Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at matamis na ngumiti. Ang ganda ko naman. “Daisy! Anong oras na? Hindi ka pa ba tapos diyan ha? Naku! Ikaw na bata ka talagang inuubos mo ang pasensiya ko. Mamaya ka sa ‘kin. Ano ha? Gagalaw ka riyan o hindi na kita pag-aaralin?” sigaw ni mama. “One last look pa bago ako nakuntento sa hitsura ko. “Nandiyan na Ma,” sagot ko at napairap. Binuksan ko ang pinto ng kuwarto ko at nakita si Mama na nakpameywang at umuusok na ang ilong sa sobrang galit. “Ano ba ang ikinatagal mo sa loob ha? Talaga bang magla-lock pa ha?” aniya. “Mama, part iyon ng privacy ko,” sagot ko. Kagaad na nilapirot niya ang tagiliran ko. “Aray! Mama,” saway ko. “Bilisan mo na at talagang iiwanan ka ng ama mo. Alam mo namang may trabaho pa ang papa mo ‘di ba?” singhal niy

