I am bewildered and puzzled while driving, the mere image of Travis inside the jail is messing with my head.
I sighed deeply and try to concentrate on driving, I focus my eyes on the road, why did he let my brothers to put him behind the bars? He can do something about it but he didn't.
I drive faster, I really want to talk to my kuyas, kung hindi ko pa nakita si Ynna ay hindi ko pa malalaman, they hide it to me for ten years, may kung ano tuloy sa akin ang kumirot dahil sa ala-ala ng huli naming pagkikita.
He showed up to me, convincing me to go with him, to be with him and to runaway with him, he confessed how much he loves me but I refused to, hindi ko man lang alam ang pinagdaanan niya noon para lang makapunta sa akin, para lang masundan ako.
Ipiniling ko ang ulo, It was in the past, I know that we all have moved on but something like that was injustice, sana man lang ay nakarating sa akin para nalaman ko kung ano ang pinagdaanan ni Travis ng mga panahong magkalayo kami.
All along ay inisip ko na sinukuan niya ako, I thought he gave up, I shake my head and heavily sighed. What's the use of being devastated? That was 10 years ago I can't bring back what happened.
I detached what happened in my mind and ravagely went home, I sighed heavily when I saw kuya Blaze's car outside, that's great, mas mabuti na nandito siya so that I can freely ask him why did he do that and hide it from me for a decade.
I parked my car beside his, without delay ay nagmamadali akong bumaba ng sasakyan, hindi na ako nag-abala pa na kunin ang mga pinamili ko kanina sa mall. Tinungo ko ang frontdoor ng mansion, bumungad sa akin si nanay na nakaupo sa malaking sofa sa sala kausap si kuya Blaze at ate Amanda, hawak nito ang anak ko na mahimbing ang tulog sa kandungan niya.
Pinagmasdan ko silang masayang nagtatawanan, I can't be mad at my kuya, he did everything for me but the fact that he did something so brutal and hiding it from me is making me furious.
"Anak, nandyan ka na pala. Kanina ka pa ba? Bakit hindi ka kumikibo?" Nakangiting bungad sa akin ni nanay at tumayo upang salubungin ako, I kissed her cheeks when she's already in front of me.
"Nagugutom ka ba? Nagluto kami ng ate Amanda mo." Nanay hold my face and combed little strand of my hair using her fingers.
"I'm full nay, kumain po ako sa labas." Mahina kong saad, nakakaunawa namang ngumiti ang nanay at tumango, lumayo siya sa akin at bumalik sa pagkakaupo sa sofa.
"Princess! Where have you been?" Kuya stood up and walked near me, I remained silent as I stare at him, hindi ako galit, masama lang ang loob ko at nagtatampo sa ginawa niya.
"Kuya, can we talk?" I state wothout any hesitations, he shrugged and open his arms widely at me.
"Hug me first." He mumbled while smiling widely at me, how can I get mad if he's acting this way, hindi ako nag-alinlangan na yakapin siya.
"So, what do you want to talk about?" Naka-akbay siya sa akin habang iginigiya ako paupo sa mahabang sofa sa sala, I seat in a single seater sofa across him, seryoso ang mukha ko, I don't know how to start but I will tell it anyway.
"Why did you out Travis on jail?" I spoke unmediated, he was shock for a minute but instantly shrugged his shoulders na para bang wala lang ito at maliit na bagay lamang.
"I did it for you, princess." Maikli niyang saad sabay lagok ng juice sa harapan niya, naningkit ang mga mata ko na nakamasid kay kuya.
"And you didn't even bother to tell me? Itinago niyo sa akin ng sampung taon." Bahagyang tumataas ang boses ko kaya naman kinontrol ko ang sariling emosyon, I want to talk calmly and sort things out, ayaw kong magkalamat ang relasyon namin ng kuya ko dahil lang sa nalaman ko.
"I hide it also for you." He calmly respond, I bite my lower lip out of frustration, lahat na lang para sa akin kahit na ang totoo ay hindi ako nakinabang doon.
"For me? Kuya naman, ikinulong nyo yung tao na walang ginagawang kasalanan! Tapos hindi niyo man lang nabanggit sa akin! Sampung taon ang nagdaan pero pinagdamot nyo sa akin ang katotohanan." My voice crack, I felt so uneasy.
Nilingon ko si nanay na nakakunot ang noo, her eyes look so worried while looking at us, she motion me to calm down kaya pinikit ko ng madiin ang mga mata ko.
"What's your problem now, woman? It was 10 years ago! I did that because that's the best thing for you that time!" Tumaas ang boses ni kuya kaya napapikit ako, madalang lang niya akong pagtaasan ng boses.
"Blaze, can you calm down?" Bulong ni ate Amanda at hinawakan ang kamay ng asawa, sinulyapan naman siya ng kuya bago huminga ng malalim na parang kinakalma ang sarili.
Nanatili akong tahimik dahil wala akong maapuhap na sabihin, napipi ako, ano nga ba ang iponaglalaban ko ngayon, sampung taon naman na ang ang nakaraan pero inuungkat ko pa din ito.
"Listen to me you lady, I did that because that guy won't stop until he got you again! Yun lang ang paraan para hindi ka niya sundan! You were young and broken at that time, alam ko kung gaano mo siya kamahal at sasama ka sa kanya anytime that he showed up." Bahagyang tumingala ang kuya at hinawakan ang tungki ng matangos niyang ilong upang pakalmahin ang sarili.
Nalunok ko yata ang dila ko at wala akong nasabi, tumayo ang nanay at kinuha ang anak ko mula kay ate Amanda para iakyat na ito sa taas.
"Kuya mo ako, I take care and protect you but what happened? May dumating na gagong lalaki at binuntis ang kapatid ko! Nakunan ka sa bata mong edad at ano ang dahilan? Because that fcking guy cheated on you! Tell me not to get mad!" Tumaas na naman muli ang boses niya kaya napikit ako ng madiin, namamasa ang mga mata ko, sa lahat ng sinabi ng kuya ko ay tama siya, nasa kanya lahat ng punto at wala na akong karapatan pa na makipagtalo sa kanya.
"Sa tingin mo ba kung hindi kita nilayo sa lalaking yun ay narating mo ang posisyon mo ngayon sa buhay? Look at you! A professional doctor! I thought you're thankful but now, you're questioning me." Kuya finally said, matigas ang boses niya at biglaan na lang tumayo dahilan ng pagtakas ng munting luha mula sa mga mata ko, napatayo na din kami ni ate Amanda.
"Blaze, mahal. Please calm down." Bulong nito sa asawa pero hinawakan lang ni kuya ang kamay niya at hinila na ito palabas ng bahay. Naiwan ako doong umiiyak, bakit kasi inuungkat ko pa ang bagay na matagal ng tapos.
The next day, I woke up low-spirited, hindi ako nakatulog ng maayos sa naging sagutan namin ng kuya Blaze.
Hinalikan ko ang anak ko na mahimbing na natutulog, hinarangan pa ng unan ang tabi niya para di mahulog, pinakatitigan ko si Zeus, pumikit ako at inalala ang mukha ng ama niya pero wala akong makitang kahit konting pagkakahawig nila maliban sa mga mata.
Hinalikan ko muna ulit siya ng ilang beses bago lumabas ng kwarto at bumaba na.
Dumiretso ako sa kusina, nandoon si nanay at nagluluto kaya mabilis akong tumungo sa kanya at humalik sa pisngi niya.
"Good morning nanay." I pleasingly cuddled her habang inaamoy ang niluluto niyang bacon.
"Good morning, anak." she sweetly smiled at me but I can see how worried she was.
"Where's my good morning, princess?" Pareho naming nilingon si kuya Hanz na nakangisi sa amin, para naman akong batang nakahanap ng kakampi at nilapitan ko agad siya para yakapin.
"Hanz, hijo, mabuti at dumalaw ka ng ganito kaaga." Nilapitan ni kuya Hanz si nanay at bumeso dito, sinipat ko ang wall clock at alas otso pa lang ng umaga.
"May pupuntahan lang po kami ni Arsie." Maikling tugon ni kuya Hanz kaya napakunot ang noo ko, at saan naman kaya?
"Ganun ba, kumain muna kayo bago umalis." Ani nanay kaya hindi na ako nagtanong pa, kumain kami ng sabay sabay hanggang sa kinalabit ako ni kuya Hanz.
"Magbihis ka princess, may ipapakita ako sa'yo." He's smiling widely, nagtataka man ay tumango na lang ako at umakyat sa taas.
Mahimbing pa din ang tulog ng anak ko ng makatapos akong magbihis kaya naman hinabilin ko na lang siya kay nanay.
"Kuya, where are we going?" I finally ask noong pinagbubuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan niya.
"You'll see, princess." Maikli niyang saad kaya naman hindi na ako nangulit pa at isinandal na lang ang ulo sa binatana.
Iniisip ko pa din ang pagtatalo namin ni kuya Blaze, ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko at hindi ko namalayang naidlip na pala ako.
"Princess, wake up, we're here." Isang mabining tapik sa balikat ang nagpagising sa akin, iginala ko ang paningin at nasa loob kami ng isang malaking bakuran.
Napakunot ang noo ko at magtatanong na sana ngunit nakaalabas na ng sasakyan si Kuya Hanz.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan, namangha naman ako sa ganda ng disenyo ng malaking bahay, It's a two storey house with a combination of cream and beige, It's also made of marbles and glass kaya naman moderno talaga ang design nito.
"Who's house is this?" Nagtataka kong tanong kay Kuya Hanz, he smirked at me at may itinaas na susi sa kanyang kamay at iniabot sa akin, lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ko.
Ano naman ang gagawin ko dito?
"It's yours." Aniya, my jaw dropped at umiling ako ng sunod sunod.
"This is too much kuya, Kuya Blaze got me a new car pagka-uwi ko tapos ikaw naman ay binibigyan ako ng bahay! Umuwi ako para makasama ang nanay kuya, kaya hindi na kami bubukod ni Zeus, I can't accept it, kuya." I promptly declined him dahil sobra na ang binibigay nila sa akin.
"Hindi ako ang nagbigay ng bahay na yan." He bulmly beamed, hindi na nawala ang kunot ng noo ko na mas lalo lamang lumalalim.
Sino ang nagbigay?
LEGENDARIE