POV of Clyde
"La, may dala pala akong pagkain para sa atin, ano gusto mo nabang kumain pala? Kung ganon po at maghahain na ako."
Marahan naman siyang napatingin sa akin habang abala pa din naman siya sa paglilinis ng mga gulay at prutas.
Sa trabahong niya ito ako binuhay. At sa kwento nga niya ay dahil din sa pagtitinda niya ng gulay at prutas niya ay napalaki at napag aral niya si Mama. Hanggang sa magkaasawa nga ito at unfortunately nga ay naging sanhi din ng mabilis niyang pagkawala sa mundo. Na para bang nagpalit lang kami. Dahil ng magsimula akong mabuhay sa mundo ay doon din naman siya nawala...
"Hindi pa naman ako nagugutom Apo, pero kung nais mo na at kumakalam na din ang sikmura mo ay siya na din tayong kumain ng sabay. Matatapos na din naman ako rine sa aking ginagawa." Tugon pa niya sa akin.
Napahinga naman ako ng malalim at tsaka naupo sa tabi niya at tinulungan ko siya.
"Hindi pa din naman ako La, nagugutom. Kung gusto mo ay tulungan na muna kita diyan para mabilis ka." Sabi ko pa bago naman ako kumuha ng repolyo at binalatan ito.
Bahagya naman siyang napangiti.
"Napapansin kong hindi kana humihingi sa akin ng mga prutas Clyde. May problema ba Apo at hindi kana nagdadala ng prutas sa babaeng asawa ng may ari ng hardware na gustong gusto mo kamo?" Biglang tanong niya sa akin habang abala ako sa aking ginagawa.
"Hindi na po La, kasi nga ay humiling siya sa akin na huwag ko na daw siyang dadalhan nito, kaya naman sinunod ko ang gusto niya La." malumanay namang tugon ko sa kanya.
Bahagya naman siyang napabugtong hininga.
"Iyan na nga ba ang sinasabi ko Apo, na darating ang araw at masasaktan ka lang. Lalo pa nga ang napupusuan mong babae ay may pananagutan na, tapos ay napakayaman pa. At aanhin naman niya ang mga prutas na yan, samantalang kaya naman niyang bumili ng maraming ganyan." Napapailing pang sabi niya.
Ganito ka supportive si Lola pagdating sa babaeng gusto ko. At kahit kailan ay hindi naman niya ako sinaway kahit pa sabihin ko sa kanyang may asawa na babaeng gusto ko.
Siguro ay dahil alam naman niyang isa lamang itong paghanga na lilipas din naman sa pagdaan ng panahon. At marahil ay hindi din naman siya tumutol dahil alam na alam naman niyang hindi naman talaga ako papatulan ni Ma'am Kathleen. Dahil sa sobrang layo naman na ng agwat ng edad namin. Na sa kwenta pa nga ni Lola ay mas bata pa nga ang Mama ko kesa sa kanya.
"Hindi naman po sa ganon La, mas pinili ko lang namang i respeto ang hiling niya dahil sa tingin ko ay sasaya siya kung ganito." Sabi ko pa.
Muli naman siyang napailing at tinapik tapik pa ang balikat ko.
"Hayaan mo at darating din naman ang babaeng para talaga sa iyo Apo. Basta masaya ako na kahit papaano ay nagkaroon ka ng inspirasyon sa pag-aaral mo. Kaya naman pinilit kong maging napaka special ng mga ininibigay ko sa iyong prutas bilang pasasalamat ko na din naman sa kanya." Patuloy niya.
Sandali namang napakunot ang noo ko.
"Para saan naman po yung pasasalamat na yon Lola?" Nagtatakang tanong ko pa sa kanya.
"Dahil sa kanya ay muli kong nasilayan ang inyong ngiti Apo. At dahil din sa kanya ay natuto kang naging mapagparaya at mapagbigay. At dahil din naman sa kanya ay ang mga marka mo sa eskwelahang pinapasukan mo na dati ay mga palakol lang ay nagawa mo pang manguna sa klase ngayon ng dahil din sa kanya."
Napayuko ako at nagpatuloy lang sa aking ginagawa.
"Subalit nalungkot ako ng matapos ka niyang tanggihan ay muli na namang nawala ang ngiti sa iyo Apo." Patuloy pa niya.
Nagbugtong hininga naman ako at bahagyang ngumiti sa kanya.
"Lilipas din ito Lola, sabi mo nga diba? Na ang pagkakagusto ng isang tao ay nawawala din naman sa katagalan. Lalo pa at hindi mo naman na ito nakikita pa." Patuloy ko pa.
"Tama Apo, makakalimutan mo din siya at tama lang ding iwasan mo ang mga lugar na kung saan muling magku krus ang landas niyo. Dahil tinitiyak kong masasayang lang lahat ng pinaghirapan mong kalimutan siya sa muli mo naman siyang makakadaupang palad." Sabi pa niya.
"Tatandaan ko po yan Lola. At bagkus ay magsisikap ako ng sobra para naman dumating ang time na may pwede na akong ipagmalaki pa sa kanya."
Napailing namang uli si Lola.
"Alam mong kahit ikaw na ang maging pinakaayaman sa mundo ay hindi pa din naman maaaring maging kayo. Tandaan mo sana ito Hijo."
Muli naman akong napayuko.
"Kain na po tayo Lola..."
"Kung ganon ay maghain kana pala, at matatapos na din naman ako dine..."
The POV of Kathleen
"Oahhh Mommeh I missed you..."
Mahigpit akong niyakap ni Amina matapos ko silang salubungin sa gate kasama ni Hendrix at Travis.
"I missed you too Baby... Teka nasaan pala ang Travis ko?" Sabi ko pa matapos ko namang yumakap ng mahigoit kay Amina at agad din namang kumalas pagtapos upang kalungin naman ang bunso kong Anak.
Mahigpit din naman akong tinugon nito ng yakap.
"Mommyy.."
"Oahhh Travis Baby, kumusta? Alam mo bang miss na miss na miss ka ni Mommy.." Masiglang tanong ko pa dito matapos ko namang halikan sa pisngi niya.
Bago naman ako tuluyang napabaling nga kay Hendrix.
"Ano Mahal, gusto niyo nabang kumain pala? Naghanda na kami ni Manang ng mga paborito niyo." Pagmamalaki ko pa.
Yumakap din naman sa akin si Hendrix at humalik pa sa labi ko bago naman ako inakbayan ay samahan na ding pumasok sa bahay.
"Grabe ang traffic Kathleen kaya naman sorry kung na late kami ng sobra." Panangatwiran pa ni Hendrix sa akin habang patuloy na naka akbay.
"Syempre Ok lang naman, sakto lang din naman ang niluto namin at kataon na din para sabay sabay na tayong kumain..."
"Hmmm tamang-tama at gutom na nga kami. At siguradong special yan Mahal?" Sabi pa niya sa akin.
***
Naging napakasaya naman ng salo salo namin. Dagdag pa ang biruan at halos hindi matapos tapos na pagbibida ni Amina sa mga nangyari sa kanya sa Makati.
At masasabi kong muling sumaya ang aming bahay sa muling pagbalik nila. Na sana nga laging ganito nalang.
Subalit ang lahat ng ito ang pansamantala lang, dahil matapos ang dalawang oras naming kwentuhan ay...
"Gusto pa sana naming mag stay ni Amina Mahal, ngunit kailangan ko na ding makabalik agad sa Makati dahil may meeting pa ako with clients." Sabi pa ni Hendrix sa pagitan na din ng hindi matapos tapos naming balitaan ni Amina.
"It's ok Hendrix. Madami pa namang time diba." Tanging naisagot ko.
"Yes Mommy, kasi naman ayaw mo pa doon nalang tayo lahat sa Makati para naman buo pa din tayo noh." Sabi pa ni Amina.
Napahinga naman ako ng malalim at, "Ok lang naman ako dito Baby, lalo pa ngayong kasama ko na ulit si Bunso diba." Sabi ko pa.
"Sabagay Mommy, pero after 2 months naman ay babalik na ulit ako dito. Tapos kwentuhan to the max ulit tayo." Sabi pa ni Amina.
"Yes at saglit lang ang dalawan buwan. At ikaw Hendrix iingatan mo sana doon ang Anak natin." Bilin ko pa sa kanya.
Na agad namang sinag ayunan ng asawa ko.
"Teka kumusta na pala kayo ng boyfriend mo Amina?" Tanong ko pa.
"Ayun Mommy, mamaya ay magiging official na kami." Masiglang tugon niya.
"Huh? Paanong mamaya?"
"Iihhh long story Mommy. Basta mamaya ay sasagutin ko na siya."
Napatango nalang ako. At hindi na din naman nag usisa pa. Lalo pa at nag aayos na din sila upang muling bumalik sa Makati...