Kinabukasan nga ay mga aligaga na sila sa pag aayos ng kanilang mga gagamitin at mukang excited narin si kuya , Dumating nadin ang kaibigan ni tita madel na syang mag aayos sakin .
Ni hindi ko nakilala ang aking sarili makapal ang make up na nilagay saking mukha meron din false eyelashes nagustuhan ko ang aking ayos dahil nagmuka akong dalaga ..
Dumating ang 7pm oras na para dumako kami sa skwelahan hinatid kami ni tita madel gamit ang kanyang sasakyan at mabilis kami nakarating saamin event , napakaraming estudyante ang dumalo palabas na ko ng sasakyan ni tita ng buksan ni Raven ang pintuan ng sasakyan kung san ako ay pababa na nagulat ako sa pag anyaya nya na hawakan ko ang kanyang kamay nung buksan nya ito natulala ako feeling ko ay panaginip lang lahat ng ito . Sabay kami lumakad papasok habang magkaholding hands tila nagulat ang aking kaibigan na si rachel dahil alam nya na wala ako hilig sa mga gantong kaganapan sa skwelahan pinagtitinginan kami ng lahat pagpasok na pagpasok palang sa stadium . Nakita ko din si. Rina na nakatayo sa bandang harapan at ang mata ay biglang iwas saamin. Mukhang walang paki si Rina at nagpatuloy sa pakikipag usap sa kanyang kaibigan ..
Umupo kami nila kuya sa iisang table na malapit din sa table nila Rina. Nag umpisa na nga ang event marami ang nagpakita ng kanilang mga talento kami ay nanunuod lang inaantay ang Grand ball ..pumunta muna ako sa toilet room ng biglang hinila ako ng isang kamay nagulat ako sa kamay na humawak sakin at dali dali ako pinasok sa toilet ng mga babae .
Rachel: ikaw ha pasabi sabi ka pa wala kang gagamitin at susuotin sa event naten na ito tignan mo nga halos di kita nakilala sa ayos mo ngayon. Akala ko ba magrereview ka lng ?
Ariana: mahabang kwento rachel atsaka hindi talaga ako naghanda ng lahat ng ito si tita madel na mommy ni Raven
Rachel: ang gwapo ni Raven noh kayo ah!!! ang sweet nyo pagpasok nyo nakaholding hands pa kayo buti kapa may partner na e ako ni hindi ko alam kung may mag aaya sakin sumayaw (malungkot na sabi ni Rachel )
Ariana: ano ka ba sa ganda mong yan imposibleng wala mag aya sayo para maisayaw ka mamaya tara na at baka hinahanap nako ni kuya.
Paglabas ko ng toilet ay pabalik nako ng aking upuan ng makita ko si Rina nginitian ko sya pero di nya ako nginitian pabalik at mukang asar ang muka nya sakin . Bakit kaya mukang galit sakin si Rina dahil ba kay Raven ? Kung dahil kay Raven ito bakit hindi sya pumayag ng alukin sya ni Raven upang makapareha sa grand ball na ito , hindi ko nalang masyadong inisip at bumalik nako sa kinauupuan ko pero kakaupo ko palang ng mag announce na simula na ang dance ng ang grand ball napatingala ako sa kamay na nasa harapan ko .
Raven: can I dance my partner ? For this night
Kinilig pero di pinahalata inilapat ko ang kamay ko sa kamay nyang nag hihintay .
Hinawakan ng marahan ni Raven ang aking bewang at ako naman ay nakahawak sa kanyang mga balikat . Sobrang saya ko na hindi ko maipaliwanag dahil ngayon ko lang ulit nakita sa malapitan si Raven hindi kasi ako pwede tumingin palagi sa kanya at baka makalahalata si kuya. Habang ako ay nagmumuni muni sakin isip nagsalita si raven .
Raven: nakatingin na saten si Rina .
Ako naman ay napatingin kung san naroroon si Rina ..
Raven : salamat pala sa pag payag mo makapareha ka ngayon gabi maliban kasi kay Rina ay ikaw lang naisip ko ayain .
Ariana: si kuya jerome wala ba syang partner ngayon ? Nakaupo pdin kasi sa table naten at mukang walang balak makipagsayaw sa iba .
Raven: wala ayaw daw nya makipagsayaw dahil baka maapakan nya ang paa ng babae maisasayaw nya alam mo naman ang kuya mo parehas kaliwa ang paa ?
Tumawa ako sa sinabi nya matatapos na ang tugtog sa sayaw tila napagod si raven sa pagsayaw ako naman ay parang dismayado dahil ang bilis ng mga minutong yon para sakin .
Nakita ko si Raven na nakatingin kay Rina mukang aayain nya rin ito sumayaw pero hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa kanya para gawin ito bakas naman na gusto nya din itong makasayaw .
Nung hanapin ko si Rina ay andun sa stage at may kasayaw na kaklase pababa na sya ng meron ulit mag aya sa kanya. Halos hindi sya mabakante ang dami gusto sya makasayaw .
Hindi alam ni Raven kung bakit ganoon sa kanya si Rina napakagiliw sa iba pero sa kanya ay lagi nalang sya hinihindian neto maalala nya ng kinausap nya ito sa rooftop para ayain maging kapareha neto . Ngunit tumanggi ang babae
Pero eto ngayon halos lahat ng lalaking kaklase na mag aya ay walang isip isip ay tinutugon nya na agad eto ng matatamis na ngiti na hindi man lang nya nakita kapag kausap nya si Rina .
Lumalalim na ang gabi .10 pm na ng matapos ang grand ball dumiretso si ariana sa sasakyan dahil pagod at uwing uwi na , nakita nyang tahimik si Raven ng buong gabing iyon matapos masaksihan si Rina na kasayaw ang halos lahat ng lalaking kaklase nila maging ang ibang section ay halos di magkandamayaw sa kanya ..
Mukang mission failed ang ginawa namin ngayon hayst ?