Chapter 14 Arianna's POV Nasa likod ko ang dalawang kamay ko habang naglalakad sa gilid ng swimming pool. Bandang hapon na nang matapos kami sa kusina. Itinuro ko sa mga cooks kung paano lulutuin ang mga recipe ko sa dishes na expected nina Jamaica na nasa menu. Buong maghapon ay inabala ko ang sarili ko sa trabaho, ibinabaling ko ang buong atensyon ko roon dahil ayokong isipin ang magiging event bukas. Bukas na ang engagement party, at bawat oras na nalalapit ang event ay unti-unting lumilinaw sa akin ang mga bagay na pilit kong nililimot. The engagement party was for the man that I love, who also said a lot of times how much he loves me, but the engagement was with someone that is not me. s**t! "Are you okay, Chef Ari?" Halos mapapitlag ako nang bigla na lang may nagsalita sa likod k

