“Picture nga tayo rito!” saad ni Beth. Kaagad na kumuha naman siya ng picture namin at napatingin ako sa hindi kalayuan. Napangiti ako nang makita si Aya. “Grabe! Guwapo na nga sobrang talino pa. Magna c*m Laude talaga asawa mo grabe,” dagdag niya pa. Proud na napangiti naman ako. Ilang sandali nga lang ay nilapitan niya ako. “Congratulations,” aniya at ibinigay sa akin ang boquet ng Daisies. “Thank you,” madamdamin kong saad. “Congratulations din sa ‘yo. Ang galing mo,” wika ko. Ngumiti lamang siya. “Tabi kayo, kuhanan ko kayo ng picture,” sambit ni Beth. Kaagad na inakbayan naman ako ni Aya at parehong ngumiti sa camera. Pagkatapos nga ng graduation namin ay dumeritso na kami sa bahay nila Mama at doon kami magce-celebrate. Nauna na sila kanina kaya sumunod na lang kami. Ang say

