HINDI NAMAN MAKAPANIWALA si Rick sa mga sinabi ni Carly. Napahihilamos siya ng mukha na rito naguguluhan.
"Was it him?"
Napatingin saglit sa kanya si Carly at tumungo na lamang bilang tugon.
Tila nangilid naman ang luha ni Rick at nabakas dito ang kalungkutan. Nakaramdam naman ng guilty si Carly dahil rito.
Tumungo-tungo naman muna si Rick kay Carly na tila natatanggap na niya ang mga inamin nito.
"So pinilit ka lang ipakasal sa kanya, tama ba?"
Hindi naman malaman ni Carly kung paano ito sasagutin.
"We can do something about this! You don't have to marry that guy if you don't want to."
"What are you saying?"
Lumapit si Rick sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Itatakas kita. Akong bahala sayo! Sumama ka na sa akin!"
"You don't understand, Rick! Hindi yun basta ganun na lamang! Aside sa business related ang marriage na yun, Calvin is --" tila hindi naman niya malaman kung paano ide-describe ito kay Rick.
"I know it's for your family, pero paano ka naman di ba? Akala ko ba gusto mong mag-explore muna sa buong mundo bago ka magpakasal? And I even told myself na I could be with you by those time."
Tila may napagtanto si Carly. Naalala niya ang unang araw na humingi siya ng tulong kay Calvin at hindi lang siya tinulungan nito, sinamahan pa siya.
"I'm sorry, Rick. I have decided."
"Do you like him?"
Nagkatitigan naman sila sa tanong ni Rick. Hindi malaman ni Carly kung paano na naman ito sasagutin. Tila ayaw bumukas ng bibig niya at kung anu-ano sumasagi sa isipan na niya.
Ilang sandali pa ay napayuko na lamang si Rick at tila nagbagsak balikat. Nabawi rin ni Carly na ang kamay niyang mahigpit na hawak nito.
"Best wishes."
"I wish you all the best too, Rick."
At tuluyang tumalikod na si Carly kay Rick. Minasdan na lamang ni Rick ito habang unti-unting lumalayo sa kanya. Malungkot man ngunit wala na rin naman siyang magagawa kung ayaw mismo ni Carly na sa kanya.
Ilang sandali pa ay nakaahon na rin si Carly at nakita si Calvin nasa may bungad ng balsang sinasakyan nila kanina. Tahimik man pero nagkatinginan sila.
Matapos ang nature tripping nilang ito, tahimik pa rin sila sa isa't isa hanggang sa makabalik ng hotel. Dumiretsong shower naman na si Carly at nang matapos siya ay sumunod naman si Calvin sa pag-shower.
"A -- anong oras yung alis?" tinutukoy nito ang roro na sasakyan nila patungo sa susunod na destinasyon nila.
Napahinga muna ng malalim si Calvin at tingin sa kanya saglit.
"By 7pm." maiksing sagot nito.
Napansin rin ni Calvin na mukhang naka-ready na si Carly para umalis. Kaya napapatingin siya rito na hindi mapakali.
"Are you coming with that guy?" hindi niya malaman bakit nasabi niya yun. Tila ito lang ang tumatakbo sa isip niya.
"What? What are you saying?" takang tanong naman din ni Carly sa kanya.
"Aren't you two got back together?" medyo sarcastic ang tugon nito kay Carly.
"What? No! Of course not. He just --" tila napagtanto ni Carly na baka nakita pala silang dalawa ni Rick na naguusap kanina. "No. I just made everything clear to him. That's it."
Hindi naman na umimik si Calvin at naging tahimik pa rin sila sa isa't isa hanggang sa byahe nila papuntang pantalan.
Gusto man sana mag-approach ni Carly rito ngunit tila iniiwasan siyang kausapin nito hanggang sa nasa kani-kanila na silang higaan sa kanilang kabina. Double-deck ang kama kaya si Carly ang nasa itaas.
Parehas na silang nakahiga ngunit hindi alam ni Carly kung tulog na rin ba ito sa ibaba niya.
Nakatingin lamang sa kisame ng kabina nila si Carly. Hindi siya makagalaw ng maayos dahil pakiramdam niya malalaman ni Calvin na gising pa siya.
At gayun din pala ang palagay ni Calvin. Nasa ibabang kama siya ngunit ang tingin niya ay nasa itaas na kama ni Carly. Pinapakiramdaman nito kung tulog na ba ang dalaga.
Naalala niyang inakala na niyang sasama na si Carly doon kay Rick noong nakita niya ang dalawa na naguusap. Akala niya nakumbinsi na nito si Carly na tuluyang makatakas. Ngunit ni hindi nila napaguusapan ang bagay na ito. Hindi niya alam ngunit alam niya lang na wala siyang karapatan para tanungin ito tungkol roon kaya pinipilit niyang ipagsawalang bahala. Ngunit inuusig pa rin siya sa kadahilang iyon.
Totoong nakaramdam siya ng kaunting tampo kay Carly dahil sa pagtanggi nito tungkol sa kanya. Tila kinakahiya pa siguro siya nito. Alam niyang hindi dapat ganito ang nararamdaman niya ngunit ang kadahilanang may espesyal na koneksyon doon si Carly ang nakakapagpagabag sa kanya.
Bakit tila ayaw ni Carly na malaman ng lalaking iyon ang tungkol sa kanya?
Day 6 of 'Escape getaway'
Kinaumagahan ng magising si Carly ay wala na si Calvin sa kama niya. Nakaramdam ng pagkadismaya ito dahil bakit tila hindi siya inintay man lang para makapag-almusal.
Lumabas si Carly sa dining area dahil may kasamang buffet breakfast ang na-avail nilang byahe.
Hinanap ng paningin niya si Calvin ngunit tila wala ito roon. Lumibot siya sa ilang parte ng barko ngunit hindi niya mahagilap ito. Nagtaka naman siya kung saan kaya ito maaring magtungo pa?
Sinubukan niyang alisin ang airplane mode sa phone niya at sinubukan tawagan si Calvin ngunit nagtaka siya na tila busy ang linya nito. Hindi niya malaman kung wala lang ba itong signal o may katawagan lamang kaya lumabas na lamang siya sa may deck para mas makasagap din ng malakas na signal.
Tinataas niya pa ang phone niya ngunit hindi siya makakonek rito.
*Kriing kriing!
Halos mapatalon siya sa gulat ng tumunog ang phone niya. Kaagad niyang tiningnan kung sino ang tumatawag sa kanya at kinabugan siya ng dibdib.
Hindi niya malaman kung dapat ba niya itong sagutin ngunit naisip din niya na ba labis na itong nagaalala sa kanya dahil ilang araw na simula noong naglayas siya ay hindi niya pa itong kinakausap.
"He -- hello?" pagaalangan niya ng sagutin ang tawag.
(Carly! Anak!) tila nagwangis ito ng iyak habang nasa linya kaya hindi napigilan ni Carly na mangilid rin ang mga luha niya ngunit tinakpan niya ang bibig niya.
(Anak naman eh, nasaan ka na ba? Bakit mo ito ginawa?) pagiyak pa ni Helena sa linya. (Sobra na kaming nagaalala sayo.)
"Mommy." tila pagpipigil ni Carly sa pagiyak dahil hindi niya rin malaman kung anong isasagot pa rito. "I'm sorry.)
(Shh.. Umuwi ka na lang anak. Alam kong ayaw mo ang pinagagawa namin sayo, pero hindi naman tamang layasan mo kami. Nagaalala rin sina Calvin at ang pamilya niya.)
Napahinga muna ng malalim si Carly upang maibsan ang malapit na niyang pagiyak.
"Ahm.. I'm so sorry mom. Pero -- pero uuwi naman din ako. May gusto lang akong gawin bago sana ikasal kasi -- kasi baka hindi ko na magawa eh." paliwanag na lamang nito.
(Ano ba yun anak? Pwede mo naman siguro mapakiusapan si Calvin dyan na payagan kang gawin hindi yung ganito! Masyado mo kaming pinagaalala!)
" I know mom, but --"
(Where are you? Ako na mismo ang susundo sayo!)
"No mom, it's okay. I'm okay. You shouldn't be worried about me. I'll be home soon."
(I need you to be home, now!)
"I'm sorry mom, I -- I have to go."
At pinatay na ni Carly ang tawag. Kaagad rin siyang nagpatay na lang ng phone niya para hindi na siya ma-contact ng mga ito.
Kung alam lang nila na si Calvin ang kasama niya, hindi siguro sila magaalala ng ganyan. Ngunit mas alam niyang hindi ito maaari.
Bumalik si Carly sa kabina nila na tila bagsak balikat. Nakita niyang naroon na si Calvin na tila hindi mapakali ngunit ng makita siya sa may pinto ay napahinto ito at alis ng phone sa may tainga niya.
"Where have you been?"
Tila sabay pa nilang tanong sa isa't isa. Kaya napatigil rin sila at iwas ng tingin.
"Sorry, I just went out to find some signal. I need to check some emails." saad naman ni Calvin. "I'm trying to contact you."
"I talked to mom." saad naman ni Carly at tila hindi makapaniwala si Calvin. Napatingin ito sa kanya na tila nagiintay ng kwento niya. "She seems so upset and worried."
Napabuntong hininga na lamang din si Calvin at yuko. Hindi niya rin malaman kung ano bang dapat pang sabihin.
Umakyat na lamang si Carly sa kama niya at nahiga. Nakaharap ito sa pader kaya hindi na muli siyang ginambala ni Calvin.
Lumabas si Calvin ng kabina upang hindi na ito maistorbo pa. Alam niyang tila malungkot ito kaya pinabayaan na lamang niya muna.
Buong araw hindi kumain si Carly kaya kahit hindi ito isa atinig ni Calvin, nagaalala siya rito. Binilihan niya na lamang ito ng mga pagkain para kung sakaling maisipan nitong kumain ay may makakain ito.
Maggagabi na ng bumangon muli si Carly. Pinipilit niyang matulog upang makabawi rin ng pahinga. Bumaba siya ng kama niya at nakitang tila tulog din si Calvin. Alam niyang nagbabawi rin ito ng pahinga nila. Minasdan niya ito at napansin ang mga nakabalot pang pagkain sa maliit na table sa gilid nila.
Nangiti siya ng kaunti ng may makitang note na nakapatong roon.
"Eat this when you wake up." tila bulong niya ng basahin ang nakasulat. Kahit pala alam niyang may tampo ito sa kanya ay inaalala pa rin siya nito. Hindi niya malaman bakit tila gumagaan talaga ang loob niya kay Calvin.
Napasulyap siya kay Calvin na tulog pa rin. Nakaharap ito sa pader rin kaya inumpisahan na niyang buksan ang mga pagkain na naroon. Nakakaramdam na rin kasi siya ng gutom.
Sa dami ng pagkain ay hindi niya ito mauubos kaya nagtira siya para kay Calvin kung sakaling magising ito at magutom rito.
Ngunit bago pa man siya matapos kumain ay gumalaw na si Calvin na humarap sa gawi niya kaya napahinto siya sa pagsubo.
Pero napansin niyang mahimbing pa rin itong natutulog kaya napanatag naman siya dahil nakaramdam siya ng konting kaba.
Namasdan niya ito na tila nakasimangot. Halos magsalubong ang mga kilay nito.
"Ano kayang napapaginipan nito? Mukhang galit." mahinang saad sa sarili dahil mukhang seryoso ito kahit sa pagtulog.
"Alam mo, pasalamat ka gwapo ka at medyo mabait sa akin kung hindi -- oh wait?!" napatakip naman siya ng bibig niya sa nasabi niya. "Did I really say gwapo ka?" takang tanong pa niya sa sarili niya. "My goodness Carly? Nahihibang ka na ba?" takang bulong pa nito sa sarili niya. Napasulyap naman siyang muli kay Calvin at napansin niya tila mas kalmado na ang mukha nito. Hindi na nakasalubong ang kilay at tila payapang natutulog.
"Pati ba naman sa pagtulog mo ang hot mo? Ay!" napatakip ulit siya sa bibig niya at biglang tayo. Lumikha ito ng ingay dahil sa biglang galaw ng upuan at mesa kung kaya't tila naalimpungatan na si Calvin.
"Hmm.."
Napansin ito ni Carly na mukhang nagising nga niya si Calvin kaya umayos siya ng pagkakaupo ulit at nagpapatay malisya.
Gumalaw si Calvin at tumingin sa suot na relos. Napahawak pa ito sa ulo at saka bumangon na paupo habang nasa kama.
Patay malisya naman si Carly sa kanya at kunwari ay kumakain ulit.
"Sa -- sabayan mo na ko." pag-aya na ni Carly rito kaya napatingin pa ito sa kanya. Umiwas naman siya ng tingin.
Sinabayan nga siya ni Calvin ngunit naging tahimik pa rin sila. Panay sulyap lang si Carly kay Calvin at sa tuwing mahuhuli siya ni Calvin na nakatingin ay umiiwas naman siya.
"Tha -- thanks for the food." panimula niya rito.
"Hmm.." tugon lang ni Calvin at tumayo na rin ito at lumabas ng kabina. Sinundan na lamang siya ni Carly ng tingin.
Hindi malaman ni Carly kung bakit tila nagi-guilty na siya sa mga nangyayari. Una sa parents niya sa pagtakas niya, ngayon kay Calvin na may tampo pa rin sa kanya tungkol kay Rick.
MATAPOS magligpit na ni Carly ay sinundan niya si Calvin. Nakita niya itong nakadungaw sa may deck at mukhang malayo ang tingin.
Malamig at malakas ang ihip ng hangin habang tumatakbo ang barko. Dahan-dahan naman niya itong nilapitan.
"What are you doing here?" panimula niya rito at nakuha naman nito ang atensyon ni Calvin.
"Palamig lang." saglit siyang nilingon nito at balik na rin sa pagtanaw sa malawak na dagat.
Dumantay din si Carly sa may rails ng deck kagaya ni Calvin. Tila napatanaw na rin siya sa dagat.
"Are you okay now?" tanong naman din ni Calvin rito ngunit hindi siya nilingon.
"I'm fine. Na-miss ko lang din siguro ang pamilya ko at the same time -- nagi-guilty ako sa ginawa kong toh." napahina naman ang boses niya ng sabihin ito.
Doon naman din napalingon si Calvin sa kanya.
"I guess they doesn't know yet that I'm with you. Siguro -- siguro kung alam nila, baka hindi sila nagaalala ng ganun. Baka hinayaan pa nila ako noh?"
"Ahm, Carly, there's something --"
"Hay.. Pero okay na rin yun. Para maisip din nila na kaya ko na. Na kaya ko rin tumayo sa sarili kong mga paa."
Natigilan naman si Calvin at tingin lang ng diretso sa kanya.
"I'm sorry, Calvs.."
Nakipagtitigan naman ito kay Calvin na nangungusap ang mga mata.
"I told Rick about us. And yes, he offered me to come with him, to escape -- again. But I refused. Wala na kong nararamdaman para sa kanya. Lahat ng tungkol sa kanya ay nakalimutan ko na."
Paliwanag naman nito at hindi naman malaman ni Calvin bakit sinasabi ito sa kanya ni Carly ngayon.
"I'm sorry if you felt like -- I'm ashamed of you. It's not like that."
"It's okay. I understand that you're not into that fact yet."
"Why? Are you?" tila balik na tanong naman din ni Carly sa kanya.
Napalihis ng tingin si Calvin sa kanya at napatanaw saglit sa dagat.
"I mean, it wasn't a usual thing. I admit I was -- I was also still shocked but -- I accepted it."
Tila nabigla naman si Carly sa mga narinig. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ni Calvin sa kanya.
Hindi kaya --
Natigilan silang dalawa at nagtititigan lang. Tinatantsa kung ano bang dapat pang sabihin nila sa isa't isa.
Parehas sila ngayon na hindi malaman ang gagawin o sasabihin. Tila walang gustong magsimula dahil ayaw nilang magbakasali muna. Hindi rin sila sigurado dahil sa sitwasyon.
"I'll keep you safe." saad na lamang ni Calvin sabay hawi ng buhok ni Carly na nalilipad na sa mukha nito.
"Th -- thanks."
Bukas ng umaga pa ang dating nila sa sunod nilang destinasyon. Kaya magpapalipas muli sila ng magdamag sa kabina.
HABANG pabalik sila sa kabina nila, napansin ni Carly tila may ingay sa gawi ng dining area. Mukhang may mga tumutugtog roon at may mga taong nagkakasiyahan.
"Anong meron dun?" napatigil naman si Carly at dungaw roon. Napansin ito ni Calvin kaya ginaya rin siya nito.
Nakita nilang may bandang tumutugtog roon at may iilang taong nagsasayaw sa dance floor habang ang iba ay nasa mga mesa nila at kumakain.
"Tara! Mag-dine in tayo!" tila na-excite naman si Carly at nahatak si Calvin papasok.
Naupo na sila at order ng makakain. Oldies ang theme ng mga tugtugan, malamang ay ni hindi pa sila buhay noon sumikat ang mga kantang ito ngunit alam ito ni Carly dahil na rin sa mga parents niya.
"I've always heard some of these songs mom singing or playing at home." komento naman niya habang tila enjoy sa pagkinig at nood sa banda.
Napangiti naman ng bahagya si Calvin rito. "Me too. Dad loves to sing but --"
"Hahaha grabe ka!"
"Oo nga! He sings when he's happy or something. Pero medyo sintunado. Even mom! I guess singing wasn't really meant for them." dagdag pa nito na linagkatuwaan nila.
"Hahaha! Mom sings really good pero si dad? Nako! Parang baka!"
At nagtawanan naman sila dahil tila nagsasabihan ngayon sila ng mga nakakatuwang bagay tungkol sa parents nila.
Nakwento rin nila ang mga tungkol sa kapatid nila at buhay-buhay nila noon mga bata pa sila.
Kahit pa dumating na ang pagkain nila at kumakain, walang humpay sila sa pagkukwentuhan. Tila interesadong-interesado silang makilala naman ang isa't isa kaya hindi sila nagpalampas ng bawat sandali na iyon.
Kahit maingay ang paligid ay nagkakarinigan pa rin sila, pilit na naguusap at napuno lang din ng tawanan ang usapan nila.
"Sobrang kulit ng batang yun! Pero -- namimiss ko na rin siya." saad naman ni Carly rito.
"My sister and brother have their own family too. I miss them sometimes. At yung mga pamangkin ko, minsan hindi ko maiwasang hindi sila ma-spoiled kapag bumibisita sila sa bahay."
"Hmm so you're into kids pala ah." saad naman ni Carly sabay inom sa baso niya ng tubig.
"How many kids do you want?"
*bwoo ehem!
"Are you okay?" pagaalala pa ni Calvin.
"Yeah, I'm okay. *ehem ehem!"
Bigla kasing nasamid si Carly ng marinig ang tanong sa kanya ni Calvin. Inabutan naman siya nito ng tissue at kaagad rin siyang nagpunas ng bibig.
Napapasulyap si Carly kay Calvin na tila nahihiya naman. Hindi niya akalaing tatanungin siya bigla nito ng ganung bagay.
Pero sa kabilang banda, tila natutuwa siya na mahilig pala ito sa mga bata. Hindi kasi halata sa seryosong awra nito. Ni hindi nga rin niya ma-imagine ito na magaalaga ng bata. Pero ngayon, nagbago ang kanyang paningin rito.
"Hmm, what's your plan for our next trip?" panimula ulit ni Calvin na tanong.
"Ahm.. According to our schedules, we can immediately go to Sabang to do the Underground river tour, then explore some places there and I've seen on some posts that the beach there was amazing too. Ahm.. What else?"
"Does it have another activity?"
"Hmm yeah. We can do some of those and oh! Crocodile farm! Let's visit it when we get back on the city!" tila excited naman itong magkwento pa kay Calvin.
Hindi niya malaman kung bakit mas komportable na itong kausap at kasama sa ngayon, siguro dahil mas nakikilala na niya ito kahit papaano.