Chapter 15 Arianna's POV Tahimik ako sa kama habang pinapanood si Jackson na nasa harap ng laptop niya. Mula kanina ay tahimik pa rin siya. Nabibingi na ako sa katahimikan pero hindi pa rin siya umiimik. Wala pa rin ba siya sa mood? Konti na lang talaga iisipin kong si Chef Elijah talaga ang dahilan ng pagka-bad mood niya. Nagseselos ba siya? Attracted lang naman siya sa akin, hindi ba? Napangiti ako dahil sa kalokohan na nasa isip ko. Posible ba? Parang tanga pala siyang magselos? Napakurap ako nang biglang may nag-ring na cellphone. Bago ko pa iyon hanapin ay tumayo na si Jackson para kunin ang cellphone niya sa bedside table. Pasimple ko lang siyang tiningnan nang ilagay niya sa kaniyang tainga ang cellphone niya pagtapos iyon sagutin. "Yes, Kylie?" Natigilan ako sa pangalang

