4 Years later. “Irene!” Sigaw ng isang babae na nasa di kalayuan, nakangiti ito at kumakaway sa akin habang papalapit. “Beshy! I miss you!” Sabay yakap dito. Halos taon-taon ako kung dalawin ni Andrea dito sa Paris, tinulungan nya ako para makaalis sa bansa at pumunta ng Paris para takasan si Dylan. Simula nang umalis ako ay wala na akong balita pa tungkol sa kanya, maigi narin iyon at mabuti nalang ay hindi na sya nagpumilit pa na hanapin ako, pinagbilinan ko rin si Andrea at Charles na huwag sasabihin dito kung nasaan ako, at iyon na nga ang nangyari. Apat na taon akong nagtago dito sa Paris, akala ko nong una ay hindi ko makakaya dahil sa sobrang pagkamiss ko kay Dylan, may mga pagkakataon ding gusto ko syang tawagan, I want to hear his voice, I really missed him. I sti

