[17]
"Keia, listen to me okay? 'Wag mong sasabihin kahit kanino ang narinig mo ha. Can you keep it a secret for now?" I asked her as I wiped away her tears. Nang marinig niyang lahat iyon ay nagtatakbo siya palayo pero agad ko naman siyang sinundan at naabutan sa garden na umiiyak.
She sobbed.
"Okay po tita, I will keep quiet po muna. Promise niyo po na 'wag niyong aagawin si Papa kay Mama ko. She'll get mad po e, I don't want her to be sad."
"Thank you Keia. Wipe your tears, girls are not supposed to cry. Our tears are very precious, y'know." Namilog ang mga mata niya at tumingin sa 'kin.
"Talaga po?" She asked innocently.
Muli kong pinunasan ang mga luhang kanina pa tumutulo sa mga mata niya. Hinawi ko ang buhok niyang itim na itim na katulad ng kay Gertrude at inipit iyon sa likod ng kanyang tainga.
I smiled at her and she smiled back. Her smiles are comforting na parang sinasabi na huwag ka nang umiyak dahil ayos lang ang lahat. It gives message that everything will be alright and she'll stay by your side no matter what.
I hugged her, I was tempted dahil nararamdaman ko kung gaano siya kalungkot. Of course, ganoon din ang naramdaman ko noon. Bilang isang bata ay gusto ko parati na kasama ko noon ang mga magulang ko. Kahit na wala silang time sa 'kin ay ginagawa ko ang lahat para mapansin nila.
"Tita Yara, how's Gerry po?" Biglaan niyang tanong.
"She's getting better and better. Pero hindi pa rin siya gising. Sabi ng doktor na anytime soon ay magigising na si Gerry." I explained. Tumango-tango naman siya na parang naiintindihan ang sinasabi.
I looked at her, kung titignan si Keia ay sobrang amo ng mukha nito na parang anghel. Ngayong napapagmasdan ko siya ng malapitan ay masasabi kong hindi talaga siya kamukha ni Kiana. She kind of looks a lot like someone I knew long ago. Her eyes, her nose, especially her pouty lips. Her jet black hair na mukhang pamilyar na pamilyar sa 'kin. But, there is sadness evident in her face. Sadness that I witnessed long ago.
I sighed, she probably loves her Mom para ipapangako sa 'kin na hindi ko aagawin ang Papa nito sa kaniya. She doesn't want to see her Mom sad or down. Ang bata pa niya para isipin ang mga tao sa paligid niya. She should be the one who's receiving attention and not the other way around.
"Keia?" Tawag ko sa kaniya.
Lumingon naman siya sa 'kin na parang nagtatanong ang mga mata.
"How's your Mom? I mean, do you enjoy having her around. Kasi you love her that much."
She looked at me for a minute then she looked down. Ang mga kamay na tila ba nilalaro at hindi mapakali. I patted her back pero wala pang isang minuto ay tumunghay na siya at nakita ko ang mga pilit na ngiti sa mga labi niya.
"Si Mama Kiana po? Hmm, she's okay. Kapag magkasama po kami napakasaya ko. Kahit na minsan lamang po 'yun mangyari. She's all I could wish for po. Kahit na..." she paused.
"Kahit na?"
"Kahit na po hindi ko siya tunay na Mama."
I saw how a tear fell from her eyes at nasundan pa iyon ng ilang butil. Samantalang ako ay napanganga na lamang sa pagkabigla. Kaya pala. Kaya pala walang oras si Kiana sa batang ito ay dahil hindi niua ito laman at dugo. She's nor her own.
Somehow, I felt her sadness.
Nakikita ko sa kaniya ang sarili ko. Though hindi kami ganoon kapareho ng sitwasyon pero ganoon na lamang din ang paghingi ng atensiyon.
"Si Damien. Is he your real Papa?" I asked. Trying to make everything clear. Kung hindi si Kiana ang tunay niyang ina, then sino? Kung si Damien man ang tunay niyang ama ay sino ang nanay niya. Hindi kaya may isa pang babae si Damien na hindi sinabi sa 'kin.
Could it be?
"H-hindi ko po alam e. Narinig ko lang po si Lola at Mama na nag-uusap at sabi na hindi ako tunay na anak ni Mama. I didn't have the heart to listen to the rest po kaya pumunta na po ako sa room ko." She explained.
"Alam ba nila na alam mo na?" I asked again but she just shook her head. Bigla ko na lamang siyang niyakap at hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako para sa kaniya. I felt her hands on my waist kaya lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kaniya.
She's suffering so much at an early age and it's not fair. She's hurtinf and she's trying to keep it in all along. Ayaw niyang ipaalam sa lahat na nasasaktan na siya. She's showing off her bubbly and happy character but inside, she's broken.
And I pity her for that.
"Keia,"
Kaagad siyang napabitaw sa akin nang biglang may boses na tumawag mula sa likod ko, kasunod noon ay ang isang pigura ng isang babae na sopistikada kung maglakad.
Si Kiana.
Nakasuot ito ng isang fitted dress na kulay pula at umabot hanggang sa kalahati ng tuhod nito. Naka-heels rin siya ng kulay itim at mga alahas na makikita sa mga mayayamang tao. Ang kaniyang ayos ay para pa ring isang modelo.
Tumingin ako kay Keia na namimilog ang mga mata at kaagad na na nagtatakbo palapit sa kinikilala nitong ina. Yumakap siya rito kahit na hanggang sa hita lamang siya nito. Si Kiana naman ay hindi man lamang ginantihan ng yakap ang anak at pinatong lamang ang kamay sa ulo ng bata.
"Mama you're back po! I miss you so much!" Keia shrieked habang nakayakap kay Kiana. "Don't go na po ulit ha? I miss you so much po talaga!" Halata sa boses ng bata ang excitement nang mayakap si Kiana. Pero ang kaniyang tinuring na ina ay wala man lamang ekspresyon.
Humiwalay na si Keia sa pagkakayakap at tumingala kay Kiana.
"Go to your room. Now." Utos niya sa anak. Nakita ko naman ang paglambot ng ekspresyon ni Keia at nakatungo na sumunod sa utos ng ina.
Nang makaalis na ang bata ay tumayo ako para harapin ang nakangising si Kiana. She looked at me from head to foot pero I just smirked at her.
"So Yara, are you trying to win my daughter's affection? Aren't you sweet!" She said sarcastically.
I rolled my eyes at her. Calling Keia her daughter but not acknowledging the child's excitement is not the way it is.
"Was that how you treat your daughter?" I asked her. Tinutukoy ko ay kung paano niya paalisin si Keia. The child she's claiming to be her daughter. She rolled her eyes at me na para bang diring-diri sa sinabi ko.
She snorted, "Well, that's how I treat my daughter. What about you, your daughter died right? What an irresponsible mother you are!"
Parang isang bulkan na unti-unting napupuno ng magma ang pakiramdam ko. Na anumang oras ay sasabug na ako at masusugod ko na ang babae sa harap ko. Nang oras na marinig ko ang tungkol sa anak ko ay kaagad nagpantig ang aking tainga. Trying to hold back my anger. Imbes na sagutin ko siya ay inirapan ko na lamang siya at sinubukang lagpasan.
But she speaks again pushing me to my limits.
"That other girl, the one you adopted." She satrted. Alam ko na si Gerry ang tinutukoy niya. I stopped from my tracks and faced her, grinning from ear to ear. "Sa totoo lang, naawa ako sa kaniya. She must be feeling terribly sad. As a replacement. As a second best. Such a cruel act, don't you think?"
"Puwede ba tumigil ka na. Huwag mong itulad ang nararamdaman ni Gerry sa nararamdaman mo noon. You were second best, right? Kasi kahit anong gawin mo, kabit ka pa rin." I retorted. Tumaas naman ang kilay niya at saka tumawa ng malakas.
"Oh my! Funny Yara, ako kabit? Ha-ha, nasa akin na nga ngayon si Damien. She's my husband now and where did it get you, nowhere!" She said.
Ako naman ang tumawa at saka binigyan siya ng malaking ngisi. Tumaas na naman ang mga kilay niya habang nag-iintay ng sasabihin ko.
"Husband? Oh well, if that's what you think. Then so be it," I said and walked passed by her. Pero hindi pa ako nakakalayo ay sumigaw ulit siya that made me halt.
My heart started to pound so hard at para akong naitulos sa aking kinatatayuan. Ang aking katawan na parang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sobrang lamig at ang utak ko na biglang nablanko. Walang ibang laman kundi ang sinabi ni Kiana.
Naramdaman ko pa ang pagbangga niya sa braso ko nang lampasan niya ako as she called me names pero hindi ko na iyon napansin. Ang tanging laman na lamang ng utak ko ay ang mga sinabi niya, those mind games.
"What if I tell you that your precious Zari is alive and well, what would you do?"
Pero imposible iyon dahil naroon ako nang inilibing ang anak ko. Nakarga ko pa siya nang dalhin ako nila Aby sa walang buhay niyon katawan.
And what Kiana told me, that would be absurd.
*****
To be continued...