Chapter 24 Arianna's POV Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Nang imulat ko ang mata ko ay ang liwanag mula sa malapad na bintana at lumilipad na kurtina ang unang bumungad sa akin. Gagalaw sana ako ngunit may mabigat na brasong nakayakap sa baywang ko. Inaantok pa ako ngunit napangiti kaagad ako. Buti na lang ay mamaya pang hapon ko balak pumasok sa trabaho, kaya nga malakas ang loob kong uminom kagabi. Talaga palang nakakatamad bumangon sa umaga kung may katabi kang matulog? Humarap ako kay Jackson nang hindi inaalis ang braso niyang nakayakap sa akin. Nakabaon ang ulo niya sa unan, para bang hanggang sa pagtulog ay bitbit niya ang stress sa trabaho kaya kunot ang noo niya. Half naked siya, napansin kong natutulog siya ng walang top palagi, nasa resort pa lang kami. Ako

