Chapter 15

1780 Words
[15] A Mother's Love A bottle of water popped out in front of me. Tumunghay ako at nakita ko si Terrence na nag-aalalang nakatingin sa 'kin. His brown eyes sends sympathetic messages to me. Tinignan ko lang sandali ang bote ng tubig na nasa harapan ko at muling tumungo. Ni hindi kinuha iyon at hindi pinagtuunan ng pansin ang taong nasa harapan ko. Naramdaman ko na lang na naupo siya sa tabihan ko at inalo ako. Caressing my back as he say comforting words. "Magiging ayos din ang lahat hon, magiging ayos din si Gerry. Okay?" He assured me. I looked at him without any emotions. "No, it's not." I answered. "Don't lose hope, she's gonna be fine." "Fine?" Mapakla akong tumawa at tumingin sa kaniya. "Sa tingin mo fine pa ang nangyayari sa anak ko?! How can all of you be sure na maayos ang kalagayan ni Gertrude! For f*****g sake, nag-aagaw buhay na ang anak ko sa loob tapos fine pa?!" I snapped. Nagulat silang lahat sa outburst ko lalo na si Mama. Tumayo naman kaagad si Terrence at niyakap ako. He was hushing me down nang mag-simula na naman akong umiyak. Lahat na lang sila sinasabing magiging maayos ang anak ko. Lahat na lang sila ay puros kasinungalingan ang sinasabi sa 'kin. I don't need their comforting words. I am not dumb para hindi malaman ang totoong lagay ng anak ko. I am hurt, I am shattered. "Ako ang nanay niya Terrence. Ako ang mommy niya, 'di ba dapat ako ang magpoprotekta sa anak ko. And I couldn't do it right! I am so useless!" "Shh, you're not useless alright? Hindi mo kasalanan ang nangyari. It was an accident." He hugged me tighter and kissed the top of my head. Anong klase akong ina kung hindi ko man lang maprotektahan ang anak ko. Kung hindi ko man lang siya mailayo sa mga kapahamakan. I could not protect Darlin before and now, even Gertrude. I am not capable to be a mother, I don't deserve to be one. Maybe that's the reason behind all of this. "Are you the parents?" Nagulat kaming lahat nang bumukas ang pintuan ng kuwarto at niluwa noon ang isang doktor. Lumapit siya sa amin habang tinatanggal ang kaniyang mask. Awtomatikong bumilis ang t***k ng puso ko at kaagad akong kumawala sa pagkakayakap ni Terrence at lumapit sa doktor. "Kumusta po ang lagay ng anak ko?" Kaagad kong tanong. Marahan naman siyang umiling na lalong nagdulot sa 'kin ng kaba at pangamba. "Well your daughter," she paused. "Hindi pa namin masasabi kung ligtas na ba siya. We need to run some more test para masigurado namin. But the operation was successful. Unfortunately," "Unfortunately what Doc?!" "She's in the state of coma. There's no exact time kung kailan siya magigising. She also obtained some broken bones, especially in her left arm and a fracture in her left foot. She'll need some therapy to help her walk again. I'm sorry." Napahagulgol na lamang ako sa sinapit ng anak ko. Kaagad na nanghina ang mga tuhod ko at muntikan na akong bumagsak sa matigas na semento ng ospital. Mabuti na lamang at maagap si Terrence at kaagad akong nasalo. Maingat nila akong iniupo sa isang tabi samantalang pinapatahan ako. ~*~ "Yara, kumain ka muna. Kanina ka pa hindi kumakain." Inilapag ni Aby ang isang balot ng sandwich sa lamesa sa tabi ng kama ni Gerry. Hindi ko iyon pinansin. "I'm not hungry." "Kahit pa. Kailangan mong kumain, you need to regain your strenght." Dagdag pa niya. Hindi ko na lang siya pinansin at tinuon ang buong atensiyon sa anak ko na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagigising. Kahabag-habag ang itsura ni Gerry. She have bruises on her arms and a bandage on her head. Mutikan na naman akong magbreak down kanina nang makita ko si Gerry sa kuwarto niya. She's gone pale. And I can see how much she's hurting. The pain I am feeling everytime I see my child suffer is unbearable. Mas gugustuhin ko pa na ako ang makaramdam ng mga sakit na iyon kaysa sa anak ko. If only I could take away all her pain and let her be free from all of this. I reached for her hand and kissed the top of it. Tila ba nag-uunahan na naman ang mga luha ko na pumatak. Parang isang karera na umaagos sa magkabila kong pisngi. "Anak, I know you can hear me. Magpagaling ka ha, Mommy's right here. Hindi kita iiwan whatever happens. I promise na kapag gumaling ka aalis na tayo dito. Babalik na tayo sa Amerika. 'Di ba that's what you want? Kaya magpagaling ka na anak." I sobbed harder. Hinawi ko ang kaunting buhok na tumakip sa kalahati ng mukha niya. Maingat ko iyong inilagay sa gilid ng kaniyang mukha para hindi magalaw ang bandage na nasa kaliwa niyang noo. May nakakabit din sa kaniya na oxygen para hindi siya mahirapang huminga. I felt Abygail's hand on my shoulder. "Yara, umuwi ka muna. Kami na muna ni Miyang ang bahala kay Gerry. Go home and take some rest para bukas ay mabantayan mo na ang anak mo." She insisted. Napalingon ako kay Miyang na tulala pa rin sa isang tabi. Kanina, bago ilipat ng kuwarto si Gerry ay iyak siya nang iyak at patuloy na humihingi sa 'kin ng sorry. She said that it was her fault for not keeping an eye on Gerry. Kahit na sabihin ko na wala siyang kasalanan ay patuloy pa rin siya sa pagsisi sa sarili niya. Katulad ng ginagawa kong paninisi sa sarili ko. Muli akong tumingin kay Aby at umiling. "No. Dito lang ako at babantayan ang anak ko. I'll be fine Aby, you don't have to worry about me." "Bahala ka. Basta of you need anything I'm just a call away. Pupuntahan ko muna ang mga bata at ihahatid ko kila Mama para masamahan kita." She said. Tumango lamang ako habang nakatingin kay Gerry. I heard her sighed bago lumakad palabas. Ilang segundo lamang ay narinig ko na ang pagsarado ng pintuan ng kuwarto. Nang makaalis na si Aby ay saka ko naramdaman ang panghihina. I felt empty, discourage and pathetic. Wala akong magawa para sa anak ko. I held her hand again and shut my eyes close. I breathed in trying to control my sobs. I prayed. Sinubukan kong magdasal. Kahit na minsan nang nawala ang pananampalataya ko. I know I'm not that saint para pagbigyan Mo. But Gerry, she's a good girl. A very sweet and loving child. She's the only one I've got, the only one left for me to hold onto. Kinuha Mo na ang isa ko pang anak, so please ipaubaya Mo na si Gertrude sa'kin. A tear fell as I close my eyes. "Anak," she said and sat beside me. Nakapasok na pala si Mama nang hindi ko man lamang napapansin. Kahit na gusto ko siyang itaboy ay hindi ko magawa. I just don't have the time to deal with conflicts involving her or any of my past. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. "I am a failure. I am not a perfect mother." I said out of nowhere. Naramdaman ko na lang ang maiinit niyang palad na humahaplos sa likod ko. "Anak, Yassie," she started "Walang perpektong ina. Lahat tayo ay nagkakamali, it's part of being human. Love for your child is not measure by how many gifts you can give but with the moment you shared together. The time you can give, and Yassie, you gave her everything." I snorted. "Really?" "Yes, and up until now ay pinagsisihan ko na hindi ko naibigay sa 'yo ang oras ko. I am living in regrets and what if's." "Regret? Regret for what, leaving me. O wait scratch that, regret for selling me." I looked at her and I saw how her expression softened. She gave me a wry smile and looked at Gerry. She sighed as she reached for my hand na nakahawak sa kamay ng anak ko. "It's time to tell you our story. Your Papa and mine." Panimula niya. "Nakilala ko ang Papa mo sa isang party. Nagkagusto sa 'kin ang Papa mo. Makisig at guwapo, aaminin ko. Pero he's not for me. I already found my one true love, si Fajardo. Ayaw ng Lola mo sa nobyo ko dahil hindi siya katulad namin na mayaman. She set me up to marry your Papa, pero the night before our wedding ay tumakas ako. Nagtanan kami ni Fajardo at nabiyayaan ng isang anak. Si Angelique. Wala pang isang taon ay nahanap nila ako. Inilayo nila ako sa mag-ama ko at pinilit na pakasalan ang Papa mo. Two years after, I gave birth to you. That was the happiest day of my life. Pero maagang namatay si Mama, hindi mo man lang nakilala. But before she died, she made me promised her to stop looking for Angelique. Of course, iyon din ang kagustuhan ng Papa mo. I don't have the capability to search for them after all. I am his prisoner. I tried to love your Papa pero hindi ko kaya. He's the total opposite of me kaya lahat na lamang ng desisyon ay humahantong sa pagtatalo at pag-aaway and I got tired. Kaya I tried to search for them again. Ilang taon ang lumipas bago ko sila nahanap. Kaya madalas akong wala sa bahay ay pinupuntahan ko sila. Years passed at hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko kay Fajardo. Your Papa found out. Kahit na labag sa loob niya ay pinilit kong makipaghiwalay. Sinubukan kitang kuhanin sa kaniya pero hindi siya pumayag. Until one day, nabalitaan ko na lang na wala na siya. You were left with your Nanny na tinuring mo nang lola. Ayaw ka niyang ibigay sa 'kin kaya nang mawala siya ay kaagad kitang kinuha. I was fixing your papers, para sa adoption. Pumayag na rin si Fajardo na kuhanin kita. Iniwan muna kita sa mga Tejares para hindi magka-aberya sa mga dokumento. But when I came back to get you, pinagtabuyan nila ako. Believe me anak, ginawa ko ang lahat ng kaya ko para maibalik ka. I did my very best just to have you back!" I smiled, bitterly. Tinabig ko ang kamay niya at tinuon ang buong atensiyon kay Gerry. I wiped away the tears that came rolling through my eyes. Nagiging misty na rin ang paningin ko dahil sa mga luha. "I don't know what to believe anymore. It's hard to trust, especially kapag nawala na ang pagtitiwalang iyon." I said and looked away. "Trust is like a piece of paper, once crumpled it can never go back to the way it used to be." *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD