Chapter 43

1411 Words

"Alam ko na ang lahat. Tigilan mo na ang pag-arte mo dahil hindi ka naman artista." Humakbang ito palapit pero hindi para pumunta sa kanya. Akmang tutunguhin nito ang silid ngunit hindi niya ito hinayaang lagpasan siya. Pinigilan niya ito sa isang braso at ipinihit paharap. "Magpapaliwanag ako---" aniya ngunit hindi niya nagawang tapusin ang sasabihin dahil biniling nito sa sampal ang kaliwang pisngi niya.  "Wala ka ng ipaliliwanag pa, Marco. Nasabi na ng  fiance mong si Gwyneth ang lahat ng kailangan kong marinig. Alam mo, nagpapasalamat pa nga ako sa kanya, e. Biruin mo kung hindi dahil sa kanya, mukha pa rin akong tanga na nag-pa-pa-gago sa' yo!" Pinispis nito ang kamay niya at saka siya hinarap. Poot para sa kanya ang nakikita niya sa mga mata ng dalaga at nasasaktan siya dahil doon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD