"Well, hindi ko na problema 'yon. Okay, salamat sa pagligtas mo sa akin. You may go now, Mr. Demicillo." Tumayo na siya at hinintay na tumayo na rin ito pero nanatili ito sa pwesto. "From afar, gustung-gusto na kitang lapitan pero natatakot ako na lalo kang magalit sa akin. I think mas mabuting may hawak akong ebidensiya na totoo ang sinasabi ko bago ako magpakita ulit sa 'yo. Pero nang makita ko ang nangyari kanina, definitely, hindi ko kayang panoorin ka lang gaya ng ilang araw ko ng ginagawa. Please come back to me, sweetheart. Ipaliliwanag ko sa 'yo ang lahat. Kung kinakailangang mag-umpisa ako sa nangyari sa atin six years ago, para maliwanagan lang tayo pareho. I can assure you na ginagawa ko ang lahat para patunayan ang sarili ko sa 'yo. Para maalis ang agiw na itinatak ni Gwyneth