Rae’s POV
Nang matapos akong maligo ay mabilis rin akong nagpalit. Nagsuot lang naman ako ng simpleng sky blue baleno t-shirt, na medyo off at summer vibes na urban short. Feel ko ang summer kasi ang init nang panahon dito ngayon. Dinala ko rin ‘yung mini sling pouch ko kahit na puro barya lag naman ang laman. Wala, pang style lang.
Matapos akong makapagpalit ay bumaba na ako at lumabas na ng bahay. Feel ko nama ilakad itong nike shoes ko, na regalo sa akin dati ni Kuya Raven last year, noong birthday ko. And speaking of my big brother, tumawag siya sa akin kanina at kikitain niya daw ako sa labas. Ewan ko ba kung ano na naman ang trip nang lalaking iyon, minsan kasi ay napaka-unpredictable niya. Siguro ay bibigyan niya ako nang pera na pang allowance. Yie…asa! Kuripot ang taong iyon.
Pumara na rin ako nang taxi para naman makagala na ako. Ngayon lang ulit ako gagala mula noong magpunta ako sa park at nagkita kami ni Kim, naalala kong may tinulungan pa akong mga bata habang papunta ako doon. Balak ko rin sanang bumisita sa mga bahay ampunan pero wala na akong alam na orphanage dito, maliban lang sa dati naming pinupuntahan ni Mom noong bata pa ako. I miss those things with my mother but I know she’s even happier now.
Malapit kasi ako sa mga bata. Ewan ko pero kapag nakakakita ko sila ay parang may pumupuno sa nararamdaman kong kakulangan dito sa puso ko. Siguro, dahil na rin saw ala akong nakababatang kapatid at pinipilit kong magkaroon. But I wish I have, aalagaan ko siya tulad nang pag-aalaga sa akin ni Mommy dati.
Habang pasakay ako nang taxi ay tinanong ako nang taxi kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung bakit ang nasabi kong address ay ang lugar kung saan nakatayo ang orphanage na sinusuportahan namin noon. I was about to stop him and change the address nang mabilis naman na niyang patakbuhin ang sasakyan kaya hinayaan ko na lang rin. Total, wala rin naman akong maapuntahan kaya mas mabuting doon na la rin siguro. Gusto ko rin naman talaga iyong makita.
May kalayuan rin iyon dito kaya chill lang akong nakaupo dito sa may backseat habang panay ang kapipindot sa selpon ko. Inabala ko na lang ang sarili ko sa kakalaro nang candy crush. ‘Wag niyo akong tawanan dahil wala naman kasi akong ibang alam na laruin bukod dito. At saka, hindi rin po ako ‘yung klase nang tao na malihig sa gadgets dahil mas gusto ko ang magbasa ng mga libro. Some of them are educational, na binibili ni Dad and some are fictional.
Enjoy na enjoy namna ako sa larong and I’m on the final level na. Proud na proud naman ako sa sarili ko because this is somehow hard rin naman kasi limited lang ang moves na gagamitin. I was about to make my last swipe nang biglang mag-flash sa screen ang isang caller I.D. Bwiset eh, ang ganda nang timing ng kuya ko.
Bago ko sagutin ang tawag ay tumigin muna ako sa driver, baka kasi nagmamasid siya sa akin at sikretong kontrabida pala ang isang ‘to. Charot lang!
“Yes, kuya?” Bungad kong sagot. Wala nang hello-hello ‘to kasi naman ayaw niya nang gano’n. Ang arte nga eh.
“Where are you? Nandito ako sa harap nang dorm mo,” sambit niya sa kabilang linya. Nangunot naman bigla ang noo ko dahil sa kaniyang tinuran.
“Hay naku…iba na talaga ang tumatanda. You said na magte-text ka na lang sa akin kung saan tayo magkikita at saka wala ka namang sinabing susunduin mo ako, kuya.” Buntong hininga kong saad. I’m sure nagkakamot na ‘to nang kaniya batok. Gano’n na ba kahirap ang trabaho nang isang CEO at nakapaulyanin?
“Wala ba akong sinabi?” Paniniguro niya sa akin na siyang ikinahagalpak ko sa tawa. HAHAHA! Wala na talagang tatalo sa kaniya pagdating sa kalikohan. “What’s funny, Rae?” Inis pa niyang dagdag.
“Sino bang hindi matatawa sayo? Naku…kuya, mag-asawa ka na, signs of aging na ‘yang pagiging makakalimutin mo!” Pang-aasar ko pa. Inis na inis na siguro ito sa akin? Sure akong lagot ako sa kaniya mamaya.
Rinig ko naman ang mahinang pagbuntong hininga sa kabilang linya at ang bahagyang pagtahimik nito. Maya-maya pa ay napalitan ito nang mahihinang pagtawa.
“I’m glad that you’re really back, Rae. Sana hindi na bumalik sa engkantong sumapi sayo. Pft…” Saad niya sa malokong tono. Kahit kaila talaga ang mga panganay walang maisip na maganda sa buhay kaya ang bunso ang pinagti-trip-an. Kaloka! “Nasa’n ka ba kasi?” Muli niya tanong.
Pinaikot ko pa ang mata ko bago sumagot. Nagtataray tarayan, kunwari ay nakikita niya ako kahit hindi naman.
“I’m on a taxi na. May dadanan lang ako saglit, I’ll call you back na lang kapag natapos ako sa pupuntahan ko.” Sagot ko naman sa kaniya. Tinanong pa nito kung saan ako pupunta pero hindi ko na sinabi pa. I just said na sa bahay lang nang kaklase ko at may ibibigay ako sa kaniya para sa project namin sa school. Oh, ‘di ba? Laging palusot ng mga kabataan kapag gagala ay gagawa ng project o ‘di kaya ay practice. Feel niyo ako?
Agad ko na rin ibinaba ang tawag pagkatapos naming mag-usap. Ime-meet na lang daw niya ‘yung isang client niya ngayon, total may pupuntahan pa naman daw ako, which is ipina-cancel niya para lang sa akin. See? Gano’n na ba kasi ako ka-importanteng tao para lang i-cancel nila ang mga trabaho nila para sa sipleng meeting o pag-uusap? Pero ang sweet naman kung gano’n, nakakataba ng puso.
Ilang minute pa ay nakarating na rin ako sa wakas, sa aking destinasyon. Pagkababa ko ay nabayad na ako kay Manong driver, na ang mahal nang singil. Limang daan kasi ‘yung bill ko pero wala naman akong nagawa kung hindi bayaran na lang, baka kasi nangangailangan rin siya ngayon nang pera. Ngayon, napagtanto kong hindi lang pala si Kuya Raven ang kuripoy, pati na rin pala ko pero mapagbigay. HAHAHA!
Naglakad-lakad na rin ako papasok sa abandonadong lote. Ang tataas na nang d**o na halos kasing laki na nang tao ‘yung mga talahib at saka nakakatakot na rin ito kapag gabi dahil medyo madilim. Marami kasing mataas na puno sa paligid. Dati ay ang ganda-ganda pa pero ngayon wala na. Nakakalungkot lang na ‘yung pinaghirapan nila Mommy ay napunta lang sa wala. All in all, masaya pa rin naman ‘cause this place bring back memories.
Napangiti na lang ako sa kintatayuan ko nang mahagip ng pangingin ko ang isang luma nang tree house. Bigla ko naman tuloy naalala ‘yung panaginip ko.
“Rae, ipinapangako ko sayo na papakasalan kita kapag lumaki na tayo,”seryosong saad ng isang bata habang matamis na nakangiti at yumakap sa kasama. Ang batang ako naman ay tumitig sa mga mapupungay nitong mata bago humalik sa noo nito.
Ang batang iyon, hindi kaya parte siya nang nakaraan ko sa lugar na ito? Marami akong gustong itanong sa pamilya ko, lalong lalo na kau Dad dahil alam kong may nalalaman siya tungkol dito. I need to see Kuya, but I guess, hindi rin iyon magsasalita. I’ll try to do so.
Naglakad pa ako at pumasok, hanggang sa marating ko at sira-sira nang tree house. Pamilyar na pamilyar pa ito sa akin. Sa panaginip ko, kasama ko ang batang iyon at masaya kaming tumatakbo dito. I wonder kung close ba kami nang batang iyon dati, pero bakit wala akong detalyadong alaala sa kaniya? Mukhang kilalang kilala niya pa nga ako sa panaginip ko. I know myself, hindi ako ngingiti o sasaya sa isang tao kung hindi ko siya nakitaan ng maganda or something like similarities.
Umu po ako sa unang apakan nang hagdan paakyat sa tree house, natatakot akong umakyat dahil mukhang marupok na ang mga kahoy nito at baka mapilayan pa ako. Tumungo ako, sinubukan kong mag-isip at alalahanin ang mga nakaraan ko dito pero wala siya. No matter how much I tried, still walang bumabalik. Natagpuan ko na lang ang sarili kong umiiyak habang hawak ko ang aking ulo.
I just noticed that the kid in my dreams, siya ‘yung parang kulang sa buhay ko. Did you get what I mean? It’s like that I want to remember all the things behind him or even us pero walang wala akong mahagilap sa isip ko. I don’t even know his name. All I know is that, masaya siya kapag kasama ako and me also.
Bakit kaya hindi ko siya maalala? Ano bang nangyari dati? Ano bang hindi ko alam? May koneksyon ba ito sa pagkamatay nang Mommy ko? Marami akong katanungan na biglang sumulpot sa isip ko ang gusto kong masagot. It’s like that I remember things but the only important one is gone, na siyang nagpapasakit nang ulo ko.
Someone’s POV
I was just standing here form afar habang pinagmamasdan ko siyang palabas nang unit niya. Napangiti na lang ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang kulay nang suot niyang damit. ‘Sky blue,’ isa sa mga paborito niyang kulay. Mahilig talaga ang taong ito sa mga light colors. Ganito na ba talaga ako ka-obsessed sa kaniya para alam ko ang mga paborito niya? Indeed, dahil mahal ko rin naman siya.
May konting tampo lang akong nararamdaman ngayon dahil sa nakita ko kaninang umaga. He’s with that Azrael. Alam ko namang may gusto iyon sa kaniya at ang nakakainis pa ay kilig na kilig siya kanina. What the hell! Kailan pa ka nagkagusto sa sa aso, Rae? Mas gwapo at hot naman ako sa asungot na ‘yan.
Gusto ko sana silang lapitan kanina pero baka makilala ako ni Azi. Yes, he know me dahil nagkita na kami dati pero hindi niya alam kung saang angkan ako galing. All he know is my name at wala nang iba. Ipina-block kasi ni Dad lahat nang informations tungkol sa akin and I study the same school with them secretly. Si Kim lang at ang ibang teaching staff ang nakakakilala sa akin doon.
From afar, sinundan ko siya, hanggang sa pagsakay niya sa taxi. I get my car and drove it at palihim ko siyang sinundan. Saan kaya pupunta ang lakwatserong ito? Kailan pa siya natutong maggala nang mag-isa? Kung sabagay, hindi rin naman siya maaaya si Kim dahil busy ito sa kaniya concentration.
While on the way, napansin kong pamilyar ang dinadaanan namin. If I’m not wrong, papunta ito sa dating bahay ampunan, kung saan ako namamalagi dati. At ano namang gagawin niya doon? Bigla akong napaisip habang nagmamaneho.
Mahilig sa mga bata si Rae, wala naman nang ibang ampunan dito bukod dito at wala na rin naman ngayon. I guess, he’s trying to look back from the past. Sana isa na ako sa maalala niya. Ang tagal ko nag naghihitay na maalala niya pero wal pa rin. But I know sooner, makikilala niya rin ako.
Himinto rin ako sa malayo nanf makita ko rin silang huminto sa harap nang matataas na talahibad. ‘Wag niyang sabihin na papasok talaga siya d’yan sa masukal na lote? And I’m right, pumasok nga siya. Kahit kailan ang tigas talaga nang ulo nito. When we’re kids, ang hirap niyang kausapin. Ayaw na ayaw niya kasi noon na malayo sa akin kahit na uuwi na sila mula sa bahay ampunan. I don’t know but I feel like my chest is heavy nang maalala ko iyon. Parang nalungkot ako bigla sa naisip ko.
Isinuot ko ‘yung black hoodie jacket ko at sinundan ko siya. Nagtago ako sa mga malalaking talahid para hindi niya ako makita, maingat rin akong naglalakad nang paunti-unti upang hindi makagawa nang ingay.Sumilip ako. Nakita ko siya nakatayo sa harap nang dati naming pinaglalaruan habang nangungunot ang noo. I think he’s trying to find memories of me. Napangiti ako bigla.
Masaya akong sinusubukan niya akong alalahanin kahit na napakaimposible sa kaniyang sitwasyon. Positibo muna tayo. I just want to feel happy with what I see, ayoko muna nang negativong dulot sa ngayon. Nang muli ko siya tingnan ay nakaupo n siya sa may hagdanan habang… Umiiyak?
Kita ko kung pa’no niya hawakan ang kaniya ulo. Nakikita ko kung paano siya humikbi at tumulo ang mga luha niya sa mata. Alam kong nahihirapan na rin siya. Gusto ko man siya lapitan at aluhin ay hindi pwede, baka pagkamalan niya pa akong masamang loob, kagaya na lang noon.
I feel the pain in my heart too, while looking at him. Ang hirap kapag minamahal mo lang siya sa malayo dahil wala siya maalala tungkol sayo. Ang hirap makalimutan nang taong mahal mo. Ang hirap magtago habang palihim mo siyang tinitingnan. Pero patuloy akong umaasa. Then, tears suddenly fall down from my eyes.
Nasa’n na ‘yung positibo lang dapat ako?