Nangyari ito matapos kong mag grocery sa isang supermarket. At dumiretso nga ako sa isang kilalang fast food chain upang mag takeout sana para sa kasambahay naming si Manang Tere...
Nag order ako ng 2 piece of fried chicken at sinamahan ko na din ng extra large fries.
Subalit...
"Sorry po Ma'am, pero ayaw pong i accept ang card niyo. Do you have any card po..." magiliw na sabi pa sa akin ng cashier.
"Sorry pero isa lang ang card ko. Ika cash ko nalang pala." Sabi ko pa.
Mabilis ko namang hinalungkat ang bag ko at manlumo nalang ng mapansin hindi ko pala dala ang isang wallet ko, maliban sa coin purse ko nilalagyan ko din naman ng credit card.
Nakasanayan ko na din kasing magbayad ng cashless, subalit hindi ko napaghandaan ang scenario na gaya nito.
"May problema po ba Ma'am?..." muli namang tanong ng cashier ng mapansing struggled pa din ako sa kakahanap ng wallet ko bag ko.
"Sorry pero hindi ko mahanap ang wallet ko, what if i cancel ko nalang ang order ko. Pwede ba yung ganon?" Halos nagra rattle na tanong ko sa kanya.
"Sorry Ma'am, pero nai punch ko na kasi eh." Halata na ang pagka irita mula sa mukha niya.
Bagay na nagpalamig ng husto sa buong katawan ko.
Hindi ako sanay sa ganitong eksena. Dagdag pa ang pagkairita na din ng mga kasunod ko sa pila na bumubulong bulong na nga.
Pakiramdam ko tuloy ay lulubog ako sa sahig dahil sa hiya. At nag wish na lang na sana ay mag invisible nalang ako bigla.
"Ma'am matagal pa ba? Kasi medyo humahaba na po yung pila."
"Huh?... Ehh hindi ko talaga mahanap. Baka pwede mo ulit i-try yung card ko." Muli namang sabi ko.
Wala namang nagawa ang cashiet kundi muling i-swipe ang card ko subalit gaya ng inaasahan ay umiling ito at ibinalik ang card sa akin.
Nanlumo ako ng husto, sa pagkakaalam ko at pwede naman itong i cancel, ngunit bakit ba nalagay ako sa ganitong kahihiyan.
At dumating sa point na halos nagpa panic na amo...
"Ako na po ang magbabayad Ma'am... Magkano ba?"
Isang boses ng lalake ang sandaling nagpatigil sa akin, mula sa likuran ko. At sandali pa nga akong napasulyap sa kanya.
Mabilis siya humarap sa cashier at iniabot ang one thousand pesos bill. At pagkatapos ngang makuhang ang sukli ay iniabot niya sa akin ang ini order ko.
"Eto pala ang ini order mo Ma'am..."
Sandali akong natulala at napatitig sa isang batang gwapong lalake na ngayon ay matamis na nakangiti sa akin...
"Huh? Ehh hindi na sa iyo na iyan, since ikaw naman ang nagbayad niyan diba? Pero salamat pa din dahil iniligtas mo ako sa tiyak na kahihiyan."
Napakamot naman sa ulo ang batang lalake at...
"No! Order mo yan kaya sa iyo yan, coke float lang naman kasi ang gusto ko at hindi yan Ma'am."
"Ay ganon ba? Eh kung ganon ay paano ba kita babayaran pala? Nakakahiya naman kasi eh." Bantulot na sabi ko pa matapos kong kunin sa kanya ang paper bag na laman yung ini order kong food.
"Ganto nalang kapag nagkita ulit tayo, doon mo nalang ako bayaran Ma'am." Paglalahad pa niya.
Napailing ako at sandali pa nga siyang pinagmasdan. Na kung hindi ako nagkakamali ay nasa 18 palang ang edad nito. And obviously ay student ito dahil sa suot niyang University uniform.
"Ay teka, baka mamaya niyan allowance mo pala yon tapos nawala pa ng dahil sa akin." Bantulot na sabi ko.
Sa napapansin ko kasi sa kanya, ay hindi naman halatang galing siya sa maykayang pamilya. Mapapansin kasi sa suot niyang uniform na sa public school siya pumapasok. Dagdag pa ang suot nitong shoes na halatang lumang luma na din at makikita ding nakabuka pa ng bahagya ang swelas nito.
"Ang totoo niyan, bigay yan sa akin ni Lola. Dahil malaki ang naging benta niya sa gulayan kaya dinagdagan niya allowance ko. Kaya naman ok lang talaga Ma'am. Keri naman talaga." Pangangatwiran pa niya.
Lalo naman akong nakaramdam ng guilt dahil sa sinabi niya. Sa sitwasyon niya ay alam kong napakalaking bagay ng ibinayad niya para sa akin. At hindi ako papayag na hindi ko ito maibalik sa kanya.
"Kung hindi ka nagmamadali ay pwede ka bang sumama sa akin sa bahay? Para din naman mabayaran kita at the same time." Sabi ko pa.
Nagliwanag naman ang kanyang gwapong mukha sa sinabi ko.
"Gee, ge sama ako Ma'am. Para din naman makita ko ang bahay ng babaeng matagal ko ng sinusundan ng palihim." Sabi pa niya.
At aaminin kong nakaramdam ako ng takot sa sinabi niya at maalala din naman ang lalakeng palagi kong nakikita kapag lumalabas ako ng bahay.
"I-ikaw nga..."
"Yes I am, by the I'm Clyde. At finally ay nakausap ko din ng malapitan ang babaeng matagal ko ng gustong gustong nakikita..." kampanteng sabi pa niya.
"Huh? A-At bakit ako? Can't you see...I am much older that you three times?" Halos hindi makahupang sabi ko.
At aaminin kong mas kinakabahan ako ngayon kumpara sa eksena kanina sa counter. In fact ay napa atras ako at mabilis na naglikot ng paningin upang makahanap ng mahihingian ng tulong just in case gumawa siya ng hindi maganda. Lalo pa nga ng mapatingin siya sa pagitan ng mga hita ko. Na alam na alam ko namang kahinaan ng mga lalake sa bahagi ko.
Natawa naman siya sa naging reaction ko at itinaas pa mga ang dalawang kamay.
"Don't you worry Ma'am... Hindi ako masamang tao na gaya ng lumalaro sa utak mo FYI..." napapailing at natatawa pa ding sabi niya.
"Kung ganon ay bakit mo ako sinusundan?" Muli namang tanong ko.
Nagkibit balikat naman siya.
"Masama nabang humanga sa isang magandang babaeng kagaya mo Ma'am? Alam kong nasa early 40's kana. At doon ako naa amazed na may nananatili palang maganda sa kahit nasa ganyan ng age. I can't imagine na gaano ka kaya kaganda noong nasa teen age ka palang na kagaya ko. Siguro ay halos anghel ka na sa lupa that time..."
Hindi ako kumibo.
"Bakit hindi mo hayaang patunayan sa iyong mabuti akong tao Ma'am." confident na sabi pa niya.
"T-Then how?"
"Ihahatid kita sa inyo, basta tiwala lang at mapapatunayan ko din namang wala akong masamang binabalak."
I sighed.
At sandali ding nalito sa sitwasyong napasukan ko...