Habang nakaupo ay nagulat ako nang makita si Marice. Hindi ko alam kung ano na naman ang pakay niya sa ‘kin pero kalmado lang ang mukha niya. “Ano’ng ginagawa mo rito?” usisa niya sa ‘kin. “Kasama ko si, Aya,” sagot ko. “So, totoo na may relasiyon kayo?” aniya. Nag-iba na ang tono ng boses niya. Hindi ko iyon gusto at lalong hindi ako natutuwa. Para siyang nang-aakusa. “Oo, bakit? May problema ka roon?” tanong ko. Kaagad na tumapang ang mukha niya. “Talagang itinuloy mo pa talaga. Daisy, hindi ka ba nahihiya? Sa tingin mo ba talaga gusto ka ni, Aya? Napipilitan lang siyang makisama sa ‘yo kasi challenging ka. Tingin niya ay kailangan niyang makisama sa ‘yo dahil tangaka. Ang bilis mong utuin. Huwag kang umasa na magugustuhan ka niya kaagad. Halata namang kaya siya pumapatol sa ‘

