Chapter 13

2614 Words
Rae’s POV It was a good, bright blessed morning dahil linggo ngayon. All thanks to God because he gave me life and another day to live in this world. He’s so good to me beyond my sins, lalo na ang pagiging bakla ko. After all wala naman na akong ginawa pang mali, maliban na lang sa pakikipag-away ko kay Zein. Demonyita naman kasi ang babaeng iyon at sure akong hindi pa man iyon nababawian nang buhay ay nasusunog na ang kaniyang kaluluwa sa impyerno. ‘Mahabaging diyos, patawari niyo po sana ako dahil inumpisahan ko na naman po ang araw na ito nang kasalanan. Sorry po kung hindi ko ma-control ang emosyon ko pero totoo po ang mga pinagsasabi ko.’ Saad ko sa isip ko habang napapapikit. Napaayos rin naman ako ng upo habang nakasandal sa may head board ang likod ko. Kagabi ay masaya naming pinagsaluhan ni kuya’yung binuli namin sa Jollibee habang nanonood kami nang movie sa may sala. Nakakatawa nga siya dahil panay ang asar niya sa akin kapag kinikilig ako kay Chris Hemsworth, ‘yung gwapong Australiano na gumanap bilang si Thor nang Marvels. Crush na crush ko iyon kasi gwapo na, hot pa! At saka, mukha naman siyang mabait para sa akin. Mamamatay siguro ako kapag nakita ko na siya sa personal. Men in black kasi ‘yung pinanood namin at siya ang isa sa mga bida doon. Yie…super sarap! Napagdesisyonan naman nang lalaking iyon na matulog na lang daw sa sala, na siya namang hindi ko pinahintulutan dahil maraming lamok pero nagpumulit ang gago. Pwede naman kaming mag-share sa kwarto dahil medyo maluwang naman ang kama ko pero nang maalala ko kung gaano siya kalikor ay wala na rin akong nagawa pa kung hindi hayaan siya matulog doon. Ayoko rin naman kasi nang malikot katabi, knowing na si Kuya at daig pa ang ferris wheel sa kaiikot at mga batang lawayin kapag natutulog. Ang baho pa naman nang laway niya. Ang tanda-tanda na niya pero kilos pa rin siya bata. Joke lang, ‘wag kayong maniwala sa kaluyaan ko. Nagpagulong gulong naman muna ako sa kama, na siyang usual kong gawin bago ako bumangon. Alas singko y media na rin naman at kailangan ay maaga ako dahil alas siyete nang umaga ang misa. Matapos kong gumulong from left to right, then right and right ay napasigaw ako nang mahulog ako sa kama. Napahawak naman ako sa kanan kong braso dahil nadaganan ko. Ang sakit! Hinahaplos ko pa ito habang bumabagon, para napilayan ‘ata ako nang very slight. Feel ko kasing bread roll ako kaya ganon ang ginagawa ko tuwing umaga, inshort stretching ko kuno. I feel relaxed kapag ginagawa ko ‘yon eh, napakagaan sa pakiramdama. Try niyo rin guys at nang mauto ko kayo. After that I decided to take a bath na dahil maaga talaga ang alis ko ngayon. Nakakahiya kasi kay Azi kapag sinundo pa niya ako dito sa bahay at saka, baka mapagkamalan siya ni Kuya na… Alam niyo na kung anong ibig kong sabihin, ‘wag kayong painosente dahil amoy na amoy ko kung gaano kayo kalandi. Char! Nakakahiya kasi hindi naman ako babae na kailangang sunduin. Lalaki pa rin ako physically, ibanag usapan na lang kapag sa puso, kilos at pananalita ko. Napapasipol pa ako habang naliligo dito dito sa loob nang banyo. Dinadama ko kasi ‘yung lamig nang tubig na dumadampi sa aking balat and I feel refreshened. Mabilis rin naman akong natapos at lumabas na rin naman ako upang makapagpalit. I just wear a simple white polo na tinernohan ko nang puti ring short at shoes. Konti na lang mapagkakamalan na akong ligaw na kaluluwa, na hindi makaakyat akyat sa langit. Maganda rin ‘yung ito ang suot ko sa aking beach wedding. Oh, ‘di ba? Ang likot talaga ng isip ko! Pagkababa ko naman ay bumungad sa akin si Kuya na nakapangbahay pa rin. Pinahiram ko kasi siya nang damit kahapon and luckily, may kumasya naman sa kaniya. Mahilig rin kasi ako sa mga medyo off at big size na damit kaya sure akong marami pang kakasya sa kaniya bukod d’yan. I thought maaga rin ang pasok niya ngayon, which is sinabi niya kagabi. “Good morning, Kuya!” Malugod kong bati sa kaniya pagkalapit ko sa kaniya. Ngumiti lang rin naman siya sa akin habang nag-iinat sa may sofa. “Good morning too, bro.” Sagot niya rin naman pabalik bago tuluyang bumangon. Napapahikab pa siya at nagkakamot sa katawan. “Ang daming lamok kagabi, halos hidi ako nakatulog.” Singhal niya. Kita ko naman ang mga namumulang mosquito bites sa kaniyang mga braso. Bigla tuloy ako naawa. I heaved a deep sigh at kumuha sa may cabinet nang ointment. Nabili ko iyo noon sa drug store dahil may kumagat rin sa mukha kong lamok at nakakahiya kung makita nang iba, baka kasi mapagkamalang pimples. Meron rin akong off lotion dito, nakalimutan kong ibigay sa kaniya kagabi. Inabot ko naman iyon at tumabi sa kaniya. “Sabi kasi sayong doon ka na sa kwarto matulog. Ayan, bawas sa pogi points mo, Kuya.” Saad ko pero napangisi ako sa huling parte. “Hindi na bale, nasarapan naman ang mga lamok sa akin. Ang hot ko daw kasi,” bawi niya habang ngumisi rin. Napaikot na lang ako ng mata sa isip ko. Ang cool talaga niya and I don’t know kung bakit wala pa siyang girlfriend sa gwapo niya ‘yan. Baka naman kapederasyon rin ang isang ‘to? Char! Napatayo na lang ako at dumiretso na nang kusina upang maghanda nang makakain namin. “Ewan ko sayo,” saad ko pa bago tuluyang makapasok sa kusina. Rinig ko naman siya tumawa nang malakas, ‘yung tipong wala nang bukas. Duh, he’s ko nakakairita sa tenga. Ang pangit pa naman nang pagkatawa, parang may kasamang plema sa dulo. Nang mabuksan ko ang ref ay naalala kong hindi pala ako nakapag-grocery kahapon. Napatakbo naman ako sa labas upang bumili nang noodles and egg. Tinanong pa ako ni Kuya kung saan ako pupunta pero hindi ko na lang sinagot at nagpatuloy lang ako palabas. Mabilis rin naman akong nakabalik dahil iba na ‘yung nagtinda sa akin sa may maliit na sari-sari store na pinagbilhan ko noon, ang sabi ay anak daw ito nang matanda. Gulat rin naman si Kuya nang makita ang hawak ko. Nag-insist pa siyang magluto pero hindi ko ulit siya pinayagan. Sabi nga kagabi, ang bisita ay dapat na inaasikaso. “Bakit ka bimili niyan, wala ka na bang stock? Nagdududa na talaga ako sayong bata ka.” Natahimik ako sa sinabi niya. Bigla ko namang naalala ‘yung nangyari noong isang araw. Lumingo ako at nakita ko siya nakaupo na pala dito sa may kusina habang pinapanood akong magluto. Namamawis na rin ako. Sana pala after ko na lang magluto ako naligo, pero nakakapasma kasi kapag gano’n. “Nakalimutan ko kasing mag-grocery kahapon, Kuya, at saka hindi rin ako sa mall nagpunta kahapon, kung iyon ang iniisip mo.”Diretso kong sabi at iyon naman talaga ang totoo. Balak ko rin naman talaga ang magpunta nang mall kahapon pero hindi ko na nagawa because of the strange feeling na kusa ko na lang naramdaman. “Sigurado ka?” Paniniguro pa niya sa akin. Nakakatakot rin minsan ang magsinugaling sa kaniya eh, ang seryoso niya kasi. Tumango lang naman ako bilang sagot. “Hindi lamok ang kumagat sa akin, Rae… Langgam,” Napahawak ako nang mahigpit sa sandok dahil doon. Mukhang may hindi ako nalinis o natirang bagay doon na galing sa kusina at nilanggam. Ang sakit naman kung langgam ang kumagat sa kaniya. “S-Syempre bahay rin ‘to, Kuya, kaya normal lang na may langgam.” Dahilan ko pa at sinubukan ko talagang ngumiti. Mahirap a baka mabuko tayo. Ayokong malaman niya ang nangyari dahil isusumbong niya iyon kay Dad, baka ilipat nila ako nang school o ipunta sa states kapag nabuko ako. Binantaan na rin ako ni Dad dati. Napakamot na lang siya sa batok niya, pati na rin sa kaniya katawan. Kawawa naman, baka hindi pa siya makapasok dahil d’yan. “Nakapakalat mo naman kasing kumain at nilalanggam na ang buong sala mo.” Singhal niya. Matapos naming kumain ay sabay na kaming lumabas. Gusto pa niya sana akong ihatid pero tumanggi na ako, sakto rin naman ang biglang sulpot ni Azi sa isang sulok. Kita ko naman ang biglang pagbabago nang kaniyang ekspresyon at ang palihim niya kurot sa tagiliran ko. “Ahm…good morning po,” ang nahihiyang bati ni Azi nang makalapit ito sa amin. Nandito na kami ngayon sa labas, dito sa harap nang unit ko. Naalala kong sa kabilang kwarto lang rin pala ang uniti ni Azi kaya hindi na nakapagtatakang bigla siyang sumulpot. Tiningnan naman ako ni Kuya nang matatalim na tingin pero sinagot ko naman iyon sa pamamagitan rin nang aking mata. “Good morning,” Walang kaemo-emosyong saad niya dito. Bigla ko naman ako sumingit sa kanila at tumabi kay Azi. “Kuya, siya nga pala si Azi, kaibigan ko. Anak siya ni Mr. Alvarez, if you remember and I think, business partner pa rin natin sila.” Pagpapakilala ko sa kaniya na biglang ikinatango niya naman. “Ah… I’m sorry, akala ko kung sino na. Anyway, nice to meet you, Azi.” Sagot naman nang Kuya ko at kita ako ang biglang pag-aliwalas nang kaniyang mukha. Natawa na lang ako sa isip-isip ko. Nakipag kamay rin naman sa kaniya si Azi at ngumiti. Maya-maya pa ay nagpaalam si Kuya dahil pupunta pa daw siya sa condo niya bago pumasok sa trabaho. Naiwan naman kami ni Azi habang nakita ko siyang napahinga nang malalim. “An’yare sayo?” Kunot-noong tanong ko sa kaniya. Napaiwas lang naman siya nang tingin sa akin bago ako hilain sa kung saan. “Wala, tara na.” Sagit nito sa akin. Nagpaubaya lang naman akong magpahila sa kaniya, hanggang sa makarating kami sa harap nang pulang magarang sasakyan. If I’m not mistaken, ito ‘yung bagong labas na model nang mazda car. Napanganga na lang ako kasi ang gara nang kotse niya. Rich kid talaga ang isang ‘to. “Woah! Ibang klase. Sayo?” Mangha kong tanog sa kaniya nang buksan niya ang isang nitong pintuan. Tumango lang naman siya sa akin at ngumiti. “Get in, mahuhuli na tayo.” Saad niya na kaagad ko namang sinunod. Kung hindi ako nagkakamali, ayaw na ayaw niya nang nahuhuli. Halata naman kasi mukhang lagi siyang nagmamadali sa lahat nang bagay. Kagaya na lang no’ng kumain siya sa dorm ko, nagmamadali rin siya umalis kasi pupunta pa daw siya nang gym habang panay ang kakatingin sa kaniyang relo. Confirmed, time conscious nga talaga siya. Tahimik lang rin naman kaming nagbyahe, kung tutuosin ay pwede lang naman name itong lakarin dahil napakalapit lang. Ewan ko na lang kung anong trip nang isang ‘to at nagdala pa nang kotse kung ang pupuntahan lang naman namin ay sa kabilang kanto. Ang lakas nang tama niya ‘no? O baka ganito lang talaga kapag may sasakyan ka? Isang likuan lang ay nakarating na rin kami dahil nga sa malapit lang. Pumasok na rin kami sa loob nang simbahan at sakto namang magsisimula na ang misa. Nang makahanap kami nang mauupuan ay magtatanong sana ako sa kaniya kung madalas ba siyang pumunta dito kaso, mukhang naka-concentrate siya sa pakikinig sa harapan. Doon ko na-reliaze na ang weird at boring palang kasama ang isang ‘to. Hindi ba siya nag-aalala sa laway niya mapapanis at babaho? Naging santo na rin ‘ata siya? Dahil nga sa nahihiya naman akong gambalain siya ay itinuon ko na lang rin ang atensyon ko sa harap. Nakaralate naman akong sa aral ngayon dahil tungkol ito sa pagtulong sa kapwa nang buong puso. Naalala ko naman ‘yung mga batang palaboy laboy lang d’yan sa lansangan na walang makain at matulungan. Nakakaawa man silang tingnan pero wala naman akong malaking halagang pera para matulungan ko sila. Gusto ko kasing makapagpatayo nang isang shelter para sa kanila at isa iyon sa mga pangarap ko. I promise na tutuparin ko iyon kapag nakatapos na ako sa aking pag-aaral. Mabilis rin namang natapos ang misa at lumabas na rin kami pagkatapos. Nakangiti pa ako habang naglalakad kami pabalik sa kotse ni Azi. “Ang ganda nang aral kanina ‘no?” Nagulat ako nang biglang magsalita itong kasama ko habang magkasabay kaming naglalakad. Akala ko kasi ay hindi na siya magsasalita forever. Char lang ulit! Bumaling naman ako sa kaniya at tumango. “Yeah, super relate ako.” “Nga naman, malapit ka sa mga bata at nangangailangan eh.” Sambit niya na ikinataka ko. Parang magkatulad na naman sila nang doubts ko noon kay Kim, mukhang marami rin itong alam tungkol sa akin, Siya nga naman, magkakilala pala ang pamilya namin. Speaking of that Kim naman, hindi ko na siya nakakausap at magda-dalawang araw na ngayon. I just think na lang na baka busy ang isang iyon sa kaniya concentration dahil kailangan talaga nang puspusang pag-e-ensayo sa entry nila, lalo na at Sci-tech pa. Nangangailangan rin iyon nang facts at hindi ka lang basta-basta na bubuo nang words. Mahirap rin ang ginagawa niya. Ngumiti na lang rin naman ako sa kaniya bago kami tuluyang pumasok sa kotse niya. Nagtaka naman ako nang iba ang binabagtas naming daan kaya napatingin ako sa kaniya at nagtanong. “Bakit napakatahimik mo? At saka, saan ba tayo pupunta?” Diretsahan kong tanong. Nakakabingin na rin kasi ang sobrang katahimikan dito, Ano ba ito, a quite place na kapag nagsalita o gumawa ka ng ingay ay lalamunin nang worm like zombie living creature ba iyon? Napailing na lang ako dahil sa mga kagagahan ng isip ko. “Sorry, nahiya kasi ako bigla.” Sabi niya at saglit na bumaling sa akin. Nangunot naman ang noo ko dahil sa sinambit niya. “Bakit ka naman mahihiya? Dahil ba sa kuya ko kanina? Natatawa kong tanong sa kaniya. “Hindi ito dahil sa kuya ko, ikaw talaga.” Sagot niya ulit. “Dahil lang sa sinabi mo na business partner pa ang pamilya natin kasi hindi na, Rae. Nakalimutan siguro nang kuya mo o baka binalewala na lang niya iyon.” Muli niya saad. “Ahh…so, hindi na pala. Hayaan mo na iyon, kung ano man ang nagyari ay labas na tayo doon.” Sagot ko naman sa kaniya. “Teka, ano nga bang nagyari dati?” Ako naman ang nagtanong sa kaniya. Lumingon lang siya sa akin habang nagtataka. “H-Hindi mo alam?” Takang niyang tanong na siya naman ikinailing ko. “Bakit?” “Mahabang kwento,” tipo kong sagot. Ilang sandal lang habang nasa kalagitnaan kami nang daan ay nagkwento na siya. Ayon sa kaniya, naputol lang daw ang ugnayan nang pamilya namin sa siniraan ang ama niya sa Dad ko tungkol sa business. Pinalabas daw kasing nangupit ang ama niya sa pera nang kompanya namin, na hindi matukoy kung sinong gumawa nito. Nalaman daw naman ito ni Dad at nag-quit sa partnership nila. Iyon rind aw ang dahilan kahapon kaya mabilis siyang umalis at kaya naman inaya niya akong magsimba para maipaliwanang niya sa akin. Dahil satisfied naman ako sa kwento niya ay hindi na rin ako nagtanong pa. Wala rin naman akong pakialam sa business-business na ‘yan kaya hinayaan ko na lang. Wala rin naman siguro siyang gagawing masama at saka nakikita ko rin namang mabait siyang tao at makadiyos. Hindi rin naman nagtagal ay huminto kami sa harap nang isang botanical restaurant, kaya pala iba ang tinatahak naming daan kanina ay dito kami pupunta. Ang sabi niya naman sa akin ay masarap daw kumain ito pagkatapos magsimba dahil nakakarelax ‘yung ganda ng mgabulaklak sa paligid. Papasok na sana kami ngunit bago ko pa man maihakbang ang kanang paa ko ay nahagip ng mga mata ko ang isang lalaking matalim na nakatingin sa amin. At hindi lang siya basta kung sino lang dahil… Kamukha niya ‘yung batang nasa panaginip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD