Ang Moment ni Mang Domeng

1805 Words
Pagkapasok ko ng motor ko sa loob ng eskwelahan at masigurong secure ang mga gate ay nagmadali na akong pumasok sa sasakyan ni Ma'am Korin. Una na kaming may masinsin na paguunawaan ni Ma'am bago pa dumating sa buhay ko itong si Czarina. May isang buwan nu'ng nabalda siya at hilutin ko siya sa may bodega. Saka lang dumating si Czarina nu'ng gabi at may nangyari. . Sa text lumalim ang pagkakakilala namin ni Korin. Napagkukwentuhan namin ang mga bagay tungkol sa amin. Ang buo n'yang pangalan ay Korin Te, na sabi n'ya ay noon pa man ay tampulan ng tukso at pangaasar ang kanyang pangalan ---Korin Te (Kuryente). Sabi ko naman, ako si Guduverto Domingo. Ang college name ko ay Bobby, at yun ang pakilala ko sa mga estudyante ko at co-teachers. Pero, ang tawag sa akin ay "Doms" o kaya "Domeng" mula sa apelyido ko. Katatawanan na lang ding tawagin akong Mang Domeng, sunod kay Mang Kanor-- the fallen one. Nag-iisang anak si Ma'am Korin at sobrang lapit sa kanyang tatay na isang purong Chinese. Hindi maganda ang ugnayan nila ng kanyang nanay dahil ito ang pilit sumusunod sa tradisyon ng kanyang asawa. Gaya ng arrange marriage. Samantalang ang tatay nito na siyang totoong Chinese ay kahit kailan ay hindi ipinilit sa kanya ang ganoong tradisyon. Binigyang laya siya ng ama sa gusto nitong gawin. Ang buong building na aming pupuntahan na isang condominium ay sa kanya na, mula sa nasira niyang ama. Malaki daw ang naging impact sa buhay niya ang pagkawala ng ama, kwento pa niya sa akin. Nawalan siya ng interes magkaroon ng kaugnayan sa mga lalake. Hinahanap niya yung imahe ng kanyang ama sa mga sumubok manligaw sa kaniya, at walang nagtagumpay. 26 na si Korin, samantalang ako 38 -- oo parang baril na revolver. Walang professional growth, nananatiling Teacher I sa mahabang panahon, walang pakialam sa hinaharap. At least sagana ang s*x life. Maka-apat na ulit na akong nakapunta dito sa place ni Korin at parating ganito, sinusundo niya ako ng kotse. Sa mga naunang pagbisita ko dito kay Korin ay walang kahit anong intimacy na namagitan sa amin. Kwentuhan lang tungkol sa pamilya, career, trabaho, ka-trabaho, pilisopiya, paniniwala, pulitika. Marami... Napaka-intelektwal na tao nitong si Korin. Strong woman; sabi nga n'ya na maraming nai-intimidate na lalake sa kanya, kahit siya na 'yung unang maglatag ng baraha niya ay walang kumakasa. E, sa totoo lang malakas ang aura ni Ma'am Korin, sabi ko nga sa kanya mas malakas ang "masculine energy" n'ya kaysa sa kanyang "feminine energy. Hindi ko naipaliwanag masyado, kaya eto nagkita uli kami. 'Di namin mapag-usapang mabuti ito sa phone kaya nu'ng tumawag siya at magyaya nu'ng nasa Bulacan kami ni Cza ay sinikap kong mangyari uli ang pagkikita namin. Usap lang naman. Tsaka latang lata na rin ako. Baka dugo na lang lumabas sa t**i ko. Wala naman sigurong umaatikabong eksena ang mangyayari. Bagsak ang libido ko nu'ng gabing iyon. "Help yourself, Sir Bobby. Nakapunta ka na dito kaya 'wag kang mahiya. Init na lang natin 'tong pagkain; or order kaya tayo?", nu'ng pagkapasok namin sa kanyang unit. Nasa 3rd floor lang iyon. Ang second at ground floor ay parking area. Mas convenient nga naman dahil pagkababa namin ng kotse ay isang hagdan lang ang inakyat namin at sa may backdoor na kami ng unit n'ya dumaan. May apat sigurong unit ang kabuuan laki nu'n. Naroon ang kanyang opisina, may gym at conference room at 'yung living room at bedroom. Naroon kami ngayon sa living room. "Ikaw, bahala ka na kung anong gusto mong kainin. Pwede na yang nasa container. Marami na yan.", sagot ko sa kanya. "Alam mo naman ako. Malakas akong kumain. Sige, order na lang ako.", ayun umorder siya. Pizza, Korean Chicken, Ramen, s'yempre San Mig. Alam n'ya yan ang brand ko e. "Sigarilyo, Sir Bobby?", alok niya. "'Wag na, Ma'am. Grabe ka pati ba naman bisyo ko. Meron pa ako dito.", pigil ko sa kanya habang palakad lakad at pumunta sa balkonahe. "Isa na rin...", kumuha pa rin siya ng sigarilyo ko. "Maninigarilyo ka rin?", usisa ko. "Nagyo-yosi ako minsan, Sir Bob. Wala lang nakakakita. Ikaw pa lang siguro ang nakakaalam. Kahit sa party o kaya kung nagpupunta kami sa club, hindi ako nagpapakitang mag-yosi. Si papa ayaw niyang nagyo-yosi ako. 'Yun lang yung bagay na sinuway ko sa kanya. Kaya ayun, nakasanayan kong isikreto na nagyoyosi ako.", paliwanag niya. "Ah... Talagang namimiss mo papa mo 'no? Walang pagkakataon na nag-usap tayo na 'di mo nababanggit tatay mo." "Mas kumportable akong i-open sa iyo e. Nakikinig ka kasi. Mga katrabaho ko, mga kaibigan ko binabara nila ko. Masyado daw akong sentimental." "Tatay mo 'yun. Natural lang 'yun. Baka kasi buhay pa mga tatay nila." "Wala na rin ba tatay mo, Sir Bob?" "Buhay pa mga magulang ko. Nasa Quezon Province sila, 'dun na sila nag-stay nu'ng pareho na silang retired. Lupa ng tatay ko 'yun, pamana sa kanya ng magulang niya." "Tagapag-mana ka pala, Sir Bob!! Haciendero!", cheer niya sa akin pero syempre kill joy ako. "Lima kaming magkakapatid na maghahati hati dun! Haciendero ka d'yan! Wala pang isang ektarya. Mga 6,000 square meters lang 'yun!" "Punta tayo sa inyo minsan, ha?" "Oo, mage-enjoy ka du'n maraming beach resort du'n. Sa Tiaong lang kami. Banda tayo ng San Juan, dun magkakarugtong na mga dalampasigan du'n. "Hindi ako mahilig mag-beach. Pero okay lang... try." "Ding dong", andyan na 'yung food na inorder ni Ma'am Korin. Kaya tumayo ako sa pagkakaupo ko sa isang malambot na upuan at tinulungang kunin ang mga pagkain at inilagay lahat iyon sa isang countertop. "Sir Bob!!", nakilala ako ng delivery boy. "Oh ikaw pala, Vincent! Kamusta na?", kinamayan ko. "Ma'am Korin, si Vincent yan dati kong estudyante.', pakilala ko kay Korin. "Anong batch ka nga uli?", usisa ko pa. "Batch 2016, sir!", at bigla akong may naalaala. "Ah, batch mo si Czarina!" "Oo, sir 'yung hindi nakagraduate kasi ni-reyp ng tatay! Oo, 'yun!", nagitla ako at biglang umunat ang mukha ko. "'Cent, bunganga mo. 'Wag kang ganyan sa tao, na may sinasabi ka kapag nakatalikod. Sige na!", nasermonan ko'ng si Vincent. Nag-sorry naman pero bumagsak ang mood ko simula nu'n. Ramdam din ni Ma'am Korin sa pagbago pa lang ng boses ko. "Sir Bob, upo ka na uli dun ako na dito.", at napasulyap sulyap siya sa mukha ko na parang binabasa kung gaano ako nabadtrip sa sinabi ni Vincent. Umupo naman ako du'n at talagang dama kong uminit ang pakiramdam ko, at ang hininga ko sa ilong ay may hapdi. Iniisip ko, eto ang nararamdaman ni Czarina; ang pag-aalala niya kung paano siya nakikita ng mga magulang na nakasaksi sa sinapit niya. Alam ito ng bawat kapitbahay sa kanilang lugar. Kaya, para daw laging may mga matang nakamasid sa likuran ni Czarina sa tuwing nasa labas siya ng bahay. Para daw siyang hinuhubaran ng tingin. Lalo na 'yung mga tsismosang inaantay na siya'y mabuwal muli. 'Yun ang supply nila ng kasiyahan sa buhay, 'yung pagkasira ng isang tao para maiangat nila ang kani-kanilang mabababang sarili. Nakapangako ako sa langit, na bubuuin ko siya habang ako ang umiiral sa kanyang mundo; pero ito ako, at sinibat lang ng kaunting dagok ay halos gumupo na ako. Kailangan maging matatag ako para kay Czarina. Minamahal ko ba talaga siya? Totoo ba ako sa kanya? Hindi ko napigilang bumagsak ang luha ko noon. At nang umagos iyon, hindi ko na pinigil. Tumangis ako at dama iyon ni Ma'am Korin. Mas mahaba at malalim ang pagbuga ko sa bawat hikbi ko. Ito ang unang beses na umiyak ako dahil sa babae. "Huy!! Sir Bob?", nagmadaling lumakad papunta sa akin si Ma'am Korin. Lumuhod siya at inagapay sa aking likuran ang kanyang kamay at hinilot hilot ako. Tuloy lang na ibinuhos kong ganap ang pagdadamdam ko sa pagiyak na iyon. Kapag namamatayan lang ako ng alagang tuta o aso ako tumatangis ng ganu'n. "Siiir....", naramdaman kong humagod ang palad ni Korin sa aking dibdib at marahan akong itinulak papasandal. "Siir, tahan na! Hindi ako sanay na nakakakita ng umiiyak na ganyan!", kinuwelyuhan ako ni Korin at niyugyog. Du'n ako bumalik sa sarili. Parang nawala sa katawan ko ang kaluluwa ko at napunta kung saan. Di ako agad nakaimik. "Siir, tama na.", tsaka ipinatong ni Korin ang dalawang braso sa armrest at iniunan ito sa kanyang mukha. "Grabe, Sirr.. Nakakahawa 'yang pagiyak mo. Kinabahan ako. Wala akong magawa.", unti unti nauulinigan ko siya at napapansin ang pagkakayukyok ng ulo nya sa kanyang mga braso. "Pasensya ka na, Ma'am ngayon ko lang 'din naramdaman 'to. Ngayon lang din ako umiyak ng ganito.", medyo normal ko nang pakikipagusap. "Wait lang, Sir. D'yan ka lang.", pumasok siya sa kwarto. Nagtagal siya du'n at paglabas niya ay nakasuot siya ng nighties. Basta isang diretsong bestida, na manipis ang strap at mukhang silk. Black accent na may pagka-metallic, dark green ang mismong tela niya. 'Yun ang pakiwari ko. Nakasuot s'ya ng pangibaba na parang embroidery, hindi ko alam. Inilagay niya sa mga disposable na container ang mga pagkain at ihinain iyon sa isang mababang mesa sa harap ko kung saan ako nakaupo. Hindi pa rin ako maka-react para man lang makatulong na isilbi ang mga pagkain. Nagpusod muna s'ya ng kanyang buhok tsaka lumapit sa akin at tumabi. Para siyang pusa na naisiksik ang sarili doon sa mismong kinauupuan ko. Dumausdos lang siya at maya maya lang ay kumportable niyang naiayos ang sarili sa iisa naming inuupuan. Nakaisod ako sa kanan at ang mga binti ko ay normal kong naitatapak sa sahig. Siya naman ay umupo ng nakatagilid at nakasampa ang mga hita sa akin ding mga hita. "Sir, paabot ng isang San Mig. Inom tayo.", di ko alam kung gaano karaming lata ng San Mig Lights 'yun. Puno ang isang cooler na maraming tube ice. Hinatak ko ang maliit na mesa na nasa harap ng inuupuan namin. Dun niya inilagay ang mga pagkaing sari-sari. Mga naka-disposable na lalagyanan. Inilapit ko iyon ng kusa para maabot niya at di na siya umalis ng pagkakaupo. "Ayan! Thank you, Sir Bob! Kain tayo habang umiinom.", saka siya lumagok at namulutan. Saka ko naman binuksan ang tangan kong lata ng beer at lumagok din. Wala naman akong hangover nung araw na 'yun. Kaya may gana pa akong uminom. "Haaay.... Sarap. Ano, Sir okay ka na?" "Okay na ko. Sensya na nag-alala ka. Para 'kong bata." "Okay lang 'yun, Sir. Grabe heart felt kanina. Ang genuine ng iyak mong 'yun. Ang sarap sigurong makaramdam ng ganyang emotion.", tumungga tungga lang ako. Di ko pa alam kung paano aatakihin ang topic namin. Impressionist ako kapag nakikipaghuntahan sa isang tao. Gusto ko may dating sa tao ang sinasabi ko. "Care to talk? 'Yung tungkol sa former student mo na 'yan? Sobrang invested ka sa kanya?". Napatitig lang muna ako ng matagal kay Korin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD