Hindi ko na pala namamalayang nakatulog na ako habang nakaupo sa sahig. Nagising lang ako na may tumatapik sa aking pisngi. Hindi ko agad pinansin dahil antok pa ang diwa ko.
"I told you to go home, did I?" Iritableng tanong ng boses sa akin na ikinamulat ko at agad umayos ng upo. Nakalimutan kong nasa ibang lugar pala ako.
"I don't want to." Umiling iling pa ako habang nagkukusot ng aking mga mata at dahan dahang tumayo habang yakap yakap ko ang aking bag. "Sabi ko naman sa 'yo kanina---that, it's my responsibilty to take good care of you hanggang sa mafully recovered ka. Saka, ako ang dahilan kung bakit ka ganyan ngayon. Don' t be to hard headed. Wala ka ding magagawa dahil ipinanganak ako ni Inang na makulit." I winked at him.
"And I already told you not to. Is that hard to understand?" Salubong na talaga ang kanyang kilay habang nagsasalita. Napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa. Napamata ako at sinamaan ko siya ng tingin nang makita kong napapangiwi pa siya habang nakahawak sa hamba ng pinto.
"Tsk! Di ba sinabi ng doctor sa 'yo na huwag ka munang naggagalaw galaw? A simple reminder, pero hindi mo na magawa. Paano ka gagaling niyan?" Medyo may pagkainis na sabi ko.
"It' s your fault."
"What?" Nagtatakang tanong ko at napakunot ang aking noo. At paano ko naging kasalanan?
"You snore too much and I can't take it. Akala ko may baboy na nilelechon kaya tinignan ko." Nagkibit balikat pa ito.
Aba! Ang hinayupak ginawa pa akong baboy. Pero teka lang? Totoo kaya ang sinabi niya? Kailan pa ako nagsimulang maghilik habang tulog?
"I snore?" Nakakapagtaka naman ata ang sinasabi nito. "Do I snore?' Ulit na tanong ko sa aking sarili habang naglalaro sa isip ko ang sinabi nito.
"Yes, you snore. Can't you believe what I said? Sa lakas nga--baka bukas may magreklamo na sa akin sa katabing apartment. Go home, I don't need you here." Tumalikod na ito at nagsimulang pumasok sa apartment nito.,
Naiwan akong nakatulala habang nag iisip kung totoo nga ang sinasabi nito. Nakatingin ako sa likod nito habang hirap na naglalakad. Nawala sa isip ko ang pagtatanong sa aking sarili kung naghihilik nga ba ako o hindi nang makita ko siyang muntik nang matumba.
Agad kong binitawan ang dala kong bag at lumapit dito para alalayan.
" See? You can't take care of yourself. Just let me do that. Don't worry. You'll get rid of me when you're okay." Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Inalalayan ko na siya pabalik sa sofa. Buti nalang ay nagpaubaya na ito at hindi na nakipagtalo pa. Nang mai-ayos ko na siya, nagmadali akong lumabas pero bago pa ako makalapit sa pinto ay agad itong nagsalita.
"Just close the door." Napahawak ako sa katawan ko. Anong balak niya? Di pa ako ready sa mga ganoong bagay. Jusko po! Virgin pa po ako, jusko!
"Ah--eh...Kukunin ko lang yung grocery bag sa labas." Nautal utal tuloy akong nagsalita.
"I said just close the door when you leave." Aba! Mala Sarah at John Lloyd ang peg ng lalakeng ito. Muntik na akong mapahagalpak nang tawa pero pinigilan ko.
Humarap ako dito, "John Lloyd Cruz, is that you?"
Hindi ko na napigilang hindi tumawa.
"What are you talking about? At ano naman ang nakakatawa?" Tanong nito, mababanaag mo sa boses nito ang pagkairita at malapit ng magalit kaya pinigilan ko na ulit ang pagtawa ko.
"Wala, sabi ko kukunin ko na po 'yong grocery bag sa labas at magluluto na ako. At isa pa, walang magleleave. Dahil dito ako titira hanggang sa makarecover ka. Intiendes?" Pinameywangan ko siya at tinaasan ng kilay.
"Annoying!" He's pissed and visible na ito sa mukha niya pero hindi ako patitinag.
"Sorry--but I don't think you scared me with that deathly glare you are giving me." Tumalikod na ako nang tuluyan at lumabas na ng bahay para kunin ang groceries.
Pagbalik ko sa loob, nginitian ko siyang pagkatamis-tamis sabay sabing, "better luck next time, Mr Sungit. Saan ko ito ilalagay?"
Hindi niya ako pinansin kaya inilibot ko ang aking paningin sa loob ng bahay. Nang makita ko ang lamesa ay doon ko ito inilagay. Buti na lang ay may refrigertor siya. Tamang tama lang ang mga binili kong mga karne.
Pagtingin ko sa kanya, busy na itong manood sa tv without looking at me. Parang wala lang ako sa loob ng pamamahay niya.
Is he like that? Sanay ba itong mamuhay mag isa? Pero sa tingin ko, para itong galing sa mayamang pamilya. Siguro, nagrerebelde lang ito sa mga magulang niya?
"Siguro nga," I shrugged at ipinagpatuloy na ang ginagawa ko.
It's almost eight ng gabi nang matapos akong magluto. Buti nga, may rice cooker siya at lutuan. Napatingin ako dito, kanina pa kasi nakababad ang mata nito sa tv. Hindi ba sumasakit ang mga mata nito kapapanood? Kapag ako kasi ang nagtagal ng halos isang oras o dalawang oras sa tv, naluluha na agad ang mga mata ko.
Nagkibit balikat na lang ako at mas piniling ipaghain na lang siya. Anong oras na din kasi kaya kailangan na nitong kumain para makainom na din siya ng gamot.
Nang maipaghain ko na siya ay agad akong lumapit dito at ibinigay ang pagkain niya.
"Kain ka na," tinignan niya lang ako at iniayos ang sarili sa upuan. Tutulungan ko sana ito ng iniharang niya ang kanyang kamay.
"Hindi ako imbalido para tulungan mo pa akong umupo. I can manage." kakain na nga lang ito kailangan pang magsungit. Hay naku. "You're just waisting your time here? Wala ka bang trabaho?" Tanong nito at kinuha na ang kutsarang nasa tabi ng pinggan at sumubo.
Ngumiti ako, "I have--but I already took a one week leave para maalagaan ka. I planned to stay here with you."
He sighed, "you dont have to."
"Just let me, please. Gusto kong maalis ang guilt na nararamdaman ko. At maaalis lang ito kapag nakita kong maayos ka na at nakabalik ka na sa dati mong gawain. That's when I will move out. So, pagaling ka kaagad. To get rid of me."
"May magagawa pa ba ako?" Tanong nito sa tila sumusukong tono.
Umiling ako at ngumiti, "wala."
"So, I have no other choice?"
"Yes, you have no other choice. It's either you'll make me stay or I will make my self stay." I gave him choices na isa lang ang patutunguhan. Napailing iling nalang ito.
"Do I have to choose?" Tanong nito bago sumubo ulit ng pagkain.
"Yes, you can choose. Saka, kahit anong piliin mo, it will benefit you."
"Oh, okay. I'll just choose both then." I smiled.
"Good choice." Nagthumbs up pa ako dito. "Can I ask you a question?"
Napatingin ito sa akin at dahan-dahang tumango.
"What's your name?" I asked, hindi ko kasi alam kung ano ang itatawag ko sa kanya since magkakasama kami for a week.
"Aiden," he answered.
"You're not from our country, aren't you." It's not a question but it's a statement.
"How could you say that?" He ask confused.
I shrugged before answering. "You're accent is rare. Yes, you speak fluently in tagalog but with a little bit of accent. That makes you a foreigner to me. From where country are you from? Vacation?"
"No comment," sa uri ng sagot nito ay may iniiwasan siya.
"Oh--okay. Aiden..." tawag ko dito.
His green eyes glance at me with an irritated look.
"What?"
"Sungit naman, para magtatanong lang." I pouted. Hindi ko alam kung bakit parang nawala 'yong hiya ko at komportable ako sa kanya.
Umayos ito nang upo saka binitawan ang kutsarang hawak niya. "I wont eat, just ask."
"Eto naman-- 'di na mabiro. Sige na, kain ka muna. Mamaya na lang ako magtatanong." Nginitian ko na ito at umayos na din ng upo sa sahig sabay bulong ko sa aking sarili. "Nagsusungit na naman. Bipolar talaga."
"What?"
"Nothing. Sabi ko-- you' re cute when annoyed." Lumaki bigla ang mga mata ko sa sinabi ko. Agad akong tumalikod dito at kunwaring inaayos ang mga newspaper sa ibaba ng tv. Lupa! Lamunin mo na ako ngayon. Bakit ba 'yon ang nasabi ko. Ang dami namang pwedeng sabihin pero bakit' yon pa. Hay naku kang Pamela ka. Katabilan din talaga ng bunganga mo.
Hindi ko na nakita ang reaksiyon niya dahil ayokong humarap dito. I know for sure na pulang pula ang mukha ko sa sobrang hiya. Ano ba naman kasi ang naisipan ko. Nakakahiya ka talaga Pamela.
Napaigtad ako nang magsalita ito. "Where's my medicines? I thought, you're my nurse?"
"Ay oo nga pala!" Napatayo ako bigla at hindi ko alam kung saan hahagilapin ang gamot without facing him.
"Done." Awtomatikong napalingon ako sa kanya sa sinabi nito. And there it was, nasa tabi niya lang pala ang gamot.
"Give me that." Turo ko sa plastic sa tabi nito na agad niya namang iniabot sa akin. "Nasa sa 'yo na pala ang gamot, may palinya linya ka pang I thought youre my nurse. Hmmp! Dami mong alam."
Pagkaabot ko ay agad akong nagmartsa papuntang kusina pero napabalik ako dahil naalala ko ang kinainan niya.
Nang matapos kong ayusin ay agad na akong naghugas. I don't feel like eating. Bukas na lang siguro.
Tinitignan ko ito habang busy itong nanonood sa tv. Ngayon, ang problema ko kung saan ako matutulog. I'm a bit sleepy and I wanted to rest pero hindi pwede dahil may pasyente akong masungit.
Napangiti ako ng maalala ko ang pangalan nito. His name suits him. Para itong prinsipe na bumaba ng kastilyo. Napabungisngis ako sa naiisip ko. Why does I keep on phrasing him? I know, he's hot and totally handsome pero this is not me.
"Kailan ka pa pumuri ng lalake, Pamela?" Hindi ko mapigilang tanungin ang aking sarili na ako din ang sumagot. "Since you meet Aiden and crashed into him." Para na tuloy akong baliw sa kinauupuan kong monoblock.
The last time, gusto ko ulit siyang makita. Binigay nga pero disaster naman. I've never been this clumsy. Hindi ko nga lubos maisip na nakadisgrasya ako. If nandito si Inang--for sure todo sermon na nito sa akin sabay may kurot pa sa singit.
Napangalumbaba ako sa lameaa, "Miss you, Inang--sobra."
Hindi ko na namamalayang nakaidlip na pala ako sa may lamesa habang nakaupo at nakapangalumbaba.