Monday na ulit at papasok na ulit sa skwelahan hindi mawala sa isipan ni Rina ang mga nanyare sa ball papasok na sya ng room ng bumungad sa kanya ang nakatayong si Raven at parang wala lng ng dumaan sya kaya mas lalong nainis si Rina sa inasal ng lalaki ‘akala ko ba ay gusto nya ko nakahanap lang sya ng bagong biktima at parang hindi sya nagkagusto man lang saakin ‘ batid ni Rina sa kanyang sarili .
Dahil hindi na kaya ni Rina ang mag isip pa minabuti nya kausapin si Raven ,
Rina: maari ka bang makausap kahit saglit lang ?
Raven: sige . Dito ba or sa rooftop uli?
Tipid na sagot ni Raven
Rina: kung san tahimik sana!
Tumungo na ulit sila papunta ng rooftop
Hindi ni Rina alam kung paano uumpisahan ang mga sasabihin ng bumuka ang bibig hindi nya na napigilan sabihin lahat ng nararamdaman nya na syang ikinagulat ni Raven.
Rina: hindi mo na ba ako gusto? Hindi mo ba alam kung anong naramdaman ko ng makita ko kayo ng kapatid ni jerome na magkasama ? Oo aaminin ko kasalanan ko pinipilit kitang layuan mo ko kahit na gusto din naman kita . masisisi mo bako ang taas ng expectation nila mama at papa sakin ng mamatay ang ate ko ako na ang inaasahan nila tutuloy sa mga pangarap ni ate na maabot ko din lahat ng naabot ng ate ko kaya naisip ko hindi ako pwede magkagusto kanino man dahil madidistract lang ako gaya ngayon mula nung sabado di kayo mawala sa isipan ko ano nga bang dapat kong gawin? Halos mapaiyak na sabi ni Rina .
Si Raven ay isang tahimik na lalaki wala ganong imik pero niyakap nya agad ang dalaga at nagsalita rin.
Raven: kaibigan ko lng si ariana (tipid na sagot ni raven at ayaw nya ng magpaliwanag pa)
Kung papayagan mo ko maging nobya ka pinapangako ko sayo hindi ako magiging distraction or hadlang sa mga pangarap mo . Aalagaan kita at di ako mapapagod sayo .
Umiyak si Rina sa mga narinig nya at sinagot nya kaagad si Raven .
Bumaba ng parehas nakangiti ang dalawa at magkahawak ang kanilang kamay . Sumigaw si raven sa sobrang tuwa ipinagmalaki nyang sila na ni Rina.
Raven: (pasigaw) RINA IS NOW MY GIRLFRIEND !
Siniko sya ni Rina na tilang nahihiya.
Tamang tama nasa canteen si ariana ng marinig nya ang pasigaw na kaibigan nakita nya din magkahawak ang kamay ng dalawa wala na sya nagawa kundi ang tanggapin ang nanyari ..
Malungkot ako hanggang saakin pag uwi nakita ko pa si Raven na mukang ihahatid si Rina sa kanilang bahay . Masaya ako para kay raven eto naman tlaga ang gusto nya pero di ko parin maiwasan ang malungkot .
Nasa bahay naako at eto nagmumukmok sa kwarto napatayo si ariana ng my kumatok sa kanyang pinto
Ariana: bakit kuya ano kailangan mo ? Tanong ni ariana
Raven: si Raven to pwede ba ako pumasok saglit.
Ariana: nagtataka naman ako sumagot sige,
(Habang napapaisip kung ano na naman kaya ang kailangan neto di ba dapat si kuya ang unang pupuntahan nya ngayon )
Pagkabukas pa lamang ng pinto ay bumungad ang todo ngiting si Raven. At agad naman nya ako niyakap
Raven: maraming salamat kung hindi dahil sayo hindi marerealize ni Rina na gusto nya rin ako kaya salamat sa pagpayag ah. Balang araw makakabawi rin ako .
Ng makabitaw na ang binata ay agad naman nagsalita si ariana
Ariana: wala yun kung tutuusin nga ay wala naman ako ganong ginawa nung gabing iyon.
Raven: osige pupuntahan ko pa si kuya mo sa kwarto nya basta salamat ulit kung kailangan mo din ang tulong ko andito lang din ako.
Magmula ng naging sila ni Rina lumipas ang mga araw buwan at taon bihira ng mag punta si Raven sa bahay mas madalas na syang andun sa bahay nila Rina o kaya naman sa bahay nila minsan nga ay nadala nya rito si Rina pero d din naman kami komportable sa isat isa kaya ang ending ay umuuwi din ang dalawa.
Busy busyhan naman ako sa pag aaral magmula noon ay talagang nakatutok na ulit ako sa pag aaral ni hindi rin sumagi sa isip ko ang magboyfriend.