Dala dala ko ang aking bag habang paakyat ako ng hagdan patungo sa bahay ng lalake. I don't even know his name. Ngayon ko lang talaga naalala na hindi ko pala alam ang pangalan niya. Yes, ako ang nagbayad sa mga bills pero never na pumasok sa isip ko na silipin man lang kung ano ang pangalan nito. Ang importante sa akin that time is makauwi na ito para makapagpahinga. And now, nganga ang lola niyo. Napatampal na lang talaga ako sa aking noo habang naglalakad.
"Jusko ka, Pamela. Of all, bakit nakalimutan mo pang tignan. Eh di, nganga ka ngayon. May pagkatanga ka din kasi self, eh." Talagang sinesermunan ko ang aking sarili. Kapag may nakarinig sa akin. Malamang baka sabihing nababaliw na ako. Buti na lang kahit isa ay wala akong nakasalubong man lang.
Nang nasa tapat na ako ng pinto ay nag aalangan pa akong kumatok. Nahihiya kasi ako dahil ako ang dahilan nang lagi nitong pagkakadisgrasya. Bakit ba naman kasi, sa kanya lang ako ganoon ka-clumsy.
Napanguso ako, "hindi ko naman kasi sinasadya 'yon. Malay ko ba kasing mabubunggo ko siya. Kung alam ko lang, eh, sana umiwas na lang ako." Hindi ko tuloy maintindihan ang nararamdaman ko. I'm really guilty of what happened. Tapos malalaman ko na mag isa pala siya dito sa bahay niya. That' s makes me more even guilty. Kakatok na sana ako nang mapaigtad ako dahil biglang may nagsalita.
"I told you, not to bother coming here. I can take care of myself. Just-- go home..." Hala! Ang galing! Paano niya kaya nalamang andito ako sa labas? Baka may magic siya? O kaya naman, eh, tumatagos ang mata niya sa pinto. "Your voice is to loud to hear. Nakakabingi."
Napamulagat ako sa sinabi nito. Nakakabilib. Nasagot nito ang tanong sa isip ko. At bago pa man ako makasagot ay nagsalita na naman ito.
"Just go home. I can take care of myself and I don't need a nurse. Hindi pa ako imbalido para alagaan mo." Bakit ang sungit ata niya ngayon. Sinabi ko naman sa kanya na babalik ako para alagaan siya. It's my fault kaya responsibilidad ko siyang alagaan. Kahit ipagtabuyan niya ako, hinding hindi ako aalis sa harap nito.
Tumikhim ako, " sorry to say but you can't just shut me out nor make me go home. I will be your nurse from now on. No buts-- kaya buksan mo na ito." May pinalidad sa aking boses pero wala akong narinig na sagot mula sa lalake. "Pssst!" Sinitsitan ko talaga ito mula sa labas at lumapit sa katabi ng pintuan na bintana. But it was tinted kaya pahirapan ko siyang makita. Tinatakpan ko na nga ang itaas ng mata ko para kahit papaano ay makita ko siya pero waepek pa din.
Napanguso na lang ulit ako, "if you don't want me to come in. I'll camp outside your house." Wala pa ding sagot. " I mean it."
Tila wala talaga itong naririnig mula sa loob. Lumingon ako sa hallway para humanap ng upuan pero wala akong makita.
I sighed, "cow girl ka Pamela. Ang lawak ng sahig, you can sit there." Tumango tango pa ako sa aking naisip. "Hindi talaga ako nagbibiro. Magkakampo ako dito sa labas ng bahay mo kapag 'di mo ako pinagbuksan."
Naghintay pa ako ng ilang minuto pero wala talaga itong isinagot. Napabuntong hininga na lang ako bago padausdos na naupo sa sahig.
"I can endure waiting. Si Pamela pa ba? Laking Macabagbag ata ito at taga probinsiya pa. Hmmp! Akala niya hindi ko kayang maghintay." Nakairap na bulong ko sa aking sarili bago niyakap 'yong bagpack ko at itinabi naman sa aking gilid ang pinamili kong groceries at gulay.
Habang nakaupo sa sahig ay napatingala ako sa papadilim ng kalangitan. Hindi mo man makita ang paglubog ng araw pero nakikita mo ang nagkukulay orange na sinag nito.
"Kailan kaya ulit kita masisilayan ng buo?" Namiss ko tuloy ang probinsiya. Dati rati kapag papahapon na ay nagmamadali kaming tumungo sa ilog para hintayin ang paglubog ng araw habang ang mga paa namin ay nakatampisaw sa tubig.
Malungkot akong napayuko nang maalala kong imposible nang mangyari ulit 'yon. Kulang na kami, kaming apat na lang ang natitira. Alam kong may plano ang Diyos para sa amin pero minsan hindi ko talaga maiwasang tanungin siya. Kung bakit si Tatang at Inang pa ang kinuha niya.
"God have plans. God didn't do it for nothing. He has purpose on it, Pamela. Just trust him." 'yan na lang ang lagi kong isinisiksik sa isip at puso ko para mapanatag at maalis ang katanungang namamayani sa puso ko. Ayokong magkaroon ng doubt at galit sa Panginoon. I am hurt at lalo na mga kapatid ko pero sadyang tadhana ito ng mga magulang ko. Kailangan ko lang ay magtiwala sa kanya.
Nawala ang pagmumuni-muni ko nang biglang nagvibrate ang aking telepono. I almost cursed when I remember them. Sheyms! I forgot about them. Goodness gracious! How could I do that. Patay ka na namang Pamela ka. For sure, matindihang sermon na naman ang mangyayari nito. Nagmamadali kong inilabas ang aking cellphone at mabilis na sinagot ang tawag nila. Bago pa man ako makapagsalita ay nagsalita na ito sa kabikang kinya with relief in her voice.
"Thank God, you answered. Malapit ka na naming masabunutan sa ibabang parte ng katawan mo. Kagigil kang bruhita ka." Bulalas ni Jerremay sa kabilang linya na nagpakunot ng noo ko. Gaano na ba sila katagal tumawag para manggigil sila sa akin.
"Of course, I'll answer. Kayo kaya tumatawag." Alanganin na tuloy ang pagngiti ko. I know for sure na hindi magsusuplada si Jerremay kapag walang pinagmulan ang inis nito. I guess may nagawa akong mali. Napangiwi ako at napakamot sa aking batok.
"We've been waiting for you for what? One, two or three hours. We lost counts. Tapos you didn't even text us. Nag aalala na kami sayo. We send you a hundreds of chats--hindi lang hundreds dahil baka umabot pa ng thousands 'yon. And even a hundreds missed calls pero walang sagot mula sa'yo. Gigil mo kami Pampam!" Napakagat labi ako nang tuluyan sa sinabi nito. I immediately check my inbox and call register. And there it was, hundreds of calls nga and hindi mabilang na chats. f**k! i'm so really f****d up.
"Sorry..." Mahihimigan mo ang sinsiredad sa aking boses habang humihingi ng tawad sa kanila. I owe them an explanation kaya napahinga muna ako nang malalim bago nagsalita. "Something just came up a while ago. Kung hindi siguro nangyari ito baka kasama niyo ako ngayon. Saka, hindi ko naman alam na mangyayari ito and now I am so guilty for what happen to him. Tapos, nakalimutan ko pa kayo. What kind of human being am I." Marami pa sana akong sasabihin nang bigla niya akong patigilin sa pagsasalita. Hindi pa ako tapos humingi ng tawad eh. Kainis din ito minsan. Nagsasalita pa ang tao, sisingit agad. Napairap nalang ako sa kawalan.
"Wait, wait, wait. Hang in there. Did you just say him or we just overheard it." Sabat ni Asher sa kabilang linya. Napatampal na lang ako sa aking noo. Why didn't I know na nakaloud speaker si Jerremay. And now, i'm cornered.
"Yes, he is a guy. I will explain everything when we all meet. All I have to say right now is no comment." I answered with finality in my voice. Sa sabayan nilang pagsasalita sa kabilang linya ay alam ko nang sobra-sobra silang nacurious dahil sa binanggit ko. It's just a him pero ang galing talaga nilang manghula.
"Who was that him?" Diana on the other line then Cristy.
"May hindi ba kami nalalaman?" Tukso ni Cristy and all I can do is to roll my eyes.
"f**k! Inunahan mo pa akong magkajowa." Napairap naman ako sa kawalan sa binanggit ni Asher. Jusko! Him pa lang nabanggit ko may conclusion na agad sila. Jowa agad-agad, hindi ba pwedeng nameet lang. But, in my case---nadisgrasya ko lang naman for three times.
"Shunga! Never kang magkakajowa dahil tulo laway ka sa pagkatulaley kapag nasa harap mo na ang mahal mo. Kaya huwag ka ng umasa baklita." Narinig ko pa ang pagtawa ni Jerremay na ikinatawa ko. Truth hurts nga naman. Ilang beses niya nang nakaharap ang man of her dreams niya pero jusko! Tulo laway lagi ang peg niya sa pagkatulaley.
" Sakit mo namang magsalita. Bakit ikaw?" Tumigil ito sa pagsasalita. Kung andoon lang ako, alam ko na ang hitsura nito habang tinitignan mula ulo hanggang paa si Jerremay. "May jowa ka ba? Parehas lang tayong walang jowa kaya huwag kang ano diyan." Nag ala evil laugh pa ang baklita. Napahagalpak na lang ako ng tawa dahil sa tawa niti. Disgusting! Para siyang kinakatay na baboy.
"f**k you, Asher!" Malutong na mura ni Jerremay dito. And, i'm really sure na grabe ang pagkabusangot ng mukha niya.
"I'm not interested, Jeje. Andiyan ang Papa Doc ko to f**k me. Siya lang--at saka wala ka namang T," putol nito sabay tawa na nag aasar bago ngapatuloy sa pagsasalita. "Ahh---never mind."
"Ikaw na baklita ka!" Naririnig ko nag gigil sa boses ni Jerremay kaya nangingiti na lang akong nakikinig.
"Tama na 'yan. Baka magkapikunan pa kayo at may pawalk out Queen na naman ang kakilala ko diyan. Hindi ko sinasabing si Asher ito pero parang ganoon na nga." Tawang tawa din si Cristy sa sinabi nito. Napapailing na lnag ako sa asaran nila sa kabilang linya.
"Tama!" Sabay na sigaw ni Diana at Jerremay sabay apir pa nila. Napanguso ako. Kung andoon lang ako baka mauuwi na naman 'yan sa pinkafavorite naming pillow fight.
At dahil nabusy na sila sa pagbabangayan at nakalimutan na nila ang issue about sa akin nila. Mas minabuti ko nang magpaalam dahil alam ko na maya-maya lang ay babalik na naman sa akin ang spotlight. Mahirap na.
"I got to go guys. See when I see you. Masyado akong busy for a week kaya wala kayong maririnig na balita from me. Nagleave ako for a week to handle some urgent matters. You can text me pero hindi niyo masisisguradong magrereply ako. Matatawagan niyo ako but I don't know too kung masasagot ko kayo. So, sinasabi ko na ito para walang magdemand sa inyo. See you soon. And I love you mga bakla. " Narinig ko pa ang sabay-sabay nilang pagrereklamo. Napangiti ako nang marinig ko ang galos sabay-sabay nilang pagbuntong hininga.
"Okay, take good care of yourself. Bawal magkasakit kaya take your vitamins lagi." Bilin ni Asher, ang nurse ko palagi.
"Take care, Pampam," si Jerremay.
"Balitaan mo kami when you're not busy," si Cristy.
"Balik ka kaagad, ha, mamimiss ka namin," that's from Diana.
"I will, kayo din. Kayo na bahala kay Elly. Balitaan niyo din ako about sa kanya. I'm gonna miss you all. I got to go," paalam ko.
"We love you!" sabay nilang sabi na ikinangiti ko.
"I love you too and see you soon."
Nangingiti kong pinatay ang tawag at napatingin ulit sa dumidilim nang kalangitan.