Maaga akong gumising para maghanda sana ng breakfast namin nang hilahin ako ni Aya pabalik sa kama. Hindi na ako nakareklamo pa nang yakapin niya ako nang mahigpit. “Bakit? Kailangan ko ng mag-asikaso at maaga pa tayo mamaya,” wika ko. “Hmm, we’ll go somewhere later. Nagpaalam na ako kay, Daddy. Natapos ko na rin naman ang trabaho ko kahapon. Wala ring magrereklamo kung nasaan ka,” sagot niya. “Huh?” Tiningnan naman niya ako at nginitian nang matamis. “Your eyes were puffy. Akala mo ba talaga hindi ko alam na somethings wrong? Daisy, I know. Alam kong hindi mo pa kayang sabihin sa ‘kin at nandito lang ako palagi. Hihintayin kita kung kailan ka na ready na sabihin sa ‘kin ang lahat,” wika niya. Nakonsensiya naman ako. Nakatingin lang ako sa kaniyang maamong mukha. “Dahil natata

