"Artemis, here!" Mabilis kong nilingon ang tumawag sa pangalan ko, I smile immediately ng makita si Celine na nakaupo sa two-seater table sa loob ng isang Japanese restaurant sa loob ng mall.
She's waving her hand preposterously so that I can notice her, minadali ko ang pagpunta sa kinaroroonan niya, malawak ang ngiti na tumayo si Celine at sinalubong ako ng yakap.
"Where's my cutie Zeus?" She's looking at my back as if my son is there, napailing na lang ako sa inakto niya.
"Hindi pinakawalan ni nanay, pumunta sila ng amusement park." Naiiling na saad ko, my mother has been spoiling my son so much like how much my brothers does.
"I miss him so much! I need to see my little boy tomorrow!" Nakanguso niyang saad habang umuupo na kaming dalawa, I shake my head and silently laugh, she's 30 years old already pero kung umasta ay para pa ding teenager.
"I can't believe it girl! Nasa Pilipinas na ulit ako." She chuckled, ako naman ay nangiti na din at sinenyasan ang isang waiter para maka-order na.
"How's your flight?" Ani ko sa kanya, sakto naman ang pagdating ng waiter upang magbigay ng menu sa amin.
"Exhausting, really but this is the best offer that ever happened, Artemis, thanks to your kuya Blaze." Ngiting-ngiti na aniya, Kuya Blaze offered her a new job at his new Hospital.
I'm elated because of that, Celine is very important to me, siya lang ang naging totoo kong kaibigan na tapat at totoo sa akin except Riley and she's been with me for the past 10 years, through ups and downs ay hindi niya ako iniwan, minalas man ako kay Candice noon ay masasabi kong swerte naman ako kay Celine ngayon.
"Sushi, Sashimi and tempura will do." Tinanguan ako ng waiter habang kinukuha ang hawak kong menu, binalingan niya naman si Celine na nag-order na din.
"Have you rested well? You didn't even call me para nasundo ka sana namin ni Zeus." Nakanguso kong saad sa kanya, hindi man lamang niya sinabi sa akin na ngayon na pala siya agad uuwi ng Pilipinas.
Tumawag lang siya noong nandito na siya at nag-stay sa isang hotel para magpahinga.
"Nah, I don't want to bother you, isa pa gusto kitang i-surprise! Na-excite din akong umuwi dito! Huling apak ko dito sa Pinas ay 2 years ago pa, noong binyag ni Zeus." Halos pumalakpak siya sa tuwa kaya naman napangiti na lang din ako, nagkwentuhan pa kami na parang matagal na hindi nagkita kahit na kung tutuusin ay isang araw lang naman.
"Saan mo balak mag-stay ngayon? Pwede ka naman sa bahay, tatlo lang kami nila nanay doon." Pag-aalok ko sa kanya pero mabilis naman siyang umiling kaya napa-irap ako.
"Hindi na Artemis, maghahanap na din ako ng condo mamaya o bukas, gusto ko na din i-settle ang titirhan ko dito bago umuwi kila nanay sa Ilocos." I understandably nodded, sabagay, hindi lang naman kami basta magbabakasyon dito, dito na kami maninirahan.
"I can't believe it! Imagine, malapit na ako sa family ko, ang sweldo ko pa ay kasing laki ng sweldo ko sa New York!" Masigla pa din niyang saad hanggang sa dumating na ang order namin, masigla kaming kumain dalawa ng nagtatawanan.
"I'm so full." I groan as I touch my flat belly, busog na busog ako. Celine abruptly stand up kaya napatingin ako sa kanya.
"I forgot! I will meet some real state agent para sa condo na bibilhin ko." She's looking at her wristwatch irritatedly, nagmamadali siyang humalik sa pisngi ko at nagpaalam na para umalis.
I decided to roam around the mall, I go directly at the kid's shop, I need to buy my son's clothes, hindi naman kasi lahat ng damit niya ay dinala namin pauwi.
I freely shop for Zeus, nawiwili akong namimili ng mga gamit niya, mula sa damit, sapatos at laruan ay binili ko.
"Ate Arsie?" I am leaving the store when someone called me, my forehead creased as I look at who it is, pinaningkitan ko ito ng mata, I can't recognize her at first ngunit agad din nanlaki ang mga mata ko ng maalala kung sino ito.
Napaawang ang labi ko ng makita si Ynna, ang bunsong kapatid ni Travis na nasa likuran ko, she's smiling widely, I walk near her when I finally recover from shock.
"Ynna?" I asked, really confused. She chuckled as she nod her head. Mabilis niya akong niyakap, hindi naman ako kaagad nakagalaw sa ginawa niya, pero ginantihan ko din siya ng yakap ng makahuma ako.
"Long time no see ate! You look so gorgeous." She said still smiling habang kinakalas ang yakap namin.
"Thank you, Ynna. You look good too." I beamed out na siya namang ikinapula ng mukha niya, same old cute Ynna.
"Si Ethan nga pala ate, my husband." Napadako ang tingin ko sa matangkad na lalaki sa likuran niya, hindi ko agad ito napansin dahil na-overwhelmed ako sa muli naming pagkikita.
"Nice to meet you." Pormal na saad nito habang ngumiti ng tipid, ang mga braso ay parang ahas na nakapalupot sa bewang ni Ynna.
"Nice to meet you." Tipid din akong ngumiti at tinanguan siya, sinilip ko si Ynna at binigyan ng nang-aasar na ngiti na ikinatawa niya ng mahina.
"Mahal, Kid's are out now, fetch them na." Malambing na nilingon niya ang asawa habang tinitingnan ang wristwatch.
Tahimik lamang na tumango si Ethan at inilapit ang mukha kay Ynna para halikan ito ng mabilis, napangiti ako sa nakikita.
"Stay here okay? Wait for us, don't talk to any other guys. I'm warning you woman, I'll kill them." Bulong nito na abot pa din naman sa pandinig ko, napapailing na din ako habang pinapanood sila, they look so good together.
"Mahal! I'm your wife, stop treating me as your daught--" Ethan cut her off by kissing her, Nahihiya akong tiningnan ni Ynna ng matapos ang halik, ngumuso siya at binalingan ang asawa.
"I'm going. I love you." Anito at muling humalik sa asawa, tinaguan niya ako bago ito umalis.
Ito ang lalaking bukang bibig niya ten years ago, she's deeply inlove with this man, and as I looked at them now, parang mas patay na patay ito sa kanya ngayon.
Napangiti na lang ako, ganun siguro kapag kayo talaga, fate will surely make it's way for the both of you.
"Shall we go somewhere to catch up ate?" She suggested, I just nodded at her, wala naman sigurong masama.
We decided to go at Starbucks, ngiting ngiti siya ng makaupo na kaming dalawa at matapos makuha ang order.
"You really look gorgeous ate, ang ganda mo pa din, hindi halata na may anak ka na." She blurted out, my eyebrows furrowed, how did she know na may anak na ako? Iilan lang ang may alam nito because I got pregnant and gave birth at New York.
"I-i mean, it's impossible na wala ka pang anak right? It's been 10 years, I suppose may family ka na din siguro?" Isang awkward na ngiti ang iginawad niya sa akin pero tumango na lang while sipping my caramel macchiato.
"I have a son but I'm not married." I thrifty said, tumango-tango naman siya at iniharap sa akin ang cellphone niya.
"I have a twins, Miracle and Matthew, they turned 10 years old 3 months ago, Look at them." She proudly say while showing me the picture of a boy and girl twins. They look so cute and indeed a combination of her and her husband.
"They look so adorable, Ynna." Saad ko at inilabas din ang cellphone upang ipakita sa kanya ang picture ni Zeus.
"This is my son, Zeus, he's 2 years old." I also proudly said, kuminang ang mata niya at pinakatitigan ang mukha ng anak ko.
"He's so cute! Sobrang kamukha mo but he got his eyes from his father!" She shriek kaya naman tiningnan ko siya ng may pagtataka sa mukha.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata, how did she know? Nahihiwagaan akong nakatitig sa kanya.
Ynna's eye widened at biglang naglikot ang mga mata niya, she awkwardly smiled again.
"Because you got brown eyes, so it means blue eyes ang father niya right?" My brows arched, she got a point. I nodded at her at itinago na ang phone ko.
"It's been what ate? 10 years right? Time has a wings indeed, parang kailan lang noong umalis ka, sobra akong naawa kay kuya Travis noon ate." Her face become serious, I bite my lower lip, I don't want to talk about it, that's for sure but I know na hindi ito maiiwasan.
Hindi ako makakibo, I stay silent and tried listening to her while sipping my drink, past is past but there's still a remaining fresh part of it.
"Lalo na noong nakulong siya." Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Nakulong? Kinunot ko ang noo ko sa kanya na parang nagtatanong.
"He got imprisoned for two weeks, sinampahan siya ng kaso ng mga kuya mo and they banned him in the airport para hindi ka masundan but he gone wild kaya sapilitan siyang pinadakip sa mga pulis." I gasped at what she said, I didn't know anything about this, wala akong kaalam-alam sa ginawa nila kay Travis noon.
They didn't even bother to tell me what they did. Nanlaki bigla ang mga mata ni Ynna.
"Don't tell me you didn't hear about this?" Hindi na ako kumibo and I composed myself, nginitian ko siya ng pilit at tumayo na.
"Thank you for the information, Ynna. Nice to see you again, I'll get going." Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo.
Poor Travis, I didn't know.
WANT YOU BACK- YNNA AND ETHAN'S STORY.
LEGENDARIE