Chapter 7

1597 Words
Maaga akong gumising kinabukasan dahil may plano akong mag-bake ng cake at dalhan si kuya Blaze bilang peace offering na din, gusto ko na talagang manghingi ng tawad upang magkabati na kaming magkapatid. He's not calling me since yesterday, I'm not used to it, we barely argue at ito na ang pinakamatagal na pag-aaway namin and I am to blame. Bakit ba kasi big deal sa akin ang nangyari? What he did was all for me, for I am able to grow pero ako pa ang nagalit dahil para akong niloko, I just hate it when someone lied to me, that's why. The first thing that I did when I woke up was pray and then I get up from bed, Nilingon ko ang anak ko na nahihimbing pang matulog. Hinalikan ko ang noo ng anak ko ng paulit-ulit at pinakatitigan muli siya, pinipilit kong alalahanin ang malinaw na mukha ni Jack ngunit wala talaga akong makitang kahit konting pagkakamukha nila sa pisikal na anyo. Ipiniling ko ang ulo and played with his brown hair, that he got from me, maybe if he grow up a little more I can see Jack's resemblance on him. Nagdadalawang-isip tuloy ako minsan kung si Jack nga ba ang ama niya. Pero malinaw sa isip ko na noong nalasing ako almost 3 years ago ay si Jack lang ang lalaking kasama ko, the last thing I remember is we kissed and the next morning ay nakauwi na ako sa apartment namin ni Celine. I sighed deeply, how can I doubt it, nakuha naman niya ang mata ng ama, My Zeus Tyler is my everything. The happiest day of my life was when he was born, I named him Zeus, the king of the Greek gods who lived on Mount Olympus. He was the god of the sky and thunder. And Kuya Blaze chose Tyler to be his second name, pumayag naman ako because It's a really good name that suits him well. I glanced at Zeus once again before entering the bathroom and take a shower. I choose to wear a simple cream cotton above the knee with little spaghetti strap dress and paired it with a white sneakers, I apply a little amount of make-up to enhace my features and I'm done. I check on my phone first to message Riley before heading outside. "Good morning, nay!" Isang masiglang ngiti ang iginawad ko kay nanay habang pababa ako ng hagdan at nagpupusod ng buhok na may kahabaan na. She stop wiping the picture frames and look at me, masyadong masipag si nanay na kahit may mga maids ay tumutulong pa din siya sa mga gawaing bahay. "Good morning anak." As usual, Nanay's sweet smile and warm hug greeted me as soon as I reached her. "Nasaan na si Zeus?" Tanong niya ng kumawala siya mula sa mga yakap ko, mabilis ko namang ikinawit ang braso ko sa braso niya habang sabay naming tinutungo ang kusina. "He's still sleeping, nay." Ani ko at tinulungan ang isa sa kasambahay na maghain ng mga pagkain sa lamesa. "Thank you hija, magandang umaga." Magalang namang bati ng isa sa pinaka matandang kasambahay namin na si Ate Cora. "Good morning po, sumabay na kayo sa aming kumain." Nginitian ko lamang siya at ako na ang nagdala sa lamesa ng scrambled eggs na dala niya, ngumiti lamang siya at nahihiyang tumanggi. Nagsimula na kaming kumain ni nanay ng tumunog ang cellphone ko, It's Riley kaya napangiti ako, namiss ko ng sobra ang babaeng ito. "Arsie! Bruha ka! Excited na akong makita kayo ni Zeus! Miss na kita!" Riley screamed as soon as I answered the call kaya napilitan akong ilayo ang cellphone sa tenga ko. "Good morning too, You're so loud, early in the morning, I'm eating my breakfast, see you later!" Saad ko at ibinaba na agad ang tawag, napaka ingay ng babaeng yun kahit ganito pa lang kaaga na parang hindi kami nagkikita lagi. Riley and her husband Andrei is always visiting us way back in New York kasama ang mga anak nila, minsan naman ay kami ang dumadalaw kapag nauuwi kami ni Zeus ng Pilipinas. "It's Riley nay, I'll meet her today, bibili na din ako ng ingredients para sa cake na gagawin ko" Sagot ko sa nagtatanong na mga mata ni nanay, mabilis na akong tumayo ng maubos ko ang breakfast ko. "Pakibantayan po ang anak ko." I quickly kissed her cheek and waved my goodbye at her habang mabilis na lumabas. "Mag-ingat ka anak!" Pahabol pa ni nanay bago ako tuluyang makalabas.  I sent a message to Riley as soon as I parked my car in the parking area of the mall, I rapidly go out of my car when suddenly, a little boy approached me, nilapitan niya ako at pinaka titigan na parang nanghihingi ng tulong. Napahinto ako at tinitigan ang bata, namamaga ang mga mata nito habang nakakaawa ang mga matang nakatingin sa akin, nahabag ang puso ko ng makita ang itsura niya, madumi ang suot nitong malaking t-shirt na halatang luma na, punit ang kanyang may kalakihang shorts at sobrang nipis ng sapin sa paa. "Hi? Anong pangalan mo?" Nginitian ko siya at bahagya akong lumuhod upang makapantay siya. "Carson po." Yumuko ito at nagpunas ng luha kaya nataranta ako, mabilis kong kinuha ang panyo ko sa bag at pinunasan ang mukha niya na ngayon ay nababasa na ng luha. "Bakit ka umiiyak? May kailangan ka ba?" I softly said habang ginulo ang buhok niya. Kahinaan ko talaga ang mga bata lalo na ngayon na isa na din akong ina. "Opo. Kailangan ko po ng pera, lumabas ka po sa mamahaling sasakyan, baka po mayaman ka at matulungan mo kami." Mahina niyang usal habang nagpapahid ng luha. Huminga ako ng malalim at kinuha ang wallet ko, hindi ako magdadalawang isip kung pagtulong lang naman ang gagawin ko sa ibang tao. "Magkano ba ang kailangan mo? Huwag ka ng umiyak, tutulungan kita." I hushed him, nagliwanag naman ang kanina pa malungkot niyang mga mata. "Kailangan ko lang po ng Isang libo para pambili ng gamot ng kapatid ko na may sakit. Umiiyak po ang nanay ko kaya naisip kong manghingi ng tulong." Naiiyak na namang sambit niya, mabilis akong kumuha ng dalawang libo sa wallet ko at inabot ito sa kanya. "Ayan na, ibili mo yan ng gamot ng kapatid mo ha? Sabihin mo na din sa nanay mo na huwag ng umiyak." Ginulo ko ang buhok niya at tumayo na para umalis. "Ate, napasobra po ang bigay niyo." Hinabol niya ako, ngumiti muli ako at itinuro ang pera sa kamay niya. "Ibili mo ng pagkain ang sobra." Saad ko at pumasok na sa loob ng mall. Namataan ko agad si Riley at Andrei pagkapasok ko pa lang sa Italian restaurant na napag-usapan namin. "Arsie! I miss you!" Halos lundagin na niya ako ng yakap ng mapalapit ako sa kanila. I chuckled and hug her back, nginitian ko naman si Andrei sa gilid niya. "Careful, sweet." Mahina nitong bulong kay Riley at tinulungan itong makaupo, napangiti ako sa kanilang dalawa, noong umalis ako ng Pilipinas ay hindi sinasadyang nabuntis siya ni Andrei at nag-aaway sila dahil sa kasal pero heto sila ngayon at masaya na kasama ang mga anak nila. "How are you love birds? Namiss ko kayo." I sincerely utter, napanguso naman agad si Riley kaya napairap ako. "Stop pouting!" I rolled my eyes again kaya lalo lang tumulis ang nguso niya. "Yeah, stop pouting." Saad ni Andrei at mabilis itong ginawaran ng halik kaya napailing na lang ako. So much PDA and I am third wheeling again. Nag-order na kami at nagkwentuhan, Ilang buwan ko din silang hindi nakasama dahil naging busy ako sa clinic at nawalan ng oras na umuwi ng Pilipinas upang dumalaw. Sinamahan nila akong mag-grocery at bumili ng mga kakailanganin ko sa cake na gagawin ko mamaya, maging si Riley man ay naisipang ding mag-bake na ikinagalak ni Andrei. Nang mabili na lahat ng kailangan ay si Andrei pa mismo ang nagdala ng mga binili ko sa sasakyan dahil medyo madami ito. "Thank you guys. Next time we will visit you, Zeus misses his kuya Andrex already." Pagtukoy ko sa panganay nila at bumeso na ako sa kanilang dalawa upang magpaalam. "Anytime Arsie! Let's hang out again!" Pahabol pa ni Riley bago pumasok muli sa loob ng mall, hindi pa sila uuwing mag-asawa at mayroon pa daw silang date, hinatid lang talaga nila ako. I waved my goodbye at them at akmang papasok na sa loob ng kotse ng may batang humila ng dress ko. "Ate, kanina pa kita hinihintay dito." Nilingon ko ito at nakita ang bata kanina, ngumiti muli ako at yumuko sa kanya. "Kumusta? Nakabili ka na ba ng gamot ng kapatid mo?" Mabilis na umiling ang bata at iniabot sa akin ang dalawang libo na ibinigay ko kanina kaya nangunot ang noo ko. "Nagalit po sa akin ang nanay, ayaw niya na mamalimos ako pero gusto ko lang pong tumulong dahil wala po talaga kaming pera." Naiiyak na saad niya kaya naman inalo ko ulit siya. "Carson! Ang sabi ko sayo ay hindi mo kailangan mamalimos hindi ba?!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko at bigla na lamang may humila sa bata mula sa akin. Hindi ko siya agad nakita dahil nakatalikod ako sa kinaroroonan niya. Hinila niya palayo sa akin ang anak at hinarap ito. "Anak naman! Ang sabi ko diba gagawa ako ng paraan para sa gamot ni Carly? Hindi mo kailangan gawin ito." Pangaral niya sa anak habang nakatalikod sa akin, pinanood ko lang sila dahil nag-aalala akong baka saktan niya ang bata. Mabilis niyang hinablot ang pera at lumapit sa akin, kinuha niya ang kamay ko at ibinalik ito doon, saglit pa akong natigilan ng mapalapit ang mukha namin. Napahinto din siya ng natitigan ako, nanlaki ang mga mata ko at napa-awang ng konti ang bibig ng makita ang mukha ng nanay ng bata. "Candice?"  LEGENDARIE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD