“Okay, I will be there, tomorrow.” Tugon ko habang nakangiti. “I have to go bhesy, ingat ka ha? See you tomorrow!” Sabay baba ng phone, nakaramdam ako ng gutom kaya nagpalit ako ng damit, I wear my puffed shoulder dress, saka bumaba. Naghahanap ako ng malapit na restaurant sa phone habang nasa elevator, naglakad ako sa lobby habang nakatingin sa phone. Natigilan ako sa paglalakad nang may nakita akong nakaharang sa harapan ko, inangat ko ang ulo ko at namilog ang mata ko nang Makita kung sino ang nasa harapan ko. “Troy..” Mahina kong sambit, nakangiti itong nakatingin sa akin. Gaya ng dati ay lumiliwanag ang muka nito kapag nakangiti samahan mo pa ng malalim nyang dimple, tinakpan ko ng palad ko ang bibig at ngumiti dito, “Troy, ikaw nga.” Sambit ko pa. “Kamusta?” Tugon nito, p

