Chapter 2

1014 Words
TAHIMIK SI MARGAUX habang mag-isang nakaupo sa waiting area. Masyado siyang maraming iniisip habang nakatulala. Ang dami niyang tanong tungkol sa nangyari kanina at ni isa sa mga 'yon ay wala siyang maapuhap na sagot Sino ba ‘yong lalaki? Ano ang ginagawa nito sa opisina ng kanyang Papa? At higit sa lahat, anong koneksyon nito sa kanila? Napakabilis ng mga pangyayari. The bloody amber-eyed man passed out, and then everything went out of control. Sa simula ay natakot sya para sa kanyang sarili, ngunit nang mapagtantong agaw-buhay ito ay nabaligtad ang sitwasyon. Hindi na niya maalala kung paano niya naitulak ang mabigat na katawan nito. Litong-lito siya nang tumakbo siya papunta sa guardhouse ng gusali nila. Her adrenaline hadn’t pumped as hard as this her entire life. Nanginginig siya sa buong panahong nasa loob sila ng sasakyan at yapos niya ang walang malay na binata. The nameless guy was brutally shot. Pamatay ang tama nito at tila walang balak magtira ng buhay ang pumitik ng gatilyo. ‘God, ano ba itong kinasangkutan ko?’ Wala sa loob na nahilot ni Margaux ang kanyang nananakit na binti. Now that she has rested, damang-dama niya ang pagod niya para lang mailigtas ang binata. ‘Dapat talaga, umuwi na lang ako—‘ "Miss?" Noon napalingon si Margaux at agad na nakita ang papalapit na doktor. Napadiretso siya ng upo bago ngumiti at kaswal na nagtanong, "Kumusta na siya?" "Ligtas na." Ngumiti ang doktora sa pag-aakalang nag-aalala siya. Then, as if compelled to comfort her, marahang tinapik nito ang kanyang balikat. "He is a tough guy. Kung tumaas pa siguro nang kaunti ang bala ay maaaring naging kritical siya. Hindi yata makapayag ang nobyo mo na maiwan ka—" "Hindi ko siya kilala." putol niya sa sinasabi ng kausap. Kahit pa nga aminado siyang napakagwapo nito ay sigurado naman siyang gulo lang ang dadalhin nito sa kanya. Sino ba namang matinong lalaki ang makikipagbarilan sa katirikan ng araw? Wala! Sa isiping ‘yon ay mabilis na tinignan ni Margaux ang suot niyang relo. "Aalis na ‘ko kasi wala na palang problema. Excuse me, doc. May kakausapin pa ‘ko." Bumukas-sara ang mga labi ng doktora. Halata ang gulat sa mukha nito. Mga tatlong segundo rin ang lumipas bago ito nakabawi at tumango. "Okay. Ipapa-check ko na lang sa nurses ang gamit niya para makuha ang pangalan niya—" “Nasaan siya?” Halos mabali ang leeg ni Margaux nang may magsalita mula sa dulo ng pasilyo. Agad na nakilala niya ang timbre ng boses na ‘yon. It was cold and thick. Parang ang kanyang.…‘Papa?’ "Ito ba?" Alejandro looked regal as he strode through the hospital lobby. Mabibilis ang mga hakbang nito habang sinusundan ng apat na unipormadong lalaki. Lahat sila nakasuot ng itim na business suit at animo’y isang pormal pagtitipon ang pupuntahan. “Saan ba siya dinala?” "Dito po tayo," wika ng isa sa mga guards nito habang ginigiya ang kanyang papa sa operating room. Ni hindi man lang lumingon ang Don nang lagpasan nito si Margaux at mabilis na itulak ang pinto. Tarantang napatalon ang doktor sa inasal ng kanyang ama. Muntik pa itong madulas nang hablutin ang manggas ng matanda. "I'm sorry, sir. Hindi po kayo pwedeng pumasok sa operating room. We have a procedure going on, at hindi po namin 'yan pinahihintulutan—" "Bitaw." Mabilis na kumilos ang katabing gwardiya ng Don at tinutukan ng baril ang doktora. Agad namang nawalan ng kulay ang butihing manggagamot at nanginginig na inalis ang pagkakahawak sa damit ni Alejandro. Alejandro, however, just looked at the doctor disinterestedly. Para lang itong nakakita ng langaw na dumapo sa braso nito at ni hindi man lang nagsalita. Then as if he didn't hear what the doctor said, the rich old man pushed the door and marched into the operating room like he owned it. Hindi lumipas ang isang minuto ay nagkagulo ang mga nurse sa loob ng operating room. Ang ilan sa mga ito ay nagmadaling lumabas na aakalain mong hindi tao ang pumasok sa kwarto kundi isang diyos. Gustong-gustong magtanong ni Margaux pero natuyo ang kanyang lalamunan sa mga nakikitang pangyayari. Daig niya pa ang bato na hindi nararamdaman ang manaka-nakang pagbunggo sa kanya ng mga nagtatakbuhang nurses. ‘What the hell is going on—s**t!’ Napaigtad si Margaux nang muling bumukas ang operating room at lumabas si Alejandro. May hawak itong puting bimpo habang nililinis ang duguang kamay. Mayamaya pa ay walang ekspresyon na nilingon nito ang doktora bago inutos na, "Patapusin ninyo ang babaeng ito sa kanyang trabaho. Isama ninyo siya sa pag-alis. Siguraduhin n’yong walang nakasunod kay—" "Papa!" Sa wakas ay natagpuan ni Margaux ang kanyang boses. Noon lang tila napansin ni Alejandro na naroon siya. Dagling napakunot ito ng noo na tila hindi siya nito nakilala. Bumilang pa ng ilang segundo bago ito tumango at dismayadong nagsalita. "Margaux?” "O-opo..." Nagkandabuhol-buhol ang hininga ni Margaux bago pilit na ngumiti. Dagli siyang napatingin sa duguang kamay ng matanda bago nagtatakang binalik ang tingin sa mukha nito. Halatang hindi nasiyahan ang kanyang papa na makita siya. Tumiim ang bagang nito, bago nilingon ang pinakamalapit na gwardiya at tinuro siya. “Isama ninyo rin siya." Without any more words, the old man turned and started for the elevator. Sabik na sabik si Margaux na sundan ang ama niya pero kakatuwang natulos na lang siya sa kinatatayuan. Ni hindi niya nga alam kung saan niya nakuha ang lakas para tawagin ulit ito nang malapit na ito sa elevator. "P-Papa, saan ka pupunta—" "Tahimik!" Alejandro's command tore through the air and made her swallow. Matapos ang pagsigaw nito ay balewala itong pumasok sa elevator at hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Sumunod agad ang mga gwardiya nito at alistong hinarangan ang matanda. Papasara na ang elevator nang mag-angat ulit ng tingin si Alejandro at salat sa emosyon siyang tignan. "Wala kang nakita, Margaux,” said the Don in an almost silent tone. “Kalimutan mo ang nakita mo. Hindi nangyari ang araw na ito.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD