Part 11

3002 Words
MAKALIPAS ANG ILANG oras na byahe, nakarating na rin sila sa bayan ng Alegria. Kaagad rin sila naghanap ng matutuluyan ngunit gaya sa pinanggalingang bayan, punuan na rin ang mga kwarto sa mga ito. "Hay pambihira! Akala ko pa naman abswelto na ko sa pagsama sayo sa iisang kwarto, yun pala ganun din ang eksena natin dito?" tila reklamo pa ni Carly ng pabagsak na maiupo ang sarili sa kama nila. "Don't worry, isang gabi lang naman. Bukas aalis rin tayo para magtungo sa sunod na destinasyon mo." "Oo na, oo na! Basta doon ka sa couch ah." pagtataray pa nito. "Bakit ako doon? Ako ang nagbayad sa kwartong ito?" reklamo rin ni Calvin dahil sa totoo lang, sa tangkad niya ito ay hindi siya kakasya at magiging komportable sa couch. "Ugh? Sumbatan agad? Ang gentleman mo naman ah?" "Hindi sa ganun." depensa naman ni Calvin. "Tingnan mo naman? Parang kalahati ko lang ang kasya doon sa couch." "Ah basta!" "Ah basta rin!" sabay higa ng padapa naman na ni Calvin sa kanang bahagi ng kama. "Hoy!" pagpalo pa ni Carly rito sa braso. "Mag-shower ka nga muna!" Umangat naman ng ulo si Calvin at tiningnan ito. "Syempre mamaya. Pero gutom na ko. Magpa-room service na lang tayo." "Walang room service dito. Sa labas na lang tayo kumain. Nagugutom na rin ako." "Sobrang pagod na ko para lumabas pa." sagot naman ni Calvin sa kanya habang nakasubsob na ang mukha sa unan. "Okay, fine!" Si Carly na lamang ang lumabas at bumili ng makakain nila. Naisip niyang munting pabor na lamang niya ito kompara sa mga nagawa ni Calvin para sa kanya. Pagkabalik niya ng hotel ay kumain rin sila kaagad. Parehas pa silang tila gutom na gutom kung kaya't walang pansinan sa pagkain. Matapos nun ay nauna ng mag-shower si Calvin at naiwan naman si Carly na tila may tinitingnan sa laptop nito. Nagbabasa siya ng emails sa kanya at nakita niya ang mga mensahe ng mommy at daddy. Puro patungkol ito sa pagpapauwi sa kanya na tila kinukonsensya siyang mabuti. Naroon din ang pagkokonsensya sa kanya na nakakahiya raw kay Calvin na ito pa mismo ang naghahanap sa kanya. "Tss, kung alam lang nila eh." pasaring naman niya habang kumakain ng gummy worms. Nakita rin niya na may email sa kanya si Aki kung kaya't ito na lamang ang sasagutin niya. "I'm done." saad naman ni Calvin ng makalabas na ng banyo. Nagpupunas pa ito ng basang buhok. Naabutan niyang mukhang busy si Carly sa pagta-type sa laptop nito. Sasagot pa sana si Carly rito ngunit natingin muna siya at tila natulala siya dahil hindi naman ito ang unang beses na nakita niya si Calvin na hubad ang pangitaas na damit ngunit bakit ngayon ay parang ang lakas pala ng dating nito. At kahit bagong ligo ay ang hot pala ng datingan nito sa ragged look. Nabilis namang nakabalik sa wisyo niya si Carly at inayos ang salaming suot. Bumalik siya ng tingin sa tina-type ngunit nawawalan na siya ng focus. "May internet ba dito? Mukhang kailangan ko na rin mag-check ng email ko ah?" pagpaparinig naman nito at sabay lapit sa kanya at patong pa ng dalawang kamay sa mesa. Nasilip ito ni Carly at tila mas naginit ang pakiramdam niya at nakadama ng pagkakaba dahil malapitan niya ngayon nakikita ang magandang katawan ni Calvin. Tila nanghahalina ito. "Ah eh, sige ikaw na munang gu --gumamit!" biglang tayo nito. "Ma-- magsha-shower lang ako." tila nagmamadaling pasok na nito sa banyo. Nagkibit balikat na lamang si Calvin at naupo na rin sa pwesto kanina ni Carly.       NAGTAGAL si Carly sa pagligo niya dahil tila matagal bago siya naaliwalasan sa paginit ng sistema niya. Tila ngayon lang din siya nakaligo ng ganito katagal simula noong naglayas siya. Pagkalabas niya ng banyo ay bumungad na kaagad si Calvin na nakapahiga na sa kama at nakasandal sa head board habang nanonod ng tv. Hindi niya mawari kung bakit tila pumasok sa isip niya ang buhay na niya kapag asawa na niya ito. Na ganito ang magiging eksena nila sa oras na maikasal na sila. Magkasama palagi, nagsasama sa iisang bahay at iisa lang din ang tutulugang kama. "Ayt ano ka ba naman Carly?!" tila bulong nito sa sarili niya at alis na ng towel na nakapulupot sa ulo niya kaya bumagsak ang basa at magulo pa niyang buhok sa mukha niya at sa likod. Napayuko siya bago hawiin ang buhok na tumatakip sa mukha niya, ngunit pagangat niya ng ulo niya ay saktong napatingin siya kay Calvin na tila nakatingin na rin pala sa kanya. Natuod siya at tila kinabahan kaya napalihis na rin siya kaagad ng tingin rito. Dumiretso siya sa may build in cabinet at kinuha ang suklay niya. Mabuti na lamang ay natatakpan siya ng pinto kaya hindi siya nakikita ni Calvin. Napaupo naman siya sa loob kabinet at tila napahawak na lang sa may dibdib niya. Sinusubukan niyang pakalmahin ang sarili dahil tila nagsimula na naman siyang kabugan ng dibdib. "Pambihira? Bakit kasi kailangang siya pa talaga makasama ko di ba? Hay..." bulong na lang niya sa sarili at pilit na sumisilip kung ano na bang ginagawa ni Calvin. Parang naiilang siyang humiga sa kama ng gising pa ito. Hindi niya malaman kung papaano siya lalapit roon. Hindi Carly! Huwag kang padadaig sa lalaking yun! Huwag kang mafo-fall ulit kaagad! Tumayo rin siya at inayos na ang sarili. Huminga muna siya ng malalim bago isinara ang pintuan ng kabinet at dahan-dahang naglakad paikot sa kabilang banda ng kama kung saan bakante ito. Humimas muna siya sa kama at saka dahan-dahang naupo roon. Ibinaba pa niyang mabuti ang suot na shirt dahil medyo maikli ang suot niyang shorts, pantulog niya kasi ito. Tila nakikiramdam siya kay Calvin kung titingin ba ito sa kanya kahit pa tila focus ito sa panonood. Dahan-dahan siyang pumahiga at sumandal lang din muna sa head board. Nagtalukbong kaagad siya ng comforter sa katawan hanggang dibdib. Ngunit kaagad niyang hinila ang isang unan sa uluhan niya at nilagay sa pagitan nila ni Calvin. Doon na niya napukaw ang atensyon nito at napatingin sa gawi niya. Nagkatinginan sila saglit at tila binalewala naman siya ni Calvin at bumalik rin sa panonood. Kunwari ay nanood na lang din si Carly ngunit hindi niya malaman kung bakit inuusig siyang sulyapan ang katabi kahit sa paggalaw lamang ng kanyang mga mata. At kapag gumagalaw ito ng bahagya, kaagad siya nagpapatay malisya at lihis ng tingin kung saan. Tila napapadalas din ang paglunok niya at patuloy na nagtatakip mabuti ng sarili sa ilalim ng comforter nilang iisa lang naman. "Will you still gonna watch?" biglang tanong ni Calvin na nakapagpakabog muli ng dibdib niya. "Ahm.." sabay iling nito bilang tugon ngunit ni hindi ito nililingon. Kaagad na bumangon si Calvin at pinatay na ang tv. Nagmadali namang pumuwesto si Carly na maayos na paghiga na nakatalikod kay Calvin. Naramdaman niyang humiga na ito sa kama rin at humatak ng comforter sa kanya. "Ano ba?" reklamo naman ni Carly. "Iisa lang ito, mag-share ka." saad naman ni Calvin kaya hinayaan na lang siya ni Carly na pumailalim rin sa comforter nila. Tila napapa-make face na lang si Carly dahil naiilang talaga siya sa awkward situation nila ngayon. Pakiramdam niya matutuod siya sa oras na madikitan siya ni Calvin. Hindi niya malaman kung nahihiya ba siya rito o naiinis. Kinabukasan... Day 5 of 'Escape getaway' Kaagad na tumunog ang alarm nila at medyo may liwanag na rin. "Turn it off." pungas na utos ni Carly dahil tila naiingayan na ito. Ibinaon niya ulit ang ulo niya sa niyayakap na unan. "We need to get up, we must hurry." saad lang ni Calvin. "Mauna ka na mag-shower." inaantok pa ring sagot nito. Pero biglang nandilat ang mga mata niya ng maramdaman niyang gumalaw ang niyayakap niyang akala niyang unan. Dahan-dahan siyang umangat ng ulo at tumingala rito. "Do you mind?" nakatingin namang tanong ni Calvin sa kanya. Kaagad naman ding bumangon si Carly at parang inatras ang sarili. Nakasubsob pala siya dibdib na ni Calvin at nakapayakap rito. Kaagad siyang tumalikod ng higa at naramdaman naman niyang tumayo na ito sa kama. "Oh shocks! Bakit ako nakayakap sa kanya?!" tila inis na sambit nito sa sarili dahil hindi siya makapaniwala sa nagawa niya. Siya mismo kasi ang nasa pwesto na banda ni Calvin at nakapayakap pa rito. Hinanap ng paningin niya ang unan na hinarang kabagi ngunit nasa sahig na pala ito. "Ay pambihira? Bakit ka nandyan?! Ugh!" inis pa niyang sambit sa sarili. Sa kabilang banda... Nang magising si Calvin sa alarm niya, hindi niya malaman kung papaano pa siya makakagalaw dahil ang pagkakaalam niya kagabi ay naglagay pa ng harang na unan si Carly sa pagitan nila ngunit ngayon ay nakayakap at dantay na ito sa kanya sa pagtulog. Hindi niya mawari kung bakit imbes na mainis siya ay gusto niya ito kahit pa naiilang din siya rito. Ngunit nakadama siya ng kakaiba ng nagsalita ito at gumalaw ng bahagya, namasdan niya ito saglit at sumagi sa isip niya ang maaaring maging kaganapan nila kung sakaling maikasal na sila nito. Hahawiin niya sana ang buhok nito ngunit nagsalita muli ito na mauna na siya sa pagligo ngunit hindi niya alam kung alam ba nito na nakapayakap ito sa kanya. "Do you mind?" saad na lamang niya dahil mukhang kailangan na nga niyang makapunta ng banyo dahil may nararamdaman na siyang kakaiba lalo sa ibabang parte niya. Nang mapagtanto ni Carly ang pagkakayakap sa kanya kaagad rin itong umalis at kaagad na lamang din siyang bumangon at pumasok ng banyo bago pa nito makita ang naka-lupang hinirang niya. Hindi niya rin mawari bakit ganito na ang epekto ng dalaga sa kanya. Ayaw man niyang aminin ngunit sa tagal ng panahon, ngayon na lamang ulit siya napalapit sa isang babae maliban sa kapatid at ina. Hindi niya malaman kung bakit sa isang iglap tila naging curious at concern siya sa dalaga. Tila magaan sa loob niya ang matulungan itong matupad ang mga nais gawin. Hindi niya sigurado kung dahil lang ba ito sa kadahilanang para pumayag na itong magpakasal sa kanya, o may higit pa. Napailing na lang siya sa mga naiisip at tuluyang binuksan ang shower upang makaligo na.                    HABANG parehas tila walang kibuan pa rin sina Carly at Calvin sa hanggang makarating sa sunod nilang destinasyon. Hindi na rin tinangka muna ni Calvin mag-approach dito kung hindi kinakailangan dahil malamang alam niyang nahihiya ito sa nangyari sa kanila kaninang umaga. Kaagad rin sila nakapaghanda at suot ng life vest at helmet pa sa susunod na activity. Ang canyoneering sa Kawasan Falls. Matapos ang demonstration kaagad na rin silang nag-hiking papuntang mga falls. Makalipas ang ilang minuto, napansin ni Carly ang sunod na pagdadaanan nila upang makapunta sa pinaka-falls. Nakita nila ang ilang turista na isa-isa ng tumatalon o nag-cliff diving pababa. Tila napaatras naman si Carly rito. Napansin na ito ni Calvin at nilapitan naman din niya ang dalaga na halatang kabado na naman at mukhang tumatantsa ng tapang na naman. "Are you okay?" tanong naman na niya rito at napatingala naman ito sa kanya. "Hi --hindi ba delikado?" pagaalangan nito. Tila hindi naman makapaniwala na naman si Calvin rito dahil sa lahat siguro ng taong gustong-gusto ito, si Carly lang ang may gusto na parang ayaw palagi. "This is a part of this adventure, right? Must do the canyoneering here. That includes the hiking, climbing and this, cliff diving." "Oo nga pero -- ang taas din niyan ah?" Nagkibit balikat naman si Calvin sa kanya. "Carls?!" Tila sabay pa silang napalingon kung saan nanggaling ang tumawag na iyon sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata ni Carly ng makita na naman si Rick at mukhang naroon ito upang gawin rin ang activity na ito. "I knew it I'll find you here!" natutuwang bati naman nito ng makalapit sa dalawa. At sa unang pagkakataon, napalingon na ito kay Calvin kung kaya't sinamantala naman ni Calvin ang pagkakataong ito upang makipagsukatan ng tingin. "Ahm.." hindi naman makapaniwalang reaksyon na lang ni Carly at pinagsalitan niya ng tingin ang dalawa na mukhang intense ang tinginan. "Ah -- anong ginagawa mo rito?" tila pagputol ni Carly sa tense nila. Hindi pa rin inaalisan ni Rick ng tingin si Calvin, at gayun rin ito sa kanya. "Nagbakasakali lang akong baka magpunta ka rito. I remembered, you told me that -- you wanted to visit here in Cebu." seryosong sagot naman nito ng hindi pa rin inaalisan ng tingin si Calvin. "Are you following her?" seryosong tanong naman din ni Calvin kay Rick. "Ano naman sayo?" tila pamimilosopo pa nito. "Ah eh, teka teka! Baka magka-developan kayo eh." pagpagitan na ni Carly sa dalawa. "Calv, tara na." pagaya na niya kay Calvin na tila pinandidilatan na niya at pinipisil sa braso. Napalingon saglit sa kanya si Calvin ngunit bumalik rin ng tingin kay Rick. "Carls wait? Are you with him?" tanong na ni Rick na nakapagpakaba ulit kay Carly kaya natigilan ito. "Is it obvious?" sarcastic namang tugon rin ni Calvin. "Wi -- wait? Who are you?" "I'm her --" "Wait! Would you please stop following me?!" pagdiin na nito ni Carly kay Rick. "What I'm doing and whom I'm with is none of your business! Leave us alone!" tila galit nitong tugon sabay hatak na kay Calvin palayo. Nakikipagsukatan pa rin ng tingin si Calvin kay Rick hanggang sa makalayo sila doon. "SIRA ka ba? Muntik mo ng sabihin sa kanyang fiancé kita?!" paggiit ni Carly kay Calvin nang makarating sila sa gilid. "And so what? Talaga bang kinakahiya mo?" tila seryoso ring tugon ni Calvin sa kanya kaya tila nag-lie low siya. "Hindi sa ganun. Kasi naman di ba? Baka masumbong niya ako. And if he told them na ikaw lang pala kasama ko, eh di madadamay ka rin sa kasalanan ko!" "And so what? We're getting married anyways." tila inis namang sagot nito kay Carly at sabay walkout. Tila na-guilty naman dito si Carly. Siguro nga naisip nitong ikinakahiya niya ito. Sinundan na lang siya ni Carly sa paglalakad patungong cliff ng tatalunan nila. Naroon pa rin si Rick at mukhang patalon na rin. Hindi naman na sila nagimikan. "Ma'am, sir. Ingat po ah." pagpapaalala naman ng guide na naroon para mag-assist. "Okay lang kuya, sanay na ko sa mga pa-fall!" pasaring naman ni Carly at kung kanina ay nanginginig siya sa takot, ngayon tila siya pa ang mangungunang tumalon. "I could have jump with you --" "No, it's okay. I can do this." sagot naman ni Carly ng lumapit si Rick sa kanya at mag-offer ng sabayan siya sa pagtalon. Patalon na sana si Carly ngunit -- "Wait!" hinawakan ni Calvin ang braso niya upang pigilan siya at napalingon naman siya rito. "I'll jump with. Let's fall together." saad lang nito sabay hawak na ng kamay niya. Hindi niya malaman kung bakit kahit pilit niyang inaagaw ang kamay niya rito, mas humigpit naman ang pagkakahawak sa kanya ni Calvin. Parehas na silang pumuwesto sa cliff upang tumalon. "Tss.." pasaring naman ni Rick na tila naiinis na rin sa nakikita. "One -- two --" "Ahh!" tili naman ni Carly na tila nagpigil pa siya. Sabay nga silang tumalon sa cliff na dalawa. Dahil sa mga suot na life vest, hindi naman sila masyadong lumubog kung kaya't mabilis silang nakaangat. Hinanap kaagad ng paningin ni Carly si Calvin at tila nakaangat na rin ito sa tubig. Lumangoy na lang siya ng patalikod patungo sa rito ngunit nilagpasan niya. Napansin naman siya ni Calvin ngunit hindi naman din umimik. Nang sa wakas ay nakarating na sila sa mismong falls, parehas pa silang natigilan dahil minasdan ang ganda nito. "Wow.." Inilabas kaagad ni Carly ang GoPro niya at kinuhanan ang kabuuan ng lugar habang nakasakay sa parang kawayang balsa. Napalingon naman si Calvin sa kanya saglit at napansin rin ni Carly ito kaya napatingin siya rito. Tila mumukha ni Carly ngayon ang Calvin na una niyang nakilala. Masyadong seryoso at tila nakakatakot. Bakas sa awra nito ang pagkayamot pero hindi na lamang kumikibo. Saglit na magtama ang kanilang mga mata, kaagad na nag-dive si Calvin sa tubig at naiwan doon si Carly. "Problema neto?" takang bulong na lamang niya sa sarili niya at sinawalang pansin na lang ito. Habang magisang lumalangoy si Carly sa mababaw na parte na, kahit hindi niya aminin, tinatanaw-tanaw niya at hinahanap kung nasaan si Calvin. Medyo maraming turista rin ang naroon banda kaya hindi niya masyadong makita ito, plus wala siyang suot na salamin kaya medyo blur ang paningin niya lalo sa malayo. "Why are you alone now? Where's your guy?" biglang sulpot ni Rick sa likuran niya kaya napatingin siya rito. Palangoy na sana siya paalis ngunit napigilan siya nito ng hawakan ang braso niya. "Wait, Carls. I don't know who that guy is, but are you sure you're safe with him?" Napatingin pa muna si Carly sa kamay ni Rick na nakahawak sa kanya bago balik ng tingin sa binata. "I'm much safer with him" paghigit niya ng braso niya. "Is he your boyfriend?" Tila natigilan naman si Carly at hindi malaman kung anong tamang isasagot rito. "It's been a month lang since you cut me off. I'm just not ready yet by that time because I thought -- I thought I might mess it up. I don't want to mess you up because I like you so much."   Ngunit sa hindi rin malaman na dahilan, tila hindi na apektado rito si Carly. Hindi na siya nalulungkot o kung ano mang nararamdaman para kay Rick. Hindi naman na siya galit na rito sa pagiwan sa kanya sa ere ngunit dahil na rin kay Calvin. Ito ngayon ang pumapasok sa isip niya. "I still want the idea of us, Carls." "I'm getting married." pagamin niya rito na tila hindi makapaniwala. "What?" "I'm getting married, Rick. It was an arranged married with the family of Des Puvillos." "Your dad's company working with, right?" Tumungo naman siya rito bilang sagot. "I'm marrying Calvin."    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD