Chapter 13 Arianna's POV "Good morning!" Nangunot kaagad ang noo ko kahit nakapikit pa ako. Feeling ko kulang na kulang pa ang tulog ko kaya hindi ko pa makuhang imulat ang mga mata ko. Kung hindi lang may isang matilis na boses ang biglang umalingawngaw ay baka hindi pa ako magising. "f**k, Clara! Why are you here!" Halos mabingi ako sa malakas na boses ni Jackson na nasa may ulo ko. Napadilat na ako dahil doon. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realised kong nakadapa ako sa topless niyang katawan. s**t? "Oh, sorry, Celestine helped me. Don't worry, sanay naman ako na nakikita kang may babae sa kama." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Mabilis na nag-init ang mukha ko nang makita ko roon si Clara. Ngiting-ngiti siya habang tinatagiliran kami ng ulo. Siguradong malilikot na i

