Chapter 16

1546 Words
[16] Secrets "Yara, sige na. Puntahan mo na si Don Ruben, kami na ang bahala kay Gerry. Sasabihan ka na lang namin kapag gumising na siya. Okay?" "Sige Aby, salamat talaga." "Papunta na naman si Terrence 'di ba? Kaya 'wag ka nang mag-alala. Magiging maayos din ang lagay ng anak mo." Tumango lang ako at sinabit na sa balikat ko ang aking itim na shoulder bag. Naroon din nakalagay ang isang folder kung saan nakalathala lahat ng reports ni Ainne tungkol sa hotel. Medyo natawa ako kahit papaano sa kaniya dahil grabe ang pagkamuhi niya kay Reyson. She told me how much she hates him to the core dahil sa taglay nitong kayabangan. Nang hapon naman ay nakatanggap kami ng magandang balita mula sa doktor ni Gerry. She said that anytime soon ay magigising na si Gerry. Her health condition is getting better and better. Siguro ay dahil na rin sa mga bumibisita sa kaniya at sa mga nagdarasal. Madalas din na bumisita sila Anton kasama pa ng ibang teachers ni Gerry. And her body response to the sounds and voices. That gave me hope, when she moved her little fingers. Nang mga oras na 'yun ay biglang lumiwanag ang mundo ko. It lit up the little faith that was left in me. Kahit si Terrence ay tuwang-tuwa nang malaman niya iyon at kaagad na nagpa-book ng flight pabalik sa Pilipinas. He abandoned his meeting para kapag nagising si Gerry ay nandoon siya para sa bata. I hopped inside the car and started the engine. Nag-text kasi sa 'kin si Divina at sinabing gusto raw akong makita ni Lola. She said na ayaw raw uminom ni Lolo ng gamot hanggat hindi ako dumadating doon. Bigla kong naalala ang pangako ko kay Lolo Ruben. I told him na bibisita ulit ako sa kaniya pero kasama ko na si Gerry. Nasabi ko sa kaniya minsan ang tungkol sa anak ko at gustong-gusto na niyang makita ang apo niya. "Hello, Divina papunta na 'ko diyan. Yeah, give me five minutes. Okay." I dropped the call and turned right. After some few minutes ay nakarating na rin ako. I parked the car outside at napahinga ng malalim. Napahilamos na lamang ako ng mga palad sa mukha habang pilit na ipinapasok sa isip ko ang mga nangyayari. Na bakit sa dami ng tao sa mundong ibabaw ay sa 'kin pa nagka-doble doble lahat ng problema. Ang una ay ang anak ko, na wala man lamang akong nagawa. But then, hope filled me nang malaman namin na puwede nang magising si Gerry. Pero para bang pinaglalaruan ako ng tadhana, naka-recieve ako ng text mula kay Divina na muntikan na namang atakihin si Lolo dahil ayaw uminom ng gamot. I got out of the car at dumiretso sa tapat ng gate. I sighed as I was about to open the gate pero nagbukas na ito mula sa loob. Sumalubong sa 'kin ang isa sa mga katulong nila na nakalimutan ko na ang pangalan. "Nako Ma'am! Mabuti naman po at nandito na kayo, kanina pa kayo hinihintay ni Senyorita Divina at Senyora Ezperansa!" Bulalas niya. Kahit na gusto ko siyang pansinin ay hindi na ako nag-abala pa ng oras at dali-daling pumasok sa loob at tinungo ang silid ni Lolo. Sa mga oras na iyon ay naiinis ako sa laki ng mansiyon nila. Kung dati-rati ay in-admire ko kung gaano kalaki at kaganda iyon ngayon ay wala na. Naiinis ako dahil pakiramdam ko ay bawat hakbang ko ay ilang minuto ang nababawas sa oras ko. Na sa loob ng ilang oras na paglalakad ko sa napakahabang pasilyo ay siya namang paglala ng kondisyon ni Lolo. Ngayon ay naramdaman ko na kung ano ang naramdaman ko noon kay Gerry. Nang mga sandaling tinutungo ko ang daanan ng ospital. 'Yung kapareho ng kaba na hindi mo mawari. It's like I'm getting near to the end. Ganoong pakiramdam na ayoko nang maranasan pa. "Arcie!" Nakita ko ang private nurse ni Lolo na kalalabas lamang sa kuwarto. May dala siyang tray ng mga gamot at mukhang hindi maipinta. "Kumusta na ang lagay ni Lolo?" Kaagad kong tanong nang nakalapit na ako sa kaniya. Kaagad namang nagliwanag ang mga mata niya nang makita ako. "Gosh Miss Yara! Mabuti naman at dumating ka na, halika, ikaw ang magpa-inom ng gamot sa Lolo mo." Tumalikod siya at binuksan ang pinto ng kuwarto. Nasilayan ko kaagad si Lolo na naka-upo at kinakausap si Divina. Nandoon din si Donya Ezperansa na naka-upo naman sa gilid ng kama ni Lolo Ruben. "Lolo," tawag ko sa kaniya na kaagad namang naagaw ng atensiyon ng mga nasa loob ng kuwarto. Nakita ko kung paano nagliwanag ang mga mata ni Lolo at kung paanong humubog ng mga ngiti ang kaniyang labi. Kahit na si Divina ay nginitian din ako at lumapit sa 'kin para ako ay yakapin. "Yara thank God you're here, kanina ka pa iniintay ni Lolo. He kept on insisting na saka lamang siya iiinom ng gamot kapag dumating ka na." She said while hugging me. Ginantihan ko naman siya ng yakap. Lumapit ako sa tabi ni Lolo pero bago iyon ay nasulyapan ko kung gaano kaasim ang mukha ni Donya Ezperansa sa 'kin. 'Yung lagi niyang ekspresyon sa t'wing makikita niya ako noon. Hindi ko na lamang siya pinagtuunan ng pansin at lumapit kay Lolo. I held his hand. "Lolo, 'di ba sabi ko sa 'yo na kailangan lagi kang susunod kay nurse Arcie. Masama sa 'yo ang hindi pag-inom ng gamot. You know that right?" Pangaral ko sa kaniya pero parang wala ang atensiyon niya sa mga sinasabi ko. Patuloy lamang siya sa pagsilip ng likuran ko at sa pinto. I looked at him. "Lo? What are you doing, may hinihintay ba kayo?" "Apo, Rasiel, nasaan na siya?" "Sino po?" "Ang apo ko, si Gertrude. Naalala ko 'yung huli mong sabi sa 'kin. You told me that you'll bring her here to meet me. Nasaan na ang apo ko?" Napangakuan ko nga pala si Lolo na isasama ko si Gerry sa susunod na pagbisita ko. He knows a lot. Lalo na ang tungkol kay Gertrude at sa tunay na nangyayari sa annulment case namin ni Damien. I smiled at him sadly. "Lolo, I'm sorry. Isa pa 'yan sa dahilan na hindi ako makadalaw. Gerry was rushed at the hospital." Sagot ko sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ni Lolo at bakas sa mukha ang pag-aalala. He squeezed my hand and touched my face. "Anong nangyari?" He asked softly. I tried my best no to cry, holding back my tears. "She was hit by a car, and sadly, hindi pa namin nakikita kung sino ba ang salarin." Ilang sandaling natahimik ang paligid. Nakatingin lamang silang lahat sa 'kin at ramdam ko ang simpatiya nila para sa 'kin. I felt Arcie's hand on my shoulder, trying to comfort me. Tumingin lamang ako sa kaniya at ngumiti. Nabigla kaming lahat ng bigla na lamang nagsalita si Donya Ezperansa. "So? Kumusta na ang apo ko! How is she, is she okay? Nasa stable state na ba si Gertrude?" Sunod-sunod na tanong niya. Nagtataka na napatingin kami sa kaniyang lahat at kita namin kung paano nag-iba ang kaniyang ekspresyon. "She's stable, iniintay na lamang namin siyang magising." I told her. Nakakunot lamang ang mga noo ko na pinagmasdan ang mga kilos niya nang sabihin ko ang tungkol kay Gertrude. She sighed at pagkatapos ay lumabas ng kuwarto. Sinundan lamang namin siya ng tingin hanggang sa nagsalita si Lolo. "Iwan niyo muna kami ng apo ko. Divina, Arcie. Kailangan ko lamang siyang maka-usap." Utos ni Lolo na kaagad namang sinunod nina Divina. Nang maisara na ang pinti ay tumingin sa 'kin si Lolo at alam ko na kung ano ang pinapahiwatig niya. I gave out a heavy sighed at tumingin sa ibang direksiyon. "Rasiel, apo." Panimula niya pero nakatingin pa rin ako sa ibang direksiyon at hindi siya pinapansin. "Maybe it's time to tell him the truth." "Anong truth Lolo?" "You know what I am talking about." I snorted, "Para saan pa Lolo? He's already happy with Kiana. Bakit ko pa sasabihin sa kaniya na peke ang pinirmahan niyang annulment papers. Masaya na rin naman ako sa buhay ko kasama si Gerry at Terrence." Lolo sighed. Alam niya na fake lamang ang lahat. Na hindi legal ang paghihiwalay namin ni Damien. Alam na niya pala iyon bago pa ako pumunta sa Amerika at hindi ako pinigilan dahil sa mga desisyon ko. And now, he's blackmailing me to get back with Damien pero hindi ko kayang gawin. I don't want to spoil what I have. Magsasalita na sana si Lolo nang biglang magbukas ang pinto ng kuwarto. Bigla akong nakaramdam ng kaba at pagkabahala. Pilit na iniisip na sana'y hindi si Damien o si Divina ang nakikinig sa usapan namin. Kahit na si Lolo ay pagkabahala rin ang nakasulat sa mukha. Marahan kong inihilig ang ulo ko para makita kung sino ang nakikinig sa usapan namin. At nang mga sandaling iyon ay bigla na lamang nalaglag ang puso ko. "Keia..." Keia's lookig at us, shocked. "Hindi totoo ang lahat?" She asked innocently. Natutop ko ang aking mga labi dahil sa pagkagulat. Nakita ko kung paano gumuhit ang sakit sa kaniyang mukha at kung paano pumatak ang mga luha niya. *****  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD