Nakatingin lang ako sa palayan habang umiinom ng malamig na juice. Katatapos lang naming kumain. Ang sarap ng pagkain na hinanda ni Nanay Mokring. “Hey love.” Napalingon ako at nakita si Aya. Umupo siya sa tabi ko kaya napasandal ako kaagad sa balikat niya. “Thank you for bringing me here,” sambit ko. Hinaplos naman niya ang buhok ko. “I’m happy that you enjoyed it here,” aniya. Tumango naman ako. “Sobrang na-enjoy ko. Kapag magre-retire na ako soon, gusto kong tumira sa ganitong lugar. Tahimik at payak ang pamumuhay. Malayo sa sakit at sigurado akong tataas talaga life span ko sa uri ng buhay mayroon ang mga tao rito.” “This is my safe place too. Kapag nakakaramdam ako ng boredom sa city umuuwi ako rito.” “Nabanggit nga sa akin ni, Nanay Mokring kanina,” wika ko. Ngumiti siy

