21

1590 Words
"I will buy food for us, wait for me here, please" he demanded as we got to his condo. I just nodded briefly. He looked a bit hesitant before going out though, but I assured him that I am definitely fine here alone. Pagkaalis niya ay agad kong iginala ang mga mata ko. The Condo looks spacious and cozy. Pagkapasok kanina ay tumambad and shoes closet niya, It looks organized, I bet he has a collection of his shoes. Dito sa sala naman ay may malaking T.V rin and then the small dining table is placed near the kitchen. Hindi naman masyadong makalat sa Condo niya but I think, inuuwi niya rito ang mga ibang painting niya or dito na talaga siya gumagawa at nagpe-paint because I saw several unused canvas, paintbrushes and other art materials sa iba't-ibang parte at sulok ng condo niya. Hindi na rin ako nagtaka pa na sa bawat dingding nitong Condo niya ay may painting sa iba. In the right area, I think this is where the rooms placed. May apat na doors kasi pero ayaw ko munang pumasok dahil baka mabuksan ko ang isa sa mga kwarto niya. It is his privacy. I do not want to invade it even though he let me inside his condo. That is supposed to be confidential. Siguro… Siguro ay naawa siya sa akin dahil nakita niya akong umiiyak kanina. Ayaw kong kaawaan niya ako pero wala naman akong magagawa dahil ngayon ko kailangan ng tulong ng isang tunay na kaibigan. I have to swallow my pride because here is Levi, my most trusted friend, and I know that he will not going to judge me in everything. Sa pinakagilid naman ang veranda ng unit na ito. Lumapit ako roon at nilanghap ang hanging tumatama sa mukha ko. Mataas ang building pero hindi naman nakakalula dahil maganda ang view sa harapan. I can see the moon clearly from where I am, the stars aren't visible though. Hindi na ako umiiyak, but I still have a heavy heart. I think, hindi iyon mawawala. "Dinner is ready, let's eat," Levi called me from a long time of thinking in his veranda. Hindi na ako nagsalita at nauna nang pumunta sa Dining table, nakasunod naman si Levi. Maraming pagkain ang nakahain. Tingin ko ay hindi ko mauubos ito agad bukod pa sa wala akong ganang kumain. I just got the food that I can eat. Umupo naman si Levi sa tabi ko, hindi sa harap. "Iyan lang ba ang kakainin mo?" he said in monotone, glaring at the food I got. Sobrang kaunti lang talaga iyon na parang hindi lalagpas sa limang subo lang. I nodded. "Sorry, I don't have that much of appetite right now." "You have to eat more. Hindi ka mabubusog niyan." He didn't wait me to protest, instead, he got me more of foods on my plate. Lahat ng ulam na naroon ay nilagyan niya ako. What the hell? Kalaunan ay wala na akong magawa. Hindi naman ako nahihiyang kumain ng marami kung kaya ko lang talaga, pero mas nakakahiya naman kung hindi ko mauubos ito. "I already called Nanay Luz. I told her that you are with me so they will know and they won't worry about you that much," he informed me while eating. "Can you call her again? I'll talk to her instead," I requested. Sasabihin kong ipadala sana sa akin ang mga importanteng bagay na kakailanganin ko dahil sa ngayon ay wala pa akong balak talagang bumalik pa sa bahay namin. Tumikhim siya. "Eat first." Tumango ako. Tahimik naming tinapos ang hapunan. Of all the times na nagkakasabay kaming kumain ni Levi, ito ang pinaka-awkward. Walang nagsasalita. I guess, we are both drowned in our own thoughts. Nagpresinta ako na maghugas ng plato pero bago ko pa man din magawa ay nahila na niya ako paupo sa sofa. He looked darkly at my wound beside my lips like this wound did something bad to him. "A-ako na," saad ko sa kaniya nang iangat niya ang baba ko para mas makita ng mabuti ang sugat na iyon. Bored niyang inangat ang tingin sa akin. He let go of my chin so I thought he would just let me treat it but he took something from his pocket, his phone. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at inilapag doon ang phone niya. Hinawakan ko ito agad habang siya naging abala na sa paghahanda ng panglinis sa sugat. After that, he lift my chin again and surveyed it. "Tawagan mo si Nanay Luz," he said while cleaning my wound. Napa-awang pa ng bahagya ang labi ko bago tumingin sa phone niya at binuksan ito. Kumunot ang noo ko nang may nakita akong kailangan pa ng passcode. Sana ay binuksan niya muna bago binigay sa akin. "Uh..." iaabot ko na sana sa kaniya yung phone pero nagsalita na agad siya. Sinabi niya sa akin ang passcode niya na ikinagulat ko. This man trusts me so much, huh? Baka papalitan niya na lang kapag tapos na ako. I just shrugged my shoulders while finding Nanay's number. I immediately dialed it when I found it. After three rings, Nanay Luz's hysterical voice greeted me. "Ano? Kumusta na, hijo? Si Ayannah? Dios mio, ayos lang ba siya riyan?" Bahagya kong nailayo sa tainga ko ang phone dahil sa paghihisteriya ni Nanay Luz. I also winced because Levi touched my wound where the cut area place out of my sudden movement. He sighed before continuing what he's doing. "Nanay, I'm fine here..." I said calmly. "Dios ko kang bata ka! Saan ka nagpunta ha? Alalang-alala kami sa 'yo! Mabuti at naisip ng Daddy mo tawagan si Levi para-" "Wait, what? Daddy did what?" I unbelievably said. After what he did to me, tatawagan niya si Levi? At bakit si Levi? "Nag-alala ang Daddy mo sa 'yo, Ayannah. Tinanong niya ako kung sinong maaaring mong puntahan at sinabi kong si Levi lang naman ang kaibigan mo maliban sa Ate Noreen mong nasa ibang bansa. Imposible namang doon ka pumunta sa bahay niyo ng lola mo dahil ginagawa pa iyon at wala rin ang lola mo roon," she filled my questions. I also looked at Levi who are also looking at me seriously and intently. Tila alam niya rin ang pinaguusapan namin but as usual, he's silent. "I don't want to go back there yet po. I might stay in our hotel tomorrow. Dito na po ako magpapalipas ng gabi," I informed her. I looked at Levi when I said the last sentence, expecting that he would have any violent reaction about it. "Ha? E sobrang layo ng hotel sa school mo, ah? May transportasyon ka nga pero malayo pa rin. Mahihirapan ka, 'nak," pagaalala ni Nanay Luz. I sighed again. No choice ako kung hindi tiisin ang layo ng hotel sa university. I don't want to go back in our house. Hinding-hindi ako babalik doon hangga't naroon si Tita Donna. Ayaw ko na siyang makita pa ulit pero hindi ako ganoon kasama para ako mismo ang magpalayas sa kaniya. And also, tampo pa rin ako kay Daddy. Well, I'm not that mad because I know, may nasabi rin akong hindi maganda. I'm also guilty about it, but I do not want to talk to Dad yet while everything is still fresh. "Ako na po bahala roon," saad ko. The call goes on and it just ended when I already felt sleepy. Nakapaghugas na ng plato si Levi ay kausap ko pa rin si Nanay Luz kanina. Mag-iimpake na raw sila ng ibang gamit ko at agad na ipapadala sa akin bukas. I don't know if Nanay will tell Daddy about this, I don't care. Wala rin naman siyang magagawa. I yawned and stood up to find Levi. Naglakad siya papunta sa mga kwarto pero hindi ko na nasundan kung saan or alin dito sa mga kwarto na ito. It is already 9:00 pm, so he must be preparing to sleep too, I guess. "Levi..." I tried to call him infront of the doors, hoping that he would hear me. Kaso mukhang hindi niya ako narinig so I tried to sneak in each ream. Inuna ko ang pangalawang kwarto sa kaliwa ko but it looks like an office s***h art room. The first one has gym equipment so I assumed it is surely a gym. Saktong pagkasara ko ng pintuan ng gym ay bumukas ang pintuan ng katapat nito. The second room in my right. Iniluwa no'n si Levi na bahagya pa yatang nagtaka kung bakit galing ako sa gym niya. His hair is slightly damp, kagagaling siguro sa shower. Kaya siguro hindi na ako nagtaka na hindi niya na ako narinig kanina nang tinawag ko siya. Levi is wearing his clean grey shirt and shorts make me step back a bit. He looks like a...hunk. The hell, Aya?! "S-sorry. I entered your gym, I thought you are here. Hindi ko kasi alam kung saan ka..." I walked towards him and give him the phone. Imbes na kunin ang phone niya sa akin ay hinila niya ako papasok sa unang kwarto, the one beside his. This one looks plain with cream vintage themed room. May painting rin sa gilid-gilid but obviously, this is not his room. This one looks...girly. May nakita pa akong pink teddy bears sa upuan doon sa gilid. I wonder who occupies this room. His girls? His playdates? Tapos dito niya rin ako patutulugin? Hell! Nakakadiring isipin! E bakit pa ba ako magrereklamo? Nakikitulog lang naman ako! Aya naman! ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD