangaasar na lang din ni Carly rito pero natatawa pa rin siya. Ilang sandali pa ng paglalakad nila, nakarating na rin sila kung saan magsisimula ang pagsakay sa bangka papasok ng Underground. Tila namangha naman si Carly sa linaw din ng tubig na naroon. Pinasuot na sila ng life vest at hard hat. Pinakuha na rin sila kani-kanilang earphone at inabutan ng recorder na pakikinggan nila habang nasa loob ng Underground. Ito na kasi ang magsisilbing guide nila na magsasabi ng impormasyon tungkol sa lugar. Naupo sa unahang parte ng bangkang pang sampuan silang dalawa. May ilang turista rin silang kasabay sa bangka at nang mapuno ito ay nagsimula na rin magsagwan ang isang guide nila. Dahan-dahan silang nakakalapit sa kweba hanggang sa tuluyan na silang nakapasok roon. Tanging isang ilaw lamang na parang gasera ang nagsisilbing liwanag nila at ang araw mula sa pinanggalingang butas. Habang pinapakinggan nila ang recorded voice tinuturo-turo naman ng guide nila kung anong rock formation o stalactites at stalagmites na naroon sa loob. Namamangha naman si Carly roon kaya kinukuhanan niya ito ng litrato, at kahit pa medyo madidilim ang kuha niya, pinagtyagaan niya pa rin itong kuhanan. Nang nasa kalagitnaan na sila ay nakita nila sa loob ang pinakamalaking stalactite at stalagmite na nagkadugtong na. Tumuturo-turo rin si Calvin sa paligid nila at napapatingin rin doon si Carly. Tila nag-enjoy naman sila sa impormasyong nalaman tungkol sa lugar. Another achievement na naman ito kay Carly na nagawa niya. Pinatay ng guide ang nagiisang ilaw nila kaya halos itim na lang ang paligid. Lumamig rin ang klima sa loob ng kweba kaya napahaplos si Carly sa mga braso niya dahil naka-sleeveless naman siya. Palabas na sila ng kweba nang makakita si Calvin ng ahas na nasa isang bato. Tinuro niya ito kay Carly at kinuhanan naman ito ng litrato ng dalaga. Hanggang sa nakalabas na sila ng kweba at balik sa pangpang ay namamangha pa rin si Carly sa experience nilang ito. "Grabe, one of the World's Seven Wonders, may isa na kong napuntahan!" natutuwa pa nitong komento habang naglalakad na sila ni Calvin pabalik kung nasaan ang bangka nila. Pinapakinggan lang siya ni Calvin na natutuwa ring marinig ang mga sinasabi niya. "Mas lalo tuloy akong na-motivate! Puntahan kaya natin lahat yung Seven Wonders na yun noh?" biglang tanong ni Carly at harap nito kay Calvin kaya napatingin ito sa kanya. "Natin?" balik namang tanong ni Calvin sa kanya at doon niya lang napagtanto ang sinabi niya rito. "Ah eh.. Kung -- kung gusto mo lang naman sumama, ganun." pagpapalusot naman nito dahil tila nahiya ito sa sinabi niya. Nanguna tuloy siya sa paglalakad at nangingiti na lamang si Calvin na sinundan siya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD