Chapter 4

3147 Words
FROM: margaux.montenegro@gy.com TO: alejandro.montenegro@montcorp.com SUBJECT: NASAAN KA? Papa, Kamusta ka? Bakit hindi ka sumasagot sa tawag ko? Maayos na 'yong lalaking pinadala mo rito sa bahay, pero hindi pa gumigising. Nagdeliryo siya kagabi. Kung ano-anong sinasabi, pero wala naman akong naintindihan. Inaasikaso naman siya ni Doktora Lazaro araw – araw, kaso hindi siya naihatid ng mga tauhan mo kagabi. Umapaw kasi ‘yong ilog dahil sa lakas ng ulan kaya lumubog ‘yong tulay. Bumaba rin naman ‘yong lagnat niya pasado alas-tres nang madaling araw, pagkatapos ko siyang bigyan ng sponge bath— **** MARGAUX'S FINGERS FROZE from typing. Sandali siyang natulala sa dalawang huling salitang kanyang tinipa. Nang makabawi ay sunod-sunod niyang pinindot ang backspace ng kanyang laptop bago muling nag-type. *** Pagkatapos siyang bigyan ng spongebath ni Alberta... *** Pagkatapos niyon ay palihim na sinipat niya ang matandang babaeng nagtitimpla ng kape sa kitchen counter. Ilang ulit muna siyang umiling bago pinagpatuloy ang pagta-type. ‘Damn it. I shouldn't have done that. I should have just called for Nana Berta to do it. I should have not — ’ Balisang sinara ni Margaux ang kanyang laptop nang mapagtantong wala na siyang maisulat. Okupado na kasi ang isip niya at nakalimutan ang binabalita niya sa kanyang ama. Iritable na siya nang abutin niya ang tasa ng kapeng hinanda ni Aling Berta. She knew it was hot but still she took a huge gulp. Napaso siya nang kaunti sa ginawa niya. Nonetheless, she thinks she deserved that little self-punishment. Mali naman kasi talaga ang ginawa niya kagabi. Her sin happened at around one in the morning. Hindi naman niya sinasadyang abutang nanginginig dahil sa taas ng lagnat ang bisita nila. She was just passing by his room when she heard him groaning in pain. Tuloy ay naisipan niyang silipin ito sa loob ng guest room. ‘Don’t go there....’ Margaux reminded herself again before taking another sip. It was hard to forget how soft his hair was against her fingers when she checked his temperature. Wala itong kamalay-malay nang mataranta siya at hatakin ang kumot nito. Gusto niya lang namang maginhawahan ito. Malay niya bang wala pala itong suot na kahit-ano sa ilalim ng comforter. “Utang na loob naman—” “Margaux, may sakit ka ba?" That was when Alberta's voice cut through her thoughts. Nang mag-angat siya ng tingin ay kasalo na niya ito sa mesa habang gumagawa ito ng sandwich. "Bakit namumula ka?" "W-wala po." She choked on her own words. Paano niya ba naman kasi aaminin dito na habang kumakain sila ay may ibang bagay na kinakain ang malikot na isip niya? ‘That was big...’ "Margaux?" ‘I haven’t seen anyone else’s, but...’ "Nakikinig ka ba?" ‘Shocks! Compared to some of the men in those porn videos Jenny made me watch, Amber-eyed is blessed—“ "Ay diyaskeng bata ‘to! Hoy!" Napaigtad si Margaux nang sumigaw si Alberta. Kanina pa ba siya kinakausap nito? Her imagination was too busy recalling every detail of the brute’s body, she couldn’t even tell if her maid was talking. “May sinasabi ka ba?” “Sabi ko tumawag ang Don." "Si Papa?" Her eyebrows furrowed. “Oo, kakasabi ko lang, 'di ba?” Nalukot naman lalo ang mukha ni Alberta. "Nagtanong lang ang papa mo kung kumusta na ‘yong pasyente natin. Ang sabi ko, nasalinan na ulit ng dugo, pero hindi pa gumigising—" "How about me? Kinumusta niya ba ako?" Margaux didn’t let her maid finish and leaned a little to the table. Napukaw na nito ang kanyang interes kaya sunod-sunod siyang nagtanong. "Kumusta na siya? Nasaan daw siya? Kailan siya uuwi?" "Wala siyang nasabi," Nagkibit-balikat si Alberta. "Ni hindi siya nagtanong kung bakit ako nandito?” Umiling lang ang matanda bago sumimsim ng kape. Margaux blew a disappointed breath. Gaano ba kahirap para sa kanyang papa na kamustahin siya? She was so close to thinking that the Don doesn’t care about her. Kung hindi niya pa nakasalubong ang nanny sa hallway ay iisipin niyang nakalimutan na ng kanyang papa na nasa villa siya She was glad that her father remembered sending Alberta. Pero bakit nga ba naman kasi na sa dinami-dami ng ari-arian nila ay dito pa sila sa lumang villa pinadala nito? She was so scared when they arrived. Tatlong araw pa ang lumipas bago nagsidating ang iba pang mga katulong at guards nila. “Dalawang linggo na kaming hindi nagkikita ni Papa, sigurado ka bang hindi siya nagtanong?” "Wala talaga.“ Napuno ng lungkot ang mukha ni Alberta. Agad din namang nawala ‘yon nang pamayamaya pa ay ngumiti ito at yumukod nang kaunti sa lamesa “Ako na lang ang magtatanong. Bakit ka nga ba napauwi? Ilang buwan na lang ay ga-graduate ka na. Nag-away na naman ba kayo ni Francine?" "Hindi." Tumuwid ito ng upo bago kumagat sa ginawang sandwich. "Kung ganoon, eh bakit ka nandito? May nangyari ba?” "Na-expel ako." Noon gumawa ng ingay ang tasang katabi ni Albreta. Nabunngo kasi ng matanda ‘yon nang mapatampal ito sa lamesa. "Diyos ko naman, Margaux! Bakit gumawa ka na naman ng ikakasira ng pangalan ng Don? Wala ka na ba talagang gagawing tama? Ganito na lang lagi..." Walang tigil ang sermon ni Alberta. Masakit sa tenga ang tono nito pero nanatiling blangko ang ekspresyon ni Margaux habang nililigpit ang kanyang laptop. Ilang minuto pa ang lumipas bago napagod ang katulong nila. That was what Margaux was waiting for. Nang tumigil sa pagsasalita ang matanda ay agad na tumayo si Margaux bitbit ang kanyang laptop. "Are you done?” malamig na tanong niya habang pinanonood ang namumula sa galit na si Alberta. “Hindi mo naman siguro mamasamain kung iiwan muna kita. Pareho lang naman tayong nawalan ng gana—” “’Yan! 'Yan ang natutunan mo habang nagkokolehiyo ka!“ “Mali! Ito ang natutunan ko nang mapag-isip-isip kong hindi nga pala kita dapat pinakikinggan." What Margaux said made Alberta shut up for a while. Ilang beses nagpalit ng ekspresyon ang mukha nito, bago sa huli ay dismayado itong umiling. “Lumaki kang walang modo—” “Syempre, parang ikaw,” putol ni Margaux sa iba pang sasabihin ng matanda. Then with an intimidating glare, she raised her chin and spat, “Nakakalimutan mo yatang sinuswelduhan ka lang ni Papa, Alberta. Just in case, you are forgot... katulong lang kita. Hindi kita kaano-ano.” Nakakarinding katahimikan ang sumunod doon. Nang hindi na niya matiis ang mapanghusgang tingin ng kaharap ay padabog na umalis ng dining room si Margaux. It was given that Alberta had taken care of her since her mother died. Pero dapat ba talagang ganito? The old woman was already controlling her beyond acceptable. *** A SWEET SMILE BROKE MARGAUX LIPS upon seeing how far she was from the villa. Ilang minuto matapos ang sagutan nila ni Alberta ay sa tuktok ng burol na iyon siya napapadpad. The grass beneath her felt soft against her skin. Amoy sariwang dahon ang paligid at hindi rin masyadong mainit ang araw. Tamang-tama ‘yon lang para mag-relax, ika nga. Pati ihip ng hangin ay mabini rin. It was the confrontation earlier that led her back to that place. Dito rin kasi siya madalas tumakbo at maglaro noong bata pa siya. She couldn’t be more thankful that her father hadn’t really sold the place. Hindi niya man alam kung bakit tinago ng kanyang ama ang bagay na ‘yon, masaya naman siya na kahit paano, may natira pa palang alaala ang childhood niya. Lumapad ang ngiti ni Margaux nang mapadako ang tingin niya sa malagong puno sa ibabaw ng burol. She felt nostalgic upon seeing an old tree house, almost hidden behind the leaves and branches. Mabagal siyang bumangon at binitbit ang laptop na nakalapag sa kanyang tabi. Bakas ang excitement sa kanya nang magsimula siyang lumakad papalapit sa malaking puno. Ilang taon na rin ang nakakaraan mula nang huling beses siyang napadpad doon. Ganoon pa man ay pareho pa rin ang epekto ng lugar sa kanya― it was still magical. “Mama...” naibulong niya habang tinitingala ang lumang tree house. She could still clearly remember the day Alicia surprised her with it. Pang-apat na kaarawan niya noon at ito ang niregalo ng kanyang ina. That was also the very same year she decided what she wanted to be when she grew up. Tinanong siya nito at ang sabi niya, gusto niya rin maging ballerina, tulad nito. Dito nauubos ang maghapon nilang mag-ina noon. Dito rin siya natutong sumayaw sa istilo ng kanyang ina. The funny thing was, hindi lang paglalaro at pagsasayaw ang tinuro ng kanyang napakabait na mama habang nandoon sila. Pati na rin walang kapagurang paghihintay para sa isang taong maalala sila’t dili ay naituro nito. "Busy kasi si Papa," bukam-bibig ni Alicia kapag nagtatanong siya tungkol sa kanyang Papa Alejandro. Bakit nga ba kasi ‘yong mga schoolmates niya, araw-araw sinusundo ng mga tatay nito sa school samantalang siya hindi? Hindi niya naintindihan ang sinabi ng nanay niya noon, pero kontento siya sa piling nito. Alicia had filled her young heart with so much love at masayang-masaya siya roon. Sa kanya na lang yata binuhos ng kanyang Mama ang pagmamahal nito dahil laging wala ang kanyang Papa. Personal na inaasikaso nito lahat ng pangangailangan niya at hindi siya basta-basta iniiwan sa mga katulong nila. She was certain that she didn't need a father back when she was four. Alicia was everything to her. Her mother kept her feeling secured and loved all throughout. Hanggang sa isang araw, basta na lang hindi lumabas ng kwarto si Alicia. Hindi rin siya pinagluto ng agahan nito o pinaliguan man lang. She missed her ballet class that day. Hindi rin siya naka-attend sa lahat ng klase niya sa regular school. Her afternoon nap had passed. Gutom na gutom na rin siya nang mapadpad siya sa servants’ quarters nila. Starving and upset, she found herself knocking on the nearest room. That was when the younger Alberta opened the door for her and asked her why she was crying. "Tulog pa si Mama..." Mabait si Alberta. Agad na binuhat siya nito at pinagluto ng makakain. Kaya lang ay hindi kasing sarap magluto ni Alberta ang kanyang Mama. Pinaliguan din siya nito at inayusan ng buhok. Kaso hindi pa rin maikukumpara kung gaano kagaling ang kanyang Mama Alicia sa pag-aalaga ng buhok niya. Akay-akay siya ni Alberta nang umakyat sila sa kwarto ng kanyang Mama Alicia. Sinenyasan siya nito na mag-behave bago ito nagsimulang kumatok. Sa una ay mahina lang ang pagtawag ni Albeta. Hanggang sa naging sunod-sunod ang pagkatok nito, at noong huli, tarantang binabayo na nito ang pinto. “Diyos ko po! Si Madam! Tulungan n’yo ko! Si Madam!” Malinaw pa sa isip ni Margaux kung paanong tumakbo si Alberta papunta sa hagdanan. Nang bumalik ang katulong nila ay may kasama na itong dalawang gwardiya. Nagsisigawan ang mga ito pero wala siyang maintindihan. Sa tingin niya, nawala na rin sa isip ng mga ito na naroon siya habang natataranta ang mga ito. Umiiyak at nanginginig si Alberta kaya ilang ulit itong nagkamali sa pagbubukas ng pinto. Hindi nito ma-ishoot ang susi sa knob hanggang sa tulungan na ito ng kasama nito. She could remember feeling very curious the whole time. Napakabata pa niya para maunawaan kung bakit naghilakbot at nagsisigaw nang malakas si Alberta nang sa wakas ay bumukas ang pintong kaharap nila. “Mama?” was the only word she was able to say upon seeing Alicia for the first time that day. Namangha pa nga siya kasi nakalutang sa ere ang kanyang ina habang nakapikit ang mga mata. Her mother’s hair was a mess. May matapang na amoy ng alak na nagmumula sa kwarto at sa paanan nito ay may natapong bote ng chardonay at nabasang larawan. Nabitawan siguro ni Alicia ang mga ‘yon nang lumutang ito. It was only later that day that Alberta explained everything to her. Batang-bata pa siya kaya ang sabi ni Alberta, naging anghel na raw si Alicia. That was both sad and good. Malungkot, kasi hindi na niya makikita ang mama niya. At mabuti, kasi pupunta na sa heaven si Alicia. Ni hindi niya nga alam ang konsepto ng suicide. Basta na lang siya naniwala na gustong maging anghel ni Alicia kaya ito nagbigti sa bedpost. Ilang taon na ang nakakaraan pero hanggang ngayon ay hinuhulaan pa rin ni Margaux ang dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang mama. Pakiramdam niya ay may kinalaman ang larawang nasira ng alak doon, pero hanggang ngayon ay hindi na niya nakita ulit ang larawan. Someone must have taken it. Kung sino man ‘yon ay hindi niya rin alam. "Mama, sorry I was late..." Nangilid ang mga luha ni Margaux nang maalala ang nakaraan at sa wakas ay mahawakan muli ang magaspang na balat ng puno. She could still feel Alicia’s memories there. The short time she shared with her mother was bitter and sweet. Ni hindi man lang umabot ng isang dekada ang pagkakakilala niya rito, pero mas matimbang pa rin ‘yon kumpara sa pinagsamahan nila ng kanyang ama. Margaux was lost in memories when her fingers instinctively, yet very gracefully, flicked. Before she knew it, humahakbang na pala siya palayo sa puno kasabay ng pag-angat ng kanyang mga braso. She was the epitome of perfection when she assumed Alicia’s dancing posture: back arched, chest out, and her arms mildly folded in front of her, ready for the next movement. Hindi lumipas ang minuto nang magsimula siyang sumayaw. She was both wild and enchanting as she set dried leaves in the air with every turn. She was reliving the way her mother danced for her inside her heart. And inside her mind, she was recalling what Alicia taught her best too. Which is…. Ang walang humpay na hintayin ang pagbabalik ni Alejandro. GABI NA NANG MAKAUWI SI MARGAUX. Patay na ang ilaw sa buong kabahayan, pero nagpapasalamat siya na hindi naman siya kinanduhan ng pinto ni Nana Alberta. Pagod at gutom na siya. Nangangati na rin siya dahil sa mga tuyong dahon na kumapit sa kanyang damit pero wala siyang pakialam. She enjoyed dancing earlier, and that was all that mattered. Kaiba sa ginagawa niya sa Univerity ay malaya siyang gumalaw kanina. She danced without rules and without teachers telling her what to do. She mimicked Alicia’s movements, and added her own style to it. She power danced to the tune of crashing leaves under her feet. Mabilis na narating ni Margaux ang grand staircase. Kahit madilim ay halos takbuhin niya ang direksyon ng kanyang kwarto. Gustong-gusto na niyang mag-shower at kumain ng hapunan. Nasa hallway na siya ng second floor nang bigla siyang mapahinto sa harapan ng guest room. ‘Amber...’ May kung anong pwersa ang humila sa kanya para mabagal na buksan ang pintong ‘yon. She held her breath when the smell of strong alcohol hit her nerves and distracted her a bit. Ganoon pa man ay hindi siya napigil niyon sa pagpasok sa kwarto, matapos siguraduhing walang nakakita sa kanya. She couldn't explain her actions either. Her heartbeat was resonating with the noise of the oxygen set-up inside the room, and yet she just kept on moving. Nang maisara niya ang pinto ay saka pa lang siya naglakas-loob na tignan ang lalaki sa gitna ng malaking kama. Her mouth immediately dried up just by the mere glimpse of him. He wasn’t moving a bit. Nakakabit pa rin dito ang kung ano-anong klaseng life-support habang natutulog ito. ‘Natutulog nga ba?’ Margaux shrugged her shoulders. She once read in a health magazine na kahit walang malay ay nakakarinig pa rin ang mga pasyenteng nasa short state ng comatose. Totoo kaya ‘yon? She hoped not. Mahaba-habang paliwanagan kasi ang gagawin niya sa bisita nila kung sakali. "Hey?" Mahinang natawa si Margaux sa unang nasabi niya. Here lays a fully blanketted man, pero ang utak niya, hindi mapigil isipin ang itsura nito sa ilalim ng kumot. It was hard to forget such perfection. Although she wasn’t as wild as many people thought she was, hindi naman siya manhid para walang maramdamang kakaiba nang makita ang hubad na katawan nito. ‘Oh my God! Ano bang sinasabi ko?’ Hinamig ni Margaux ang sarili bago maingat na nilapag ang kanyang laptop sa kama. She felt tingles quickly engulf her fingertips when she bent to check his oxygen mask. Ang totoo ay gusto niya lang masigurong hindi ito nagkaka-rashes dahil maghapon at magdamag nitong suot ang mask na iyon. She couldn’t tell what was driving her to care, pero nagsimula ‘yon nang makita niya itong nanginginig noong nakaraang gabi. Margaux knew that she should leave after she confirmed that he was fine. However, her hand just kept feeling him leisurely, lining the garter of his mask with her fingertips. Kapanghasan. Iyon lang ang naiisip niyang itawag sa ginawa niya nang bigla niyang hatakin pababa ang mask na suot nito. Mabilis na tinukod niya ang kanyang mga braso sa magkabilang unan ng estranghero. Napatutok ang kanyang mga mata sa bibig nitong kusang umawang para sumagap ng hangin at nakaramdam siya ng kakaibang sabik. Gusto niyang murahin ang kanyang sarili nang mas yumukod pa siya at kusang pumikit ang kanyang mga mata. Then, just before she could control herself, she did just exactly what a huge part of her was yearning to do. Hinalikan niya ito. She took advantage of his parted lips, and boldly pushed her tongue into his mouth. She tasted him properly while cupping his face. Akmang puputulin na ni Margaux ang na halik nang bigla siyang mapaigtad palayo kasunod ng tarantang pagsusuot niya ulit ng oxygen mask sa mukha nito. Ilang segundo pa siyang napatanga habang tinititigan ang walang malay na binata. Abot-abot ang kaba niya habang inoobserbahan kung magigising ba ito. The man’s chest was still heaving like crazy. Kapos na kapos ito sa hininga dahil sa ginawa niya pero nanatili naman itong nakapikit. ‘What the f**k just happened?’ Napatuptop si Margaux sa kanyang bibig. Nang magpantay na ulit ang paghinga ng binata ay saka lang parang namamatandang umalis sa inuupuan. She grabbed her laptop and bolted out of that place in silence. Tuptop niya pa rin ang kanyang bibig nang abutin ang kanyang kwarto at nagmamadali siyang pumasok doon. She couldn’t be wrong— the brute kissed her back! Hindi niya alam kung aware ba ito or reflex reaction lang ‘yon. Pero sapat ang init na gumapang sa kanya para manlambot ang kanyang mga tuhod. ‘s**t!’ Muntik na siyang madulas nang dumiretso siya sa kanyang private bathroom. Ni hindi na siya nag-abalang maghubad nang basta na lang niyang buksan ang shower at itutok ang sarili roon. “Damn you, Amber.” She closed her eyes in defeat. “Damn you for making me feel this hot.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD