When the Pieces Don't Fit

1204 Words
POV of Kathleen Sabi nga, ay mas madali daw makasamang matulog sa isang kama ang isang Married Woman kaysa naman sa isang single lady. Marahil ay dahil dumarating din naman kasi sa punto na naghahanap ng kalinga ang isang babae. Isang kalinga na minsan namang ipinaranas sa kanya ng kanyang asawa, subalit sa pagdaan ng panahon ay unti unti naman itong nagbabago. At ang isang bagay na dati ay kay tamis ay unti unti namang tumatabang sa paglipas ng mga taon. Kaya naman kapag may isang lalakeng sadyang nagbalik sa kanya ng tamis na ito ay sandali naman siyang nakakalimot sa kanyang mga pangako. At sandaling iisang tabi ang pagmamahal para sa isang pansamantalang tamis na kay tagal na niyang hindi nalasap. Isang bagay na marahil nga ay kaunting katotohanan. Subalit hindi sa lahat ng pagkakataon. Habang ang mga batang lalake naman ay mas nakakahanap daw ng thrill sa mga babaeng higit na mas may edad sa kanila. Lalo na yung may mga asawa na. Isang bagay na hindi ko naman tiyak. Subalit gaano nga ba ito katotoo? Dahil nga ba ito sa isang paghanga lang? O sa isang pagnanasa na kay daling makuha sa isang babaeng may karanasan na? Siguro nga ay oo at siguro nga ay hindi... "Ang ganda pala ng bahay niyo Ma'am..." hindi makapaniwalang saad niya matapos naman naming makababa mula sa tricycle na naghatid sa amin. Hindi naman ako kumibo at mabilis na binuksan ang gate. "Makihintay ako dito Clyde, kukuha lang ako ng pera pambayad sa iyo." Sabi ko pa. Agad naman siyang napakamot sa ulo niya at, "Hindi pa naman ako naniningil ah." Sabi pa niya. "Ang utang ay utang okay. Basta hintayin mo ako dito." Sabi ko pa, tsaka naman ako mabilis na tumalikod sa kanya. Mabilis naman akong pumasok ng bahay at kumuha ng pera sa isang wallet ko. At bahagya pang napangiti ng matanawan siyang tahimik ma nakatayo at naghihintay sa akin. "Hindi kaba nainip? Eto na pala yung pera na pambayad. Dinagdagan ko na din yan para may extra kang panggastos at pamasahe na din pag-uwi mo." Sabi ko pa. "Nako! Hindi ko yan matatanggap Ma'am. Masyado na kasing kalabisan yan. At kung malalaman ng Lola ko na nanlalamang ako ay tiyak na makakagalitan niya ako." sabi pa niya habang abot abot ang pagtanggi sa iniaabot kong pera. Bahagya namang napakunot ang aking noo. At sandali ding nakuha niya ang buong atensyon ko dahil sa huling sinabi niya. "Bakit, siya ba ang kasama mo sa bahay at malalaman niya?" "Yes Ma'am, kami nalang kasi ni Lola ang magkasama sa bahay." Tugon niya. "Bakit? Nasaan pala ang Mama mo kung ganon?" Bahagya naman siyang ngumiti sa akin. "Wala na siya Ma'am. Ang sabi ni Lola at namatay siya ng ipanganap ako, habang ang Ama ko naman ay bigla nalang daw nawala ng malaman ipinagbubuntis ako that time." Huminga ako ng malalim at nakaramdam din naman ng lungkot sa sinabi niya. "I'm sorry.." tanging nasabi ko. Natawa naman siya dahil dito. "Bakit ka naman nagso sorry? Alam mo Ma'am, masaya naman ako sa piling ni Lola. Dahil kahit hindi ko naranasang magkaroon Ina ay si Lola naman ang nagpuno nito akin. At isa pa ay hindi ko naman naranasang magkaroon ng Mama talaga. Kaya wala naman akong idea kung ano ba ang pakiramdam ng may Ina, kaya siguro ay wala naman akong dahilan para malungkot diba." Napatungo nalang ako at kinuha ko ang kamay niya at pilit na iniabot sa kanya ang pera. "Kung ganon ay tanggapin mo ito at ibigay sa Lola mo. Hindi ka pwedeng tumanggi dahil hindi ko naman sa iyo na ito ibinibigay." Sabi ko pa. Hindi naman na siya tumanggi at pagkatapos nga nito ay nagpaalam na din ako sa kanya at pumasok na sa gate. At napapangiti nalang akong dumiretso ng bahay habang inaalala ang isang napaka gwapong batang lalake na si Clyde. Well, wala naman akong nararamdamang something special para sa kanya. Wala din namang kahit kaunting kilig kaya. Marahil ay natutuwa lang talaga ako sa pagiging positibo niya. Na siguro nga ay kung naging magsing edad lang siguro sila ni Amina at baka hilingin kong sana nga ay maging sila nalang. Dahil alam kong mapapaayos ang Anak ko sa isang kagaya niya. I sighed... *** Pagkatapos ng insidenteng yon ay hindi naman na kami nagkita pang muli ni Clyde. Hindi na din naman siya gaya ng dati na nakikita kong nakamasid mula sa labas ng bakod ng hardware habang nakatingin lang sa akin. Marahil at gaya ng iba, ay nagsawa na din naman siya. At naisip din sigurong wala naman siyang maasahan sa katulad ko na umiikot lang ang mundo sa aking pamilya. Lalo na nga sa asawa kong si Hendrix... "Oh bakit humahangos ko Manang? May problema ba at nagkakaganyan ka?" nagtatakang tanong ko pa sa kanya habang napansin din naman ang isang puting plastic bag na biibit niya. Habang abala pa din ako sa ginagawa kong cross stitch habang nakaupo sa harap ng umbrella table na nasa pool side ng aming bakuran. "Ahhh ehh hindi naman Kathleen. Nagulat lang akong may nakasabit na kung ano sa gate natin." Tugon pa niya tsaka naman iniabot ito sa akin. Mabilis ko namang inilapag ang hawak kong tela at nagtatakang kinuha ang puting plastic bag, habang napapakunot ang noo. "Ano po ba ito?" Curious na tanong ko. "Mga prutas yan Kath, hindi ko nga alam bakit meron niyan sa bakod natin. Hanggang sa mabasa ko ngang nakasulat ang pangalan mo kaya kinuha ko na din kahit nag aalinlangan ako." Sabi pa niya Mabilis ko namang binuksan ito at magtaka ng makita na prutas nga ang laman nito. Halo halong pruta ito, na may mango, strawberry, grapes at malalaking apple. "Eh kanino kaya ito galing?" Nagtatakang tanong ko. "Iyon na nga Kath, kanino nga kaya yan galing, tsaka bakit may pangalan mo?... Hindi kaya kay Sir Hendrix yan?" Sabi pa niya. Napailing naman ako. Sa tagal na naming mag asawa ay hindi ito ginawa ni Hendrix. At kung may surpresa man siyang kagaya ay sigurado akong bouquet of flowers yon at hindi prutas na gaya nito. "Makilagay nalang pala Manang sa table natin. Tapos kumuha kana din pala dahil mukha pa namang masarap dahil puro hinog na." Sabi ko pa, tsaka naman muling nag focus sa ginagawa kong cross stitch. *** Sa paglipas ng mga araw ay nagpatuloy ang paglalagay niya ng prutas sa gate. Na sa una ay tuwing makalipas ang isang araw, until naging araw araw na ito. At aaminin kong masyado na akong kinakain ng matinding curiousity kung sino nga ang napaka tiyagang gumagawa nito araw-araw na hindi man lang nagpapakilala sa akin. Aaminin kong may pagkakataong iniisip ko ding si baka si Clyde ang gumagawa nito. Subalit wala sa tipo niya ang ganito. Kaya naman minsan isang araw ay sinadya kong gumising ng maaga upang ako mismo ang makahuli kung sino nga ba ang misteryosong tao na iyon. Subalit na sorpresa ako ng sobra... Dahil sa muling pagsilip ko sa gate ay isang lalake ang nakangiti at nakatayo sa labas nito. Na tila ba ginagayuma ako ng mamahaling pabango niya, na ngayon ay malaya kong nalalanghap dahil ngayon ay sobrang lapit na niya sa akin...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD