Chapter 1

1189 Words
"Baby." Isang malambot at malaking palad ang dahan-dahang humahaplos sa mukha ko, kasabay nito ang munting paghikbi. Mabagal kong iminulat ang mga mata, sumalubong sa akin ang madilim na kwarto, tanging liwanag na galing lamang sa buwan ang naging ilaw ko para makita ang bulto ng lalaking nagta-taas at baba ang balikat. He's crying, so hard, humahagulhol siya habang paulit-ulit na pinauulanan ng halik ang mga kamay ko na mahigpit na niyang hawak ngayon. "T-travis." I whispered silently. Nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha ko dahil hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita ko ngayon o niloloko na naman ako ng sarili kong isip. "Baby, Arsie. I'm here." Mabilis ang pagbangon na ginawa ko ng magsimula siyang magsalita, hindi ko na mapigilan ang mapahagulhol lalo na ng mabilis niya akong niyakap at ikinulong sa malalaki niyang braso. We're both sobbing and breathlessly crying while hugging each other, hindi ko alam ang mararamdaman, I am shocked, confused but most of all, I can feel my home, sa mga bisig niya. "Finally, after a month, nayakap ulit kita, hindi mo alam kung gaano ako nababaliw dahil hindi kita kasama, I feel like dying when everytime I woke up and I am not seeing you beside me, baby." Pabulong niyang saad habang humihiwalay sa akin at ipinagdikit ang mga noo namin, nakapikit ang mga mata niya habang mahigpit ang pagkakahawak sa akin. Ako naman ay hindi magkamayaw sa pag-iyak, God knows how much I missed him, walang oras na hindi ko siya inisip sa loob ng isang buwan na magkalayo kami. "Arsie, my baby, I love you so much, hindi ko na kaya na wala ka sa tabi ko. Nababaliw ako sa isang buwan na hindi ka kasama." Mabilis niya akong ginawaran ng malalim na halik na walang pag-aalinlangan ko namang tinugon. Nararamdaman ko ang pagkasabik niya sa bawat pag-galaw ng malambot niyang mga labi. "Baby, please say something. I miss you so fcking much, halos magmakaawa ako sa kuya Hanz mo para malaman kung saan ka dinala ng kuya Blaze mo, walang araw na hindi ako gumawa ng paraan para lang makita ka kasi hindi ako naniniwala na kaya mo akong ibigay kay Candice." Pumiyok siya sa huling salitang sinabi niya, Nakagat ko ang sariling labi dahil sa narinig, tama siya, hindi ko siya kayang ibigay kahit kanino man, kahit na sa sarili ko. "Isang buwan Arsie, Isang buwan kitang hindi nakita, hindi nayakap, hindi nahalikan at hindi nakasama, alam mo ba na para akong patay lang na pinipilit mabuhay!" Madiin na ang paraan ng pagsasalita niya habang mas humihigpit ang pagkakahawak sa akin. "I'm sorry." Yun lang ang mga salitang lumabas sa bibig ko, nanghihingi ako ng kapatawaran hindi dahil sa iniwan ko siya, kung hindi dahil hindi ko siya kayang kalimutan. "I love you, so much that I can do everything to be with you." Muli niyang sinakop ang mga labi ko, bakas ang panunuyo ng mga luha niya sa namamaga niyang mga mata pero hindi ito hadlang para matakpan ang ganda ng asul niyang mata. "Paano ka nakapasok dito?" Bulong ko habang pinagmamasdan ang mukha niyang nakapako lamang ang tingin sa akin. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi, naramdaman ko kung paanong namayat ito. "Like what I did everytime, umakyat ako mula sa balcony." Kinuha niya ang mga kamay ko na kapwa kinukulong ang mykha niya at paulit ulit na hinalikan ito habang nakapikit. "I love you Artemis. I can't stand another day without you. It's fcking driving me crazy, mahal na mahal kita." Aniya at muli akong niyakap ng mahigpit. "Travis." That's all I can say. Pinagmamasdan ko lamang siya dahil hindi ko alam kung nananaginip ba ako o totoo ba na nandito siya ngayon sa harapan ko. "Come with me." Mabilis niyang turan na nagpakunot ng noo ko. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa dulo ng kama ko habang hinihila ako patayo rin. "Runaway with me. Be with me. Takasan natin silang lahat." He persistently hissed, napaawang ang bibig ko sa sinabi niya, naguguluhan ako, I want to, I fcking want to but I can't. "Sumama ka sa akin baby. Magpapakasal tayo, magsisimula ulit ng malayo sa kanila, please baby. I'm begging you, be with me." Nagsusumamo ang boses niya, halata ang pagmamakaawa. Nakatingin lamang ako sa kanya at paulit-ulit na pinag-iisapan ang desisyon na gagawin ko. Pinagmasdan ko siya at wala akong ibang nakita ng mga oras na 'yun kung hindi sakit, nasasaktan pa din ako. Sa tuwing tinitingnan ko siya ay naaalala ko ang anak ko na nawala, naaalala ko kung paano nila ako niloko, silang dalawa ni Candice. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha ko habang unti-unting tinatanggal ang pagkakahawak niya sa akin. "Sorry but I can't, Travis." Bumagsak ang mga balikat niya at muli akong niyakap ng mahigpit. Hindi ko na itinago ang pag-iyak dahil sa pagkakataong ito ay nasasaktan na naman ako. "Bakit? Hindi mo na ba ako mahal? Ayaw mo na ba sa akin? No! Hindi ako papayag! I will never leave this house without you." Madiin niyang saad habang umiiyak. Nakagat ko ang pang-ibabang labi bago siya halikan. "Sshh, please, Travis, umalis ka na. Hindi ako sasama sayo, I can't afford to make mistakes again, tama na ang isang beses na hindi ko sinunod ang pamilya ko, leave." Nahihilam na ako ng luha ng sabihin ito. Napatawa siya ng pagak habang naguunahan sa pagtulo ang mga luha. Mabagal siyang umiling at dahan dahang lumuhod sa harapan ko. Napasinghap ako sa ginawa niya, niyakap niya ang tuhod ko habang umiiyak. Pinilit ko siyang patayuin ngunit nanatili lamang siya. "Sabihin mong mahal mo pa ako." He whispered pero para itong bomba na sumabog sa tenga ko. Mahal na mahal ko pa din siya. "Sabihin mo please. Nagmamakaawa ako, baby, Sabihin mo lang na mahal mo ako at kaya kitang ipaglaban hanggang sa huling hininga ko." Umiling ako at nanghihinang lumuhod na din upang pantayan siya, sinapo ko ang mukha niya na basang basa ng luha bago ko siya yakapin ng mahigpit. "Mahal na mahal kita, Travis. Pero hindi ako sasama sa'yo. Umalis ka na." Pinipigil ng puso ko na sabihin iyon sa kanya pero itinuturo ng isip ko na ito ang tama. Tumayo siya at sinabunutan ang sarili at sinuntok ng malakas ng pader sa gilid ko. Umiiyak lang ako sa isang gilid dahil hindi ko alam ang sasabihin ko, natatakot ako na baka traydurin ako ng puso ko at ipagkaloob ko ang sarili ko at sumama sa kanya. "Mahal na mahal kita Artemis." That's the last thing he said, Sa isang iglap ay nawala siya sa harapan ko. Napabalikwas ako at kinakapos ang hiningang bumangon mula sa kama. Napanaginipan ko na naman, No, It was not a dream, It is a memory from years ago, ang huling pagkikita namin, ang huling beses na narinig ko ang boses niya, ang nayakap at nahalikan siya. It was my last chance to be with him but that's the chance that I didn't take. What if I took the chance? Magiging masaya kaya kami? Ipinilig ko ang ulo at malalim na bumuntong hininga, Nilingon ko si Zeus na mahimbing ang tulog sa tabi ko habang nakayakap sa akin. Parang biglang nawala ang bigat ng dibdib ko ng makita siya, I immediately hug him. If I took that chance, wala si Zeus sa tabi ko ngayon so I think, I made the right decision. LEGENDARIE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD