Chapter 3

1760 Words
‘Hindi raw nangyari ang araw na ito...‘ NAPAILING SI MARGAUX nang maalala ang sinabi ng kanyang Papa. Kahit malakas ang ulan sa labas ng sasakyan ay hindi na niya ‘yon napansin. Ayaw huminto ng kanyang isip sa pag-alala sa mga nangyari. Paulit-ulit lang lahat sa kanya, simula nang dumating siya sa opinsina ng Don hanggang sa iwan siya nito sa ospital. ‘What does he mean by that?’ Patamad na sinandal niya ang kanyang ulo sa upuan. Nahihilo na siya sa haba ng biyahe, pero ni hindi siya makapagreklamo. Natatakot kasi siyang magsalita, lalo pa at nakita niya rin kung paanong kaladkarin ng mga gwardiya ang kawawang doktora palabas ng kotse kanina. Malayo na sila mula sa ospital nang makatanggap ng tawag ang mga gwardiya. Hindi niya narinig kung ano ang pinag-usapan ng mga ito pero nagulantang siya nang biglang huminto ang kotse sa isang liblib na kalsada. Without a warning, one of the guards grabbed the lady doctor and dragged her out. Malakas ang naging iyak nito nang madapa ito sa lupa. The doctor begged for her life and cried on her knees while looking up at the guard. Namamalisbis ang mga luha nito pero parang walang narinig ang lalaki. Napakakalmante ng tauhan ng kanyang papa nang humnugot ito ng baril at walang pagdadalawang isip na itinutok ‘yon sa ulo ng kaharap. Hindi manhid si Margaux. Magkakahalong awa, gulat, at takot ang nararamdaman niya pero nang subukan niyang lumabas ay pinigilan siya ng gwardiyang naiwan sa driver’s seat. Sumenyas ito at tinapik ang baril na nakapatong sa dashboard. Naintindihan agad ni Margaux ang ibig nitong sabihin kaya nanlalatang napabalik siya sa pagkakaupo. Napakahirap manatiling tahimik noong mga oras na ‘yon pero ni hindi siya nakapiyok nang isara ng gwardiya ang pinto ng kotse at tuluyang mawala sa paningin niya ang doktora. Iyon na ang huling beses na nakita niya ang babae. Muling humarurot ang sasakyan niila at naiwan itong kasama ang isa pang gwardiya. Hindi na rin alam ni Margaux kung buhay pa ito o hindi na. Ilang metro na rin ang layo nila nang bigla siyang mapaigik dahil sa dalawang putok ng baril. Akma siyang maghihisterya nang unahan siya ng gwardiyang kasama at mulilng senyasan. “Miss, Margaux...” Nilingon siya nito mula sa driver’s seat at dinikit ang isang daliri sa labi nito. Pagkatapos ay tinuro naman nito ang walang-malay na binatang katabi niya sa backseat na para bang nag-aalala ito na mabulabog niya ang paghimbing ng estranghero. “Hindi ho gugustuhin ng Don na maabala ang pagpapahinga ng señori—” Nanginginig pa rin ang kamay ni Margaux nang pigilan niya sa pagsasalita ang kausap. She was breathing heavily. The guard just called her ‘Miss Margaux’, ang ibig sabihin ay kinikilala pa rin siya nito bilang anak ng boss nito. Mabuti ‘yon dahil sigurado na siyang hindi mangangahas ang mga ito na saktan siya gaya ng ginawa sa doktora. “S-Saan tayo pupunta? Anong ginawa ninyo roon sa doktora—” “Shhh...” Napakagat-labi si Margaux nang sawayin na naman siya nito. Base sa obserbasyon niya ay dinispatya lang ng mga gwardiya ang doktora pagkatapos masigurong ligtas na ang sugatang kasama nila. Pumikit siya at isubsob ang mukha sa kanyang mga palad. She was tired from a long flight. She flew all the way from New York, at hindi ito ang inaasahan niyang sasalubong sa kanya. What was so hard to understand about that? She just missed her papa. ‘I miss him...’ It was that tiny voice in her head that made Margaux slowly open her eyes. Hindi siya malapit sa kanyang ama. Ni wala nga siyang kaide-ideya kung anong paboritong pagkain nito o nagkakape rin ba ito kasabay ng agahan. Pero lumaki siya sa kwento ng kanyang mama tungkol dito at araw-araw ay sinasabi nito na mabuting tao ang kanyang papa. Hindi kahit kailan nagmintis ang kanyang mama sa pagbibida rito. ‘Darn…Hindi ba nagkamali ng pagkakakilala si Mama kay Papa, Bakit parang may mali—‘ "Dito lang po kayo, Miss Margaux. Ikukuha ko kayo ng balabal." Napatigil sa pag-iisip si Margaux nang magsalita ang gwardyang kasama nila. Huminto na pala ang sinasakyan nila, hindi niya man lang napansin. She was still a little doubtful when she turned her head and saw the guard open the door. Lumabas ito, ni-lock ulit ang pinto, bago sumugod sa malakas na ulan papunta sa kung saan. ‘Tumakas ka na, Margaux,’ was what her gut-feeling screamed. Nang mawala sa paningin niya ang bantay ay mabilis siyang kumilos para obserbahan ang paligid. Dinikit niya ang pisngi sa bintana ng sasakyan. Gusto niyang alamin kung nasaan na siya pero halos wala siyang makita dahil sa dilim ng paligid. ‘A-ano ‘yon?’ She furrowed her eyebrows when her eyes caught what seemed like a familiar veranda. Parang may naaninag siyang malaking bahay pero hindi niya masigurado. With renewed curiosity, she pressed her face a little harder against the window. Pakiramdam niya ay napakaraming puno sa paligid dahil bukod sa tunog ng ulan ay may naririnig din siyang mga tunog ng dahon. Her face was still flat against the glass when her eyes suddenly widened in surprise. May naaninag kasi siyang pamilyar na poste sa hindi kalayuan at hindi niya pwedeng magkamali na kilala niya ang bagay na ‘yon. ‘Oh my God! Villa ba ‘to ni Mama?! Hindi ba’t binenta na ito ni Papa—’ "s**t!” napamura siya nang may kung anong bumagsak sa kanyang likuran at aksidenteng mangudngod siya sa kaharap na salamin. She was pinned and couldn't move. Natatarantang nilingon niya ang kanyang balikat para tingnan kung ano ba ang dumagan sa kanya. The first thing she saw was a head full of medium brown hair. Magulo ang mga hibla nito pero mukhang napakalambot. Napasinghap siya nang maalala kung sino ang naiwang kasama niya sa loob ng sasakyan. Gracious! How could she possibly forget about the amber-eyed man? ‘Tell me this isn’t happening again… Ano ba’ng kasalanan ko sa taong ito?’ Sa itsura ng binata ay nawalan ito ng balanse at dumulas sa pagkakaupo. Wala pa rin itong malay. Hindi rin ito malagyan ng seat-belt ng mga guwardiya kanina dahil sa selan ng kondisyon nito. Halos kalahati ng katawan nito ang nakabalot ng benda. He was heavily sedated and the way he stayed as still as dead even when she was wiggling under him was a proof. Trapped in another sticky situation, Margaux helplessly rolled her eyes. Ilang minuto niya ring pinag-isipan kung isasama ba niya sa pagtakas ang binata o papabayaan na lang sa backseat. In the end, she decided that leaving him would be better. Masyadong delikado para sa kundisyon nito ang gagawin niya at hindi niya rin alam kung paano ito bubuhatin hanggang sa gate ng villa. The guard’s were very caring and concerned for him after all. He should be fine. “Stay calm...” Isang malalim na hininga ang hinigit ni Margaux bago muling sinubukang kumilos. She used all the strength she had to leverage her elbow against the window and give her breasts some space. Sumasakit na rin kasi ang dibdib niya dahil sa bigat ng binata. However, she didn’t anticipate what her movements would result in. Nang sa wakas ay maitulak niya ang sarili ay siya namang pagdausdos ng lalaki mula sa kanyang likuran. She almost forgot how sick he was until his painful groan echoed in the car. Then, to her shock, his hand mindlessly grabbed the hollow of her waist and gripped her hard. Muntik na siyang bumalibag sahig nang isama siya nito sa pagbagsak. Buti na lang ay naitukod niya ang braso niya sa likod ng driver's seat kaya sa backseat sila bumulagta. '"Aww!" │"Cazzo!" Dalawang boses ang umalingawngaw sa loob ng kotse. Losing her mind again, Margaux tried to wobble away, pero lalong humigpit ang kapit ng lalaki sa kanyang baywang. His strong fingers were digging into her flesh, na para bang sa kanya nito binubuhos ang sakit na nadarama dahil sa likot niya. That terrified her to the hilt. Gusto niyang kumilos nang mabilis pero naging imposible ‘yon dahil sa sikip ng kinalalagyan nila! Kahit na maliit lang siya ay napakatangkad naman ng kanyang kasiksikan sa backseat. The car was literally choking with them. Isa sa mga kamay ng lalaki ang nasa ibabaw ng kanyang dibdib habang ang isa naman ay mahigpit ang hawak sa kanyang baywang. His face was buried on her cheek and she could feel how his overnight stubble was grazing her skin. Alam niya rin kung ano ang mainit na bagay na nasa ilalim ng kanyang pang-upo. Hindi naman siya inosente para hindi malaman kung ano ang namumukol na ‘yon sa pagitan ng mga hita nito. Given another situation, sasampalin niya ang lalaki. However, the innocence of his responses made it clear that he wasn't aware of anything he was doing too. Ni hindi nga nagbabago ang ekspresyon nito, bukod sa manaka-nakang pagkunot ng noo kapag dumadaing. Sa desperasyong makatakas, sinubukan ni Margaux na hatakin ang kanyang braso mula sa pagkakadagan nilang dalawa. Gagamitin niya sana ‘yon na pambwelo. “Cazzata!”│”s**t!” Sabay na naman silang napasigaw nang masiko niya ang bagong operang sugat nito. He stirred a bit under her, and she gawked when his knees rubbed her. Nasa pagitan kasi ng kanyang mga hita ang tuhod nito. She was still wearing the same dress she had when she went to her papa’s office at hindi niyon maprotektahan ang kanyang p********e sa mga nangyayari. ‘This is so embarrassing...’ Mabilis na nilingon ni Margaux ang binata para siguraduhing wala pa rin itong malay. Hindi niya alam ang gagawin kung sakaling mahimasmasan ito at makita nitong nasa loob ng kanyang dress ang binti nito. Tuluyan na niyang nakalimutan kung gaano sila kalapit sa isa’t-isa. Natilihan pa siya nang magkabungguan ang kanilang mga ilong at aksidenteng maglapat ang kanilang mga labi. Only God could tell how her system went haywire when their lips touched. Nanlalaki pa rin ang kanyang mga mata nang biglang may lumagutok sa hindi kalayuan kasunod ng pagbukas ng pinto ng kotse. "Miss Margaux, dala ko na po ‘yong— Hala!” Nahulaan niya agad kung sino ang may ari ng nagulantang na boses na ‘yon. But then, it was already too late to save her face from the what was happening too. Nang huli ay pumikit na lang siya para maiwasang makita ang mga nangyayari. “Umh… M-Miss Margaux, nadadaganan ninyo po ang señorito!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD