"Hendrix?..."
Mabilis naman siyang yumakap sa akin at bahagya pa nga akong napapikit dahil sa isang dampi sa labi. Habang mabilis na naglandas ang mga kamay niya sa likod na bahagi ko.
Mabilis lang ito, ngunit sapat upang muli akong ibalik sa nakaraan.
Isang nakaraan na kay sarap talagang balik balikan... Na tila ba muling nagbibigay galak sa aking puso. At kakaibang kiliti sa aking puso at p********e.
"Bakit ka narito? Nasaan ang mga Anak natin?" agad na namutawi sa bibig ko sa sandaling magkalas ang aming mga katawan.
Bahagya naman siyang ngumiti.
"Actually ay hindi ko sila kasama. Dumaan lang ako dito dahil sa business meeting namin sa Baguio. Kaya naman masama bang mayakap muna ang ang maganda kong Misis huh." Malambing na sabi niya.
Napahinga naman ako at agad na ngumiti at muling yumakap sa kanya.
"Alam mo bang sobrang na missed kita Hendrix." Sabi ko.
"Edi lalo naman ako diba. Lalo na yung napatambok na bagay na ngayon ay nadidiinan ko ng sobra." Pilyong bulong pa niya.
Natawa naman ako.
"Anyway, kumusta pala si Amina at Travis? Sana pala ay isinama mo sila dito para naman nakasama ko man lang sila habang nasa Baguio ka."
"Well, naisip ko yon kanina Kathleen. Pero naisip ko din namang hayaan ko kaya ma miss mo din sila. Para naman ikaw na din mismo ang mag insist na pumunta na din sa Makati, para naman makasama mo na sila." Himig pahiwatig pa niya.
Huminga naman ako ng malalim.
"You know my reason Hendrix..." sabi ko.
Napataas naman ang dalawang kamay niya at, "Yeah I know. By the way, bakit ka nga pala nandito ka sa gate ng ganitong kaaga? Huwag mong sabihing hinihintay mo ako dahil surpresa ko nga ito sa iyo diba."
Sandali naman akong napaisip. At kung sasabihin ko nga ba sa kanya na gusto kong makita kung sino ang nagsasabit ng mga prutas sa gate tuwing umaga ay ikatutuwa nga ba niya?
Siguro mga ay hindi...
"Ahh ehh... May hinihintay lang akong parcel Hendrix." Palusot ko.
Napakibit balikat naman siya sa sinabi ko.
"Don't tell me na mga gamit mo na naman yan sa cross stitch mo." Natatawang tanong niya.
"Hmm may iba pa nga ba akong pwedeng i order kundi yon lang naman talaga." tugon ko.
"Ok.." sabi pa niya, tsaka naman siya tumalikod na sa akin at dumiretso na sa pool side area at naupo nga sa pinakapaborito kong place sa aming bahay.
Ang umbrella table sa tabi mismo ng pool.
"Gusto mo bang ipagluto muna kita ng breakfast?" Malambing namang tanong ko sa kanya.
"Hindi na Kath, ang totoo niyan ay gusto lang kitang makita. Then afterwards ay ba byahe na ako pa norte para sa Baguio." Casual na sagot niya.
"Ok.." matipid din na sagot ko at tsaka naman ako naupo sa tapat niya at muli kinuha ang tela mg cross stitch at nagsimula muling maghabi habang nakikipag kwentuhan sa kanya.
Well, ito na kami ngayon.
Na malayong malayo na sa dati na agad ay hihilahin niya ako sa kwarto at hindi siya papayag na walang mangyari sa amin kahit sobrang busy siya.
Subalit masaya pa rin naman ako kahit ganito na kami. Dahil sa edad kong 45 ay hindi na din naman ako ganon pa ka active pagdating sa s*x.
In fact ay may mga signs na nga ako ng back pain minsan na dahil na din edad ko. Bagay na normal lang naman. At nakakasanayan ko na din kasabay ng pagdaan ng mga taon.
***
Matapos nga ang halos kalahating oras niyang pag stay ay nagpaalam na din si Hendrix. Inihatid ko pa nga siya hanggang sa gate habang nakayakap pa sa akin.
Sweet pa din naman siya. Kung ito ang pagbabasehan ko ay wala namang nagbago talaga kanya at maging sa pagmamahal ko para naman sa kanya.
Marahil ay sadyang ganito lang naman talaga ang mag asawa. Na darating ang time na ang s*x ay hindi na tunay na sangkap ng isang relasyon. Bagkus ay ang pagmamahal at tiwala na patuloy na matibay na pundasyon pa din naman ng dalawang taong nagmamahalan.
"Hanggang sa muli Mahal ko. At ikumusta mo din pala ako kay Nanay at Tatay. Makisabi na minsan at papasyal tayo sa kanila kasama si Amina at Travis. Dahil naisip kong pagkatapos ng mga ito ay gusto ko namang samahan ka dito at mag relax din naman kahit isang buwan." Sabi pa niya.
At aaminin kong labis akong natuwa sa sinabi niya. At totoong na excite ako para dito.
"Matagal tagal na din yung huli Hendrix. Siguro nga ay mas mabuting makapag focus ka muna ulit sa hardware natin." Sabi ko pa.
"Hmm kasama yan syempre pero mas may hahalaga pa ba sa mga intimate na gabing makakasama ulit ang napaka ganda kong Misis?" Sabi pa niya.
Matamis akong ngumiti sa kanya.
Marahil ay pangsang ayon na din sa kanya. Matagal tagal na din nga. At siguro ay masarap pa ding muli namin itong maranasan gaya ng dati.
"Aasahan ko yan Hendrix at syempre maghihintay ako." Sabi ko pa.
***
Ilang minuto na ding nakaalis si Hendrix ay nanatili pa din ako sa labas ng gate. Marahil ay nadadala pa din naman ako ng saya sa isang surpresa na hindi ko naman talaga inakala.
At napangiti pa nga ako, bago naman tumalikod upang sana ay muli ng tunguhin ang gate at pumasok na ng...
"Kumusta ka po Ma'am."
Isang medyo familiar na boses ang sandaling nagpatigil sa akin...
At dahilan din upang muli akong mapalingon sa pinagmumulan ng boses.
"Uhmm ok lang naman ako Clyde? Tama ba?"
Sandali naman siyang umayos ng tayo bago may akmang iaabot sa akin.
"Kanina ko pa sana yan isasabit diyan sa gate. Kaso ay may basita ka yata Ma'am?" Sabi pa niya.
Napailing ako at bahagyang ngumiti.
"Actually, husband ko yung sinasabi mong bisita ko. Pero teka... Huwag mong sabihing ikaw nga ang nagdadala ng mga prutas na yan?"
Confident naman siyang lumakad palapit sa akin at tsaka kinuha ang aking kamay at iniabot ang dala niyang puting plastic bag na may lamang mga prutas.
"May iba ka pa bang inaasahan Madame maliban sa akin?" Napapailing pang sambit niya.
"Ahh eh hindi naman. I mean is... Bakit mo ito ginagawa pala? Gayong alam na alam mong wala ka namang mapapala." Sabi ko pa habang bahagyang nakairap sa kanya.
"Kailangan bang may mapala muna ako bago ko gawin ito Ma'am?" Confident na tanong niya bago naman sumulyap ng bahagya sa pagitan ng mga hita ko.
Nakaramdam ako ng pagkahiya ng maalalang naka pajama pa pala ako at ngayon ay ipinagkakanulo ng manipis na tela nito ang tunay na hugis ng p********e ko.
"Hindi naman, pero para saan para magsayang ka ng oras at pera para dito?" Tanong ko pa.
"Sa tingin mo ay nagsasayang ba ako ng oras para sa isang bagay na sobrang nagpapasaya sa akin? Sa tingin ko ay hindi Ma'am Kathleen." Patuloy niya.
Huminga ako ng malalim at tsaka napailing.
"Kung ganon ay salamat Clyde. Pero hintayin mo ako at kukuha lang ako ng pera para mabayaran kita." Sabi ko pa habang akma na akong papasok ng gate.
"Bakit naman ako papayag na bayaran mo? Mahirap lang kami Ma'am pero kahit kailan ay hindi ko ibinebenta ang mga prutas na dinadala ko sa iyo." Kampanteng sabi niya.
Napahawak ako sa aking sentido. At pakiramdam ko ay nanakit ang ulo ko ng husto.