Chapter 4

2505 Words
Rae’s POV "Hahahaha! Rae, habulin mo ako." Masayang sigaw ng isang batang lalaki habang nagtatakbo sa damuhan at inaasar ang kaniyang kasamang bata. Laking pagtataka ko pa nang banggitin nito ang pangalan ko. "Humanda ka sa akin kapag nahuli kita," inis namang sagot ng batang ako sa bata. Masaya silang naghabulan sa harapan ng isang treehouse na nasa gitna ng malaking puno. Napapalibutan ito ng mga makukulay na palamuti, gaya na lamang ng mga straw at recycled bottle flower na pininturahan at mga barendilyas. "Huli ka!” Malawak ang ngiting sambit ng batang ako, sabay hila sa damit ng kasama at kiniliti ito. "Whahahaha! Ang daya mo Rae, bakit mo naman ako kinikiliti?" Tumatawang sigaw ng bata pero ang totoo ay sinadya nitong magpahuli dahil nakakaramdam na ito ng pagod. Hindi kasi siya mahabol ng kasama sapagkat maliit ito, na siyang dahilan upang mabagal itong tumakbo at humabol. Matapos iyon ay bumalot ang sobrang dilim na paligid, tila umikot pa ito at napunta naman ako sa isa pang kaganapan. Nakahiga ang ang batang ako doon sa may treehouse kasama ang batang lalaking iyon, hanggang sa magsalita ito habang mahigpit na nakahawak sa aking kamay. "Rae, ipinapangako ko sayo na papakasalan kita kapag lumaki na tayo,"seryosong saad ng isang bata habang matamis na nakangiti at yumakap sa kasama. Ang batang ako naman ay tumitig sa mga mapupungay nitong mata bago humalik sa noo nito. Napabalikwas ako sa aking higaan habang tagaktak ang pawis ko sa katawan. Isa na namang panaginip ang nakita ko mula sa aking pagkabata at tila may ipinapahiwatig itong kakaiba. Sa hindi ko naman malamang dahilan ay biglang bumilis ang t***k ng aking puso, na siyang dahilan upang mapahawak ako sa aking dibdib. 'Kung ako ang isa, sino naman kaya ang batang iyon? Bakit niya ako kilala at parang malapit pa kami sa isa’t isa nito?' Tanong ko pa sa isip ko. Bumangon naman ako sa kama at dumiretso sa kusina, kumuha ako ng malamig na tubig at mabilis iyong ininom upang maibsan ang kabang nararamdaman. 'Nababaliw na yata ako at kung anu-ano ng nangyayari sa akin.' Napapabuntong-hiningang isip-isip ko pa. Bumalik rin naman ako sa kwarto matapos akong mahimasmasan. Nang makabalik ako sa aking silid ay sinusubukan kong umupo ulit sa kama dahil patuloy ko paring iniisip ang panaginip ko pero ganoon nalang ako napaaray sa sakit nang malukot ang aking tiyan. Naalala kong may pasa pala ako, na siyang dahilan upang itaas ko ang damit ko at maharang hinawakan iyon. 'Ano bang kasalanan ko sa kanila para gawin nila sa akin 'to?' Tanong ko sa aking sarili habang rumerehistro sa isip ko ang grupo nila Zein. Dahan-dahan kong inabot ‘yung ointment sa drawer nitong cabinet na katabi at binuksan iyon. Marahan ko namang ipinahid ito sa aking pasa upang magamot. Hindi ko naman maiwasang maalala ang ina ko dahil ganito niya ako ginagamot noong bata ako kapag nadadapa at nagkakasugat sa tuhod at kamay. Mula sa paglalagay ko ng gamot sa aking pasa ay hindi ko na namalayang nakatulog ako ulit. Nang magising naman ako ay mataas na ang sikat ng araw, napasarap yata ang tulog ko. Dahil sa tanghali naman na, naisipan kong huwag na lang pumasok. Nagpadala na lang ako ng mensahe kay Kim na masama ang pakiramdam ko kaya hindi ako makakapasok. Nagpumilit pa itong puntahan ako pero tumanggi ako dahil kaya ko naman ang aking sarili. Wala rin naman siyang nagawa kahit na paulit-ulit pa niya akong pilitin sa kagustuhan niya at saka bago pa lang kaming magkakakilala, nakakahiya rin kung liliban siya sa klase para lang sa akin. Hindi na rin ako kumain dahil tinatamad akong magluto. Wala ri naman akong gagawin dito sa tinitirhan ko kaya buong umaga lang akong nagkulong sa loob ng kwarto, hanggang sa dumating ang lunch nang makaramdam ako ng pangungulila. Dahil na rin siguro sa mag-isa ako kaya inaatake ako nito. Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako habang nakaupo dito sa sofa, sa may gilid ng aking silid. Nami-miss ko ‘yung dating saili ko pero hindi ko kayang ibalik iyon hangga’t walang sapat na dahilan. Sabi nila ang bawat pagpatak ng luha ay nakakapagbawas ng sakit na nararamdaman ngunit iba ang sa akin dahilnmas lalo pa ako nitong pinahihina. Ang bawat butil ng luha ko mula sa aking mga mata ay binabago ang aking pagkatao. Ginagawa ako nitong alipin sa kalungkutan, na siyang nagdudulot ng malalim na sugat sa puso ko. Natigil lang ako sa pag-iyak nang biglang tumunog ang doorbell. Napapunas naman ako bigla ng aking mata at pinilit na pakalmahin ang sarili bago tunguhin ang pinto. 'Sabi kong huwag na siyang pumunta eh, ang kulit talaga ng babaeng iyon.' Asik ko pa sa isip ko habang tinatamad na naglalakad nang nakabusangot. Pagkabukas ko nito ay literal na nagulat ako dahil hindi naman ito si Kim, bagkus ay ang Kuya Raven ko ang bumulaga sa aking mga mata. Malawak ang ngiti nitong bumungad sa akin, na siya namang pinapasok ko agad sa loob. “Mabuti naman at naalala nyo pa ako,” mahinang bulong ko sa likod nito bago isara ang pinto. "Have you eaten your lunch?" Masayang tanong niya sakin na ikinailing ko na lang, wala ako sa mood magsalita ngayon. Ginulo pa nito ang buhok ko bago umupo sa silya at nag-alok ng pagkain. "Come on, let's eat." Anito at saka inilapag ng dala niyang pagkain. Nakaramdam naman ako ng gutom nang makita ko ang tatak ng Jollibee sa paper bag. Alam na alam niya talaga kung anong mga gusto ko, parang siya lang si Mommy. Mag-uumpisa na sana akong kumain nang bigla niyang hawakan ang magkabilang pisngi ko. "Teka, umiiyak ka ba?" Tanong ulit niya, na sa itsura’y manenermon na naman. "Kung umiiyak ka da…" I cut him off, alam ko na kung anong sasabihin niya at patutunuhan ng lahat kapag itinuloy pa niya. "Kumain na lang tayo." Pagpuputol ko sa kaniya, sa seryosong tono. Kung galit ako sa pamilya ko ay exemption doon si Kuya Raven. Nagagalit ako sa kanya pero agad rin namang humuhupa dahil close kami nitong kulugong ito. Kung itatanong niyo naman si Dad, hayaan na lang natin ang huklubang iyon. Tahimik lang kaming kumain pero binasag ko rin iyon nang magtanong ako sa kaniya. "Bakit ka pala napadalaw?" Tanong ko dito habang kumakain kami, tinignan lang naman niya ako bago sumagot. "Malapit na ‘yung birthday mo, which is three weeks from now. Gusto ni dad na umuwi ka sa bahay bago ang araw na iyon." Sagot niya at bahagyang itinigil ang pagkain upang masuring tingnan ako. "Walang magbi-birthday," tipid at walang ganang sagot ko naman sa sinabi niya. Dahil naman sa sinabi ko ay napahawak siya sa kamay ko, na siyang ikinatingin ko rin sa kaniya. Kita ko pa itong nagpa-puppy eyes sa pwesto niya para lang maawa ako at pumayag sa kagustuhan nila. "Tigilan mo nga iyan Kuya, mukha kang kuto d’yan sa ginagawa mo." Iritang sambit ko dito na siya namang ikinabusangot niya. "Para kay Mommy, Rae. Please," pilit pa niya sa akin niya, dahil upang mapa-isip ako at mapabuntong-hininga. "Okay…pero walang magaganap na celebration dahil uuwi lang ako sa." Matigas kong sabi. Mapapa-yes na sana siya pero bigla nitong binawi ang kamay mula sa pagkakataas nang dugtungan ko ang sinabi ko. Malungkot naman siyang tumango sa akin bilang tugon. Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na siya agad dahil marami pa raw siyang aasikasuhin sa kompanya. Yes, may sarili kaming kompanya at si Kuya mismo ang nagpapatakbo nito. Mana pa iyon ni Dad sa mga magulang niya, na siya naman ipinasa niya kay Kuya dahil mas focus ito sa pagiging doctor. Napilitan naman ako hugasan ‘yung pinagkainan namin kahit tinatamad ako. Napapabulong na lang ako sa sarili ko habang naghuhugas ng plato sa may lababo. "Ano ba ‘yan? Dadalaw na nga lang mag-iiwan pa ng hugasin." Sambit ko habang naghuhugas ng plato pero okay lang dahil minsan lang din naman at saka para malibang ko ang sarili ko. Mabuti nga at hindi niya napansin na iba ako maglakad kung hindi ay pauuwiin niya akong muli sa bahay. Pagkatapos kong makapagligpit sa kusina ay naligo na ako dahil balak kong magpahangin sa labas kahit pa mabagal akong maglakad at may iniindang sakit sa katawan. Matapos maligo ay nagsuot lang ako ng simpleng t-shirt, urban short at tsinelas dahil d’yan lang naman sa park ako pupunta. Bago pa ako lumbas ay naisip kong magdala ng sombrero, incase na may makakita sa akin ay hindi nila agad ako makikilala. Mahirap na, baka makita ako ng mga kaklase ko at isumbong pa nila sa teacher namin at sabihing gumagawa lang ako ng dahilan upang makapaggala. Lumabas ako ng dorm at naglakad na lang papunta sa park, malapit lang naman iyon mula dito sa tinitirhan ko mas mabuting lakarin ko na lang kaysa mag-taxi ako, na ang mahal ng singil. Palinga-linga pa ako sa paligid ko habang tinutungo ko ang daan, hapon na rin naman kaya malilim na doon kaya marami akong nakakasabay na mga bata at pamilyang magbo-bonding. Habang naglalakad ako ay may nakakuha ng aking atensiyon, mabilis ko naman silang nilapitan at kinausap. "Bata kapatid mo siya?" Tanong ko sa batang pulubi sabay turo sa kasama nito, na nagtatago sa likod ng kapatid niya. Tumango naman ito bilang sagot sa akin. "Kumain na ba kayo?" Tanong kong muli sa kanila. Alam kong pinagtitinginan na ako ng mga nakakakita sa akin pero binalewala ko na lang. "Hindi pa po, Kuya." Tipid at nahihiyang sagot ng batang lalaki. "Ito oh, bumili ka na ng pagkain niyo. Hati kayo ha?" Nakangiti kong sabi sabay abot ng limang daan sa bata. Ngumiti naman ito at nagpasalamat sa akin. Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa mga batang katulad nila, na tila may kulang sa akin at nakikita ko ito sa kanila. "Salamat po, Kuya. Ang bait-bait niyo po." Pagpapasalamat pa nito bago sila tumakbo sa malapit na tindahan. Napapangiti na lang ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kanilang masayang tinutungo ang tindahan. Ang sarap talaga sa pakiramdam ng nakakatulong ka sa iba. Naalala ko tuloy noong bumibisita pa kami ni Mommy sa bahay ampunan at nakikipaglaro pa ako sa mga bata doon pero lagi lang sumasakit ang ulo ko kapag patuloy ko iyong iniisip. Kinagabigan naman ay magkakaroon ako ng panaginip, kagaya ng panaginip ko kagabi. "Ang bait naman talaga oh," nagulat ako nang may biglang magsalita sa likod ko kaya nilingon ko ito. "K-kim? Anong ginagawa mo dito?" Nagtataka ko pang tanong dito pero ngumisi lang ang ito sa akin. "Walang klase ngayong hapon kasi may meeting ang mg teacher's para sa national press conference. Sana nga ma-qualify ako." Pagpapaliwanag nito kahit na hindi ko pa tinatanong. Advance talaga siyang mag-isip. "Ah, ganon ba?" Ani ko pa bago ako nito sabayan sa paglalakad. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba masama ang pakiramdam mo?" Sita niya sa akin habang nakapamewang. "A-Ah eh, hehe. Ang boring kasi sa dorm kaya naisipan kong magpahangin muna." Pagpapaliwanag kong naman sa kaniya ng nauutal-utal pa. "Dika parin talaga nagbabago, Rae." Ika niya na ikinataka ko. "Ano? Pano mo nasabi?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Naguguluhan na ako sa babaeng ito dahil masyado yata siyang maraming alam tungkol sa akin. "A-Ahh, haha. Wala, ang sabi ko ay tara na sa park." Nauutal rin na pagpapalusot nito. Habang naglalakad kami ay iniisip ko parin ‘yung sinasabi niya kanina. Napatigil alng ako sa kakaisip nang sa makarating kami sa park. Marami ng tao dito, mga batang naglalaro, mga magkasintahang nagdedate na ang sweet-sweet at pamilyang nagbo-bonding time. Naghanap kami ng pwesto ni Kim sa loob ng park. Nakaka-refresh naman dito dahil sa lamig ng hangin, marami ring puno na pwedeng pagliliman at masasabi kong perfect place ito para sa akin. Umupo kami sa bench, sa may silong ng puno. Nakakawala ng stress pagmasdan ‘yung mga batang masayang nagtatakbuhan, na siyang dahilan upang mapangiti ako. Ilang sandal pa ay nakaramdam ako ng panunuyot ng lalamunan kaya nagpaalam ako kay Kim upang bumili ng maiinom. "Kim dito ka lang ah, bibili lang ako saglit ng maiinom." Saad ko at lumakad na para bumili. "Sige, hintayin na lang kita dito." Sagot naman nito sa akin. Nang makarating ako sa tindahan, bumili ako ng favorite kong chocolate drink at gummies.Oh ‘di ba parang bata parin ako? Binilhan ko na lang si Kim ng milktea at fries, sana lang magustuhan niya. Rrich kid kasi ang neneng niyo. Pagkabalik ko naman ay nandoon parin siya at may katawag sa cellphone niya pero agad niya rin itong tinapos ng makita na niya ako. Nakakapagduda talaga ang ikinikilos ng babaeng ito. "Tara, kain na tayo." Pag-aaya ko sa kaniya sabay abot ng binili kong pagkain niya. Someone’s POV Sa buong umaga ay pumasok lang ako sa university para tingnan siya ngunit sa kahit na anonhg sulok ng ay hindi ko siya mahanap. Naka-receive naman ako ng text message mula sa mapagkakatiwalaang tao at sinabi nitong hindi pumasok ang taong aking hinahanap. Dahil sa nalaman ay mabilis ako lumabas ng unibersidad upang tingnan siya sa tinitirhan niya ngayon. Nang makarating naman ako doon ay nakita ko siyang kasama ang kuya niya dahil alam kong malapit na ang kaniyang kaarawan. Mabilis na lumipas ang oras habang nasa loob lang ako ng kotse at palihim siyang minamanmanan. Ilang minute pa ay nakita ko siya lumabas na parang nagtatago pa kaya napatawa na lang ako sa kinauupuan ko. Sinundan ko siya hanggang sa makita ko itong lumapit sa dalawang batang namamalimos at binigyan niya ito ng pera habang nakatingi. Iyan siya eh, malambot ang puso kaya mahal na mahal ko siya simula pa noong bata kami. Kahit pala wala siyang maalala sa akin ay nagagawa parin siya ‘yung mga bagay na ginagawa niya noon sa bahay ampunan. Sinundan ko siya hanggang sa park, na siyang balak niyang puntahan. Umupo ako mula sa malayo habang tanaw ko sila ng kasama niyang kilalang-kilala ko. Maya-maya pa ay napukaw ito sa aking paningin kaya’t tinawagan ko ang taong kasama niya. “Kim, saan siya nagpunta?” Alalang taong ko dito na siya namang ikinatawa niya. “Relax, bro. Bumili lang siya saglit.” Natatawang sagot nito sa tanong ko mula sa kabilang linya, habang nakikita ko siyang parang baliw na tumatawang mag-isa. Bubukulan ko talaga sa ulo ang babaeng ‘to mamaya sa bahay. “Bakit mo siya hinayaang mag-isa?” Gigil na tanong ko pa dito pero hindi na siya sumagot at mabilis na ibinaba ang tawag. Pagkalingon ko naman sa pwesto nila ay kita ko na doon, hawak-hawak ang pagkaing binili niya. Napahagalpak ako ng tawa sa kinauupuan ko dahil sa nakita kong binili niya. Pinagtitinginan pa ako ng mga tao sa paligid ko dahil sa biglaang pagtawa. Now, I feel Kim! “Hindi ka parin talaga nagbabago, Rae. Paborito mo parin ‘yang legend chuckie moo-moo, haha!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD