10 year of marriage...
Marahil ay wala naman na kaming dapat patunayan pa ni Hendrix kung gaano nga ba namin kamahal ang bawat isa.
Napakarami na ding pagsubok ang pinagdaanan namin ngunit nanatili kaming matatag sa aming pagsasama bilang mag-asawa.
At patunayan din naman sa mga taong humusga sa amin noong magsimula kaming bumuo at mamuhay na bilang isang tunay na pamilya. Well, dahil na din ito sa nauna pa naming relasyon before na bilang mag-ina. Na nakasanayan na din naman ng mga taong malalapit at nakakakilala sa amin.
Subalit sa katagalan ay napatunayan din naman namin sa kanila, na kami naman talaga ang inilaan sa isa't-isa.
Na wala naman talagang dugong nag-uugnay sa amin upang hadlangan ang tunay na magpapasaya sa amin. At ito ay ang pagmamahal ko sa kanya bilang asawa ko.
At ngayon nga ay sampung taon na nga ang nakakaraan. At proud akong sabihin na lalo pa kaming naging mas matatag....
"Good morning Mahal... You're breakfast is ready?"
Hinalikan ko pa siya sa labi, bago naman tuluyang naupo sa gilid ng kama at hinimas himas ang kanyang buhok.
Aaminin ko din mas gumwapo pa si Hendrix. At sino nga ba ang mag aakala na ang isang batang lalake lang 10 years ago na napaka agresibo at walang iniisip kundi maangkin ako, ay isang ganap na matured man na talaga. And proud to say din na he is the man with dignity and passion, a true leader na may authority na ang bawat salitang namumutawi sa bibig niya.
A great family man, ika nga... Isang almost near to perfect husband material...
"Hmm Mahal, good morning din. At muli kong sasabihn na kay sarap talagang gumising kapag isang anghel na may pinakamatambok na kiffy sa mundo ang gigising sa iyo diba?"
Birong tugon bati naman sa akin ni Hendrix matapos naman niyang imulat ang kanyang mata at nakangiting tumingin sa akin.
Natawa naman ako ng sobra sa sinabi niiya.
"Hayys tama ka, 14 years mo ng paulit ulit na sinasabi yan kaya." Natatawang sabi ko pa.
"At labing apat na taon na din kitang napapakilig sa lintahan kong yan Kathleen..."
At tama, bagamat para sa nga empleyado niya ay marahil na kinakatakutan siya. Pero masarap pa din namang isiping patuloy niyang ipinapakita sa akin ang kanyang soft side.
"Oo na!... Bumangon kana kaya noh. Naghihintay na ang dalawang Anak natin sa kusina. Gusto nga ni Amina ay puntahan ka dito para gisingin, pero sabi ko nalang ay ako nalang ang gigising sa iyo." Sabi ko pa.
Muli naman siyang ngumiti sa akin at hinatak pa nga ako mula sa baywang at napahiga pa nga ako at napayakap sa matipuno niyang katawan.
"Ayyy ano ba Hendrix, baka mapasukan tayo ni Amina, sige ka." Natatawang banta ko pa sa kanya.
"E ano naman? May masama ba habang yakap yakap ko ang maganda kong asawa huh?" Masiglang tugon ni Hendrix.
Yumakap din naman ako sa kanya.
Nakakahalina ang malamig na paligid upang damahin ang yakap niya. Isa pa ay miss na miss ko kaya siya.
Isang linggo din ang matiyaga kong hinintay upang magkasama siya at bukas din ay aalis na ulit siya para naman sa negosyo niya.
"Bakit naman kasi ayaw mo pang sumama sa Makati, Kathleen. Para naman kasa kasama ko palagi ang maganda kong Misis diba."
Napailing naman ako at mabilis din namang muling bumangon at...
"Hay napag-usapan na natin yan Hendrix. Masaya na akong makakasama mo si Amina at Travis. Habang ako naman ay ok lang naman dito. Isa pa ay nandiyan naman si Aling Tere, kaya naman safe naman ako dito ok." Sabi ko pa.
Napakibit balikat naman siya.
"Hmm sabagay, basta kapag nalulungkot ka at nami miss mo ang mga bata ay pwede naman kitang sunduin dito." Sabi pa niya.
Ngumiti naman ako sa kanya.
"Ok sige Mr. Hendrix. Alam ko namang kung mangyari man yon ay darating ka agad kahit naman gaano ka pa ka-busy noh." Natatawang sabi ko pa.
"Oo naman ikaw pa ba naman. At alam na alam mo namang ikaw pa din ang number 1 sa lahat ng priorities ko." Pagmamalaki pa niya.
Ngumiti sa kanya at muli nga siyang hinalikan sa labi.
"Alam na alam ko yan Mahal, kahit hindi mo sabihin. Kaya naman sobrang thankful ako, for having you as my Husband." Sabi ko pa.
Totoo naman ako sa mga sinabi ko. Dahil masyado ng malalim ang relasyon namin ni Hendrix. Na hindi na kayang tibagin pa ng kahit anong pagsubok.
Na hindi naman na kami nagsasama lang dahil sa s*x. Dahil kahit naman hindi na namin nagagampanan ito ng madalas ay hindi naman na ito mahalaga pa.
Dahil kaya ko namang ipagmalaki kahit kanino kung gaano mga ba naging kainit ang mga gabi namin sa buong sampung taong pagsasama namin.
At marahil ay sapat na ito sa akin.
Na wala akong hihilingin pa sa buhay ko bilang isang babae...
***
"Good morning Daddy! Iihhh sobrang na-missed ka kaya namin. Ihhh pa hug naman mmhhpp..." masiglang salubong sa kanya ni Amina matapos nga naming sabay na lumabas ng kusina.
"Hhmm... Paganda ka ng paganda Amina huh. Balita ko ay may boyfriend kana, kaya naman ba ganito ka? Dapat ay makilala namin siya as soon as possible ok." Sabi pa niya kay Amina.
Mabilis naman siyang napabaling sa akin at...
"Luh, si Mommy." Sabi pa nito habang nakatingin sa akin. Na himig na sinisita niya ako bakit ko sinabi.
Natawa naman ako.
"Hay Amina, tama naman ang Daddy Hendrix mo. Dapat ay makilala din namin siya. Ayoko namang sa lansangan kayo magliligawan. Samantalang open naman ka naman sa amin, basta ba matino siya at mabait ay okay lang takaga sa amin ng Daddy Hendrix mo." Sabi ko pa.
Umismid naman siya sa akin at humarap pa kay Hendrix.
"Hayaan niyo after ng vacation ay ipapakilala ko na siya. At iyon ay kung kami pa. Trip trip lang naman ang relasyon namin noh. Tuksuhan lang sa school..." Sabi pa niya.
Nagkatinginan pa kami ni Hendrix at napailing. Tsaka naman mabilis na ibinaling ang atensiyon sa bunso namin.
"Ohh kumusta naman ang Baby namin?"
Yumakap din naman sa kanya si Travis. At halata din naman kung gaano nga ba siya na missed ng Anak namin ni Hendrix.
Agad pa nga siyang kinarga ni Hendrix at nagharutan silang mag-ama.
"Bigboy na kaya ako Daddy para ikarga mo pa." Sabi pa nito.
"Hayy for me ay Baby ka pa din noh. Kaya okay lang ito." Sabi pa no Hendrix sa Anak niya.
Sa ganito ko ibabahagi sa inyo ang aming masayang pamilya.
Isang pamilya na dati ay hindi ko inisip na magiging posible pala. Isang pamilya na halos wala ka ng mahihiling pa, dahil naging masaya lang kami sa loob ng 10 years naming relasyon.
Subalit dito ko din naman sisimulang ibahagi ang mga hindi din inaasahang pangyayari sa pagsasama namin ni Hendrix.
Na nagsimula nga noong unang araw na magbakasyon ni Amina at Travis sa Makati.
Sa isang batang lalake...
Siya si Clyde, isang 18 year old boy, na hindi ko akalaing gugulo sa maayos ko na sanang buhay.
I'm not saying na na-love at first sight ako sa kanya... At hindi ko din naman sasabihing ginulo niya ang buhay ko dahil agad ay nakapag relasyon ako sa kanya.
Dahil hindi naman kasi ganon.
Sabihin na nating, ginulo niya ako dahil matapos naming aksidente naming magkita sa isang fast food chain ay naging stalker ko na aiya.
Hindi naman siya harmful, hindi naman siya alarming para sa safety ko...
Pero nakagulo pa din siya sa mga magaganda kong plano para sa pamilya namin.
Kung bakit?
Malalaman niyo din as we go further sa aking story...