Part 10

3033 Words
KAAGAD RIN SILANG pumanik na sa kwarto na tila excited pa si Carly. "Uhh haaa! Sa wakas, nakahiga na rin ako sa kama!" pabagsak pang higa ni Carly sa kama. Hindi naman makaimik si Calvin at nilapag lang ang ilang gamit nila sa mesa sa tapat ng kama. "Oh? Bakit nandito ka pa?" takang tanong naman ni Carly rito nang maiangat ang ulo niya. "This will be my room too." tila walang ganang sagot naman nito sa kanya. "Huwat?! Share tayo ng room?" "Wala ng ibang kwartong available. Pero nagpasabi naman na ko kung sakaling may mabakante, lilipat na lang ako." "Huwat?!" bumangon naman si Carly at naupo sa kama. "Hoy Calvin ah? Porket ikaw ang gumagastos dito baka gusto mong mag-take advantage na sa akin?!" bintang pa nito sabay yakap sa sarili niya. "Tss? Do I have to? Fiancé naman kita eh? Saka hindi ko kailangan mamilit, they come to me willing --" "Stop! I don't want to hear how girls running after you! I don't care!" pagtataray pa nito sabay irap. Pinamewangan naman siya ni Calvin. Bumuntong hininga naman si Carly na tila naiinis. Pero alam niyang wala naman siyang choice dahil kailangan niya si Calvin. "Yabang..." bulong na lang ni Carly sabay tayo at diretsong banyo. "Wag kang maninilip ah?!" "As if may makikita ako?" Nagulat naman si Carly sa sagot na pangaasar pa ni Calvin kaya napabaling siya ng tingin rito. Napanganga siya rito at halos mag-make face bago pa tuluyang isira ng padabog ang pinto ng banyo. Napangiti lang ng bahagya si Calvin at napailing na lang. Makalipas ang mahigit isang oras ay nasa nasa Baranggay Tan-awan na sila kung saan sila maaaring makapag-whale shark watching. Nag-inquire na sila at nakakuha rin ng mga snorkeling gears na gagamitin nila. Matapos ang demonstration sa kanila kung paano ang gagawin habang lalangoy kasama ang mga butanding, magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Carly. "Rrr! Nakakatakot yata? Hindi naman tayo malulunok ng mga yun di ba?" pagaalangan pa niya habang nakasakay sila sa bangka patungo sa gitna ng dagat upang doon makasisid. "Hmm! Akala ko ba gustong-gusto mong gawin ito? Tapos takot ka naman pala?" "Oo nga pero syempre -- iba pala talaga ang feeling kapag nandito ka na noh? Yung gagawin mo na talaga siya. Kaysa yung pinaplano mo palang at pinapangarap gawin." "I agree." "Teka? Bakit parang relax na relax ka dyan? Hindi ka ba kinakabahan? Hindi mo ba first time?" tila nagtataka namang tanong ninCarly kay Calvin dahil napansin niyang tila walang reaksyon ito at tila chill lang. "First time ko." "Talaga? Parang hindi naman?" pagdududa pa ni Carly sa kanya. Nilingon naman siya nito ng tingin lang ng mata. "Kasi alam kong takot ka, kung matatakot rin ako, baka hindi na tayo matuloy. Eh gusto mo ngang gawin ito di ba?" paliwanag naman nito habang nakatingin ulit sa dagat. "Ahh" saad na lang ni Carly at tila nangingiti. Konting-konti na lang talaga, makukumbinsi na kong crush ako nito. Echos! "Ayun oh!" pagturo pa ng guide nila sa butanding na lumilitaw sa tubig. Tila namangha sila roon at lalong kinabahan si Carly. "Ma'am, sir, dito na po tayo. May iilang butanding na pong narito. Huwag lang po kayo masyadong lalayo sa bangka at lumapit masyado sa mga butanding." paalala naman nito sa kanila. Nagsuot na sila ng snorkeling gear at ilang turistang kasabay nila ang nauna ng tumalon sa tubig. Napansin ni Calvin na medyo natutulala pa si Carly at halatadong kinakabahan ito dahil nanginginig ang kamay nito habang hawak ang GoPro niya. "Are you okay? Can you do this?" Napalingon naman si Carly sa kanya na tila hindi malaman ang sasabihin. "Give me that." kinuha ni Calvin ang hawak nitong gadget. "Ako ng kukuha muna." tumungo lang si Carly sa kanya bilang sagot. Naghanda na silang tumalon sa tubig ngunit si Carly ay alangan pa rin. Pansin ni Calvin ang pagkabalisa nito, hindi nga niya malaman kung dapat ba niya itong pagtawanan. "Come on?" paghaya nito ng kamay niya kay Carly at tiningnan lang din siya ng dalaga. "Hold my hand." Alangan man, humawak rin si Carly sa kamay ni Calvin at sabay na silang tumalon sa tubig. "We'll swim deeper, can you do it?" "I -- I can." "Huwag kang bibitiw sa akin ah." At sumisid na nga silang dalawa para makita kung may malapit na butanding sa paligid. Medyo maliwanag sa ilalim ng dagat dahil tiriknang araw sa ibabaw. Kitang-kita pa nila ang ilalim hanggang sa may makita na si Carly na butanding papalapit sa kanila. Binawi niya ang kamay niya sa takot at pinagtakahan naman ito ni Calvin. Napalingon sa kanya si Calvin at alam nitong natakot ito dahil sa nakitang butanding. Pero kinuha ulit ni Calvin ang kamay niya at hinatak ulit siya nitong lumangoy upang makalapit sila ng bahagya. Humihigpit ang hawak ni Carly sa kamay ni Calvin, at gumaganti rin ng higpit ng hawak ng kamay niya ito upang iparating na huwag siyang magalala. Nang makalapit sila ay tila natutulala si Carly roon. Binitawan ni Calvin ang kamay niya at sa takot niya ay hinabol niya ito at napayakap sa binata. Sumisenyas si Calvin na lumangoy siya papalapit sa butanding ngunit umiiling siya bilang pagtutol. Pinakita ni Calvin ang hawak niyang GoPro bilang senyales na kukunan siya nito malapit sa butanding. Nag-thumbs up naman si Calvin sa kanya upang mas lumakas ang loob niya at mabawasan ang pangamba. Lumangoy nga si Carly papalapit sa butanding at sinasabayan ito sa paglangoy. Sumusunod lang naman din si Calvin sa kanya habang kinukunan siya. Ilang sandali pa ay tila nakomportable na si Carly sa paglangoy kasama ang mga butanding. Tinuturo pa nito kay Calvin ang mga ibang butanding na nakikita at nilalapitan din nila. Sumenyas naman si Calvin na umahon sila kaya gayun nga ang ginawa nila. "Wow! Grabe! Nakuhanan mo bang lahat yun?!" tila maligayang tanong nito ng makaahon sila sa ibabaw ng tubig. "Of course! Whale sharks looks good on my shots." "So ganun? Yung butanding lang yung looks good? Ako hindi? Nag-exhibition pa ko sa paglangoy doon. Nag-feeling synchronise dancer pa ko dun sa tabi ng butanding tapos sila lang pala nakuhanan mo?" pamimilosopo pa nito kaya natawa naman si Calvin. "Of course not. You look better." pagngiti pa nito na halatang nangaasar. "Akin na nga yan. Ako naman ang kukuha." sabay agaw nito ng GoPro niya. At gayun nga ang ginawa nila. Lumangoy ulit sila kasama ang mga butanding at si Carly naman ang kumuha kay Calvin. Tila parehas silang nag-enjoy sa ginawa nilang ito ngayon. Another accomplishment na naman ang nagawa ni Carly sa list, hindi naman din niya ma-explain kung gaano siya kasaya ngayon. Bago pa man sila maglakad pabalik ng resort, nag-stop over sila sa ilang stores malapit roon, namili na rin sila ng ilang damit na gagamitin. "Eto Calvs oh? Bagay sayo." paghaya pa ni Carly ng floral pink na polo kay Calvin. Mukhang labag sa loob nito ang pagharap kay Carly para sukatan siya. "Oh ah? Bagay oh?" paghaya nito sa damit na napili para kay Calvin. "Bagay ba talaga?" "Oo kaya. Lagi ka kasi naka-plain at dark color na dami. Oo nga bagay sayo yun at mukha kang kagalang-galang pero minsan, try mo rin yung ibang kulay at style di ba?" pagkumbinsi pa nito sabay ngiti kay Calvin. "Pogi mo dito oh?" Nangiti naman si Calvin rito na tila nakukumbinsi na rin. "Talaga? Baka ma-in love ka na ah?" pagkuha pa ni Calvin ng damit at sinukat-sukat rin sa kanya. Tila nagpintig naman ang tainga ni Carly rito. "Ay wag na toh! Mukha kang bakla rito!" pag-agaw niyang bigla sa damit kay Calvin at nag-walkout rito. Nabigla naman doon si Calvin ngunit halatang nangaasar lamang siya. "Huy akin na yan! Bagay sa akin yan eh!" paghabol pa niya kay Carly. Matapos nilang mamamili ay naglakad na rin sila pabalik ng resort. Habang naglalakad sila pabalik ay napagusapan muli nila ang tungkol sa ginawa nilang paglangoy kasama ang mga butanding.  Bakas sa mga reaksyon nila ang saya at tuwa. "Grabe! I still can't believe that I swam with them! I'm gonna tell this to Aki, for sure maiinggit yun!" "How 'bout sa mom mo? Hindi mo ba ikukwento ang nagawa mo?" Medyo nabawasan ang saya ni Carly dahil naalala na naman niya ang parents niya. "Sorry, I didn't mean to say that." "It's okay. Actually, I do really want to tell them. I really wanted to call them and tell them all what we did." pagpilit na ngiti pa nito. "Kaso baka mapasundo kaagad tayo rito kaya -- saka na lang. Hehe" At natawa na lang sila parehas habang papasok ng entrance ng resort. "Carls?" Sabay naman silang nahinto sa b****a palang ng daanan papasok ng resort. "Carls, it's you! Oh my God!" "Rick." tila nabigla naman si Carly ng makita ito at hindi malaman ang gagawin. Halos hindi naman siya makapagsalita at tila natutuod. "Carly!" biglang lapit nito at yakap kay Carly kaya nabigla ito na hindi naman nakagalaw kaagad. Bumakas naman kay Calvin ang pagkasimangot ng masaksihan ito. "I missed you. I've been contacting you but --" nagpumiglas naman si Carly sa pagkakayakap sa kanya at naglayo rin sila. "How are you? Anyways, what are you doing here?" bakas pa rin dito ang pagkasabik ng makita ang dalaga. "Ahm.." napatingin naman si Carly kay Calvin na tila walang reaksyon na nakatingin lang sa kanya. At napabalik ulit ng tingin kay Rick. Ngunit bago pa man siya makasagot rito ay biglang niyang napansin amg pagdaan ni Calvin sa gilid nila. Mukhang nag-walkout ito sa kanila kaya balak niya sanang habulin. Pero naalala niyang dapat masabihan niya pala si Rick ng tungkol sa kanya. "Ahm, Rick. Ano kasi -- ahmm.." "Look, Carls -- I am so sorry. I know you're disappointed to me but --" "What are you doing here?" tila seryosong tanong naman nito. Sa isip niya, gusto niyang sampalin ito ngunit natatakot siyang baka magsumbong ito kung nasaan siya. Wala dapat makaalam kung nasaan man siya at mas wala dapat makaalam na kasama pala niya si Calvin. "Ahm.. Carly, I'm here because of business. How about you?" "None of your business!" pag-walkout na sana niya rito pero nahinto siya at binalingan ulit ito ng tingin. "And one more thing, don't ever tell to anyone you've seen me here. Especially, my family." pagduro niya pa dito bilang pagbantang. "What do you mean?" nagtataka naman ito at gusto pa sanang makausap si Carly. "Kasi -- ano kasi --" nagiisip pa siya ng idadahilan niya sana dahil hindi niya rin masabi rito ang totoo. "Basta! Wag ka ng tanong ng tanong dyan!" at tumalikod na sana ito. "Wait, Carly! Please talk to me!" pagpigil nito at hawak pa sa braso ni Carly kaya natigilan naman ang dalaga sa paglalakad. "What?!" inis namang lingon nito. "Please give me another chance." "Whatever!" pagpumiglas nito at nagpatuloy na sana sa paglalakad ngunit muli siyang pinigilan ni Rick. "I love you!" sigaw naman nito at sa hindi inaasahan ay lahat ng tao sa may reception area ay natigilan at napatingin sa kanila na tila nagaabang na sa eksena nila roon. Natigil rin si Carly sa paglalakad ng marinig ito, hindi naman siya makapaniwalang sasabihin pa ito sa kanya ni Rick. "Yes, Carly. I do! I'm sorry if I didn't admit it before, but I do. I love you. I'm just --" "You're just what?!" tila may galit sa tono ni Carly ng harapin niyang muli ito. "You're just not ready yet? You're just not sure of it? Or you're just don't mean it?!" Nanlumo naman si Rick sa mga sinabi sa kanya ng dalaga. "Either way, I don't care at all." pagdiin nitong sabi at saka umalis ulit. Sa kabilang banda... Tila nakaramdam ng inis si Calvin kung kaya't nag-walkout na lang ito. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay naiinis siya dahil ni hindi siya pinakilala ni Carly sa lalaking humarang sa kanila. Hindi niya rin kilala ang lalaking iyon pero sa palagay niya ay malalim ang koneksyon nito sa dalaga. Hindi niya alam kung selos ba ang naramdaman niya ngunit sa isip niya'y wala naman siyang pakialam kung sino ba ito sa buhay ni Carly. Ngunit, hindi siya tuluyang umalis roon. Nagtago na lamang siya sa likod ng malalaking halaman sa may reception area upang intayin doon si Carly. Hindi niya alam bakit ginawa niya ito imbes na umalis na nga lang ng tuluyan. Minasdan pa niya kung anong ginagawa nila Carly at Rick hanggang sa hindi niya akalaing isigaw ng lalaki na mahal niya si Carly. Nagulat siya ng marinig ito at the same time ay nainis rin. Ex-boyfriend niya ba ito? Pero narinig niya ang sagot ni Carly rito kaya tila napanatag siya. Hindi niya alam kung bakit tila nabunutan siya ng tinik. Inakala niya rin na baka kaya ayaw talaga magpakasal pa ni Carly dahil may iba itong minamahal at mukhang malabo siyang matutunan mahalin nito. What the hell are you saying, Calvin?! You want Carly to love you? Nasaksihan niya pa ang pag-walkout ni Carly at balak pa sana itong sundan ng lalaking nakita niya ngunit tila nanlumo na ito kaya natigilan. Pasimple na rin siyang umalis doon. Hindi pa dumiretsong kwarto nila si Calvin, nagpunta muna ito sa pool area upang mapagisa. *Kriing kriing Hindi naman niya inaasahan ang tawag na ito kung kaya't minasdan na niya muna ito bago sagutin. "Hello? Thomas." (Calvin, any news about Carly's whereabouts?) diretsong tanong nito. "Ahm --" tila nagaalangan naman si Calvin sa isasagot rito. "I'm sorry but --" (Please Calvin, I'm begging you. Find her. She doesn't know what she's doing. I know she wanted to have a life on her own and do what she thinks she needs but Carly is just -- she's vulnerable in everything. I know she's brave, but not brave enough to do it alone.) mahabang paliwanag nito. "I know." maikling sagot niya dahil naalala niya ang mga bagay na kamuntik ng hindi gawin ni Carly kahit pa gusto nito. Hindi naman niya mapigilang hindi mangiti rito kaya napahilamos na lang siya ng mukha. "I'll find her and bring her back to you." (Your dad will be uneasy about this. You know him.) Matapos nilang magusap ay bumalik na rin si Calvin sa kwarto nila at naabutan si Carly na tila kalalabas lang ng banyo at bagong ligo. Nagkasalubong naman sila ng tingin ngunit walang nakapagsalita kaagad. Nauna namang umiwas ng tingin si Carly rito at dumiretso sa kabinet. "I'll take a shower, then let's have a lunch." saad lang ni Calvin rito at dumiretso na nga ng banyo. Tila hindi naman malaman ni Carly kung ano pang dapat sabihin kaya napalingon na lang ito roon ngunit nakapagsara na ito ng pinto ng banyo. Sa isip niya, paano niya kaya ito ipapaliwanag kay Calvin? Baka isipin nito na karelasyon niya si Rick? Nag-lunchout na sila sa labas ng resort. Tila parehas silang tahimik kung kaya't medyo awkward ang sitwasyon nila ngayon. "Your dad called." pambasag na ni Calvin ng katahimikan nila. "Talaga?" tila nabuhayan naman si Carly at dumungaw sa mesa nila. "Anong sabi niya? Hinahanap pa rin nila ako? Anong sabi mo? Kamusta daw sila?!" sunod-sunod nitong tanong na hindi naman inasahan ni Calvin ito. "Ahm, yes. They're still looking for you and asking me to find you and bring you back." "Ga -- galit ba sila?" pagaalangan pa nito. "They're worried." Napasandal naman na ito at nagbagsak balikat na lamang. Bakas rin dito ang lungkot at pagka-guilty sa ginawa. "He said, he started contacting some of your friends aside from Aki. Asking them your possible whereabouts." "Hay.." pagbuntong hininga nito ngunit bigla napaupo ng maayos na tila may naalala. Napansin naman ito ni Calvin. "Oh no. They might --" tila nagtataka naman si Calvin sa reaksyon niya. "They might find Rick too and ask him about me! This can't be!" tila pagpa-panic nito. "Your boyfriend?" pasaring naman ni Calvin na pinaikutan pa siya ng dalawang braso. "No! Hindi ko boyfriend and lambayag na yun noh.." mariing pagtanggi nito at hindi naman napigilan ni Calvin ang mag-burst ng tawa. "What?!" pagpipigil pa ng tawa nito. "Hindi ko siya boyfriend, okay? He's just -- basta! Hindi naging kami!" mariing paliwanag nito at tila umaliwalas naman ang awra ni Calvin dahil galing mismo kay Carly ang mga narinig niyang paliwanag. Sa isip niya ay wala naman pala siya dapat ipagalala o ipagkaselos. Nga ba? "Baka ma-contact siya nila daddy at masabi niyang nakita niya ko dito? At -- at kasama kita? Mayayare tayong parehas?!" tila pagalala nito at napagtanto rin ni Calvin ito kung kaya't nakaramdam din siya ng pangamba. "Alam ba niyang --" "Hindi eh." Tila natigilan naman si Calvin sa narinig na sagot ni Carly. "Kasi -- kasi inaalala ko nga na baka may mapagsabihan siya at kapag nalaman niyang fiancé kita, maisumbong niya ito." tila nagaalangan pa rin ito. "Inaalala ko lang na baka madamay ka pa." "Pero di ba mas malala kung malaman ng pamilya natin na baka ibang lalaki ang kasama mo kaya ka siguro naglayas?" bwelta naman ni Calvin sa kanya at napagtanto rin ito ni Carly. "Hala paano na toh?! Baka nga magsumbong si Rick!" "I think we need to leave now before it happens." "As in now na? Hindi muna tayo kakain?" Napabuntong hininga naman na si Calvin. "Okay, after we had lunch." Matapos nga nilang kumain ay bumalik na rin sila sa kwarto nila at naghanda upang makapag-checkout na rin. Kailangan na nila umalis ng resort bago pa man nga maganap ang iniisip nila. Bahala na kung magsusumbong ito, ang mahalaga ay wala sila roon kung sakali man. Nagbyahe na ulit sila patungo na lamang sa bayan kung saan ang sunod nilang destinasyon, sa Alegria. Nakasakay na sila sa bus at tahimik lang sa byahe. Napatingin naman si Calvin kay Carly na tila malalim na naman ang iniisip. "Huwag ka ng magalala. Kung sakali mang nagsumbong na yung lalaking yun, tatawagan kaagad ako ni Thomas." pagsigurado naman niya sa dalaga. "Sabagay. Pero -- baka kung anong isipin pa nila. Lalo silang magaalala." bakas pa rin dito ang lungkot at pangamba. "Alam naman natin ang totoo, mapapaliwanag din natin sa kanila."      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD