Pagkauwi ko sa bahay ay pasalampak na umupo ako sa couch at napahilot sa noo ko. Excited pa akong pumasok kanina tapos. “Hayyy! Ano ba ‘to?” Napahiga ako at huminga nang malalim. Ginusto ko ‘to kaya hindi ako puwedeng umatras. Tama lang din naman ang ginawa ko kanina pero nakokonsensiya ako. Walang hiya! Nakatitig lang ako sa kisame at naramdaman ko na ang pagod sa katawan ko. Parang ngayon lang ang-sink in sa ‘kin ang lahat. Pakiramdam ko bumalik na naman ako sa nangyayari noon. Tuwing ininsulto at gina-gaslight ako ng mommy ni Theo. Ipinilig ko ang aking ulo at nagbihis na lamang para makapaghanda na rin ng hapunan namin ni Aya. Pagkatapos kong magbihis ay pumunta na ako sa kusina at naghanda ng lulutoin. Napagpasiyahan kong magluto ng caldereta. Nag-search na rin ako ng recipe sa

