Napalingon ako sa pinto nang may biglang kumatok. “Ms. Irene?” Boses ng babae, agad kong binuksan ang pinto at sinilip ito. Yung isa sa mga maid na sumalubong sa amin kagabi, may dala syang mga nakatuping damit. “Suotin nyo raw po ito, sabi ni Sir Dylan.” Nakangiting sambit nito. Saka ko naalala na wala pala akong damit na pamalit. Inabot ko ang damit na hawak nito. “Thank you.” Nakangiti kong sambit, muli ko na sanang isasara ang pinto pero natigilan ako ng muli itong nagsalita. “Ms. Irene, wag nyo raw pong kalimutang isuot din ito.” Sabay abot ng isang maliit na paper bag. Kumunot ang noo ko at napatingin sa mukha nito. “Ano ba yan?” Sambit ko saka kinuha ang hawak nitong paper bag. “Sorry po hindi ko po alam e, hindi nya po sinabi.” Tugon nito saka umalis na. Nilapag ko an

